CHAPTER 27
( Shanea’s POV )
Nakauwi na sila sa resthouse pero
hindi pa rin niya malapitan si Jed. Atat na atat na siyang kausapin ito dahil
sa nabasa niyang text nito kanina. Pero paano niya ito malalapitan kung lagi
nitong kasama ni Sofia?
Hapon
na sila nakauwi mula sa pamamasyal. Umakyat siya sa kwarto nila. Tatlo ang
kwarto sa resthouse. Sila nina Nadine at Jenny ang share. Sina Hiro, Jed at
Mike. At ang isa ay kay Sofia.
Bubuksan
na sana niya ang kwarto nila ng magbukas ang pintuan ng kabilang kwarto.
Lumabas do’n si Jed. Anong ginagawa niya
sa kwarto ni Sofia? Sabay na umakyat ang dalawa kanina. Anong ginawa niya do’n? Mapapalingon na
sana ito sa kaniya ng buksan niya ang kwarto niya at mabilis na pumasok sa loob.
Hawak niya ang dibdib niya ng mapasandal siya sa pintuan.
Bakit ba ako nagtago? Ano
naman kung makita niya ko? Gusto ko nga siyang makausap diba? Parang
gusto niyang kaltukan ang sarili niya.
Eh, kasi naman. Ano bang ginawa niya sa kwarto ni Sofia?
Nanlalatang
umupo siya sa sahig.
Nagtanong pa ko. Sila nga
diba? Ano namang paki ko kung do’n siya nanggaling? Huminga
siya ng malalim. Pero bakit ganito?
Napahawak siya sa dibdib niya. Hindi
pwede ‘tong nararamdaman ko ngayon. Ganito rin yung naramdaman ko ng makita ko
sila kanina sa garden na magkatabi habang nakasandal si Sofia sa balikat ni
Jed. Hindi ko dapat maramdaman ‘to.
Pinitik
ko ng malakas ang noo ko. Aray!
Buti ‘yan ng magising ka.
Naka-get-over ka na sa feelings mo kay, Jed. Matagal na matagal na. Kaya kung
ano man ‘yang nararamdaman mo. Wala lang ‘yan. (inner self)
“Tama. Wala
lang ‘to.”
Pero
bakit parang ayaw sumang-ayon ng puso niya?
* * * * * * * *
Pag-baba
niya sa sala, hindi niya mahagilap ang mga kasama niya. Lumabas siya. And
there, she saw them. Busy ang mga ito. Oo nga pala. Magbo-bonfire sila maya-maya.
Palubog na ang araw ng tingnan niya.
“Shasha!”
Lumapit
siya kay Hiro. “Tinawag
mo ba ko?”
“Ay, hindi.
Sila ang tumawag sa’yo.”
Napangiti
siya. “Wala
ba kayong pagod?”
“Ikaw?
Napagod ka ba?”
Umiling
siya. “Hind,
eh.”
“Gusto mong
mapagod?”
“Ayaw. Eh,
ikaw gusto mo?”
“Ayaw din.”
Napalingon
siya sa mga kasama niya. “Where’s Mike?” Wala rin si Jed.
“Nandyan
lang sa tabi-tabi.”
“Saang
tabi?” Lumingon siya. “Wala naman, ah.”
Pinisil
nito ang ilong niya. “Kumuha lang sila ng kahoy ni Jed dyan sa malapit.”
“Sa gubat?”
Mapuno kasi, eh.
Lumingon
ito sa tinitingnan niya. “Yap.”
“Wala bang
multo dyan?”
“Mero’n.”
mahinang sabi nito sa nakakatakot na boses.
Pinalo
niya ang braso nito. “Wag mo nga kong takutin! Ikaw ang takutin ko dyan, eh!”
“Weh? Di
naman ako takot.”
“Si Sofia?”
“Uyy...
iniiba ang usapan. Natatakot na.”
“Hindi ako
takot!” Binelatan niya ito at iniwan. Nilapitan
niya sina Nadine at Jenny. “Yan talagang si Hiro, ang hilig manakot.”
sabi niya sa mga ito.
“Kanina pa
nga siya nagku-kuwento samin dito, Shanea.”
sabi ni Jenny. “Pag
mga ganitong lugar, may mga multo daw talagang naglilipana.”
“At ang
gustong-gustong lapitan ng mga multo ay ang mga matatakutin na tao.”
Si Hiro ‘yon na bigla na lang sumulpot sa likuran niya. Napatili tuloy siya ng
wala sa oras.
“Ano ba!”
Pinalo niya ito ng malakas sa braso nito. “Wag ka ngang manakot!” Tawa lang ito ng tawa.
“Isusumbong
kita sa ate mo! Akala mo, hah. Multuhin ka sana mamaya!” Iniwan niya
ang mga ito at pumasok ng bahay. Naabutan niya si Sofia sa sala.
Nginitian
siya nito. “Ikaw
ba yung tumili?”
“Sorry.”
Sabay peace sign. “Si Hiro kasi. Nangungulit.” Hindi niya sinabi ang tungkol sa multo.
Nakakahiya. Ang laki-laki na niya takot pa siya sa multo.
“Okay lang.
Madalas din akong kulitin nyan kahit sa phone. Siyanga pala, have you seen Jed?
Nasa labas ba siya?”
Bakit ba ang hinhin niyang
magsalita? Parang hindi ko kaya ang gano’n lalo pa at ang dami kong gustong
sabihin.
“Wala siya
sa labas, eh. Kasama ni Mike na naghanap ng kahoy para sa bonfire natin mamaya.
Dyan lang daw sa malapit sabi ni Hiro.”
“Gano’n ba?
May tumatawag kasi kaniya. Mukhang urgent dahil thrice ng tumatawag.”
May hawak itong phone. Phone ni Jed. “Hahanapin ko na lang—” Napahawak ito sa ulo
nito. Nilapitan niya ito.
“Okay ka
lang?”
“Sumakit
lang ang ulo ko. But I’m fine.”
“Are you
sure?” Inalalayan niya itong umupo sa sofa. “Ang mabuti pa,
magpahinga ka na lang sa room mo. Ako na lang ang magbibigay kay Jed ng phone
niya.”
“Okaylang
ba?
“Oo naman.”
No choice na ko nito. Makakausap ko si Jed mamaya. Hayyy...
“Thank you.”
Inabot
nito ang phone sa kaniya. “Okay ka lang dito?”
“Yes.”
“Sige.
Hanapin ko lang siya.” Lumabas na siya ng
resthouse. Hindi siya napansin nina Hiro. Do’n siya sa garden sa likuran
dumaan. Do’n siya tinuro ni Hiro kanina, eh.
At
habang naglalakad. Tiningnan niya ang phone ni Jed. “Totoo ba talaga yung nabasang text ko na
galing sa’yo? Ikaw ba talaga ang nag-text no’n?” She sighed. “Mas maganda
sana kung sa personal mo na lang sabihin. Pero dahil ikaw si Jed. Alam kong
hindi mo sasabihin sakin ‘yon. Pero hindi ba’t nakapag-sorry ka na sakin dati?”
Biglang
nag-ring ang phone. May tumatawag. Napilitan siyang sagutin ‘yon.
“Jed, pare.”
“Sorry. This
is not, Jed. Umalis lang kasi siya saglit. But I’m looking for him now.”
“You are?”
“Shanea.
Kaibi...” She sighed. “Kaibigan niya.”
“Oh! Shanea!”
Kumunot
ang noo niya. “Ahm,
kilala mo ko? Gano’n na ba ko kasikat? Hindi naman ako artista, ah. Simpleng
mamamayang Pilipino lang ako.”
Narinig
niya itong natawa sa kabilang linya. Huh?
May nakakatawa ba sa sinabi ko? “Jed’s talking about you. I’m his cousin slash business
partner.” Kinukwento siya ni Jed dito? “I’m Rovell.”
“Kinukwento
niya ko sa’yo?”
Bigla
itong napahinto sa kabilang linya. “Ooops! Me and my big mouth! Ang daldal ko talaga...” bulong
nito na narinig naman niya. “Nakita mo na ba siya? Don’t tell him na may sinabi ako
sa’yo, ah. Patay ako do’n.”
“Ano naman
kung sabihin mo sakin? Bibitayin ka ba niya?”
“Ah, eh..
basta.”
“Bakit nga?”
Kahit
hindi niya ito nakikita. Feeling niya, nagkakamot ito ng ulo. “Nakita mo na
ba siya?”
Ayaw
talaga nitong sabihin. Kahit siguro kulitin niya ito ng kulitin, hindi ito
sasagot. Baka patayan pa siya nitong phone kapag nakulitan sa kaniya. “Hindi ko pa
siya nakikita. Ikaw ba yung kanina pa tumatawag?”
“Yap. Na
walang sumasagot. Pang-apat ko ng tawag ngayon.”
“Saglit
lang, ah. Nasa gubat kasi ako.”
“Gubat?”
“Yap, yap.
Kumuha kasi sila ng kahoy ng kasama namin.”
Napahinto siya bigla. Lumingon siya sa paligid niya.
“Mamaya na
lang kapag dumating na sila. Mawala ka pa dyan. Patay ako kay Jed nito. Hindi
naman gano’n kaimportante ang sasabihin ko. Sadyang makulit lang ako kaya tawag
ako ng tawag sa kaniya kanina.”
“Paano ako
babalik?” Parang sarili niya ang tinatanong niya.
“Hah?”
“I think I’m
lost.” Sa sobrang bilis ng paglalakad niya kanina
at dahil nakatutok ang atensyon niya sa kausap niya. Hindi niya alam kung sa’n
na siya nakarating.
“Naliligaw
ka?”
“Parang
gano’n na nga.” She sighed. “Naliligaw na talaga ako.” Nagsimula
siyang maglakad pabalik.
“Bumalik ka
sa pinanggalingan mo.”
“I don’t
know where. Kausap kasi kita kaya hindi ko napansin yung nilalakaran ko.”
Huminto siya sa paglalakad dahil feeling niya napapalayo lang siya. “Anong gagawin
ko? Wala ng araw.”
“Dya.. ka
lang... May... num..ber... asa...ma... mo...”
“Ano? Chappy
ka.” Iniloud-speak niya ang phone at itinaas
para makahanap ng signal. “Hello! Hello!”
“Num..ber ng
ka..sama mo...”
“Number?
Tatawagan mo sila? Hindi ko kabisado!”
“Dyan..kay...”
Tooot! Tooot! Tooot!
“Patay kang
bata ka!” Naputol ang usapan nila. Tiningnan niya
ang phone niya. Walang signal! Tiningnan niya ang phonebook ni Jed. At naghanap
ng number ng kasama niya. Number ni Sofia ang nakita niya. Sinend niya ‘yon sa
pinsan ni Jed. Pero laging failed. Naglakad siya habang nakataas ang kamay para
maghanap ng signal.
“Mag-send
ka, please. Kung ayaw mong maibato kita at hindi mo na makita ang amo mo. Maawa
ka sakin. Madilim na. Ayokong—Yes!”
Napatalon siya ng mag-send para lang mapatili ng may magliparang mga ibon sa
taas ng mga puno. Napalunok siya. Naalala niya ang kwento ni Hiro kanina. Na
may multo daw dito sa gubat. Mas lalo siyang napatili at nagtatatakbo. “Anak ng
tinolang kalabaw!” Nadapa pa siya ng sumabit ang paa niya sa sobrang
pagmamadali. Bumangon agad siya na sinabayan niya ng takbo. Naiwan pa niya ang
isa niyang tsinelas. Napahinto siya at saglit na nilingon ang tsinelas niya. “Bibili na lang
ako ng bago! Dyan ka na!” Na sinabayan niya ang takbo habang
sumisagaw ng, “Walang
multo! Wala!”
haha! para syang baliw na tumatakbo sa gubat.. nababaliw lang?..
ReplyDelete