Wednesday, February 27, 2013

The Casanova Sisters : Chapter 11

CHAPTER 11

ONDREA'S POV


Game on.

yan lang ang buong nasabi ko sa dalawa. Pwede ko bang bawiin yung sinabi ko? Oo casanova kami ng kapatid ko pero we never do this crazy dare…Hindi kami naguunahan sa atensyon ng iisang lalaki.. but this sounds more exciting.. yun nga lang, paano ko lalandiin si Jayvee? >o<


Close naman kami ni Jayvee eh,. siguro mas malaki ang chance ko.. kaso nahihiya ako crush ko kasi siya >////<


“So Bri and Drea, kaya nyo ba yung dare?” tanong ni Mikee habang tumatawa. =o=


Y-Yeah, I'm on it.” sabi ko with a lot of confident. Pero syempre fake yan noh! >__< Pwede bang humanap nalang ako ng gayuma tapos painom ko sa kanya? O dba instant *u*

Yeah. Hindi umaatras ang isang Brianna dyan.” grabe lang si Brianna.. kakaloka lang. Sya nga pala ang ka-compete ko dito. Good luck talaga sakin.

"Coool! Wahaha teh masaya toh ^O^" - Mikee

"Haha.. Okay game, magsisimula kayo sa Tuesday ah?" - Joan

"Why tuesday?" - Brianna

"BECAUSEEE...... wala lang. Gusto lang namin ahahahah!"


Okay then. ayos na ba? Shall we eat dinner I'm starving?” yun nalang sinabi ko to cut this truth or dare portion.

"Pero kakakain lang natin ah." - Joan

"Ay oo nga pala. Waaah basta gutom ako! Tara mag-snack tayo."


Habang kumakain kami ng snack, walang nagsasalita saming 4. Alam nyo yung feeling na hindi namin kilala yung isa’t isa? Then at last biglang nagsalita si Mikee.


Drea, pwede ba mamaya tabi tayong apat nina Joan?”

NO!!” I shouted.

oops napataas ata boses ko.. 

I-I w-was just asking” biglang nag walk out si Mikee. aigoo iiyak naman yun >__<

What the hell is happening to you Ondrea?” si Joan biglang tumayo at sinundan si Mikee.

Tsk tsk. Una na ako sa taas.” sabi ni Brianna. Lahat sila iniwan ako dito sa dining table mag-isa.. :(


Hindi kasi ako sanay na my katabi sa bed ko.. sa totoo lang hindi kami sinanay ng mga parents namin na my kasama sa room

Hinanap ko sina Mikee and Joan sa buong bahay and nakita ko nalang sila sa my tabi ng pool.. so lumapit ako sa kanilang dalawa at  sinabi kung bakit napa-taas yung voice ko kanina


sorry Mikee~ I didn’t mean it :((

pero nagawa mo na… T__T” - Mikee

Waaah sorry na please” with matching pout pa yan >3<

sige na nga.. kung hindi lang kita best friend eh. I love you!

"Cheesy!" singit ni Joan


“Haha che inggit ka lang Joan.. XD I love you too Mikee~ smile ka na ha? Pinahanda ko na pala yung tutulugan nyong dalawa. May tig-isa kayong room doon.. Una na ako ha.” ayoko mag-stay dito sa my pool may naalala lang kasi ako. To be honest etong place na toh ang hindi ko talaga masyadong pinupuntahan.

“Stay muna tayo dito kahit saglit lang.. please~”

“ayoko kasi….” Pinutol ni Joan yung dapat na sasabihin ko

“…kasi my naaalala ka? Come on Drea, past na yun.. it was 2 years ago. Move on Drea.. sya nga naka move on na eh.”

“yeah I think so…and if you think hindi pa ako nakaka-move on girls. naka move on na ako matagal na. Tara na sa loob please~ baka may mumu tapos  ang lamig lamig pa.” (>/\<)

“yeah right.. BITTER ka kasi ahahaha.”

“Hindi ah!!”


***

Monday -- @SOUTH APEX HIGH

Sabay-sabay kaming apat na pumasok sa school. Kaming dalawa ni Brianna, hindi namin pinag-usapan ang kahit anong tungkol dun sa dare.. naman eh! Dapat hindi ko nalang sinuggest na maglaro kami ng truth or dare.. eto tuloy napasubo ako TT.TT Tapos 3 months commitment? Magpatalo nalang kaya ako??  O3O

Waaah tama tama.. magpapatalo nalang ako kahit ano pa yung prize na un *O* Wahaha babayaan ko nalang si Bri---

"Ay mga teh! May dagdag nga pala kami dun sa dare. Kung ang mananalo ay may prize, syempre may parusa naman sa matatalo! Hihi yun lang babyeee ^____^" Sabi ni Joan at sabay hila kay Mikee at tumakbo na palayo.


DAAMNN!!! Ano naman kayang parusa? Katakot TToTT


"Tss." - Brianna



She started walking then  sumunod nalang ako sa likod nya.. As usual kaway ako ng kaway sa mga ibang studyante.. Bait ko eh ^____^V


"Maddison!" 


Eh??? o.o}}

Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Jayvee na kumakaway sa nanigas kong kambal. Nakasandal sya sa pader sa harap ng classroom namin. Anong ginagawa nya dito? Sa ibang building dapat sya ah.


Homaygash.. Tinawag sya sa name na pinaka-ayaw nya >__< Lahat ng mga students sa hallway were watching.. coz sa school na toh, alam ng lahat na hindi pwedeng tawagin na Maddison si Brianna.. ako lang at si Als--- oooppps bawal sabihin. *ahem* anyway....


"Y-You... What did you just call me?" Madiin nyang tanong.

"Maddison." ^_^ Ulit pa ni Jayvee habang nakangiti.

hala kayo.. ayan na ang bulkang Mayon. sasabog na namaaaaan.. >__<

"DON'T YOU FUCKIN' DARE CALL ME MADDISON!"

Sumabog na.. (_ _)


yung mukha ng mga nanunuod eh parang natatakot na ewan.. hala hala~ Pero yung mukha ni Jayvee ganun pa din.. cool na cool. As if kilalang kilala na nya si Bri. 


"Chillax lang. Oh tignan mo nagiging dragona ka na naman. Haha. Bumibisita lang kasi bored ako eh."

"Ano tingin mo sakin entertainment?! Hell no! Get the hell out of here!" She brushed Jayvee off the way at pumasok na sa room. 

.____.

Tumawa nalang si Jayvee then napatingin sakin. "Oh, hi Bliss ;)" 


Okay tong lalaking toh ah.. Kanina pa ako dito di man lang ako napansin.

Pero syempre kailangan mabait ako sa kanya.. crushlalu ko sya eh XD


"H-Hii! ^__^" Kinakabahan ako..nu beyeeen.


Pagka-ring ng bell, umalis na si Jayvee. Pagkapasok ko sa room, dun sa sulok may itim na aura ang bumabalot.. holo~ Lumapit ako kay Brianna..


"Bakit ang sungit mo pa din sa kanya sis?.. Di ba you have to be mabait para sa dare?" - ako

She looked up at me. "Bukas pa yun."


"ahaha okay sabi mo eh.. pero be careful sis, di ako papayag na ako gagawa ng parusa. ^__^" 

She rolled here eyes. "Bet."


"Ahahaha bet."


***

Tuesday -- 8 pm


Uwian na. Pina-una ko ng umuwi sina Joan and Mikee..  for sure si Brianna nauna na yun. Ako naman kasi eh may pupuntahan pupuntahan na iba. Kailangan maaga akong kumilos kesa kay Brianna .

So I was waiting for Jayvee here sa carpark ng university and sakto dumating siya..


“Hello, hottie” bati ko sakanya with matching wink pa yan. Hay goodluck talaga sakin


“Hello sexy. Ano pa ginagawa mo dito? Waiting for someone? Umuwi na mga friends mo diba?pati si dragona wala na” Binawiaan din ako ng isang wink and a killer smile.. aigoo
*Q* 

“diba friends na tayo Jayvee?” I asked sweetly habang nilalaro yung buhok ko

“Yeah bakit mo natanong?”

I smiled. “Nothing.. can I have your phone?”

Tska naman niya binigay yung phone nya.. and of course ginawa ko na ang dapat kong gawin.. I saved my number into his phone and copied his number on mine.

“Ayan I got your number and you got mine, hottie. Just in case you need my company you can call me..” ^__^


 and I gave him a kiss sa lips maybe nasa 10 seconds (mahilig kasi akong magbilang).. din yun aba he kissed me back. Ah muntik ko ng makalimutan na cassanova din pala etong si Jayvee. Ang galing din nya maglaro ah..


“We have a date tommorow. 7pm and I’ll text you the place.." I said. Hindi yun tanong ah.. that was a demand. "see you” then pumasok na ako sa car and I drove papuntang condo ko.. mas relax ako dun


 ***

JAYVEE’S POV

“We have a date tommorrow. 7pm and I’ll text you the place. See you.” grabe si Bliss, ang bilis haha pero I like that.

bukas my date ako sa isang casanova..hindi isang sissy. Ayos ah.

*bzzt
 From : Princess DreaMeet me on Sala Restaurant. 7pm sharp okay? don’t be late .. goodnight dear honey. xoxo :*

-end of text-


Hanep Princess Drea haha. Sabagay mukha nga syang prinsesa kesa sa ate nyang mukhang dragona.
Ang gwapo ko talaga. Babae na nagyaya sakin na makipagdate… ^_^


Pauwi na sana ako kaso pag sinuswerte ka nga naman. Nakita ko si dragona sa isang café malapit sa school.. kaso sino yung kasama niya?


***

BRIANNA’S POV


Nandito ako ngayon sa isang café malapit sa school namin at kasama  ko si Bryan. Wala lang.. sya yung una kong nakita eh.. kaya niyaya ko siya dito

“Hey Bryan, sorry for what happened last time dun sa Debris.” Mabait naman ako eh.. tska I was worried sa sister ko kaya ko nagawa yun sa kanya. Umay! -__-

“it’s okay I understand naman eh.” He smiled. 

“Good, then can I ask you something?” tatanong ko sa kanya kung type nya kapatid ko my something kasi eh. Parang gusto na nya.. eh kapag sa ganyang stage, hinihiwalayan na namin ni Drea dahil mahirap na kapag lalo pang tumagal.

“Ano yun?” tanong nya while iniinom yung iced-coffee na inorder niya

“Gusto mo ba kapatid ko?” bigla syang nasamid sa tanong ko. May mali ba dun?

“a-aah e-eeh…. Ano kasii…”

ayan na naman yung pa-utal utal nyang salita. Parehas sila ni Drea. Gosh -__-



“Hey 'sup fire-spitting dragon.”

That voice.. and that NAME -_____- I turned around and saw that loony brained mushroom. Ay teka.. tuesday na nga pala ngayon. Hay. Brianna, be kind.
  
“Hello there,  dear Jayvee.” bati ko sa kanya with matching fake wide smile.

Mula sa side view, nakita kong parang nagulat na naguguluhan si Bryan.


“Oh ano nakain mo? Bakit hindi ka galit nung makita ako?” tanong nya.
Sa totoo lang pagnakikita kita, kumukulo dugo ko.


 “Wala. Masama na bang maging mabait? Have you heard about having a new life?”

“Uyy wag. Mas nakakatakot hahaha! Sino kasama mo Brianna? Boyfriend mo?”

“Are you trying to make me laugh? Wala akong boyfriend and ayoko magka-boyfriend.” -__-

“Kaya siguro ganyan ka Dragona.. nakakatakot hahaha.”

I gave him a sweet smile. Pwedeng ibuhos sa kanya ang iced-tea ko? ^__^


“Pare Jayvee nga pala.” Sabi nya kay Bryan. Aba makikipag shake hands pa ang mushroom na toh.

“Bryan tol.” - Bryan

“Hey Jayvee, can I get your number?” This is the first time na ako ang kukuha ng number ng guy. Gosh this is crazy..

“Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Dalawa na kumukuha ng number ko ngayong araw.”
pakielam ko dun sa isa…

Then binigay nya na nga number nya sakin.. so all I have to do is text him na may date kami sa Saturday. God I hate this feeling.. ako nag-aaya magdate. It's sooooo embarrassing. Brianna? Me? Asking a stupid guy for a date? -__-

 Pagkaalis nya, agad ko syang tinext.

To: Mushroom
Meet me on saturday at debris. 7:30 pm

-message sent-

Kahit ayaw ko ng dare samin ng kapatid ko, gagawin ko nalang. Hindi ako magpapatalo kahit saan lalo na sa mga dare.. I always win


***

BRYAN’S POV

Broken hearted nga ako dahil kay Ondrea. Ang sakit kaya nun. Yung mahal mo ng isang taon eh may gusto ng iba </3
Nakakainis naman oh my kaagaw na ako kay Drea babes ko.

Nandito ako ngayon sa café kasama ko si Brianna. Ewan ko ba dito bigla nalang akong hinatak hahanapin ko pa sana si Drea babes ko =_=


“Hey Bryan, sorry for what happened last time dun sa Debris.”  si Brianna nag-sorry sakin? Close na ba kami? Ang alam ko kahit sya ang may mali, hindi talaga to humihingi ng tawad.

Ngumiti ako. “It’s okay. I understand naman eh.”

“Good, then can I ask you something?” bigla akong kinabahan dun sa tanong niya

“Ano yun?” tanong ko sabay inom ng iced-coffee.

“Gusto mo ba kapatid ko?”

Bigla akong nasamid sa tanong ni Brianna. Anong tanong ba yun? Syempre oo. Sobrang mahal ko na nga eh. Manhid lang

“a-aah e-eeh…. Ano kasii…”

Kapag ba nalaman nya sisipain nya ulit ako? >_<

May biglang dumating na lalaki at tinawag na 'fire-spitting dragon' si Brianna. Teka.. eto yung kasama ni Drea babes ko nung pumunta sila sa Debris. Sya yung dahilan kung bakit hindi ako pinansin ni Drea babes!


Nag-usap lang yung dalawa hanggang sa..

“Pare, Jayvee nga pala.” Kapal ng mukha ng lalaking to.. gusto pa makipag shake hands sakin. Inagaw mo na nga Drea babes ko eh :(

“Bryan tol.” I coldy said.

///

Pagkaalis nya, naiwan na naman kami ni Brianna dito. Tahimik lang kaming dalawa.

"BRYAAAAAAN?! Oh-Em-Gee! Ikaw ngaaaaa!!"  

Nagulat kaming pareho ni Brianna dahil biglang may sumigaw at niyakap ako.

Isa lang ang sumasabit na parang unggoy sa akin ng ganito o__o

"Annie? Kailan ka pa nakabalik?" Tanong ko sa kanya. Isa't kalahating taon na kasi nung umalis sya papuntang Australia. She was my childhood friend. Wala pa din nagbabago sa kanya.. maingay pa din haha :))

Annie Montemayor Clarke
                                                                          

"I missss youuuuu Boypreeenn!!"  >3<

Hala..

"B-Boyfriend?" Nagtatakang sabi ni Brianna. (-.^)

Patay baka sabihin nya kay Drea babes na may girlfriend na ako.. Ay, baka wala din paki si Ondrea. Eh ano naman sa kanya kung may girlfriend nga talaga ako? </3

Oy teka, hindi ko girlfriend tong si Annie ah. 'Boypren' lang talaga ang tawag nya sakin nung mga bata pa kami tapos 'girlpren' sa kanya. Bata palang kami nun, hindi ko pa kilala si Drea babes ko >//>

Napatingin si Annie kay Brianna.. tapos tumingin sya sakin.

"Waaahhh Boypren!! Girlfriend mo ba sya??? TT_____TT" tinuro nya si Brianna.

"Ha?! Hala h-hindi ah!.." sabi ko.

Napangiti ng malapad si Annie. "Good!! ^____^" Tumingin ulit sya kay Brianna. "Hi! Ako nga pala si Annie.. childhood sweetheart ni Bryan and crushlalu ko syaaaa ^0^"

Tumaas kilay nya. "K." 

"Sungit mo naman Ate ahahaha.. ano name mo? ^__^" 

Tawa ng tawa toh.. Kahit kailan talaga. :P

"Brianna."

"okay LOL!.. wait lang boypren ah!.. paalam muna ako sa mga friendslalu ko sa labas. Dyan ka lang!" Then tumakbo na sya palabas ng cafe. 

"In fairness mas maingay pa sya kay Drea. Nakakarindi.-__- " Sabi ni Brianna.

"Ah.. pagpasensyahan mo na." - ako

"K lang. Geh alis na ako. Bye." Tumayo sya at umalis na.

*sigh* Walang magawa. I guess makikipag-hang out nalang muna ako kay Annie. Miss ko din yung  isang yun eh. >:)




2 comments:

  1. LahAt n LNg cLa kEi dRea nAh,,, pSh,,,

    ReplyDelete
  2. at aNg cuTe ni aNnie,,, aNo nMan kYa mgiGiNg paPeL niA dtO,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^