Tuesday, March 5, 2013

Prom [One-Shot]

PROM
Written By: MhissJG
(This story is dedicated to Akirara. Advance Happy birthday po ate!)

Prom...


Ano nga ba ang prom?

Ito ay ang pagtitipon tipon ng mga estudyante upang mag-enjoy nang mag-enjoy. Usually, mga highschool students lang ang nagpaparticipate sa prom. Mga 3rd years at 4th years ang nagpaparticipate kasi malapit na silang umalis sa school nila, kaya kelangan nilang mag-enjoy.

"Class, the prom is about to come. Since, you're 4th years na. You are obliged to join the cotillion." sabi ng teacher. "And also, you'll pay 150 pesos for the props and foods." dagdag pa niya.

Habang nagpapaliwanag ang teacher namin tungkol sa prom ay nagsosolve ako ng mga problems sa calculus. I don't care about that stupid prom. It's exclusively for stupid people. Since, it's required, makikimingle ako sa mga tangang tao.

"Elle, magjojoin ka?" tanong saakin ng kaseatmate ko na si Jaymee. "Oo, required eh. Hindi sana ako magjojoin kasi ayoko makisiksik sa mga tanga." sagot ko sakanya habang nagcocompute ako sa calculator ko.

"Hmf! bitter." tas nakichika siya sa katabi niya. Bitter? Hindi naman ako bitter ah, I'm just saying what's on my mind.

Ako nga pala si Ellaine. Elle ang nickname na ibinigay saakin ng mga magulang ko. Bitter-elle-a ang tawag saakin ng mga studyante dito. Dahil bitter ako sakanila, hindi pa ba obvious? Dahil sa pagiging bitter ko, walang nakipagkaibigan saakin. Well, okay lang 'yun saakin dahil mga sagabal sa buhay ang pakikipagkaibigan. 

Itinuon ko nalang ang sarili ko sa pag-aaral dahil meron akong goal, ang maging multimillionaire sa buong mundo. Oo, imposibleng maabot ang isang pangarap na ganyan pero kung magpupursige ka ng mabuti ay maaabot mo iyon.

Later...
Bell rings...

Dissmisal na ngayon at nagsialisan ang mga studyante except saakin. Well, that escalated quickly. Wala naman kasing nangyare buong araw eh, nagsosolve lang ako ng calculus, yun lang.

Inempake ko na ang gamit ko at umalis na sa room. Naghinatay ako sa labas ng school gate namin ng darating na jeep. Wala akong time na makisalamuha, kelangan ko pang mag-aral. 

"Ano ba?! layuan niyo nga ako!" pagtataboy ng lalake sa mga babaeng lumalapit sakanya. "Ano ba?! ang sikip sikip! hindi ako makahinga, umalis nga kayo!"

"Ehhhh!!! Bryan, ibigay mo na kasi number mo saamin." 

"Wala nga akong cellphone eh!" kawawa naman siya. Nakatitig lang ako sakanya. I was wondering kung bakit sikat na sikat siya dito? ay oo nga pala, dahil gwapo pala siya. So what, kung gwapo siya? Hayyy! mga tao nga naman. Hindi nila naiiwasan na magkagusto sa isang tao dahil sa maganda o gwapo siya.

"Hoy, anong tinititigan mo dyan?" I was back to reality when he was calling me. Laking gulat ko ng makita ko siyang nakatingin sakanya. "Oo, alam kong gwapo ako, kaya wag mo akong tinititigan dyan, parang nirarape mo ako sa tingin mo eh." Agad ko ibinalik ang tingin ko sa daan. 

Dug...dug...dug...dug....

My heart....is beating so fast. Abnormal na puso na 'to. Kelangan ko na atang magpacheck-up sa doctor. Kasalanan ng Bryan na 'yun kung bakit nagiging ganito ang puso ko ngayon.

Pati na rin ang tiyan ko, nagiging ewan. Feeling ko lahat ng dugo so katawan ko ay pumunta na sa mukha ko.  Ang init init eh! kaya ayun tuloy, pinagpawisan ako. Baka pulang pula na ang mukha ko.

Pagdating ng jeep ay agad agad akong sumakay. Kelangan kong lumayo sakanya, hindi na ako nakakahinga ng mabuti eh. Nang lumarga na ang kotse ay nagbuntong-hininga ako. Buti, malayo na ako sakanya, baka namatay na ako kung magtatagal pa ako doon.

Later...

Habang ginagawa ko ang homework ko para sa Science ay bigla ko nalang nakagat ang dila ko. "Accck!!! sakiiiit!" para na akong aso sa ginagawa ko, sino naman ang hindi magmumukhang aso kung humihinga siya  through her mouth tas nakalabas yung dila?

"Bit your tongue?" napatingin ako sa nagtanong saakin. Aaaah, si Elladine, ate ko. I looked at her for a second then nod. "2" sabi niya tas then I gave her a puzzled look. "Anung pangalawa sa alphabet?" tanong niya. "B" sagot ko. "Iyon ang first letter ng pangalan ng taong umiisip sa'yo ngayon." at umalis na siya sa kwarto.

B...meron ba akong kaclose or kakilala na letter B ang first letter ng pangalan niya? Hmmm, wala naman ah. Pero, may kilala akong tao na letter B ang first letter ng pangalan niya. Si Bryan.

At automatically na tumibok ng malakas ang puso ko. Ugh! ayan na naman nag feeling na 'to. Stop bugging me, will ya?!

I slapped myself tas ibinalik ko na ang sarili ko sa paggawa ng homework. Habang nagbabasa ako ay bigla nalang nagshooting star.

I went to the window to view the night sky. Ang daming mga kumikislap na mga bituin. Ang gandang tingnan. Tas nagshooting star na naman ulit.

I closed my eyes and wished to god....

"I wish that I will find my happiness soon." then I opened my eyes. Alam naman niya ang happiness ko diba? ang maging multimillionaire at iahon sa kahirapan ang pamilya ko. There are many things that I want to do.

"Uy! pinapatawag ka ni 'nay." tawag saakin ni ate. Tumango nalang ako at umalis sa kwarto.

"Nay, anung kelangan niyo?" tanong ko sakanya. "Wala, gusto ko lang sabihin sa'yo na nabilhan na kita ng gown." sagot niya saakin. Tiningnan ko kung anung hawak hawak niya. Isang paper bag na mahal tingnan. "Nay, ba't pa kayo bumili? pwede ko namang gamitin ang luma kong gown." at umupo ako sa tabi niya.

"Ayoko na magmukha kang ewan sa prom mo. 4th year highschool ka na meaning last prom mo na 'to. Kaya, dapat magmukha kang maganda." at ngumiti siya saakin. "Magpasalamat ka sa ate mo. Siya ang pumili ng gown para sa'yo." dagdag pa niya. Tiningnan ko ang ate ko at binigyan niya ako ng isang nakakalokong ngiti.

"Okay."

"Oh, suotin mo. Baka, hindi kasya sa'yo." at ibinigay niya saakin ang gown. Pumasok ako at sinuot ang gown. Nang naisuot ko na ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Ang payat ko. Yung payat na hindi mukhang sexy. Magpataba kaya ako ng konti.

Tiningnan ko ang suot suot kong gown sa salamin. Kulay puti at may design na mga flower sa itaas. Yung skirt naman ay parang layered. Mukhang ikakasal ako.

"Oy! lumabas ka na jan."

"Wait." at umalis na ako sa room. Pumunta ako sa sala at bigla nalang nanlaki mga mata nila. "Sabi ko na nga ba eh, bagay sakanya yan. Bagay yung white sa skin tone niya."

"Oo na, oo na. Tama ka."

"Hehe, fashionista kaya 'to. Kelangan mo lang ng konting make-up at few accessories. So, magpalit ka na't gawin mo na ang mga homeworks mo." pagtataboy niya saakin. Inirapan ko nalang siya at nagpalit na nang damit at ginawa ang homework ko.

Few Days...

Nandito ako ngayon sa audience seat ng Soccer Field. Nag-aaral and at the same time pinapanood ang mga soccer players na nagpapractice. Dito ako nag-aaral kapag maingay sa canteen at kapag boring sa library. Ewan ko pero, naiinspired ako dito. Mas madali yung mga homeworks ko kapag dito ko ginagawa.

Speaking of prom, nagsimula na ngayon ang practice para sa cotillion. Diba dapat may partner ka? Happy or sad to say na wala akong partner dahil walang nagask-out saakin. Dapat daw na iask-out ka. Kaya ayun, hindi ako nakajoin.

Pero, kasama parin ako sa program namin. Tulad ng batch song at pagrampa sa stage, na may kasamang partner. Yung katabi mo na lalake ay ang magiging partner mo. Ayoko sana eh, pero required. Kasalanan ng kalbong bakla na yun.

Meron ring free dance, kung saan iaask-out ka ng isang lalake na sumayaw. Pinaplano kong umuwi na kapag free dance na kasi, alam ko namang walang sasayaw saakin. Kumbaga, FOREVER ALONE ako. At saka, free dance? tss! it's for stupid people, and I don't want to dance with an idiot.

"Everybody, let's take a 5." napabaling ang atensyon ko sa mga players na kasalukuyan ay naglalakad papunta saakin. Well, yung inuupuan ko kasi ay malapit sa dinadaanan nila. Habang naglalakad sila ay napatingin ako kay Bryan, isa siya sa mga soccer players, at mga sikat na students dito. It's because mukha siyang Homo sapien, eh yung mga iba saamin, mukhang Homo erectus.

Nahuli niya akong nakatingin sakanya, kaya binigyan niya ako ng isang masamang tingin. "Kakainis ka, ba't ka hindi sumali sa cotillion?!" tanong niya saakin nang dinaanan niya ako.

O___O

Ano pala ang nangyari sakanya nung hindi ako nagjoin? pakialam niya, hindi naman kami close. FC niya, kala niya close kami, tss! feeler niya!

"Feeler." sagot ko sakanya at umalis na ako sa field. Nasira tuloy araw ko sakanya. Wala naman akong ginawang masama sakanya ah! ewan ko nga kung bakit inis na inis siya saakin. Baka dahil sa mas malaki grades ko keysa sa grades niya. Funny Ellaine, very funny...eh sa wala nga siyang pakialam sa grades niya. =___=

Baka ayaw niya talaga sa mga babae. Baka, gusto niya mga kagender niya. Eww! bakla siya?! eh dami nga niyang naging girlfriend eh. Kilala siya sa pagiging playboy.

Pero...

Pero...

Kahit gaano akong nainis sakanya, hindi ko maiwasang.....NGUMITI. Oo, ngumingiti ako ngayon. Oo, ngumingiti ang Bitter-elle-a.

♥♥♥Prom Day♥♥♥

"Meet my greatest creation evah.....Ellaine, my sister!!! Voila!" pagiintroduce saakin ng ate ko, paglabas ko ng kwarto ko. Proud na proud siya sa sarili niya dahil natransform niya ang isang panget daw na katulad ko into a princess.


(Yan po ang gown ni Ellaine. Hindi po siya si Ellaine!!!!)


"I'm not your greatest creation." at inirapan ko siya. "Wag ka nga bitter, prom ngayon, don't show a straight face. Show a happy face para naman magmukha kang maganda."

"Whatever."

"Uwaaa! anak ang ganda moo, mukha kang isang prinsesa na mukhang anghel." pagpupuri saakin ng nanay ko. Nginitian niya lang ako. "Ang cute ng korona mo."

"Haha! I know right?! self-proclaimed prom queen. At saka, para naman magmukha siyang prom queen kahit hindi siya manalo, diba?"

"Tama ka."

"Whatever, pwede na bang pumunta sa school?" at hinatid ako nina nay at ate palabas ng bahay."Okay, mag-ingat ka ah! mag-enjoy ka!" pagpapaalam saakin ng nanay ko, bago lumarga ang tricycle na sakay sakay ko ngayon.

School Gymnasium...

So far, so boring...

Kakatapos lang ng pagrampa namin. Yung nakapartner ko ay ang top 1 na bakla na kabatch namin. Medyo nga ako nainis eh, kasi TOP 1 yung nakapartner ko, mas superior siya keysa saakin. And, I hate it!

And he creeps me out! TOTALLY!

Habang naglalakad kami papunta sa stage ay dada siya ng dada tungkol sa make-up ko at damit ko. Sinabi niya nga saakin kanina na panget daw ang gown ko, hindi daw bagay saakin. Pati na rin ang make-up ko, masyado daw na light. 

Siyempre, sinagot ko siya. Kakairita nga boses niya eh! nagfofountain pa! (meaning talsik laway >.<)

"Kung hindi bagay saakin ang itsura ko ngayon, mas hindi bagay sa'yo ang suot suot mo ngayon. Mukha kang white lady sa kapal ng foundation mo. Advice ko sa'yo, doon ka nalang sa amusement park, bagay ka doon eh!" that's what I said to him, bago kami naghiwalay. Siyempre, nabigla siya sa biglaang pagsagot ko sakanya. 

So, back to present. Ang boring ng prom. Ang panget ng mga intermission number. May sumayaw, pero mukhang kalansay na sumasayaw. May kumanta, pero para siyang pusa na sumisigaw habang nahuhulog sa Eiffel Tower.

Nung oras na para kumain ay madaming babae ang kinikilig kasi binigyan sila ng flowers ng mga lalake. Siyempre, walang nagbigay saakin. Kain lang ako ng kain habang ang iba naman ay chika ng chika tungkol sa mga flowers na binigay sakanila.

Pumunta muna ako sa CR para ilabas ang wastes sa katawan ko. Pagkatapos ko magCR ay tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin.

"Ugh! I don't look like....me." at biglang may pumasok na babae sa CR at nagretouch. Tinitigan ko siya sa salamin habang nagreretouch siya. Mukha na kasi siyang tinapalan ng cake eh. Napansin niya na nakakatitig ako sakanya kaya tinaasan niya ako ng kilay. "What are you looking at?"

"Mukha mo."

"Oh, thanks for the compliment."

"Uhm, I didn't compliment you. Mukha kang tinapalan ng cake." at nabigla siya sa sinabi ko. Aalis na sana ako pero may sinabi siya saakin kaya napatigil akong lumakad. "Hmf! palibhasa, bitter."

"Atleast, hindi ako mukhang cake." sagot ko sakanya, at umalis na ako sa CR.

Cotillion na pala. Lahat ng mga participants ay pumunta sa mga position nila, tas nagline sila and chuchus. Umupo nalang ako at pinanood ang cotillion.

Yung background music ay "I'm yours" by Jason Mraz. Akala ko, mga old songs ang magiging background music kasi, makaluma yung master of ceremony eh.

Habang pinapanood ko yung mga participants ay bigla nalang nagtama ang tingin namin ni Bryan sa isa't isa. Parang may super glue sa mga mata namin, kasi hindi ko maalis ang tingin ko sakanya. Ganun din siya, nakatingin saakin instead of his partner. 

He was just dancing there, staring at me with a straight face. The same with me, but I'm not dancing, and my face is so hot and I think it's becoming red. Bumabalik naman yung naramdaman ko sakanya nung nasa labas kami ng school. Kaya, agad ako tumayo at pumunta sa labas for some fresh air. I need to cool off. 

Habang pinagmamasdan ko ang view sa labas ay bigla nalang may tumapik sa balikat ko. "Uy, kelangan na daw na pumasok para sa free dance." sabi ng classmate ko. I nod at her tas sabay na kaming pumasok. Uuwi na ako, wala naman akong mapapala sa free dance na 'yan.

Pumunta na ako sa seat ko at kinuha ang purse ko. Pumunta na ako sa mga teachers at nagpaalam. Habang naglalakad ako papunta sa pintuan ay bigla nalang may humawak sa braso ko kaya napatigil akong maglakad. Laking gulat ko nang tiningnan ko kung sino 'yung humawak sa braso ko. Si Bryan.

"B...Bryan."

"You're leaving already?!" haiiist! bakit parati siyang nagagalit saakin?!

"Oo, wala naman akong mapapala sa free dance eh." sagot ko sakanya. He let go of my arm then held my hands and drag me to stage. Siyempre, nagulat ako sa pagkakaladkad niya saakin papunta sa dance floor. Gusto kong sabihin sakanya na bitiwan niya ako pero, hindi ako makapagsalita. Nakatikom lang ako. Parang, linagyan ng glue ang bibig ko. Gusto kong kumawala sa pagkakahawak niya sa kamay ko, pero hindi ko magawa. I was just...letting him drag me.

Hindi ko maiwasang maramdaman ang pagtibok ng malakas ng puso ko. Yung puso ko, ang rapid ng heartbeat. Mas malakas keysa sa naramdaman ko nung nasa labas kami ng school. 

"Ngayon, may mapapala ka na sa free dance....dahil isasayaw kita. I will be your first and last dance of your last prom." sabi niya saakin habang kinakaladkad niya ako papunta sa dance floor. Hindi ko siya sinagot, kasi parang nawalan na ako ng lakas na magsalita.

We stopped at the center, then he let go of my hand and stood in front of me. He was just staring at me. The same with me, I was just there standing...staring at him too.

As he placed his right hand on my left hip, the song started. 




He grasped my right hand and held it up at about shoulder level. Hindi ko alam pero, kusa nalang na napunta ang kamay ko sa balikat niya, then we started to dance. 

Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya sa distance namin ngayon kasi, feeling ko sasabog ako kapag titingnan ko siya sa mga mata niya. So, I was just looking down.

Awkward. Ayoko nang sumayaw. Feeling ko, ang boring ko na kasayaw eh kasi wala akong maisip na topic na mapagkukwentuhan namin. Unless, we'll talk about Math and Science. Doon lang ako magaling eh.

You're insecure
Don't know what for
You're turning heads when you walk through the door
Don't need make up
To cover up
Being the way that you are is enough

"Tandang tanda ko pa nung Nov. 1 last year, habang nagpapractice kami ng mga kasama ko sa soccer field ay may nakakuha ng atensyon ko. Isang babae na nagbabasa ng libro. Tinitigan ko siya ng mga ilang oras 'tas bigla nalang naging rapid yung heartbeat ko. Akala ko nga, may sakit ako sa puso eh." pagkukwento niya habang sumasayaw kaming dalawa. 

Nov. 1??? Yun yung first time kong mag-aral sa soccer field kasi wala akong mahanap na tahimik na lugar, at yun rin ang first time na naging rapid ang heartbeat ko. Kaya naman pala nung araw na 'yun na nasa soccer field ako ay feeling ko may nakatitig saakin, kaya parati akong tumitingin sa paligid ko kung may tumititig saakin. Siya pala yun.

Everyone else in the room can see it
Everyone else but you

Baby you light up my world like nobody else
The way that you flip your hair gets me overwhelmed
But when you smile at the ground it aint hard to tell
You don't know
You don't know you're beautiful
That's what makes you beautiful

"Bigla nalang napunta ang bola malapit sakanya 'tas pinulot niya yung bola at binigay sa akin. Hindi ko nga alam ang gagawin ko kasi ninenerbyos talaga ako. Kaya ayun, sinungitan ko siya."

Nung binigay ko yung bola sakanya, bigla nalang niya akong sinungitan. So, that became my first impression of him, isang masungit na tao.

"Tinanong ko mga kateammates ko kung anung pangalan niya. Ang sinagot nila saakin ay BITTER-ELLE-A. Nagtaka nga ako kung bakit ganun ang pangalan niya. Yun naman pala ay dahil sa parati siyang bitter. And that was my first impression on her, a bitter person."

So girl come on
You got it wrong
To prove I'm right I put it in a song
I don't why
You're being shy
And turn away when I look in your eyes

Patuloy parin kaming sumasayaw habang nagkukwento siya. "Simula nang araw na yun, hindi na siya mawala sa isipan ko. Kakainis nga eh, hindi ako masyadong makafocus sa practice eh, kasi parati siya ang naiisip ko."

"Pero, kapag nakikita ko siya sa audience seat na nagbabasa, automatically na nagiging magaling ako sa paglaro. Parang siya na ang naging inspiration ko. Kaya, gusto ko na parati siyang mag-aaral sa soccer field."

Everyone else in the room can see it
Everyone else but you

Baby you light up my world like nobody else
The way that you flip your hair gets me overwhelmed
But when you smile at the ground it aint hard to tell
You don't know
You don't know you're beautiful
that's what makes you beautiful
that's what makes you beautiful

"And then one day, I found myself falling for her." nabigla ako sa sinabi niya kaya agad ako napatingin sakanya."Kakainis nga eh, hindi naman kami close. Hanggang tingin lang ako sakanya. Kung magkaroon man kami ng communication, maikli lang." tama siya, kung magkaroon man kami ng communication either yung sinusungitan niya ako or tinatanong niya ako kung bakit ako nakatingin sakanya, kasi paminsan minsan nahuhuli niya akong nakatitig sakanya. Katulad ng nangyari nung nasa labas kami ng school.

"Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong makipagkaibigan sakanya. Pero, natitiklop ako. Ang torpe torpe ko! ang duwag duwag ko!"

Baby you light up my world like nobody else
The way that you flip your hair gets me overwhelmed
But when you smile at the ground it aint hard to tell
You don't know
You don't know you're beautiful
that's what makes you beautiful
that's what makes you beautiful
that's what makes you beautiful

"Nung inannounce na yung tungkol sa prom, I grabbed the chance na mapalapit sakanya. Pero, hindi siya nagjoin sa cotillion, tas hindi pa niya ako naging escort sa stage. Yung bakla na yun, naging partner niya. Oo, inaamin ko, nagselos ako sakanya. Kaya nga nung pagpunta niya saamin, agad ko siyang binatukan." 

Baby you light up my world like nobody else
The way that you flip your hair gets me overwhelmed
But when you smile at the ground it aint hard to tell
You don't know
You don't know you're beautiful
If only you saw what I can see
You'll understand why I want you so desperately

"Pero, buti may free dance. Kasi, sa free dance, pwede ko nang sabihin sakanya ang nararamdaman ko."

DUG..DUG..DUG...DUG.....

Right now I'm looking at you and I can't believe
You don't know
You don't know you're beautiful
You don't know you're beautiful

"Ellaine...mahal kita, pwede ba kitang ligawan?" 

DUG..DUG..DUG...DUG....

And that's what makes you beautiful

As the song ended, doon ko lang narealize ang lahat lahat. Doon ko lang narealize na......matagal na pala akong nahulog sakanya. Pero, dahil sa masyado akong focused sa studies ko. Hindi ko namalayan na mahal ko na pala siya.

"Okay lang saakin kung hindi mo ako kayang mahalin, pero liligawan parin kita. Gusto ko kasing iparamdam sa'yo na...." at hindi ko na siya pinatapos magsalita.

"Pumapayag ako."

"Huh?"

"Pumapayag ako na ligawan mo ako." at unti unting may bumuo na ngiti sa mukha niya. "E...Ellaine..."

"Sinasagot na kita."











"Eh?" halatang nabigla siya sa sinabi ko sakanya. Then I chuckled. "Sinasagot na kita."

"Pero, ang bilis. Bakit agad agad mo akong sinagot?" tanong niya saakin. Nginitian ko nalang siya then we stopped dancing. I look straight into his eyes and held his hand. "Ang panliligaw ay hindi dapat pinapatagal, ang relationship ang dapat pinapatagal."

"Hindi mo na kailangang ipatunay saakin na mahal mo ako at hindi mo ako sasaktan. Alam kong mahal mo ako, kasi..." then I put my hand on his chest "Parehong "rapid" ang heartbeat natin sa isa't isa." 

He smiled at me and hugged me. "I love you, Ellaine." he let go of me then we stared at each other. Unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko at unti unti ko ring sinasarado mga mata ko. 

Akala ko, hahalikan niya ako sa lips, pero.....hinalikan niya ang eyelid ko. Idinampi niya ang labi niya sa eyelid ko ng mga ilang segundo.

"Bakit mo ako hinalikan sa eyelid ko?" tanong ko sakanya.

"It means that I love you. You love me too because you closed your eyes. It's a mutual feeling." sagot niya saakin. "And a kiss on the lips is too mainstream. Gusto ko na maiba yung saatin." dagdag pa niya.

"I love you Ellaine."

"I love you too, Bryan. Thank you for giving me the best prom ever."

This is my best prom ever.

After a few days, sinabi namin sa mga magulang na kami na. Pumayag ang nanay ko at sinabi pa niya na masaya raw siya para saakin. Yung ate ko naman, sinabi niya saakin na nakakainis daw ako kasi mas nauna ako keysa sakanya. Pero, alam ko na masaya rin siya para saamin.

Pumayag rin ang mga magulang ni Bryan, masaya rin sila para saamin. Tanggap daw nila ako kasi matalino daw ako at mabait at siyempre, maganda. (CHAR!) 

Happily ever after? happy ending?

Ewan! there will be obstacles that will test us. But, as long as that both of us are strong and you really love each other. We will overcome those obstacles. I knew that there will be times that mag-aaway kami, pero kapag mahal niyo talaga ang isa't isa. Magkakabati kayo. 

Bitter-elle-a???

Wala na si Bitter-elle-a. Pinalitan na siya ni Happy Ellaine. Sisihin niyo si Bryan kung bakit hindi na ako naging bitter.

"Wifey! halika na, baka mahuli pa tayo sa classes." pagtatawag saakin ni Hubby. "Okay hubby! bababa na ako!" 

Bye!!!! may classes pa kami eh! :)




(Hello there!!! As you can see, this story is dedicated to Akirara. Again, advance happy birthday to you!!! greet niyo siya! hihihi! 

Dahil sa kakatapos lang ng prom namin, ay nainspired akong gumawa ng love story na related sa prom kasi nung nasa prom ako, may nakita akong couple na nagsasayaw...hehe! PBB Teens! jowk!

About sa softopy, you can download it in my website!!! http://mhissjgstories.weebly.com/softcopies.html)

11 comments:

  1. ((Grabe po, nakakakilig))

    ((Ang sweet nila Bryan at Ellaine))

    ((And you know what Miss Author, naniniwala din ako na kapag nakagat mo daw ang tongue mo and then magbibigay ka ng number. Yung corresponding letter nun ang nag-iisip or may gusto sayo))

    ((And I would like to greet Miss Akirara na din))

    ((Happy birthday po))

    ReplyDelete
  2. ((And tanong ko lang, is it tradition to this blog na kapag may birthday sinusulatan niyo ng story))

    ((Sa mga readers po ba may ganun din))

    ((Hay sana po, magpaparequest lang for a friend whose birthday is coming soon too))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po tradition sa blog na magsulat ng one-shot sa co-writers namin kapag birthday nila, simple request lang po yan ni ate Akirara.

      You can request naman po kung gusto niyo rin magpagawa ng one-shot story. :)

      Delete
  3. Ang alam ko hindi naman po..ahahah XD maarte lang tlga ako at nagrequest ng ganito for my birthday.hahaha XD


    Thank you pooooooooooooooo! Pwede po manghingi ng copy?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sure ate! I'll edit it muna! :)

      Delete
    2. Eto po yung link ng softcpy
      http://mhissjgstories.weebly.com/softcopies.html

      Delete
  4. Kyaaaaaaaaaaaaaah! As in super hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko habang binabasa ko tooooo... Kyaaaaaaaah .. lang.super kilig...naaalala ko tuloy... hindi ako naisayw ng Labs ko nun! NagppMS eh...hahaha..... (3rd yr kami nung prom ) pero atleast nasayaw niya ako n g Foundation Ball( fourth year..)

    As in super kinikilig akoooooooooo..taos ung nakakagat ung dila! gawain ko din lagi ung eh!! hahaha



    Thank you ,,,,Thank you poooooooooooo

    ReplyDelete
    Replies
    1. buti pa po kayo, may sumayaw po sa inyo, ako po....wala! forever alone po ako! >.<

      Delete
  5. me likey this! hndi ko naranasan ung prom eh!! sayangness much talaga.. so F na F ko ung pagbabasa nito.. and the heroine here,we're so much alike.. parang ako lang sa skul.. hahah..

    ReplyDelete
  6. hahaha.. akala ko may bagong tradisyon na dito sa ADD eh.. malapit na din ang birthday ko... magrerequest din po ako..hahaha...nice story kakakilig ah.. and i like the song :)

    nice nice!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. natawa naman ako dun sa tradisyon chuchu~ ano nga kaya noh? marami ngang malapit nang magbirthday saatin... oy at kasama na din ako dun ha!

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^