CHAPTER 2
( Janiyah
Merzer Alonzo’s POV )
“What the—! What did you
do?!” Paano ba naman
tinapunan ako ng softdrinks ng pesteng babaeng ‘to dito sa canteen.
“Sorry, Janiyah.”
Tiningnan
ko siya ng masama. “Sorry, sorry ka diyan! Look at my dress. You ruined it!
Tatanga-tanga ka kasi! Bulag ka ba?”
“Sorry.”
“Whatever!”
May
lumapit na dalawang lalaki sakin.
“Janiyah, are you okay?” tanong ng isa.
“Do I look like okay to
you?” Okay ba ko ng lagay
na ‘to? Batukan ko kaya siya?
Napakamot
ng ulo ang nagtanong. Hinubad naman ng isang lalaki ang jacket niya at ibinigay
sakin. “You can use this, Janiyah. Sa’yo
na ‘to.”
Kinuha
ko ang jacket bago binalingan ang babaeng nagtapon sakin ng softdrinks. “Humanda ka
sa’kin! Yang mukha mong ‘yan!” Devil!
Tinalikuran
ko na sila ng may masalubong akong estudyanteng may dalang softdrinks. Walang
paalam na kinuha ko ‘yon sa kamay niya at binalikan ang babaeng nagbuhos sakin
ng softrdrinks.
Nginitian
ko siya. “I
forgot something. Here.” Ibinuhos ko sa ulo niya ang softdrinks na
hawak ko.
“Ayyy!”
tili ng babae.
Parang
walang nangyaring tumalikod ako at lumabas ng canteen habang ramdam ko ang
tinginan ng mga tao sakin. Huh! Buti nga sa kaniya.
Dumeretso
agad ako ng restroom. Tiningnan ko sa salamin ang suot kong dress. “Bwisit na
babae ‘yon!” Nasa bandang likuran ko ‘yon. Halos buong softdrinks
ata ibinuhos ng mahaderang babaeng ‘yon sakin!
Kumuha
ako ng isang tabo ng tubig at pumasok ng cubicle. Isinampay ko ang jacket na
inabot ng lalaki kanina. Hinubad ko agad ang damit ko dahil nanlalagkit na ang
likuran ko. Isinampay ko din ‘yon sa ibabaw ng pintuan. Umihi na muna ako kaya
ng matapos ay laking gulat ko nang mapatingala ako.
Yung…
Yung…
Yung…
Yung
damit ko na isinampay ko sa pintuan, wala! Pati ang jacket na binigay sakin, wala!
“Oh my! Where is my freaking
dress? Pati ba naman jacket?” Napatingin ako sa
suot ko. Naka-under wear lang kaya ako ngayon. Niyakap ko agad ang sarili ko.
“Jeez! Baka may hidden
camera dito, ah. Tapos bukas kakalat na yung video ko sa you tube.
Tapos…
tapos…
tapos…
Mas lalo akong sisikat!”
Binatukan
ko naman agad ang sarili ako! “Are you insane, Janiyah? Umayos ka nga!”
Huminga
ako ng malalim. “May
tao ba diyan sa labas?” malakas na tanong ko. Walang sumagot. Yumuko
ako at sinilip ang mga katabi kong cubicle. Walang tao. “Nakakainis!”
“Mga bwisit kayo!
Ipapatalsik ko kayo sa school na ‘to, malaman ko lang kung sino ang kumuha ng
damit ko! Ipapakaladkad ko kayo sa porche ko!”
sigaw ko sa sobrang asar, inis at pagka-bwisit.
Pero
wala ding magagawa ang pagsigaw ko. Kinuha ko na lang phone ko sa bag. Sino ang
tatawagan ko? Aha! Si Warren! Tinawagan ko siya pero hindi naman niya sinasagot
ang phone niya. “Jeez!
Nasa klase pa ata.”
“O, ayan na ang damit mo.”
Napaangat ang tingin ko sa ibabaw ng pintuan. Ang damit ko! Agad kong kinuha
‘yon at nagmamadaling nagbihis.
“Sino ka?! Ikaw ba ang
kumuha ng damit ko?! Bwisit—”
“Just a piece of advice lang, Miss. Bawas-bawasan
mo ‘yang pagtataray mo ng hindi ka pinagtitripan ng ibang tao.”
May isinampay siyang jacket sa pintuan ng cubicle ko. Hanggang sa madinig ko ang
yabag papalayo.
“Hey! I’m not yet done
talking to you! Who the hell are you!?”
Pero wala nang sumagot. “Bwisit!” Kinuha ko ang jacket na iniwan niya.
Kumunot ang noo ko. “Hindi naman ito ‘yon, ah.”
= = = = = = = =
“Ang tagal naman ni Ma’am.”
reklamo ng mga classmates ko.
Napatingin
ako sa relo ko. “Bwisit
na prof na ‘yan. Laging late.” I
murmured. Kumuha ako ng bubble gum sa bag ko at nginuya nang may pumasok sa kukote
ko. Kumuha pa ako ng isa at nginuya ng nginuya.
Maya-maya
ay tumayo ako at lumapit sa upuan ng prof namin. Nagkunwari akong may hinahanap
sa ilalim ng table. Pasimple ko ding ginawa ang kalokohan ko at balewalang
bumalik uli sa upuan ko.
“What did you do?”
tanong ng katabi ko na nakaupo sa kabilang upuan. Hindi sa mismong tabi ko dahil
ayoko nga ng katabi.
“Huwag ka nang
magtanong.”
Maya-maya
ay dumating na ang prof namin. Deretso siyang umupo sa upuan niya. Napangisi ako.
Maya-maya ay tumayo siya at may isinulat sa white board. Naka-slacks pa man din
siya kaya kitang-kita ang dumikit na bubble gum sa bandang puwetan niya.
Napahagikhik
ako. “Ma’am,
ano po ‘yang nasa likod ng pants ninyo?” tanong ko.
Nilingon
ni ma’am ang likuran niya. “Oh my!”
“Oh! Bubble gum po ba
‘yan? Ang hirap tanggalin niyan, ma’am. The last time na nalagyan ako niyan, I
threw away my pants. Tsk. tsk. Sino kayang maganda este bwisit ang naglagay diyan?
Siguro yung mga students na gumamit ng classroom na ‘to kanina. Mga pasaway na
estudyante.” Wahaha! Ang
galing ko talagang umarte!
“Ms. Alonzo.”
I
smiled sweetly. “Yes,
Ma’am?”
“Keep quiet.”
I
just shrugged my shoulders. Para naman akong elementary kong patahimikin ni
ma’am. Keep quiet daw. Duh! “Okay po.”
“Wala pa naman akong baong spare
pants. Class, I just need to do something about this. But it’s okay, tutal
naman may ipaparesearch ako sa inyo sa library.”
Matapos
maibigay ang iri-reseach namin ay umalis na siya. Tumayo na din ako. “Huh! Kunwari
pa si ma’am. Ang sabihin niya, tinatamad siya.” sabi ko.
“Janiyah, punta muna tayo ng canteen.”
aya sakin ng
classmate ko. Yung nasa kaliwa ko kanina.
Tinaasan
ko siya ng kilay. “Bakit? Para tapunin mo ulit ako?”
“Hindi naman ako yung nagtapon sa’yo.”
“Magkamukha kasi kayo.”
“That’s my sister.”
“Then tell your dear
sister to visit a doctor. I can recommend one. Yung magaling.”
“Bakit?”
“Sobrang labo na kasi ng
mata niya at ako pa ang tinapunan niya sa dami ng estudyante sa canteen ng araw
na ‘yon. Akala nila hindi ko alam. Sinadya nila ‘yon.” That
three Charlie’s devils! May araw din sila sa’kin!
Yumuko
ang babaeng kausap ko. “Pasensya ka na
sa ate ko.”
Mabait
ba talaga ‘to o nagda-drama lang? Ano nga uling pangalan niya? Oh, never mind.
Nakalimutan ko na din. “Yeah right. Magkapatid ba talaga kayo?”
“Hah?”
Tss. “You should
visit a doctor, too.”
“Hah?”
“Mukhang malapit ka na
ding mabingi.”
Kinuha
ko ang bag ko at iniwan siya.
= = =
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^