Tuesday, March 19, 2013

Love Haters : Chapter 3

Author's Note:  Wew. Sorry po at hindi kaagad ako nakapag-update. Nag- overnight swimming po kasi kami ng family ko nung Saturday at nakauwi kami nung Sunday ng hapon kasi cinelebrate po namin ang pag graduate ko. Kahapon po sana ako nag-update kaso dinalaw po ako ng katamaran. Pero dahil cute ako (Ano connect nun? LOL) nag update na ako. >3<






-----------------------------x


ME? LIVING WITH THAT JERK?!





Shiwal's POV:





 Nakayukom na ang kamao ko at handa ko nang suntukin ang lalakeng nasa harap ko ngayon. 





 "Magmula ngayon, dito na ako titira. Maliwanag?"

 "Magmula ngayon, dito na ako titira. Maliwanag?"

 "Magmula ngayon, dito na ako titira. Maliwanag?"

 "Magmula ngayon, dito na ako titira. Maliwanag?"

 "Magmula ngayon, dito na ako titira. Maliwanag?"






Umuulit parin sa utak ko ang mga sinabi nya. "Kyo.." tama ang nabasa nyo si Kyo ang nandito. Huminga muna ako ng malalim at pinagpatuloy ko ang sasabihin ko. "Anong pumasok sa utak mo at naisipan mong makitira sa bahay ko? Hindi pala.. Hindi ka nakikitira dahil sa ayos ng pagsasalita mo para  mo na akong inuutusan." sabi ko sa kanya at nakayukom pa rin ang kamay ko.






Tumawa lang siya at nilagay nya ang kamay nya sa bulsa ng jacket nya. "Unang-una, hindi ako nag-uutos. Ganyan lang talaga ako magsalita. At pangalawa, titira ako dito, at hindi basta-basta ako titira lang. Syempre magbabayad ako sa mga ginastos ko dito, kasama na ang sa bahay." sabi nya sabay higa sa sofa ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay at sinipa ko ang sofang hinihigaan nya dahilan upang mahulog siya. Kapal ng mukha niya para umupo sa hindi naman niya pagmamay-ari. =_=






"Mr. Kyo Takishima, unang-una, ayoko. Pangalawang-pangalawa, ayoko parin. Sino bang may sabi na dito kana titira aber?" tanong ko sa kanya at sinuot ang knuckle ko. Napalunok naman siya ng makita iyon.





"Ako." sabi nya at ngumiti siya ng alanganin. Susuntukin ko na sana siya ng biglang dumating si Aunty. "Shiwal--- Teka, anong ginagawa mo sa bisita mo? Hay nako talagang bata ka. Nangako ka sa akin na hindi ka mananakit ng tao diba?" sabi nya sa akin at tinaasan nya pa ako ng kilay. Tumingin naman siya kay Kyo at nginitian nya pa ito. Psh. "Sorry nga pala sa pamangkin ko talagang ganyan lang siya. Oo nga pala, mag-meryenda ka na lang dito." sabi pa niya. Napakamot nalang ng ulo si Kyo. =_=






Tumingin na sa akin si Aunty at sa tingin nya na yan, alam mo na ang dapat mong gawin. But sanay na ako sa kanya,dahil sobrang ganda niya. Sa edad niyang 25 (18 palang ako), aakalain mong kapatid ko lang siya, mali pala, katulong dahil hamak na isang panget lang ako. Isang sikat na artista si Aunty kaya marami ring nagkakagusto sa kanya. Ngunit sa kabila ng kagandahan niya, wala pa siyang napipili na maging asawa. Ang pangalan ni Aunty ay Serina Akiyaba. Sa side siya ng mama ko. 





Shiwal's Aunty





Anyways, umakyat na ako sa kuwarto ko kasama si Aunty. Natural papagalitan  nanaman niya ako. "Shiwal, ano ba ang problema at susuntukin mo ang lalakeng iyon? " tanong niya at alam kong galit na siya. Pinaliwanag ko sa kanya ang pinag-usapan namin ni Kyo pero habang nagpa-paliwanag ako, nakita kong kumikintab ang mata niya (not literally). <(_.__)>






"Alam mo Shiwal, napaka gandang ideya niyan. Ano kaya kung sa bahay ko nalang muna ikaw tumira. Kasama na ang lalakeng iyon."  sabi nya sa akin. Napanganga naman ako sa sinabi nya. What?! Me?! Living with that Jerk!






Aunty Serina's POV: 




 Lumabas na ako ng kuwarto ni Shiwal. Ngumiti nalang ako ng palihim habang inaalala ko ang mga pinag-usapan namin ng lalakeng iyon bago dumating si Shiwal.






 Flashback:






"Anong sabi mo? Gusto mong tumira dito sa bahay ni Shiwal?" tanong ko sa kanya. 






"Opo." diretsuhan niyang sagot. Umililing muna ako bago ako nag-salita. 






"Hindi magandang ideya ang sinabi mo, hindi papayag si Shiwal dahil alam ko ang batang iyon, ayaw niya sa mga lalake. At isa pa, ano ang dahilan mo at gusto mong tumira dito?" tanong ko sa kanya. Napalunok siya bigla.






"May gusto lang po akong malaman sa kanya dahil maraming babae ang nahuhumaling sa akin at siya lamang po ang hindi pumansin sa akin. Dahil na rin po sa kyuryusidad ko kaya po gusto kong tumira dito." nabigla ako sa sinabi niya ngunit napangiti rin ako. 






"Ikaw lang ang unang lalake na pumansin sa pamangkin ko at dahil hindi kanag atubili na sabihin ang totoo, may naisip na akong plano. Dahil na rin sa alam kong hindi papayag si Shiwal sa plano mong tumira dito, Sa bahay ko nalang ikaw titira. Oh, mali pala ang sinabi ko, sa bahay ko nalang kayo titira. Kakausapin ko muna si Shiwal tungkol rito at kung papayag siya, (dahil alam ko naman na hindi na siya makakapalag sa akin) let's settle it. But.." tumingin muna ako sa kanya, "Make Shiwal fall in love with you..." I said and base on his reaction, nagulat siya ngunit napabuntong- hininga nalang siya.






"Gagawin ko po ang iyong kondisyon." sabi nya sa akin.






E  N  D    O  F    F  L  A  S  H  B  A  C  K






Ginagawa ko ito hindi para sa akin, kundi para kay Shiwal, dahil alam ko lahat ang mga dinanas nyang sakit simula ng saktan siya ng lalakeng kanyang minahal. At gagawin ko lahat ng aking makakaya upang huwag siyang maging malungkot.






-----------------------------x


4 comments:

  1. gAndA ng auNtie ni shiWaL aHh,,,

    ReplyDelete
  2. at soBraNg bitiN ngA pO,,, sNa mAkpAg-upd8 aGad,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayy.. napagalitan po kasi ako ng mama ko kaya di agad ako nakapag-ud. Mamaya po ipo-post ko na ang chapter 4 ^_^ thanks po pala sa pag hihintay ng story ko.

      Delete
  3. Baging makata ung auntie nya sa dulo xD

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^