( ZELINN IYA YU’s POV )
“Ako
lang naman ang lalaking pakakasalan mo.”
“Ako
lang naman ang lalaking pakakasalan mo.”
“Ako
lang naman ang lalaking pakakasalan mo.”
Paulit-ulit
‘yong nag-replay sa isip niya. Pinagloloko ba siya nito? Ito ang pakakasalan
niya? Ito ang pinili ng daddy niya para sa kaniya? NO!!
“What are you
talking about?! It’s not true!” Pinagtitripan lang
siya nito, alam niya!
“It’s true,
Zelinn.”
“No!”
Sa inis niya nabalibag niya ang hawak niya para lang manlaki ang mga mata niya.
Yung phone niya! Sabay pa silang napalingon ni Kevin ng magbukas ang pintuan ng
locker room.
Si Shanea na bestfriend con business partner ng pinsan niyang si Hiro
ang pumasok.
Sabay
pa silang napa- “Ma’am...” ni Kevin. Mas matanda siya ng anim na
taon kay Shanea pero pag oras ng trabaho, boss nila ito, hindi parang
nakababatang kapatid. Kasing kulit din nito si Hiro pero pag oras ng trabaho,
sumeseryoso ito.
Ngumiti
ito. “I’m
not your boss for now. Kaya mga ate at kuya, ano pong problema?”
“Look what he did,
Shanea? My dearest phone!” sabay turo sa lasog-lasog niyang
phone.
“Ako ba ang
naghagis niyan? Hindi ba ikaw?”
“But you’re the
reason why I did that! You just told me that I’m going to marry you! It’s not
true, right? You’re just kidding me!”
“I’m not. Kahit itanong mo pa sa daddy mo.”
“No!”
Pinadyak niya ang mga paa niya sa inis. Sabay tingin sa phone niyang nakakalat
ang parts sa sahig. “I can’t believe it...” Dahan-dahan siyang
napaupo sa sahig. Kinuha niya ang screen ng phone niya. Ganito ba siya kalakas
para malasog ng ganito ang phone niya?
“My phone...”
Hindi niya namalayang napaiyak na siya. “Yung mga text ni mommy ko...it’s all gone...” Yun
ang huling mga text sa kaniya ng mommy niya bago ito mamatay nung college pa
siya. Sobrang iniingatan niya ‘yon. Sa phone memory naka-save ‘yon. At wala na
ang mga text na ‘yon! WALA NA!!!
“Zelinn.”
Lumapit
sa kaniya si Shanea.
“Shanea...”
Yumakap siya dito. Dahil sa sobrang stress at sa sama pa ng pakiramdam niya.
Umatungal na siya ng iyak. Hindi siya iyakin, pero ngayon... “I didn’t mean
to throw my phone...I was just pissed off to Kevin. Hindi ko sinasadya...”
“Ma’am Shanea, may
naghahanap po sa inyo.”
“Ako ng bahala sa
kaniya.”
Unti-unting
humiwalay sa kaniya si Shanea. Lumapit naman sa kaniya si Kevin.
“Don’t touch me!”
“I’m not touching
you. I’m just giving you this.”
Cellphone
nito ang inaabot nito. “What am I gonna do with you’re damn phone?!” Ito
ang may kasalanan kung bakit niya nahagis ang phone niya. Ito!!!
“Sa’yo na ‘to.”
Binaba nito ang phone nito sa harap niya at kinuha ang nakakalat na parts ng
phone niya sa sahig.
“Don’t touch my phone!”
“Ang lasog-lasog
mong phone.” Mas lalo tuloy siyang napaiyak. “Give me weeks. Ibabalik ko sa’yo ‘to ng buong-buo
together with your mother’s messages.”
“You can’t!”
“Parang hindi mo
ako kilala. I can do that. And by the way, starting today, you are officially
my fiancee.”
Nanlaki
ang mga mata niya. “What?!”
“Hindi ka na din
titira sa bulok mong apartment. You are going to live in my condo.”
Mas
lalong nanlaki ang mga mata niya. “Live in?!”
“Anong live in ang pinagsasabi
mo diyan? Makikitira ka lang.”
“No!” Kahit
sa kalsada pa siya tumira, hindi siya titira sa isang bahay na kasama ang
manhid na lalaking ito.
“Tumayo ka na dyan.” utos nito.
Umiyak lang siya ng iyak. “Huhuhu...huhu...huhuhu...”
“Huwag mo nga kong
idaan sa iyak dyan. Oras na ng trabaho kaya tumayo ka dyan.”
“Out!”
Sabay turo sa pintuan. “OUT!!! And
this phone of yours, wag na wag mong iiwan dito dahil ihahagis ko ‘yan sa trash
can! I don’t need it! I’m not pulubi! And one more thing, I WILL NEVER EVER
LIVE WITH YOU!”
Napailing ito. “Hindi ka pa rin talaga natututo, Zelinn. Kaya hindi ko rin
masisisi ang daddy mo ng pinalayas ka niya sa mansion ninyo. Dahil hanggang
ngayon, ikaw pa rin ang spoiled brat niyang prinsesa.” Kinuha nito
ang phone nito at walang paalam na lumabas ng locker room.
“Bwisit!” Inis na pinunasan niya ang mga
luha niya. “Stop
crying, Zelinn. Stop it...Walang magagawa ang pag-iyak mo...” Huminga muna siya ng malalim bago tumayo mula sa
pagkakasalampak sa sahig.
=
= = = = = = =
“Who’s that guy?”
tanong niya kay NADINE. Isa ito sa mga kasamahan niyang waitress. Twenty years
old. A working student. Tinuro niya ang kasamang kumakain ni Shanea sa isang
table.
“Si Mr. Villafuerte
po.”
“His name, Nadine.”
“Jed po.”
Tiningnan
niya ito. “How
many times do I have to tell you na wag mo akong popopoin? You’re not calling
me ate but everytime na kausap mo ko, laging may po.”
“Sorry, Zelinn.”
“Forgiven. Teka,
diba may pasok ka pa?”
“Op—oo.”
“Then why are you
still here? Are you waiting for my cousin?”
“H-hah?”
Napayuko pa ito na parang nahihiya. “Hindi. Aalis na talaga ko.”
“Then you can go
now.”
“Sige.”
Napailing
na lang siya habang sinusundan ito ng tingin. May gusto ba siya sa pinsan ko?
“Hanep ka talaga,
Zelinn.”
Napalingon
siya kay Mike na nasa likuran niya. One of the waiters. Tinaasan niya ito ng
kilay. “What?”
“Parang kang boss
dito. You can go now pa, hah.”
“So? Your point
is?”
“Ang sungit mo
naman ngayon.”
“I’m not in a good
mood.” Tinalikuran
na niya ito at lumapit sa table ni Shanea. “Hi.”
“Okay ka lang,
Zelinn? Bakit parang ang putla mo?” tanong ni Shanea sa
kaniya.
“Okay lang, Ma’am.
Can I sit here?” Pero hindi pa ito nakakasagot ay
umupo na siya sa tabi nito. Napangiti na lang ito. Sanay na ito sa kaniya. “Who is he, Ma’am
Shanea?” tanong niya habang nakatingin sa nakakunot-noong kasama
nito. “Your
boyfriend?”
“Uy, hindi, ah.”
nakangiting sagot nito.
“Then who is he?”
“He’s Jed. Kababata
ko.”
Nilingon nito si Jed. “Jed, si Zelinn. She’s working here. Pinsan siya ni Hiro.”
Napansin
niyang mas lalong kumunot ang noo ni Jed. Napangiti siya. “Do you know Hiro?” tanong niya
dito.
“Yes.”
“Si Hiro ang
boyfriend ni Ma’am Shanea.” Nagsalubong ang mga kilay nito. Lumapad ang ngiti niya. Parang may
something, ah.
“Zelinn.”
saway sa kaniya ni Shanea. Nilingon nito ang katabi nito. “Ah, Jed. Hindi totoo ‘yon. Nagbibiro—”
“You don’t need to
explain.” singit ni Jed dito.
Itinaas
niya ang kamay niya. “She’s right. I’m just kidding. Pero totoo bang hindi mo
siya boyfriend, Ma’am Shanea?”
“Hindi nga.”
“Si Jed na lang ang
tatanungin ko. Jed, girlfriend mo—“ Kinalabit siya ni
Shanea. “Why?”
May itinuro ito sa likuran niya. Napalingon siya. And there she saw Kevin
standing besides Mike habang nakapameywang. She rolled her eyes. “Here we go
again. Katatapos lang kanina, may round two agad.”
Sabagay,
oras ng trabaho tapos nakikipagkwentuhan lang siya. Pati nga ang ibang costumer
napapatingin sa direksyon niya. Eh, wala siya sa mood na magtrabaho, eh. Masama
ang pakiramdam niya.
Nakangiting
tumayo siya. “Excuse
me, Ma’am Shanea, Sir Jed. Time to work.” Tumalikod na siya ng
marinig niyang magsalita si Jed.
“I don’t like her.
Waitress ba talaga siya dito? The way she talked to you, parang siya ang amo.
Para sa’n pa ang pagtawag niya ng ‘ma’am sa’yo?”
“Shhh...wag ka
ngang maingay. Marinig ka niya.”
“So?”
“Sanay na ko sa
kaniya. Kumain ka na nga lang. Eto masarap ‘to...”
Napailing
na lang siya. Sanay na siyang makarinig ng mga ganong salita sa loob ng isang
buwan niyang pagta-trabaho dito. No one understands her.
Sa
halip na magtrabaho, sa locker room siya dumeretso. Masama talaga ang
pakiramdam niya. Sadyang magaling lang siyang magtago. Mas lalo pang sumakit
ang ulo niya dahil sa nangyari sa phone niya kanina. Ang phone niya! At ang
nakakainis na Kevin na ‘yon!
=
= = = = = = =
“Hmm...”
“Zelinn.”
“Why ba? I’m still
sleeping, okay...” Tumagilid siya ng higa.
“Zelinn.”
“Who are you ba?
Inaantok pa ko, eh...”
“It’s me.”
“Who?” Inaantok
niyang idinilat ang isang mata niya. “Kevin?” Ngumiti ito. Teka lang! Nginitian
siya ni Kevin? At ang gwapo nito! Ngayon lang niya napansing ang gwapo nito
lalo na kapag nakangiti.
Tuluyan
na niyang idinilat ang mga mata niya. Hinaplos nito ang pisngi niya. “I’m sorry...”
Nag-sorry
sa kaniya si Kevin? Himala! Saka ang sweet naman ng boses nito. Para siyang
hinehele ng anghel.
“Sorry for what?”
“Sorry for
everything. Dahil lagi kitang pinapagalitan. I’m sorry. Nagkasakit ka tuloy.” Alam
nitong may sakit siya? “Can you forgive me?”
“Hah? Ah, eh...”
Bakit ba nabubulol siya?
“Can you please
forgive me?” At habang sinasabi nito ‘yon ay lumalapit
ang mukha nito sa mukha niya. “Please?”
“Hah? Teka...”
Itinukod niya ang dalawa niyang kamay sa dibdib nito.
“You know what...”
Isang dangkal na lang ang layo nito sa kaniya.
“What...”
“I want to kiss
you...”
Nanlaki
ang mga mata niya. Pero mas lalong nanlaki ang mata niya sa sunod na sinabi
nito.
“Until my heart
contents.”
Papatayin
ba siya nito sa halik nito? Hindi niya alam pero napapikit na lang siya at
hinintay na lumapat ang labi nito sa kaniya.
I’m insane!
=
= =
wehehe! ambilis ng mga pangyayari :D
ReplyDelete