CHAPTER
6
( ZELINN IYA YU’s POV )
“Ano pang itinatayo
mo dyan? Umupo ka na.”
Nakatayo lang kasi siya sa bungad ng kusina ni Kevin. “Wala pang laman ang tiyan mo simula
kagabi. It’s already two in the afternoon kaya lumapit ka na dito. Hindi
pinaghihintay ang pagkain.”
Hapon na? At ngayon lang siya nagising?
“Zelinn.”
“Why I’m here?
Naghahalucinate lang ba ko na si Mike ang nakita ko kagabi?”
“Hindi. It’s him.
Nagkataong magkasama kami kagabi.” Humakbang ito palabas ng kusina. “Kumain ka na lang diyan. Mamayang gabi ka
na lang mag-heavy meal. Inumin mo rin ang gamot mo. May pupuntahan lang ako.” Tumalikod
na ito. Humakbang na din siya palapit ng mesa at umupo. Napalingon siya kay
Kevin ng makitang hindi pa ito umaalis.
“Bakit?” tanong niya.
“May sakit ka na pala,
ba’t pumasok ka pa kahapon?”
“Kailangan kong
mabuhay.”
mahinang sabi niya. Saka siya nagsimulang kumain. “Alam kaya ni daddy na may sakit ako
ngayon?” Sarili lang niya ang
kausap niya. Hindi niya namalayang nalakasan pala niya.
“Zelinn.”
Kinagat niya ang labi niya. Ito ang ayaw niya pag may
sakit siya, nagiging emosyonal siya. Kaya nga siguro nag-break down siya
kahapon ng dahil sa nasirang phone niya. Ang phone niya. Ang mommy niya. Ang
daddy niya. Ang sweldo niya. Ang buhay niya. Lahat na lang, nawala sa kaniya.
Napakasama niya bang anak para mangyari ang ganito sa kaniya?
“Aalis na ko.” Nang wala na si Kevin ay saka
lang niya pinakawalan ang luha niya. Na agad naman niyang pinunasan.
“Hindi ako iiyak.
Hindi ako iiyak. Kaya ko ‘to. Matapang ako.” Nagsimula na siyang kumain. Kailangan niyang lumakas.
At kahit soft meal lang ang nakahanda, for the first time in her life, ngayon
lang niya naappreciate ang pagkain na nasa harap niya. Hindi katulad dati na
lagi siyang nagtitira ng pagkain. She sighed.
=
= = = = = = =
Napatingin siya sa suot niyang damit na napansin lang
niya matapos niyang kumain. Long sleeve na color white ang suot niya. Hindi na
niya kailangang tanungin kung kaninong damit ang suot niya. Kumunot ang noo
niya. “Sinong
nagpalit ng damit ko? At nasa’n ang damit ko?”
Humakbang siya papasok ng kwarto. Wala ang damit niya.
Nakita niya ang bag niya. Kinuha niya ang phone niya. Para lang makitang
lasog-lasog na ‘yon. Nakalimutan niyang hinagis niya ‘yon kahapon.
Nang makarinig siya ng doorbell. Lumabas siya ng kwarto
at lumapit sa pintuan. Sinilip niya sa peephole kung sino ang tao. Babae ang
nakita niya. Binuksan niya ang pintuan. Ulo lang ang pinakita niya. “Yes?”
“Yung damit po na
pina-laundry ni Sir Kevin kaninang umaga.” Sa kaniyang damit ang hawak ng babae.
“I’ll just get my
wallet.” Nang
maalala niyang two hundred na lang pala ang nasa wallet niya. Paano ‘to?
“Bayad na po.”
“Hah? Kevin paid
it?”
“Opo.” nakangiting sagot ng babae.
She sighed. “Thank you.” Kinuha niya ang damit niya.
“Sige po.” Umalis na ang babae.
Sinara na niya ang pintuan. Lumapit siya sa sofa at
umupo. Inilapag niya ang damit niya sa center table. Napailing siya. “Ang dami ko
nang utang sa kaniya. Hindi pwede ‘to.” Tatayo na sana siya ng
makaramdam siya ng pagkahilo. Kanina pa kasi siya kilos ng kilos dito matapos
niyang kumain. “Hindi
pwedeng mabinat ako.” Tinatamad na siyang tumayo at bumalik ng
kwarto. Umayos na lang siya ng higa sa sofa. Kasyang-kasya naman siya do’n.
Tumuwid siya ng higa at inilagay ang isang throw pillow sa hita niya. Tumitig
siya sa kisame.
If I were in our house right now,
kikilos lang ako ng kikilos kahit mabinat pa ako. Because I know that someone
would take care of me. But now, it’s different. Wala kong pwedeng asahan kundi
ang sarili ko. Ang sarili ko lang.
Ipinikit na niya ang mga mata niya. Hanggang sa tuluyan
na siyang hilahin ng antok.
=
= = = = = = =
“Zelinn.”
“Hmm...” Naramdaman niyang may tumatapik
sa braso niya. Iminulat niya ang mata niya. Mukha ni Kevin ang nakita niya. At
ang lapit ng mukha nito sa kaniya. Ipinikit niya uli ang mata niya saka
dumilat. Nakaupo na si Kevin sa center table.
“Kumain ka na.”
Anong oras na ba? Napatingin siya sa likuran nito.
Sa wall clock. Eight o’clock na ng gabi. Ang tagal pala niyang nakatulog.
Bumangon siya. Saka lang niya napansin ang kumot na nakabalot sa kaniya. Ayaw
na niyang magtanong kung sinong naglagay no’n sa kaniya. Sino pa ba?
“Uuwi na ko.”
“We’ll talk about it
tomorrow. Kumain ka na. Kargo de konsensya pa kita pag may nangyaring masama
sa’yo. At dito pa sa unit ko.”
Nagpanting ang tenga niya sa sinabi nito. Tiningnan
niya ito ng masama. “So, why did you helped me? Sinabi ko bang tulungan mo
ko? Sinabi ko bang dalhin mo ko dito? Wala naman akong sinabi diba? Ginusto ko
bang mangyari ‘to sakin? Hindi! Akala mo ba natutuwa akong nandito ako? Hindi!”
Humiga uli siya patalikod dito. At nagtalukbong ng kumot. Bakit ba napaka-emotional ko ngayon? This is not me! Hindi ako sanay na
ganito ako! That I feel helpless. And I hate it!
“Kung ayaw mong
kumain. Bahala ka.”
“Talaga!”
“Dapat talaga,
hinayaan na lang kita kagabi. Hindi na nga ko nakapasok ngayon ng dahil sa
pagbabantay sa’yo.”
Hindi siya pumasok dahil sakin? Inalis niya ang kumot sa ulo niya
at nilingon ito. Pero wala na ito sa pwesto nito. Nakita niya itong papasok ng
kwarto nito. At malakas na sinara ang pintuan. Napasimangot siya. Saka lang
siya bumangon. “Hmp!”
Pumunta na siya ng kusina. At nagsimulang kumain.
=
= = = = = = =
Kumunot ang noo niya ng makitang natutulog si Kevin sa
sofa. Katatapos lang niyang kumain. “Bakit nandyan siya? Hmp! Ano naman sakin?” Pumasok
na siya ng kwarto nito. At humiga ng kama. “Hay…” Kinuha niya ang isang unan at niyakap. “I miss this.”
Parusa ang pagtulog niya sa kutson na matigas nung nasa apartment pa siya. “Ang lambot.”
Ngayon lang niya na-appreciate ang malambot na kama. Na kung tutuusin, mas
malambot pa sa hinihigaan niya ngayon ang kama niya sa mansion nila.
“Ngayon lang ‘to.
Because tomorrow, babalik na ko sa apartment na ‘yon.” Pinikit niya ang mga mata niya.
At ninamnam ang malambot na kama at unang yakap niya. Nawala na sa isip niya na
ang unang niyayakap niya ay pag-aari ng mortal enemy niya. She needs to rest.
For tomorrow.
=
= = = = = = =
Kinabukasan.
Tanghali na siya nagising. Gusto sana niyang maligo, kaya
lang kagagaling lang niya sa sakit, kaya naglinis lang siya ng katawan niya.
Isinuot niya uli ang damit niyang nalabhan na kahapon at kinuha ang bag niya.
Paglabas niya ng kwarto, naabutan niya si Kevin na
nakabihis na. Kumunot ang noo niya. Papasok
pa lang siya ng Shahiro? Napalingon ito sa kaniya.
“Aalis na ko.” Huh? Bakit ba siya nagpapaalam pa
dito? Tumalikod na siya.
“You stay here.
Bukas ka na pumasok.”
Napalingon siya dito. “What?” kunot-noong tanong niya.
“Nakalimutan mo ba
yung sinabi ko sa’yo the other day? Fine. Ipapaalala ko.” Humakbang ito palapit sa kaniya. “You are my
fiancĂ©e. And you will live in this place whether you like it or not.”
“Nakalimutan mo rin
siguro ang sagot ko. Fine. Uulitin ko ulit. I will never live in this place.
And you are not my fiancĂ©.”
madiing sabi niya.
“Magaling ka na
nga.”
Humalukipkip ito. “Go. Babalik ka din naman dito.”
“Kung kakaladkarin
mo lang ako pabalik dito.”
“Hindi ko na
kailangang gawin ‘yon. Kusa kang babalik dito.”
“In your dreams,
Kevin.”
Tumalikod na siya.
“Hindi umiikot ang
mundo para sa’yo, Zelinn. Tandaan mo ‘yan.” Narinig pa niyang sinabi nito bago siya tuluyang
makalabas ng unit nito.
Hind na talaga ko babalik dito.
Hinding-hindi na.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^