CHAPTER
5
( ZELINN IYA YU’s POV)
“Zelinn...”
“Mommy... wag mo
kong iwan...” Sinubukan niya itong hawakan. Pero
bakit gano’n? Bakit lumalayo ito sa kaniya? “Mommy... isama ninyo ko...” At
bakit ganito? Bakit parang habol niya ang paghinga niya? “Mommy...” Itinaas niya ang
kamay niya para abutin ito. Hanggang sa unti-unti siyang napapikit. Pero may
naramdaman siyang init mula sa kamay niya. Napangiti siya. “Mommy...”
=
= = = = = = =
“Hmm...” Dahan-dahan niyang idinilat ang
mga mata niya. Kahit parang ayaw nung bumukas. Itataas sana niya ang kanang
kamay niya nang hindi niya magawa ‘yon. Lumingon siya sa kanan niya. May taong
nakayukyok sa gilid ng kinahihigaan niya. At hawak ng taong ‘yon ang kamay
niya.
Hindi na niya nagawang alamin kung sino ang taong ‘yon
dahil unti-unti na naman siyang napapikit. Parang ang bigat-bigat kasi ng
pakiramdam niya ng mga sandaling ‘yon, kaya hinayaan niyang tangayin siya ng
antok.
=
= = = = = = =
“Hmm...” Dahan-dahan niyang idinilat ang
mga mata niya. Hindi pamilyar sa kaniya ang nakikita niya. “Nasa’n ako?” Inilibot niya ang
mata niya sa loob ng kwartong ‘yon. Dahan-dahan siyang bumangon at umupo. Ilang
minuto pa ang lumipas ng mahimasmasan siya.
“Hinimatay nga pala
ako kagabi dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko.” Sinalat niya ang noo niya. Hindi
na siya mainit, pero medyo nahihilo pa rin siya. “Si Mike... nakita ko siya bago ako mawalan
ng malay.” Dahan-dahan siyang umalis sa kama. Lumapit siya at
sumilip sa bintana. Kumunot ang noo niya. “Nasa building pala ko.” At hindi niya alam
kung anong floor.
Lumabas siya ng kwarto. Maluwang na sala ang tumambad
sa kaniya. “Dito
nakatira si Mike?” Sa ayos at laki ng unit na ito, at sa mga gamit
na nakikita niya, mayayaman at may sinasabi lang sa buhay ang kayang tumira
dito. She used to live in a place like this. Kung mayaman naman pala si Mike,
bakit pa ito pumasok bilang waiter sa Shahiro? Ano ‘yon, parehas silang
pinatalsik sa bahay at napilitang magtrabaho para mabuhay?
Pero agad ding kumunot ang noo niya habang inililibot
ang tingin sa paligid niya. This place is
familiar. Bakit parang nakarating na ko dito? Bilang sagot, ay napatutok
ang mata niya sa isang portrait. Iyon ang nag-iisang portrait na nakikita niya.
It was a canvass. At ang lalaking nasa picture ay kilalang-kilala niya. Pero
may kakaiba sa picture na ‘yon. He was smiling. Na once in a bluemoon lang niya
kung makita.
“This place is own
by you.” Kaya
pala pamilyar sa kaniya ang pad na ito. Dahil once in her life, nakarating na
siya dito. At hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na ‘yon. Kahit pilit
niyang sinasabi sa sarili niyang nakalimutan na niya.
-
F L A S H B A C K -
Kararating lang nila sa bar na ‘yon ng mga kaibigan
niya to celebrate their upcoming college graduation, the truth is, pangalawang
bar na itong pinasukan nila ngayong gabi. Kinalabit siya ni Jamie. “Zelinn,
looks who’s here.”
“Come again? Sinong
nandito?”
Sa pamamagitan ng daliri nito, tinuro nito ang nakita
nito. Sinundan niya ‘yon para lang mapakunot ang noo niya. It’s almost 2am. Anong ginagawa ng lalaking ‘yan dito? Marunong pala
siyang mag-enjoy?
“Your hot mortal enemy.” narinig niyang sabi ni Jamie.
Mortal enemy talaga dahil ‘yon ang tingin niya sa lalaking ‘yon na wala ng
ginawa kundi punahin ang mga ginagawa niya kapag may pagkakataong nagkikita
sila.
“He’s my mortal
enemy. Yes. But he’s not hot.” kontra niya sa papuri ni Jamie dito.
“Magpatingin ka na kaya sa doctor.
Ang labo na ng mata mo.”
“Shut up, Jamie.” May crush kasi ito sa lalaking
‘yon. Hindi nga niya alam kung anong nagustuhan ni Jamie do’n. Napailing na
lang siya ng hindi siya makahanap ng sagot. Humarap na siya sa mga kaibigan
niya.
“Wait! Si Stacy ba ‘yong lumapit
sa kaniya? Bakit sila magkasama? Oh my!”
Saglit niyang nilingon ang tinitingnan nito. Tinapik
niya sa balikat si Jamie. “I told you, girl. Just find another guy. Sila kayang
dalawa.” Hindi ‘yon totoo. Gawa-gawa lang niya. Basta ang alam niya,
magkaibigan ang dalawa. Hanggang do’n lang. Kung ang mga ito man o hindi, she
doesn’t even care a less.
Kahit pinsan niya ang Stacy na ‘yon, they were not
close. Highschool siya ng mag-stay ang pamilya nito dito sa Pilipinas. Pero
hindi ‘yon ang dahilan kung bakit hindi sila close. Nasa loob kasi ang kulo nito.
Akala mo kung sinong mabait pag nakaharap sa ibang tao. Pero pag silang dalawa
na lang, lumalabas ang pagkamaldita.
“No way!” At ang mukha ng kaibigan niya,
hindi maipinta.
Kinuha niya ang basong nasa table nila at inabot dito.
Kinuha nito ‘yon. “Cheers for your broken heart, girl!” Pati ang
ibang kaibigan nila, nakisali na rin sa pang-aasar kay Jamie na nakasimangot
na. “And
cheers for our upcoming graduation, girls!”
“Cheers!”
“After six years, ga-graduate na
din ako!” sabi
ng isa.
“After seven years, finally,
ga-graduate na din ako!”
pang-gagaya ng isa.
“Jeez! Mamimiss ako
ng school natin, ah!” Nagtawanan sila.
Just like her, her friends are rich spoiled brat, too.
Pero siya ang reyna sa kanilang lahat. Nagkakila-kilala lang sila sa university
na pinapasukan nila.
Nauwi na sa kasiyahan ang pag-aasaran nila, hanggang sa
nawala na ang atensyon ni Jamie sa lalaking ‘yon. Buti naman. It’s just a waste
of time.
Nag-aya ang mga kaibigan niya na magsayaw sila matapos
ang ilang shots. Nang mapagod ay uminom uli sila. Sayaw ulit. Balik sa table.
Nang bumalik na sila sa dance floor, medyo tipsy na siya. But she can handle
it. Tawa sila ng tawa habang nagsasayaw. I
love this life!
Kasayaw niya si Jamie ng may lalaking sumingit sa gilid
nila. Nagkatinginan sila ni Jamie. They grinned. Humarap sila sa lalaki habang
nagsasayaw.
“Hi girls!”
“Hello, handsome!” bati ni Jamie sa lalaki.
“Wanna have some fun? My place!” malanding sabi nito.
Nagkatinginan sila ni Jamie. At napailing. Inilapit
niya ang katawan sa lalaki. Binulungan niya ito. “Are you sure?” malakas na
tanong niya dito para magkarinigan sila sa kabila ng lakas ng background music.
“Of course!” Iniyakap nito ang kamay sa
beywang niya. Mas lalo pa nitong inilapit ang katawan sa kaniya.
She grinned. Tinapik niya ang pisngi nito kasabay ng...
“Ouch! Holy shit!” Napakalas ito sa kaniya.
Tinapakan niya kasi ng pagkalakas-lakas ang paa nito. She’s wearing her
stilettos. At sa sobrang tulis at haba no’n, kahit nakasapatos pa ang tatapakan
niya, masakit pa rin ‘yon. Lalo na kung full force niyang aapakan ‘yon. Na
siyang ginawa niya.
Nagkatinginan sila ni Jamie. At nag-appear. Niyuko niya
ang lalaki na hawak ang paa nito. “Does it hurt, handsome?” Ang sama ng tingin
nito sa kaniya. Nagkibit-balikat lang siya habang natatawa. “That was fun
by the way!” Iyon lang at tinalikuran na niya ito. “Let’s go,
Jamie! Marami talagang low graded human ang pagala-gala dito!”
“Hey! Zelinn! Girl!”
Napalingon siya sa likuran niya. Saktong paglingon niya
ay nakalapit na sa kaniya ang lalaking inapakan niya. Itinaas na nito ang kamay
nito para sampalin siya o kaya suntukin, basta hindi niya alam dahil napaatras
na lang siya at napapikit. Pero wala siyang naramdamang sakit. Saka lang siya
dumilat. May isa pang lalaking nasa harapan niya. At pigil nito ang kamay ng
lalaking inapakan niya. “Kevin?”
“Step back, Zelinn.” Hindi siya nito nilingon. Hindi
rin siya sumunod sa utos nito.
“At sino kang lalaki ka?” tanong ng lalaking inapakan niya.
“It’s not your
business to know.”
Binitawan nito ang kamay ng lalaki. “Kung ayaw mong lumala pa ‘to. Back off. Now.”
May palapit na kasing bouncer sa kanila. Napilitang umalis ang lalaki. Saka
lang siya nilingon ni Kevin. Hinawakan nito ang braso niya at hinila palayo ng
dance floor. “Another
mess, Zelinn. You love doing mess like this, don’t you?”
Tinaasan niya ito ng kilay. “And you love interfering with my own mess,
Kevin.”
Humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. “Go home.”
“And who are you
para utusan ako?”
Inalis niya ang kamay nito sa braso niya. “I’m still enjoying the night. Wag kang KJ.”
Sabay talikod dito. “Let’s go back to our table, girls!” Na nasa
likuran lang pala niya.
“Are you okay, Zelinn?” tanong ng mga ito ng makaupo
sila.
“Of course! Don’t
mind him. Sanay na ko sa ugali niya.”
Hindi na sila bumalik sa dance floor. Nagpakalunod na
lang sila sa alak. Tutal naman, sakay sila ng van ng isang kaibigan nila. May
driver sila pauwi kaya safe sila. And besides, dederetso pa sila ng condo ng
kaibigan nila after this.
“I’ll just go to the
restroom, girls...”
Tumayo siya ng mapaupo uli siya. Napahagikgik siya. “Oh my... My world is spinning... Can you
feel it, girls?” Nagtawanan ang mga ito. Pati siya. “I can do it.”
Tumayo uli siya.
“Go, Zelinn!” Mga bruha! Chineer pa talaga
siya. Pero dahil lasing na siya, tinawanan lang niya ang mga ito.
“I’m so galing
talaga...”
Pagewang-gewang na lumayo siya sa table nila ng may mabunggo siya. Nakarinig
siya ng nabasag. “Oh... I didn’t mean...” Napahagikgik siya. Umupo pa siya
para pulutin ‘yon. “Ouch!”
“Naku, ma’am! Ako na lang po!”
“I’m sorry...” Napahagikgik na naman siya. Ito
ang sakit niya pag nakainom. Kahit walang nakakatawa, tatawa pa rin siya.
“Ma’am lasing na po ata kayo.”
“I’m not...”
“You are.” Kasabay no’n ay may humila sa
kaniya patayo. Tiningnan niya ang taong ‘yon.
Kumunot ang noo niya. “Kevin again?” Iba ang usapan
kapag ito ang kaharap niya kapag lasing siya, nawawala ang kalasingan niya.
“Ako ng magbabayad
sa nabasag niya.”
Dahil sa narinig niya ay dumeretso siya ng tayo. “I can pay for
it!” Nilagpasan niya ito para kunin ang bag niya sa table nila ng
sumabit ang stilettos niya sa kung saan. Muntik na siyang mangudngod. Pero
hindi nangyari dahil may kamay na pumaikot sa beywang niya.
“Ang tigas ng ulo
mo!” Kasabay
no’n ay tuluyan na siyang binuhat ng taong ‘yon. Ni Kevin.
“Put me down!” Nagpapalag siya.
“Ituloy mo lang ‘yan
ng sumakit pang lalo ang ulo mo.”
“Girls! Help me!” Nang makalapit sila sa table ng
mga kaibigan niya. Na wala ring nagawa dahil tumalikod agad si Kevin ng makuha
ang bag niya. Hanggang sa makarating sila ng parking lot ay hindi siya nito
binaba. Binuksan nito ang kotse nito at ipinasok siya sa loob. “Ano ba—ouch!”
Nauntog pa ang ulo niya. Mas lalong sumakit ang ulo niya, mas lalo pa siyang
nahilo.
“Kasalanan mo ‘yan.”
Nasa driver seat na ito ng lingunin niya. “What’s your
problem ba?”
“Wala.” balewalang sagot nito. Inistart
na nito ang kotse at pinaandar.
“Panira ka talaga sa
buhay ko kahit kailan!”
Hindi ito sumagot. “Kevin!” Sa pagsigaw niyang ‘yon ay napapikit
na lang siya. “Ouch…”
Lalo ng maramdaman niyang may humalukay sa sikmura niya. “Shit...” Isinandal niya ang ulo
niya sa upuan niya.
“Nasusuka ka? Wag
dito, okay. Mahal ‘tong kotse ko.”
“Kaya kong bayaran
‘to.”
“With your father’s
money? Oo naman. Kaya mo talagang bayaran ‘to.”
“Shut up!” sigaw na naman siya. “Shit... ang
ulo ko...” Ayaw na niyang dumilat. Mas gusto na lang niyang matulog.
Pero hindi sa kotse ng lalaking ‘to!
= = =
Napabalikwas siya ng bangon ng bigla siyang makaramdam
ng malamig na malamig. Para lang magulat ng malaman niyang tubig ‘yon mula sa
shower. At nasa restroom siya!
“A cold shower to
wake you up.”
Umalis siya sa tapat ng shower. Nakaupo pa rin siya. At
nakangisi lang si Kevin habang nakasandal at nakatingin sa kaniya.
“How dare you!” Nang marealize niya ang ginawa
nito. “Bwisit
ka!” Hindi pa siya tuluyang nakakatayo ng hilahin niya ang suot
nitong damit. Mukhang hindi nito inaasahan ang gagawin niya kaya tuluyan niya
itong nahila. Pabagsak sa kaniya! Napapikit na lang siya. Naramdaman niya ang
pagsalo ng kung ano sa ulo niya. Pati ang bigat na dumagan sa kaniya, pero
hindi naman gano’n kabigat.
Idinilat niya ang mata niya. Sinalubong siya ng mukha
ni Kevin. Na isang dangkal lang ang layo sa kaniya. Kamay nito ang nasa ilalim
ng ulo niya. Nakatukod ang isang kamay nito sa gilid ng ulo niya. At nasa
mismong tapat sila ng shower. Basang-basa na sila.
“Okay ka lang? May
masakit ba sa’yo?”
Napalunok siya. Nakaramdam siya ng kung ano sa loob ng
dibdib niya. Ngayon lang niya ito nakitang ganyan, na parang nag-aalala ito sa
kaniya. Ngayon lang niya nakita ang emosyon na nakikita niya sa mukha nito. And
it makes her feels uncomfortable. She feels off guard. Lalo na at ramdam niya
ang paghinga nito na tumatama sa mukha niya. Pati ang mukha nitong malapit lang
sa kaniya.
Hindi siya sumagot sa tanong nito. Umiwas lang siya ng
tingin. Hindi niya gusto ang nakikita niya. At nararamdaman niya. Kailan pa ko natameme sa kaniya? Dahil
siguro sa nainom niyang alak kanina.
“Zelinn.”
Hindi pa rin siya sumagot. Ni hindi rin niya ito
tiningnan. She heard him sighed. Naramdaman niyang bumangon ito. Tinulungan din
siya nitong makaupo.
“Ituloy mo na ‘yan
sa pagligo.”
Hindi pa rin siya sumagot.
“Zelinn. Kinakausap
kita.”
Tumalikod lang siya ng upo dito habang nakatapat sa
shower. Narinig na lang niyang nagsara ang pintuan ng restroom. Saka lang niya
pinakawalan ang buntong-hininga niya. Anong
nangyari kanina? Bakit gano’n ang reaksyon ko? Napahawak siya sa dibdib
niya.
= = =
Lumabas siya ng restroom gamit ang bathrobe ni Kevin na
nakita niyang nakasabit sa restroom kanina. Mukha namang bago ‘yon at hindi pa
gamit ng inamoy niya. No choice na siya kanina dahil basa ang damit niya.
Inilibot niya ang tingin niya. Ngayon lang siya nakatapak sa pad ni Kevin. At
ang laki. At isiping lalaki ang nakatira dito, ang linis. Hindi katulad ng
kwarto niyang parang dinaanan ng bagyo minsan.
“Tapos ka na pala.”
Napalingon siya sa likuran niya. Bagong ligo rin ito.
May sarili sigurong restroom ang kwartong nilabasan nito. Umiwas siya ng tingin
dito. Hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang nangyari sa restroom. “I want to go
home.”
“With my robe?
Sure.”
“Kasalanan mo ‘to,
eh.” Lumapit siya sa sofa at isinandal
ang ulo niya. Nahihilo pa rin siya. At inaantok na. Ni walang nagawa ang
pag-idlip niya kanina o ang pagligo niya. Pinikit niya ang mata niya. Iisipin
na lang niyang nasa bahay siya at wala dito sa pad ni Kevin. Iisipin na lang
niyang nakahiga na siya sa malambot niyang kama. Tuluyan na siyang humiga. “Don’t
interrupt me.”
Wala siyang narinig na sagot mula dito. Narinig lang
niyang may nagbukas na pintuan. Bago siya tuluyang makatulog, naramdaman niyang
may mainit na bagay na bumalot sa katawan niya. Hinapit niya ‘yon sa katawan
niya. Kumot ‘yon. At wala na siyang paki kung si Kevin ang nagbigay no’n.
= = =
Dahan-dahan niyang idinilat ang mata niya. “Ang sakit...”
Napahawak siya sa ulo niya. “Yaya Miding!” Walang sumagot sa kaniya. Bakit gano’n? Dapat nasa labas lang siya ng
mga oras na ‘to, ah.
Bumangon siya sa kama para lang ma-realize na wala siya
sa kwarto niya. Nasa ibang kwarto siya. Lumabas siya para malaman kung nasa’n
talaga siya. Natampal niya ang noo niya. “Oo nga pala. Nandito ako sa pad ni Kevin.”
Maliwanag na mula sa labas ng bintana. Napatingin siya sa suot niya, naka-robe
pa rin siya. Bumalik siya kwarto. Nakita
niya ang damit niya sa gilid ng kama. Isinuot niya ‘yon. Hindi dapat ako nagtagal dito. At anong ginagawa ko sa kwartong ‘to? Lumabas
na siya matapos makapagpalit ng damit.
“You’re awake.” Napalingon siya sa gilid niya. Nakita
niya si Kevin. May hawak itong panandok. “Kumain ka muna bago ka umuwi.”
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito at sa tono ng boses
nito. “Uuwi
na ko.” Lumapit ito sa kaniya at hinila siya papasok ng kusina. “Ano ba!”
“Kumain ka.”
“Bakit nasa kwarto
mo na ko?” sa
halip ay tanong niya.
“Ewan ko.” Nagulat pa siya ng sandukan siya
nito ng fried rice. Pati ng bacon. Hindi siya sanay sa ginagawa nito!
“Ano ba!”
“Anong ano ba?” balewalang tanong nito. May
nilapag ito sa gilid ng plato niya. “Inumin mo ‘yan. Para sa hang over mo.”
Lumapit pa ito sa kaniya. Mas lalo siyang nagulat ng hawakan nito ang mukha
niya. Na parang may tinanggal na kung ano. “Okay na.”
Napahawak siya sa dibdib niya. Bigla siyang tumayo. “Tigilan mo na
‘to!” Para ba itong sinasapian kapag nandito ito sa bahay nito?
Dahil mortal enemy ang tingin niya dito, hindi siya sanay sa mga ginagawa nito
ngayon. Kilala niya ito. Insensitive. Pakialamero. Antipatiko. Masungit.
Lahat-lahat na ng masama, nasabi na niya dito. Pero hindi ang ganito!
“What are you
saying?”
nagtatakang tanong nito. Hindi siya sumagot. Lumabas na siya ng kusina at
kinuha ang bag niya. Sinundan siya ni nito. “Zelinn.” Hindi niya ito
pinansin. Nilibot niya ang tingin sa loob ng pad nito bago ito lingunin.
“You’re insane! And
I will never ever go back in this place of yours! Never!” Bago mabilis na lumabas ng unit
nito at iniwang nagtataka ang mukha nito.
Nababaliw na siya! Lalo na ng maalala niya ang
nangyari kagabi. Ang eksena sa restroom. Nang kumutan siya nito. Ang ilipat
siya sa kwarto nito. Ang ipaghanda siya ng pagkain. Ang pagsandukan siya. Ang
asikasuhin siya. Napahawak siya sa pisngi niya. Ang haplusin nito ang mukha
niya.
Kumabog ang dibdib niya. Sunod-sunod na iniling niya
ang ulo niya. It was just because of my
hangover! At pinaglololoko niya lang ako! “From this moment on, kakalimutan ko na
nangyari ‘to. Hindi na ko tatapak sa lugar na ‘to. He’s my mortal enemy. And that
will never change.” madiing sabi niya.
-
E N D O F F L A S H B A C K -
“You’re awake.”
Naputol ang pagbabalik-tanaw niya dahil sa boses na
‘yon. Hindi na niya ito kailangang lingunin.
“Bakit bumangon ka
agad?” Nasa
harap na niya ito. Dinama nito ang noo niya. “Good. Kumain ka na.”
Humakbang siya paatras. Déjà vu. Iyon ang naramdaman niya. Ang pagkakaiba lang, lasing siya
no’n, may sakit siya ngayon.
“Zelinn.” Hinawakan nito ang kamay niya. Na
binawi niya. He sighed. “Yan ka na naman.” sabi nito bago siya iwan. “Sumunod ka na
nga lang.”
Kumalam ang simura niya. Napilitan siyang sumunod dito.
= = =
update! update!
ReplyDelete