Saturday, June 1, 2013

Following Your Heart : Chapter 29



CHAPTER 29
( Shanea’s POV )



“Wag ka na kasing sumama! Magsolo ka na lang!”


“Ayoko nga!”


“Ayoko din!”


“Ayokong walang kasama.”


“Mickey mouse!”


“Aba! Aba! Ano ‘yon? Kung Mickey mouse ako, Jennytot ka naman!”


Iyon ang naabutan niya paglabas niya ng resthouse. Kagigising lang niya at wala siyang naabutang tao sa loob ng reshouse kaya lumabas siya. “Lovers! Huyoo!” Sabay na napalingon sa kaniya sina Jenny at Mike. Nasa’n sina Hiro? Wala rin si Nadine.” tanong niya.


“Umalis sina Hiro at Nadine, Shanea.” sagot ni Jenny.


“Nag-date ata.” dagdag ni Mike.


Siniko ito ni Jenny. “Date ka dyan! Sinamahan lang ni Hiro si Nadine.”


She smiled. “Sa’n sila pumunta?”


“Hindi namin alam, eh.”


“Eh, kayong dalawa? Sa’n kayo pupunta?”


“Mamimili ako ng pasalubong.” Jenny said. “Gusto mong sumama?”


“Hmm... Wag na lang. Baka makaistorbo pa ko sa date ninyo. Ingat kayong dalawa! Enjoy your date!” ngiting-ngiting sabi niya. Humakbang na siya papasok ng resthouse.


“Hindi kami magde-date, Shanea!”


“Kunwari ka pa, Jennytot!”


“Mickeymouse!”


Narinig pa niyang sabi ng dalawa bago siya tuluyang makapasok ng resthouse. Humiga siya sa sofa at niyakap ang throw pillow. “Hindi ko pala natanong kung nasa’n sina Jed at Sofia...” She sighed. “Magkasama kaya silang dalawa?”


Inilawit niya ang ulo niya sa sofa. Pinikit niya ang mga mata niya. Napangiti siya ng maalala niya ang nangyari kagabi. Pero hindi yung part na naligaw siya. Sino bang matutuwang maligaw sa madilim na gubat sa katulad niyang takot sa multo? Pero ang nakakatuwa do’n ay ang hanapin siya ni Jed. At ang...


- F L A S H  B A C K -

“Shanea, okay ka lang?”


“Ba’t ang dungis mo?”


“Ba’t kulang ang tsinelas mo?”


Iyon ang sumalubong sa kaniya pagpasok nila ni Jed ng resthouse. Binaba na siya nito mula sa pagkakasakay sa likuran nito. “Okay lang ako, guys! Promise! Medyo nagpagulong-gulong ng kaunti kaya ang dungis ko.”


“Shanea.” Lumapit sa kaniya si Sofia. “I’m sorry.”


Nginitian niya ito. “I’m really fine, Sofia. Don’t worry. Hindi mo naman kasalanan. Sadyang naligaw lang ako. Ituloy na natin ang pagbo-bonfire natin!”


“I think tomorrow na lang natin ituloy.” Hiro suggested. Napalingon siya dito. Kapapasok lang nito dahil kinausap pa nito ang dalawang lalaking tumulong sa paghahanap sa kanilang dalawa ni Jed kanina.


“Pwede namang ngayon, eh.”


“Tomorrow na lang, Shasha.” Lumapit ito sa kaniya.


“Pero, Hiro...”


“Tomorrow. Ang kulit mo.” Nagulat siya ng buhatin siya nito.


“Uy! Kayo kong maglakad!”


“Weh?” Humakbang na ito paakyat ng hagdan. “Magpahinga ka na lang. At maglinis ng katawan mo. Ang baho mo na.”


“Mabaho ka dyan!”


“Talaga naman, eh.”


Nilingon niya sina Jed. Lalo na si Jed na nakatingin lang sa kanila. “Sorry talaga kung pinag-alala ko kayo. Sorry talaga.” Pero kay Jed siya nakatingin habang sinasabi niya ‘yon. Tumalikod ito.


Jed...


Nang makarating sa kwarto ay binaba na siya ni Hiro sa upuan. Umuklo ito sa harap niya. Nakatingin lang ito sa kaniya, pero wala itong sinabi. At ang kakaiba, seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Hindi na siya nakatiis.


“Hiro.”


He sighed. “Pinag-alala mo ako, alam mo ba ‘yon?”


Nag-peace sign siya. “Sorry.”


“Akala ko kung ano nang nangyari sa’yo.”


“Okay naman ako, ah.”


Pinasadahan siya nito ng tingin. “Magulo ang buhok. Ang dungis. May punit ang damit. Kulang ang tsinelas. Okay na okay nga lang.”


Pinisil niya ang pisngi nito. “Uy... nag-aalala siya. Hindi bagay sa’yo ang serious, Hiro.”


“Shanea.”


Napangiwi siya. Minsan lang siya nitong tawagin sa pangalan niya kaya alam niyang seryoso talaga ito. At ayaw nitong makipag-biruan.


She sighed. “Ang totoo, natakot talaga ko kanina. Takot na takot ako. Akala ko nga, hindi na ko mahahanap. Buti na lang, nahanap ako ni Jed.”  


Niyakap siya nito. “You’re safe now.” Hinaplos nito ang buhok niya.


“Sorry, Hiro.”


Wala itong sinabi. Hindi na rin siya nagsalita. Maya-maya. Humiwalay na ito sa kaniya. “Gutom ka na ba?” Nakangiti na ito.


Sunod-sunod na tumango siya. “Yap. Sobra.”


Ginulo nito ang buhok niya. “Ipagluluto kita. Maligo ka na, hah. Amoy unggoy ka na, eh.”


Sinuntok niya ang braso nito. “Amoy chita ka naman.”


“Hindi ko sasarapan ang lulutuin ko.”


“Ito naman, hindi mabiro. Mas gwapo ka kaya sa chita ng tatlong paligo.”


Natatawang iniwanan siya nito. Pagkalabas na pagkalabas nito ay tumayo siya. Kaya na niyang maglakad. Medyo masakit lang. Napangiti siya. Buti na lang, at hindi ako napilayan. Pero napangiwi naman siya ng makita ang itsura niya. “Sa lahat ng pulubi, ako ang maganda.”


“Sinong nagsabi?”


Napalingon siya sa likuran niya. Nagulat pa siya ng makita ang taong ‘yon sa labas ng pintuan. Nakalimutang isara ni Hiro ang pintuan. “Jed!”


“Ba’t parang nagulat ka?” Tuluyan na itong pumasok.


Sunod-sunod na umiling siya. “Hindi, ah.” Nang maalala niya ang mukha niya ay pinunasan niya ‘yon ng kamay niya. “Ang dumi ko. Maliligo muna ko.”


“Masakit pa ba ang paa mo?”


“Medyo. Pero wala lang ‘to.”


“Magpunas ka na lang ng katawan mo.”


Napahawak siya sa buhok niya. “Pero gusto kong basain ang buhok ko. Ang lagkit na, eh. Baka kutuhin ako nito.” He chuckled. Lumapit ito sa kaniya at binuhat siya. “Jed!” Binuhat siya papasok ng restroom. Binaba siya nito.


“Yumuko ka sa sink.” utos nito.


“Hah?”


“Huhugasan natin ang buhok mo.”


Yumuko nga siya. At binasa naman nito ang buhok niya. At nilagyan ng shampoo. Napangiti siya habang minamasahe nito ang buhok niya. Ang sarap ng feeling. Talaga bang si Jed ang nasa tabi ko? Nilingon niya ito. Napangiti siya. Si Jed nga. May tumulo tuloy na bula sa mata niya. “Aray...”


“Kung sa’n-sa’n kasi tumitingin.” sabi nito bago hugasan ng tubig ang mata niya. Dinamay na nito ang mukha niya.


“M-may nakita akong butiki sa kisame.” pagdadahilan niya.


Binanlawan na nito ang buhok niya.


“Tapos na agad?” wala sa sariling tanong niya.


“Oo. Ilang oras mo bang gustong shampuhin ang buhok mo?”


Umayos siya ng tayo. “Hah? Ano... isang oras. Pwede?”


“Hindi. Where’s your towel?” tanong nito.


“Yung pink sa likuran mo.” Kinuha nito ‘yon. At ipinunas sa mukha at buhok niya. Napangiti na naman siya. “Ang bait mo naman ngayon.”


Kumunot ang noo nito. “So, hindi ako mabait?”


“Hmm... pag nasa mood siguro. Katulad ngayon. Madalas kasi masungit at tahimik ka. Lalo na pagdating sakin. Pag sila Aeroll naman ang kausap mo, okay ka. Pero bakit sakin, iba ka?” dere-deretso niyang sabi. “Bakit nga ba? Talaga bang ayaw mo kong kasama? At nakukulitan ka na sakin? Kaya siguro pumunta ka din ng States no’n noh? Para makalayo ka sa ubod ng kulit na katulad ko.” Nakatingin lang ito sa kaniya. Ni wala itong sinabi. ”Yan ka na naman. Ang tahimik mo na naman. Ba’t ayaw mong magsalita?”


“Shanea.”


“Ano? Makikinig ako. Bilis! Kwento na! Ang—” Dumilim ang paligid niya. Hindi dahil nag-brown-out. Tinanggal niya ang towel na tinalukbong ni Jed sa mukha niya. “Jed naman, eh.” Tumawa lang ito ng mahina. Napangiti na lang siya. “Sige na nga. Hindi na ko mangungulit. Immune naman na ako sa kasungitan mo at sa pandededma mo sa mga tinatanong ko. Basta lagi kong maririnig ang tawa mo na once in a blue moon ko lang ata marinig. Deal?”


“Wag mo kong isama sa kalokohan mo.” Pero nakangiti pa rin ito.


“Kalokohan ba ‘yon? Hindi ko nga alam ang salitang kalokohan, eh.”


“Oo. And we don’t need that deal. Kung immune ka sa kasungitan ko, immune naman ako sa kakulitan mo.”


“Pero bakit sinasaway mo pa rin ako?”


Nagkibit balikat lang ito. “Ang kulit mo, eh.”


“Ngek! Immune daw? Hindi naman.”


“Ituloy mo na nga sa pagligo ‘yan.”


“Ngek! Binasa ko pa ‘tong buhok ko.”


Napakamot ito ng batok na parang naguguluhan. “Maligo ka na nga lang.” Lumabas na ito ng restroom.


Humarap siya sa salamin. “Ang gulo talaga niya.” Napahawak siya sa buhok niya. “Okay lang. Shinampuhan naman niya ang buhok ko.” Napangiti pa rin siya bago nagsimulang naligo.


* * * * * * * *


“Nandito ka pa?” Paglabas niya ng restroom ay nasa loob pa rin ng kwarto si Jed.


Kumunot ang noo nito. “Anong klaseng tanong ‘yan?” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Bago umiwas ng tingin.


Napatingin siya sa suot niya. Naka-bathrobe lang siya na pink na hanggang kalahati ng hita niya. At wala siyang suot na kahit na ano sa loob ng bathrobe niya. “Ah, ano.. magbibihis lang ako.”


Tumalikod agad ito ng upo.


Kumuha naman agad siya ng damit niya at pumasok ng restroom at nagbihis. “Ano ka ba naman, Shanea. Kahit kailan ka talaga.” Huminga siya ng malalim bago lumabas ng restroom. Nakatalikod pa rin ng upo si Jed. Saka lang niya napansin ang tray ng pagkain na nasa side table ng kama. “Si Hiro ba ang nagdala niyan?” tanong niya.


Napalingon ito sa kaniya. “Yes.”


Lumapit siya sa kama at umupo sa ibabaw no’n. “Ang bilis niyang magluto, ah. Alam siguro niyang napakadami kong gutom. ” Kinuha niya ang tray. “Ang bango naman.” Nilingon niya si Jed. “Hindi ka pa kumakain diba?”


“Busog pa ko.”


“Weh? Busog daw?” Hinila niya ito paupo sa kama. Sa tabi niya.


“Shanea. Busog nga—” May umepal na tunog.


“Busog daw, oh.” natatawang sabi niya. “Eh, ano ‘yon?”


Umiwas ito ng tingin bago umayos ng pagkakaupo sa kama. Sumandal ito sa headboard ng kama. “Uunahin ko ba ang pagkain ko bago kita hanapin?”


Lumundag ang puso niya sa sinabi nito. Nilingon niya ito. “Thank you, Jed.” Sumandok siya sa kutsara niya at iniumang sa bibig nito. “Thank you gift ko. Say ah...”


Iniwas nito ang mukha nito. “You don’t need to thank me. Ginawa ko ‘yon dahil nag-alala ako sa’yo.”


Jed... Tinutok niya ang mata niya sa pagkain. Bakit ganito? Bakit ang saya-saya ko ngayon? Ngayon lang niya sinabi ng harap-harapan na nag-alala siya sakin. At ang saya-saya sa pakiramdam. Parang gusto kong mag-tumbling. “Nag-alala ka sakin.” ulit niya sa sinabi nito. Nilingon niya ulit ito. Inilapit niya ulit ang kutsara sa bibig nito. “Hindi ‘to thank you gift. Ano lang... ano... basta! Isubo mo na lang.”


Hindi pa rin ito kumikilos.


“Jed.”


He sighed. Sinubo nito ang laman ng kutsara.


“Masarap ba?” tanong niya. Sumubo din siya. “Ang sarap nga. Basta talaga si Hiro, napapadami pang lalo ang kinakain ko.”


“Masarap din naman akong magluto.” Narinig niyang sabi nito. Nilingon niya ito.


“Talaga? Ipagluto mo nga ako. Hindi pa nga ako nakakatikim ng luto mo, eh.”


Kumunot ang noo nito. “Madalas kitang ipagluto nung highshool ka at  college ka dahil na rin sa pangungulit mo. Nakalimutan mo na ‘yon?”


“Oo.”


Mas lalong kumunot ang noo nito. “Nakalimutan mo na ‘yon?” ulit nitong tanong na may diin.


Nag-peace sign siya. “Joke lang! Nakalimutan ko lang yung lasa. Ang tagal na rin, eh.” Tumingala siya sa kisame. “Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang, kakaalis mo lang. Tapos ngayon, nandito ka na ulit.” Tiningnan niya ito. “Aalis ka ba ulit?”


Humalukipkip ito. “May dapat pa kong tapusin dito.”


“So, aalis ka nga?” Bakit parang nalungkot siya ng malamang may possibility na umalis uli ito. Aalis na naman ito.


“Depende.”


“Depende saan?”


“Depende sa mangyayari.”


“Mangyayari saan?”


“Kumain ka na lang.”


Tiningnan niya ang plato niya. “Wala na kong gana.” Sana hindi na lang ako nagtanong kung aalis din siya nang hindi ako nagkakaganito.


“Shanea.”


“Ayoko na.” Ayoko nang mangyaring bumalik kami sa dati, tapos isang araw, bigla na lang niyang sasabihing aalis siya. Uli.


“Shanea.”


“Ayoko na talaga.” Ayoko na talagang masaktan uli.


“Hindi ako aalis.”


Bigla siyang napalingon dito. “Hah?”


Ngumiti ito. “I’m just kidding.”


Napakamot siya ng noo. “Ano ba talaga?”


“I’m just kidding ng sabihin kong may balak akong umalis uli. I’m staying here for good.”


“Talaga?” Unti-unti ring bumalik ang sigla niya. “Talagang-talagang-talaga?”


“Oo nga. Bakit ganyan ang reaksyon mo?”


“I’m just happy. Ayoko lang kasing iwan ako ng mga taong malalapit sakin. Katulad nila mama at papa. Iniwan nila ko. Katulad mo. Pero okay lang ‘yon, bumalik ka naman, eh. At hindi ka na aalis uli. Wala ng bawian ‘yan, ah.”


“Shanea.” Nagulat siya ng hilahin nito ang kamay niya at yakapin siya.


“Jed.”


“I’m sorry.” Humigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya.


“Para sa’n?”


She heard him sighed. “For leaving you.”


Jed...

 - E N D  O F  F L A S H  B A C K -


“Anong ngini-ngiti mo dyan?”


Napakurap siya sa boses na ‘yon. Mas lalo sa nakita niya. “Jed!” Kumunot ang noo niya. “Ba’t nakabaligtad ka?”


“Ulo mo ang nakabaligtad.”


“Hah?” Oo nga pala. Nakalawit ang ulo siya sa sofa habang nakahiga siya.  Bumangon siya at umupo. Niyakap niya ang tuhod niya. Nginitian niya ito. “Goodmorning, Jed.”


Tiningnan nito ang relo nito. “Tinanghali ka ata ng gising.”


“Masarap kasing matulog. Ang lamig, eh.” Tiningnan niya ang wall clock. “Ten am pa lang naman. Sa’n ka galing? Akala ko, iniwan ninyo na ko at naglakwatsa na kayo. Si Hiro at Nadine, umalis daw. Si Jenny at Mike, kakaalis lang. Akala ko, umalis din kayo ni Sofia.” Sabay tutok ng mga mata niya sa paa niya.


“Hindi ko siya kasama. I think nasa kwarto pa siya at natutulog. May binili lang ako.”


Saka lang niya napansin ang plastic bag na hawak nito. “New phone?” tanong niya.


“Yes.”


Mabilis siyang umakyat ng kwarto niya.


“Shanea, bakit?” Narinig pa niyang tanong nito.


Pumasok siya sa kwarto niya at kinuha ang phone niya. Naabutan pa niya sa labas ng kwarto si Jed. “Anong number mo?” nakangiting tanong niya.


Kumunot ang noo nito. Maya-maya ay napailing. “Akala ko kung ano na at bigla kang tumakbo.” Tinalikuran siya nito at bumaba ng hagdan.


“Jed! Yung number mo?” Sinundan niya ito.


“Ayoko.”


“Damot!” Pero napangiti pa rin siya habang sinusundan at kinukulit ito.


Just like the old days.

* * *


2 comments:

  1. pls more UD pa miss aiesha.. hehhehe
    kiligmuch ky jed.. ^.^

    ReplyDelete
  2. Ang kulit talaga ni Shanea at (parang) may something na si Jed kay Shanea.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^