A/N: Another short novel :) hindi pa po ito tapos, actually gusto ko lang po ng feedback kung maganda ba yung naiisip ko na idea for my next story :)) so please help me po :) leave some comments after you read po kung ok po ba :)) SALAMAT po ng maraming marami po :)))
Paano kung ang taong magiging malapit sayo ay kapatid ng taong umagaw sa taong mahal mo?? May pag-asa bang maging magkaibigan kayo o may pag-asa bang mas lumalim ang samahan niyo kahit sobra ang galit mo sa kapatid niya na umagaw sa mahal mo?? Babalewalain mo ba ang nararamdaman mo kahit alam mong nahuhulog ka na sa knya?? Handa ka bang magtiwalang muli o iiwasan na lamang ang nararamdaman para hindi masaktan?
Prologoue:
"I'm sorry Aliyah, it's over. It's not you, It's me. I loved you believe me, but I love her more and I don't want to lose her."
Isang malaks na sampal ang dumampi sa mukha ni Luke pagkasabi niya nun.
"Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Minahal kita ng sobra sobra pero ito ang igaganti mo sakin???" Gusto na maiyak ni Ailyah sa mga sinasabi ni Luke pero nagpapakatataga siya.
"I know, pero yung sobra sobra na yun hindi na naging healthy sa pagsasama nating dalawa masyado kang naging mahigpit at gusto mo alam mo lahat ng ginagawa ko."
"Pero diba yun naman talaga ang dapat? Concern lang ako sayo kung nasaan ka at sino mga kasama mo ano ang mali dun??"
"Walang mali dun Aliyah, pero nawawalan ako ng kalayaan sa ginagawa mo. At kay Cynthia ko naramdaman ang lahat ng mga bagay na hindi mo naiparamdam sakin. Gusto ko maging malaya, hindi ang sobrang paghihipit mo."
"Sana hiniwalayan mo ako agad, hindi yung nakipagrelasyon ka na saknya saka makikipaghiwalay. Ano 'to option??? Kung hindi magtagumpay sa isa, meron kang reserba??" Bumagsak na ang mga luha ni Aliyah at hindi na niya napigilan ang maiyak sa sobrang sakit na kaniyang nararamdaman.
"I'm sorry Aliyah. I'm sorry."
Tumakbo siya palayo kay Luke, palayo sa mundo na akala niya ay magiging maganda para saknya. Isang taon ang pagsasama nila ni Luke at sa isang taon na iyo nasira lamang dahil sa kahigpit siya??? Kaya sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon. Napadpad siya sa isang park na walang katao tao, pano ba nama'y hating gabi na.
"Ayoko na!!! Ayoko na talagang magmahal !! Peste lahat ng lalaki sa mundo, mga hindi marunong makuntento !!!!! Yan ang panata ko, simula ngayon hinding hindi na ako magmamahal ulit. Ang pagmamahal ay ginawa para saktan ka lang kaya bakit pa magmamahal???"
Nagsisisgaw si Aliyah sa park. Inilabas niya lahat ng sama ng loob niya para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya ng bigla ay may tumapik sa likod niya at nag-abot ng panyo. Kinuha niya bigla dahil tumutulo na ang sipon niya.
"Miss, ok lang yan. mamatay na rin yung nanakit sayo. Ang ganda ganda mo tapos iiwan ka lang"
"Wala kang pakealam!! Umalis ka nga dito!! Ako ang nauna dito, at nag-eemote ako gusto kong mpag-isa". Sigaw ni Aliyah sa lalaking nag-aabot ng panyo.
"Wow ha! Miss baka nakakalimutan mo ginagamit mo panyo ko tapos sisigawan mo ko??"
"Edi sayo na panyo mo!" hingis niya ang panyo sa lalaking pakialamero.
"Yuck may sipon." Sabay tawa ng lalaki.
Tinignan ng masama ni Aliyah ang lalaki at tumalikod "Makalayas na nga dito, may epal kasi e." bulong niya.
"Sana hindi mo na binulong rinig ko rin naman" Tawa ng malakas ang lalaki."
"Bwisit kayong mga lalaki." Bakit di pa kayo mawala sa mundo!!!
Lumakad si Aliyah at pumara ng taxi.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^