Saturday, June 1, 2013

Mahal Kita, Sir! [One-shot]

L.K.'s Note : Waaah. Sorry po sa pagiging inactive! Magpo-post na ako ng series soon. Yay. Haha. One-shot ulit. Sorry if you'll find this absurd. Mehehe.


MAHAL KITA, SIR!!





**
"Oh my gosh, Chloe. Pwede na akong mamatay! Howmaygaaaassshhhh." I pretended to faint in my best friend's arms. Siyempre, kiyeme lang 'yung paghihimatay ko. Eh sino ba namang hindi kikiligin kapag binanggit ng crush mo 'yung pangalan mo? At naka-microphone pa, sa lahat ng senior students. Kilig na talagang tagos hanggang kaluluwa ang inabot ko! >///////<
"Hello Emm? Asa ka. Nangarap ka pa ng gising. Feelingera nito." =________= Panira talaga 'tong best friend ko! Bitter kasi! Hahaha! Ako, may crush life, siya wala.
"Nakakakilig kaya nung binanggit niya 'yung pangalan ko, ehem, sa student body pa! Sabi niya, 'Please welcome, the fifth honorable mention, Emerald Maximiliane Cortez!' Magpapa-lechon na ako mamaya sa bahay. Hihihi~"
"Ambisyosa. Malamang sa malamang, Emm, babanggitin niya 'yung pangalan mo kasi siya 'yung MC sa graduation natin! Asa ka naman! EMMbisyosa!" Panira 'tong best friend ko, as usual. Ugh. Masama ba naman kasing mangarap? Eh hindi naman. Eh sa totoo namang babanggitin niya 'yung pangalan ko sa graduation, 'yun nga lang, part ng graduation rites kaya niya babanggitin. =______=
Graduating students na kami. Katatapos lang ng first practice namin para sa graduation.
Kasali kasi ako sa over-all top ten. Fifth honorable mention lang, pero pwede na 'yun. 'Yun lang ang nakayanan ko eh.
Lahat ng kasali sa top ten ay may introduction like "The fifth honorable mention, who is called Emm by her friends, is blahblahblah. She was born on blahblahblah. Her parents are blahblah. Please welcome, the fifth honorable mention, Emerald Maximiliane Cortez!". Then pagkatapos ng introduction, aakyat na sa stage para sabitan ng medal.
Dalawa ang MC sa graduation namin.. Si Ma'am Alison at Sir Xander. Salitan sila sa introduction, at luckily, si Sir Xander ang mag-iintroduce sa akin. At 'yun ang dahilan kung bakit tinawag akong feelingera ng best friend kong si Chloe. Haha. Masama bang magfeeling? Totoo namang babanggitin niya 'yung pangalan ko nang naka-microphone sa harap ng mga estudyante ah! Hihihi. <3
Si Sir Xander ay isang english teacher sa Juniors.
Naaalala ko pa dati, naglalakad ako papasok ng school then may naglalakad na teacher na nauuna sa akin. Hindi ko lang siya pinapansin. Hanggang sa araw-araw ko nang nakikita 'yung teacher na nauunang naglalakad sa akin papuntang school. Hindi ko masyadong nakikita 'yung mukha niya kasi sa main gate siya dumadaan, kaya nagkakahiwalay kami.
Sa school, may crush akong teacher. Si Sir Xander, fresh graduate, kaka-twenty years old lang last November. Ang dami ngang nagkakagusto dun eh. Gwapo naman kasi, hindi maipagkakaila. Ako si sabay-uso, naging crush ko na rin. Ajigi~ :")
Luckily, isang araw ay nakita ko na rin 'yung mukha nung teacher na nakakasabay ko tuwing papasok ako sa umaga. Surprisingly, si Sir Xander pala 'yun. Nakatira pala siya sa bahay sa tapat ng bahay namin. Hindi naman kasi ako pala-labas ng bahay kaya hindi ko alam.
Ang saya-saya ko nang malaman kong kapitbahay ko siya. Crush ko eh, haha!
"Sige. Uuwi na ako, Emm. Andiyan na 'yung service ko eh. Bye! Labyou bespren!" Nandito kasi kami ngayon ni Chloe sa malapit sa gate, nag-aabang ng sundo dahil uwian na.
"Sige. Bye Chloe!" Naupo na lang ako sa bench malapit kay manong guard. Usually ay naglalakad ako, kaya lang ay susunduin ako ngayon ni Mommy. May dinner daw kasi kami, parang advance celebration na rin sa graduation ko. Ngayon lang kasi ang day-off niya sa banko.
Mommy-daughter date lang kami. Engineer kasi si Daddy sa Abu Dhabi. 'Yung little brother ko ay naiwan sa yaya niya. Di pa naman marunong kumain sa isang fancy restaurant 'yun. -__-
"Hi Emerald."
Nanlaki ang mga mata ko, then inayos ko ang upo ko. Si Sir Xander, tinabihan ako.
"H-Hi sir."
"Tatanungin sana kita about some things para dun sa introduction mo. Ako ang na-assign sa write-up mo eh. Pwede ba kitang matanong about few things?"
"S-Sige po, si--sir." Nilabas naman ni sir 'yung memo pad at ballpen niya. Nakakahiya, nauutal ako sa sobrang kaba.
"Anong tawag sayo ng mga kaibigan mo?"
"Emm po."
''To naman. Wala naman ng classes. Drop the 'po'. Tatlong na taon lang tanda ko sayo." Tumawa si Sir. Ehem~ Kinikilig ako! Alam niyang 17 years old pa lang ako! Haha! "So Emm, describe yourself in one word. Or saan mo maihahalintulad ang sarili mo."
>_____< Tinawag niya akong Emm! Does that mean we're now friends? Kasi nga, friends ko lang ang tumatawag sa akin ng 'Emm'.
"A star."
"Bakit? Of all things, bakit star?"
"Isa akong maliit na star. Common lang, pero masasabi kong nakakapagbigay rin ako ng liwanag. Just like in life, typical na tao lang ako, pero alam kong nakakatulong ako sa iba in my own little ways." And I think I just saw a smile on a Xander Eugenio's face while writing what I've said.
"Pwede na ba 'yun Sir?" Natatawang sagot ko. Nahihiya ako. Parang napakalalim naman nung isinagot ko. Natawa kasi siya eh. -___-
"Yeah. Super. Ang lalim kasi. Haha."
"May tanong pa ba sir?"
"Oo. Pero hindi na 'to kasali sa write-up about you."
"Sure. Shoot."
"Sinong crush mo?" Natatawang tanong niya, na parang pabiro.
>_______< Kailangan ba talagang tatanungin niya 'yan?! Hindi naman sa hindi ko kayang sabihin, pero takot ako sa ire-react niya. Ayoko namang magsinungaling. Siya lang naman ang crush ko eh, wala nang iba. T.T Hindi kaya ako magaling magsinungaling. Sanay ako sa pagiging honest noh. Nangungumpisal pa kaya ako every week. Haha.
"Ikaw." Sagot ko, nang natatawa. "Totoo 'yun, sir! Ang gwapo mo kaya. Mga classmates ko nga, hindi nag-aaral kasi 'yang mukha mo ang pinag-aaralan nila kapag nakikita ka nila sa campus. Pero iba ako ha. Crush kita kasi ang galing mong mag-english. Hahaha! Nakaka-turn on!"
Okay.. Umaasa na akong iiyak ako pagkatapos nitong confession ko! Kasi naman! Biglang natahimik si Sir at umiwas ng tingin. >.<
"Haha. Thanks, Emm." Then ngumiti siya and I think my heart just melted. Waaah! Tanggap niya ang feelings ko for him. >____< I expected na magwa-walk out siya kapag sasabihin ko kung sino, pero hindi. Labag naman kasi sa rules ng teachers ang ganito. -__-
Bigla namang may bumisinang sasakyan, natigil tuloy kami ni Sir sa pag-uusap.
"Ay sir! Andiyan na pala si Mommy. Gusto mong makilala?" Tumayo ako at hinila ko si Sir. "Mommy! Si Sir Xander. Gwapo noh?"
"Hehe. Hi po, Tita Cel."
"Hello Emm, Hello Andy." O.o Magkakilala sila?! At may nickname pa si Mommy kay Sir Xander! Ito namang si Sir, tini-tita na lang niya ang mommy ko. Hanep! "Emm, baka hindi mo alam, si Andy ang neighbor natin sa subdivision kaya magkakilala kami. Halika na Andy. Sabay ka sa'min ni Emm na magdinner."
Tinignan ko si Sir. Malamang, mahihiya 'to. Ako rin, nahihiya sa pinagsasabi ng nanay ko. Teacher 'yan, aayain niyang magdinner?
"No negations, Andy. Emm, buksan mo ang pintuan sa bakcseat for Andy." Sir Xander had no choice kundi pumasok na lang sa loob ng kotse, at katabi ako. Mehehe. Thanks mommeh. :3
I'll think of this dinner as a date.
++++++++++++++++++++++++++++++++++
"Chloe! Bakit ganito?!" Bulong ko kay Chloe, na nasa harapan ko.
Nakapila kami dito sa red carpet, awarding na kasi ng top 10. At ang ikinagulat ko, hindi si Sir Xander ang MC na kasama ni Ma'am Alison. Walang Xander na magbabanggit ng pangalan ko sa introduction. T.T 
Kung bakit naman kasi ngayon pa siya nawala. Ang saklap naman. Tapos wala rin siya dun sa seats para sa faculty and staffs. No sign of a Xander Eugenio at all.
"Sshh. Huwag ka nang maingay, Emm. Maya ka na mag-emote." Pasimpleng bulong ni Chloe. Ayun, natahimik din ako. Nakakahiya naman kung mag-eemote ako dito pa sa gitna. No way.
Umakyat ako ng stage at kinuha ang medal ko nang naka-poker face. Oo nga't 'yung introduction ko ay mula dun sa interview sa akin ni Sir Xander, kaya lang ay iba naman 'yung nagsalita. Eh isinama ko pa nga 'yung pinsan ko para sana ipa-video ko sa kaniya yung pagsasalita ni Sir, pero wala naman pala siya.
The graduation passed in a blur. Maraming nag-iyakan, kasama ako. Tears of joy dahil graduate na kami, nakaraos na. Nalulungkot din kami dahil magkakahiwalay na kaming magkakaklase ng mga landas. Baka may mga hindi makapagcollege, may mga mangingibang-bansa naman, at karamihan ay iba-iba ang papasukang university.
"Congratulations, anak." Bati sa akin ni mommy sabay yakap.
Sayang lang at wala ngayon si Daddy. Hindi pa kasi tapos ang contract niya at sa May pa ang bakasyon niya.
"Oh, gift namin sa iyo ng Daddy mo. Alam ko namang noon mo pa gustong magkaroon ng ganiyan." Inabot ni Mommy sa akin 'yung paperbag, so kinuha ko naman. Halos buhatin ko na si Mommy sa sobrang tuwa. I've always wanted a DSLR, at ngayon ay meron na. Finally.
  
"And here's another gift. From Andy."
O.o Andy? Xander?
Kinuha ko 'yung maliit na box, at binuksan. Nagulat ako kasi isang pink na rubber shoe ang laman nung box. Wala itong kapares (kaya nga SHOE eh. Haha.), tapos pambata. Halata pang luma na.
Parang may naalala naman ako bigla.
"Father, pwede po ba akong mangumpisal?" Tanong ng batang si Emm, habang nakaluhod sa gilid ng confession box. Natutunan kasi niya sa Christian Living class nila na sa pamamagitan ng pangungumpisal ay napapatawad ang mga kasalanan ng tao.
Linggo ngayon, hindi pa nagsisimula ang misa. Hinayaan lang si Emm ng mommy niya na maglakad-lakad. Hindi naman siya makakalayo eh.
"Anong pangalan mo?" Tanong ng isang bata sa loob ng confession box. Tila hindi naman nagtaka si Emm kung bakit boses ng isang bata ang kumausap sa kaniya. Excited kasi siyang mangumpisal. Hindi niya alam na hindi pala pari 'yung nagsalita.
"Emerald Maximiliane po. Emm na lang."
"Ano ba ang mga kasalanan mo?"
"Kasi po sinigawan ko si mommy. Pinipilit niya po kasi akong maging accountant paglaki ko. Eh ayoko ng ganun. Gusto kong maging artista." Sambit ni Emm.
"Ako nga pala si Andy." Natawa si Andy nang sabihin ni Emm na gusto niyang mag-artista. "Eh bakit ako, na-stroke 'yung mommy kong teacher. Hindi na siya teacher kaya gusto kong ituloy 'yung trabaho niya paglaki ko. Eh ang gusto ko naman talaga, maging businessman tulad ng daddy ko."
Nagulat si Emm nang biglang lumabas 'yung nagsasalita sa confession box. Nagulat siya kasi isang bata lang din na ilang taon ang tanda sa kaniya ang lumabas sa confession box.
Tumakbo si Emm at napatid. Naalis ang sapatos niya sa kaliwang paa, pero hindi na niya ito kinuha. Nagulat kasi siya, at nahiya sa sinabi niya kaya siya tumakbo palayo.
Tignan niyo nga naman. Ang bata-bata pa, marunong nang mahiya. Hahaha.
"Teka lang, Emm! Sapatos mo." Sigaw ng batang si Andy, ngunit hindi na siya pinansin ni Emm dahil tuluyan na itong pumunta sa mommy niya.
"Hahanapin ko 'yun. Ibabalik ko sa kaniya 'yung sapatos niya. Hmp. Kung bakit kasi ayaw pa akong lapitan ngayon. Eh di maghihintay pa ako ng ilang taon, tapos hahanapin ko pa siya." Sabi ni Andy sa sarili niya.
**
"He.. He made it. He returned my shoe." Waaaah! Siya 'yung inakala kong pari noong 6 years old pa lang ako! Nagulat ako kasi hindi pala pari 'yung kausap ko kaya ako tumakbo palayo. At kapag minamalas, maluwag 'yung sintas ng sapatos ko kaya naalis nang tumakbo ako.
Si Andy.. Siya si SIR XANDER?!
Kaya pala siya nagteacher... Kasi na-stroke 'yung nanay niya at gusto niyang ituloy 'yung trabaho ng nanay niya.
May nakita akong sulat sa gilid ng box, kaya kinuha ko naman.
Hey Cinderella. After ten years, naibalik ko na ang sapatos mo. Haha! Kidding.
Alam mo bang naaasiwa ako sa tuwing tinatawag mo akong Sir? Haha!
Nagtataka ka siguro kung bakit wala ako sa graduation mo. Nagresign kasi ako, Emm. Hindi na ulit ako magtuturo. Mag-aaral ulit ako--sa America nga lang. Pamumunuan ko na kasi 'yung business ni Daddy. At isa pa, ayokong ma-issue dahil sa student-teacher relationship! Hahaha! Ayoko namang ligawan ka while I'm teaching so I resigned. Ayokong ligawan ang isang estudyante.
Namatay na 'yung mommy ko last year, pero tinuloy ko pa rin yung promise ko sa kaniyang magiging isang teacher ako, tulad niya. Salamat sa promise na 'yun at nahanap kita. Akalain mo 'yun? Magkapit-bahay pa tayo?
Alam mo bang natuwa ako nang sabihin mong crush mo'ko? For the past ten years kasi, hindi ako tumingin sa iba. Ikaw lang ang iniisip ko palagi.
Hindi mo na ako 'sir' ngayon. Baka pwede na akong manligaw?
Mahal na mahal kita, Emm.
Ang daya rin nito eh! Magtatanong kung pwedeng manligaw tapos aalis naman pala papuntang America?! Hindi naman yata pwede 'yun. T.T
"Ang daya niya ma. Iiwan din naman niya ako eh."
"Sinong nagsabing iiwan kita?"
Napalingon ako sa nagsalita. Si.. Si Sir--Si Xander, may buhat na box.
"Kaka-resign ko lang, Emm. Ito nga mga gamit ko oh. Hindi pa ako aalis." Ngumiti siya, na parang sinasabi niyang 'Andito lang ako para sayo.'. Shete. Ang bilis ng tibok ng puso ko! "I'll be leaving on July. Hindi pa ngayon dahil hindi pa start ng classes doon. Wala pa akong rason para magstay do'n."
Binaba nIya ang hawak niyang box, at saka ako nilapitan.
Gahd. My heart's racing.
Yayakapin na sana niya ako pero umatras ako ng dalawang hakbang. "Huwag dito SIR. Eskwelahan 'to."
Ngumiti siya nang nakakaloko. "Oh sige, mamaya!"
"Pero Andy." There, I said it! Natawag ko siya ng walang 'sir'! "Mahal din kita."
"Seems like may something ha!" 'To namang si mommy. -___- Malisyosa. Haha. "Come on. Kukuhanan ko kayo ng picture. Give me your SLR, honey."
Inabot ko naman kay mommy 'yung DSLR na niregalo nila sa akin. Aba, sosyal. Regalo sa akin pero siya pa ang unang gumamit.
Tabi lang kami ni Xander, no skinship.
Naka-peace sign ako at nakahawak dun sa box na ang laman ay yung missing shoe ko, samantalang siya naman ang may hawak ng diploma ko. Hindi naman niya ako pwedeng akbayan or hawakan sa kamay kasi nasa school pa rin kami. Alam niyo naman ang ibang tao, maraming wild imaginings. Mahirap na, baka maiba pa ang tingin nila kay Xander.
"1, 2, 3. Smile!"
And tada, I have my first ever photo with the one I love on my first ever SLR.
 Ten years is worth the wait.
'Nangumpisal' ako sa kaniya ten years ago.
And I guess we'll both confess our love for each other in front of God after the next ten years.
**


L.K.'s Note : Hindi naman labag sa code of ethics 'to di ba? Haha. 
Code of Ethics for teachers. Article VIII. Section 7. In a situation where mutual attraction and subsequent love develop between teacher and learner, the teacher shall exercise utmost professional discretion to avoid scandal, gossip and preferential treatment of the learner.
I would like to make it clear. EMM WAS NEVER A STUDENT OF XANDER. And he has officially resigned, and has no plans of being a teacher again, hence, their relationship isn't immoral.
(Nagpapaka-defensive si author. Hahaha)
Any feedbacks, guise? Haha.



1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^