Saturday, April 20, 2013

Following Your Heart : Chapter 28


CHAPTER 28
( Jed’s POV )


“Jenny, nakita ninyo si Shasha? Hindi na siya lumabas simula kanina.” narinig niyang tanong ni Hiro.


“Hindi, Sir Hiro. Hindi pa ako umaakyat sa kwarto, eh.”


“Natulog kaya ‘yon?” tanong uli ni Hiro na parang sarili nito ang tinatanong.


Nakita niyang palabas ng resthouse si Nadine.


“Nads, si Shasha? Natutulog ba?” Ito naman ang tinanong ni Hiro.


“Po? Wala po siya sa kwarto.”


“What? Eh, nasa’n siya?”


Napalingon siya sa mga ito. Kumunot ang noo niya.


“Mike, nasa garden ba si Shasha?” tanong naman ni Hiro dito dahil galing ito sa garden ngayon-ngayon lang.


“Wala, Sir Hiro. Wala po ba sa loob ng resthouse?”


Iniwan niya ang ginagawa niya at pumasok ng resthouse. Pumunta siya sa kusina. Wala. Kumatok siya sa restroom. Walang sumagot. Pagbalik niya sa sala ay nando’n na din sina Hiro.


“She’s not here..”


“Jed!” Napalingon siya sa hagdan. Pababa si Sofia. “Is Shanea already here?” tanong nito.


Kumunot ang noo niya. Kinutuban siya. “Why?”


“Tumawag ang cousin mong si Rovell. Si Shanea daw... naligaw sa gubat. Magkausap sila kanina.”


Kanya-kayang reaction at tanong ang mga kasama niya. Hindi na siya nagtanong kung paanong nalaman ng pinsan niya. Kung paano nito nakausap si Shanea. Umakyat agad siya sa kwarto niya at kinuha ang flashlight na nasa bag niya. Nagmamadaling bumaba siya.


“I’m sorry, Jed. I was sleeping. Naka-silent ang phone ko. Ngayon lang ako nagising. Nakatulog ako pag-alis ni Shanea. Thirty minutes akong nakatulog.” Paliwanag ni Sofia sa kaniya.


“Thirty minutes na siyang nawawala. At wala man lang nakapansin satin.” Kuyom niya ang kamao niya.


“I’m sorry. It’s my fault.”


“It’s not your fault, Sofia.” Nilingon niya ang mga kasama niya. “Hahanapin ko siya. Dito lang kayo. After one hour, kapag wala pa ko. Saka lang kayo tumawag ng rescue.”


“I’m going with you.”


“Stay here, Hiro.”


“Pero...”


“Stay here.” Nilingon niya si Sofia na nakaupo sa sofa na alalang-alala. “Ang Ate mo.”


Nilingon nito ang ate nito. He sighed. “O-okay.” Parang napilitan pa nga itong magpaiwan.


“Don’t worry. I will find her.” Tinapik niya ito sa balikat nito bago mabilis na lumabas ng rest house.


Nilakad takbo niya ang papasok sa gubat. Madilim na. At mag-isa lang sa gubat si Shanea. Malamang ngayon ay natatakot na ito. Natatakot sa multo. Dahil narinig niya pa ang kwentuhan nila Nadine kanina pagdating nila ni Mike mula sa pangunguha ng kahoy na tinakot ni Hiro si Shanea kaya nagkulong ito sa kwarto.


Bakit ba kasi hindi nila napansin na wala si Shanea?


Parang gusto niyang batukan ang sarili niya. Napansin na niyang wala si Shanea at hindi pa bumababa. Hindi niya inisip na natutulog ito dahil hindi naman ito mahilig matulog kapag nasa bakasyon ito. Mas gusto nitong gumala.


“Ano ba kasing ginawa niya dito sa gubat? Humanda siya sakin kapag—“” Napahinto siya sa sasabihin niya.


Bigla niyang naalala ang sagutan nila ng huli silang magkita bago dito sa Baguio nang puntahan niya ito sa Shahiro. Na hindi nito sinabing nasaktan ang braso nito dahil sesermunan na naman daw niya ito. At ‘yon na naman baa ng gagawin niya ngayon?


He sighed. Alam niyang may kasalanan siya sa nangyari. Sa halip kasi na tanungin kung okay lang ito, sermon agad ang sinalubong niya dito.


Ilang araw silang hindi nagkita. Hindi dahil sa sinabi nitong wag na siyang magpapakita dito. Alam naman niyang nabigla lang ito. Pero dahil mainit ang ulo niya ng araw na ‘yon, nag-walk out siya habang kausap ito. Hindi niya ito tinawagan. Naging busy din siya sa joint business nila ng pinsan niyang si Rovell.


Si Rovell! Ano naman kayang kinalaman ng pinsan niyang ‘yon dito?! Humanda ka sakin Rove mamaya!


Binilisan niya ang lakad niya. “Shanea!” Tumakbo na siya. Every minute counts. Nasa madilim na gubat lang naman si Shanea at mag-isa! Paano kung—


Shit!


* * * * * * * *


( Shanea’s POV )

Gulo-gulo ang buhok niya. Napunit pa ang laylayan ng damit niya ng dumulas siya at nagpagulong-gulong kanina. Buti na lang at mababa ang kinabagsakan niya at hindi tumama ang ulo niya. Nilalamig na rin siya dahil wala siyang suot na jacket. Bumabaha na din ng luha kanina pa. Na galing sa kaniya.


“Wala bang maghahanap sakin...” Kanina pa siya dito. Sobrang kanina pa.


Nandito siya sa isang sirang kubong nadaanan niya. Nakasiksik sa sulok. Wala siyang makita sa kadiliman. Kung anu-ano nang pumapasok sa isip niya. Lalo pa at naaalala niya ang kwento ni Hiro. Para siyang batang iniwan ng magulang sa gitna ng kalsada na maraming sasakyan.


“Shanea!”


May narinig siyang echo ng isang boses. Ng isang boses na kilalang-kilala niya. Gusto niyang sumagot. Kaya lang, baka naeengkanto lang siya. Baka pinaglalaruan lang siya. Mas lalo siyang napaiyak sa naisip niya. Nanginginig na rin siya sa takot.


Sana naging friends na lang kami ng mga ghost... ng hindi ako natatakot ng ganito...


“Shanea!” Palapit ng palapit ang naririnig niyang boses na sumisigaw. “Shanea!”


“Jed... ikaw ba talaga ‘yan...” bulong niya.


“Shanea!” Parang ilang hakbang na lang ang layo ng boses na ‘yon sa kaniya. Gusto niyang sumagot. But she was afraid. Paano kung engkanto lang talaga ‘yon? Paano kung—May liwanag na biglang tumapat sa kaniya.


“Shanea!”


Dahan-dahan niyang inalis ang dalawang kamay na nakatakip sa muha niya. Agad siyang nasilaw. Tinakpan niya uli ang mukha niya. “Jed... ikaw ba talaga ‘yan?” lakas-loob na tanong niya.


“Yes.”


Si Jed nga! Napaiyak na naman siya. Naramdaman niya ito sa harap niya. Tinanggal nito ang kamay niya sa mukha niya. Nakikita niya ng bahagya ang mukha nito mula sa liwanag ng flash light na hawak nito.


Hinawakan niya ang mukha nito. “Hindi ka... engkanto?”


“Hindi.”


Humagulgol na siya ng iyak. “Jed... Takot na takot ako...” Parang batang pagsusumbong niya dito. “Ang dilim dito... tapos... kanina pa ko dito...”


Hindi ito nagsalita. Niyakap lang siya nito. At iyon ang kailangan niya ngayon. Dahil para siyang batang binalikan ng magulang matapos iwan sa gitna ng kalsada.


“Ligtas ka na.” bulong nito. Humigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya. Patuloy lang siya sa pag-iyak. “Shhh... tumahan ka na.” Ilang minuto pa ang lumipas bago ito dahan-dahang humiwalay sa kaniya. Hinintay muna nito na tumahan siya. Pinunasan nito ang luha niya. “Natatakot ka pa rin ba?”


Sunod-sunod na umiling siya. “Nandito ka na, eh.”


Hindi niya alam kung tama ba ang nakita niya dahil sa dilim, pero she saw him smiled. Hinubad nito ang jacket nito at isinuot sa kaniya. Inalalayan siya nitong tumayo. Tumapat ang flashlight nito sa paa niya. “Where’s your other slipper?”


“Naiwan ko kanina nung tumakbo ko.”


Tumapat ang flashlight sa damit niya. “Anong nangyari dyan sa damit mo?”


“Nagpagulong-gulong ako kanina. Sumabit. Takot na takot kasi ako, eh. Gusto ko nang umalis dito kanina pa, kaya lang hindi ko alam kung sa’n ako dadaan. Buti na lang nahanap mo ko.”


Hinaplos nito ang buhok niyang magulo. Bago hawakan ang kamay niya. “Tara na.” Paika-ika siyang naglakad palabas ng kubo. Napalingon tuloy ito sa kaniya. “Anong nangyari sa paa mo?”


“Nung nadulas ako at nagpagulong-gulong kanina. Pero okay lang ‘to. Hindi naman masyadong masakit.”


Tumalikod ito. “Sumakay ka sa likod ko.”


“Hah?”


Binigay nito ang flashlight sa kaniya. “Hawakan mo ‘yan at sumakay ka sa likuran ko. Your foot aches plus you don’t have your other slipper.”


Hindi pa rin siya kumikilos. Bakit parang ang bait nito ngayon? Hindi man lang siya sinermunan o ano. Hindi man lang ito nag-taas ng boses kanina hanggang ngayon. Naninibago tuloy siya.


Nilingon siya nito. “Shanea.”


“Hindi mo ba ko sesermunan, Jed, katulad ng madalas mong gawin kapag napapahamak ako sa kakulitan ko at katigasan ng ulo ko?”


“Shanea...”


“Diba galit ka sakin? Hindi mo nga ko pinapansin, eh.”


“Shanea...”


Hindi niya namalayang tumulo na naman ang luha niya. Pinunasan niya agad ‘yon. “Sorry... Hindi ko naman gustong mawala dito. Sorry kung pinag-alala ko na naman kayo. Sorry... Hindi ko naman—” Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil niyakap siya nito. “Jed...”


“Tama na.”


“Pero...”


Humiwalay ito sa kaniya at tumalikod. “Sumakay ka na sa likuran ko. Hinihintay na nila tayo.”


Sinunod na niya ito. Walang nagsasalita sa kanila ng makalayo sila sa kubo. Hindi na siya nakatiis na hindi magsalita. “Alam mo ba kung sa’n ang daan pabalik?”


“Sana.”


“Hah? Hindi mo alam?”


“Madilim na, Shanea. Hindi ko kabisado ang gubat na ‘to. Nagkataon lang na nakita ko ang kubo kanina habang hinahanap kita. And I’m glad na nando’n ka.”


She can’t helped but to smile dahil sa huling sinabi nito.


“At sa tingin ko, pinapahanap na nila tayo. Kanina pa ko paikot-ikot dito.” He sighed. “Ano bang nangyari at naligaw ka dito?”


Kinuwento niya dito.


“Si Rovell talaga!” inis na sabi nito matapos niyang mag-kwento.


Naalala niya ang pobreng phone nito. “Saka, Jed. Mero’n pa pala. Yung phone mo... naiwala ko kung nadulas ako kanina.” Lihim siyang napangiwi at hinintay ang reaction nito.


“Don’t mind it. I can buy a new one.”


Nakahinga siya ng maluwag. “Hindi ka galit?”


“No.”


“Edi bati na tayo?”


“Nag-away ba tayo?”


“Oo. Inaway mo ko diba? Nung last Tuesday.”


“Sa pagkakatanda ko, ikaw ang nagsabing wag na kitang lapitan.”


She pouted. “Nakakainis ka naman kasi, eh.”


“Dahil pinag-alala mo ako. Paano na lang kung may masamang mangyari sa braso mo. Katulad ngayon.”


Dahil pinag-alala ko siya? Nag-alala lang siya kaya sinermunan niya ko no’n. Nag-alala si Jed sakin. Napangiti na naman siya. Sa totoo lang, yun lang naman ang gusto niyang marinig dito. Sa lahat kasi ng taong kilala niya, parang feeling niya, si Jed yung hindi nag-aalala sa kaniya. Dahil laging sermon ang unang inaabot niya dito. “Pero hindi mo ko sinermunan ngayon.”


“Bukas na lang.”


Napangiti pa rin siya. “Okay lang. Basta hindi mo ko sinermunan ngayon.”


Hindi na ito sumagot. Gusto pa niya itong kausapin kaya nagtanong uli siya. “Bati na tayo diba?”


“Sa tingin mo?”


“Oo. So, pwede na ulit kitang kulitin?”


Hindi ito sumagot.


“Silence means—”


“No.” singit nito.


“Yes.”


“Bahala ka na nga.”


She smiled. “Thank you sa band-aid kanina.”


“Anong nangyari sa kamay mo?”


“Nadulas ako sa Mines View kanina.”


Napapalatak ito. “Shanea naman. Mag-ingat ka nga din minsan.”


“Opo. Mag-iingat na po. Promise! Pero pagsabihan mo din sila.”


“Sino?”


“Yung mga pahamak sa paligid ko. Yung mga bato. Itong gubat. Lahat ng nagpapahamak sakin. Trip nila ako, eh.”


“Bakit hindi ikaw ang kumausap sa kanila? Tutal naman, mukhang close kayo.”


“Uyyy... nagjo-joke na naman siya.”


“I’m not.”


“You’re not. Sinabi bang nagsabing nagbibiro ka? Not me, of course.”


He chuckled.


“Jed.”


“Ano?”


“Ikaw ba yung nagtext kanina na sorry?”


“Kanino bang number yung nagtext sa’yo?”


“Sa’yo.”


“Ba’t kailangan mo pang magtanong?”


“Nagtatanong lang naman, eh.”


Tumahimik na naman ito.


“Jed.”


He sighed. “Ano?”


“Wala lang.”


“Alam kong mero’n. Ano ‘yon?”


“Na...” Bigla niyang naalala si Sofia.


“Anong na?”


Hindi siya sumagot. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa leeg nito. Namiss kita. Gustong-gustong sabihin. Kaya lang... tuwing naaalala ko si Sofia at ikaw. Hindi ko alam, pero naduduwag ako bigla. Hayyy...


“Shanea.”


“Nasasakal ka na ba?” Niluwagan niya ang pagkakayakap dito ng hawakan nito ang braso niya.


“Okay ka lang ba talaga?” Lumingon pa ito sa kaniya.


Go, Shanea! Ask him na! (inner self)


“Si Sofia...”


“What about her?”


“Ano ba... Ikaw at—“


“Shasha!”


Kasunod ng boses na ‘yon na alam na niya kung sino dahil sa tawag nito sa kaniya, may tumama sa kanilang liwanag. Liwanag na nagmumula sa mga flashlight.


“Nahanap na nila tayo.” narinig niyang sabi ni Jed.


“Shasha!” Nakita niya si Hiro na patakbong lumapit sa kanila. May kasama itong dalawang lalaki. “Okay ka lang ba? May masakit ba sa’yo? Ba’t ganyan ng itsura mo? Yung tsinelas mong isa, ba’t wala?”


“Okay lang ako. Mahabang kwento, eh. Mamaya ko na ikukuwento, ah.”


“Mahigit isang oras ng wala si Jed kaya tumawag na kami ng rescue.”


“Sorry, Hiro.”


“Ba’t buhat ka ni Jed?”


“Medyo masakit yung paa ko, eh.” Binalingan niya si Jed. “Pwede mo na kong ibaba? Yakang-yaka ko na.”


“Hiro, let’s go.” Sa halip ay sabi ni Jed na parang hindi narinig ang sinabi niya. “Tayo na po.” baling ni Jed sa dalawang kasama ni Hiro na naghanap sa kanila.


Nagsimula na silang maglakad nang bulungan niya si Jed. “Baba mo na ko.”


“Ayoko.”


For the first time in her life, ngayon lang niya nagustuhan ang favorite word ni Jed na ‘yon. ‘Ayoko.’


Hindi niya mapigilang mapangiti. Nang mapalingon siya kay Hiro. Nakatingin ito sa kanila ni Jed.


‘Okay ka lang?’ he mouthed.


Nginitian niya ito. ‘Okay lang.’ she mouthed back.


Okay pa sa alright.

       * * *



2 comments:

  1. i really like this story . . keep up the good work Ms.Aeisha ! !

    ReplyDelete
  2. ayiieeh!! nakngtuts sa kilig moments!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^