CHAPTER 4
( ZELINN IYA YU’s POV )
“I want to kiss
you...until my heart contents.”
Napapikit
na lang siya at hinintay ang halik na sinasabi ni Kevin. Sinubukan niyang
sawayin ang sarili niya pero walang nangyari. Ilang segundo na siyang nakapikit
pero wala ang hinihintay niyang halik.
Idinilat
niya ang mga mata niya. Nakangiti lang si Kevin sa kaniya. Hanggang ang ngiti
nito ay naging halakhak. Nanlaki na lang ang mga mata niya ng biglang lumaki
ang butas ng bibig nito. At mula sa bibig nito ay naglabasan ang mga baso at
plato na may mga mata, ilong at bibig pa. Mukhang basag na ang mga ‘yon dahil
dinikit-dikit lang ‘yon.
Nang
biglang dumilim ang paligid niya. Hindi siya hinimatay, naging kulay itim lang
ang paligid niya. Napatakbo na lang siya ng habulin siya ng mga basag na plato
at baso na humahalakhak na parang halimaw.
Hindi
lang mga baso at plato ang humahabol sa kaniya. Pati ang apartment na
tinutuluyan niya na naging monster apartment. Tumakbo siya ng tumakbo pero
parang hindi naman siya nakakalayo sa kinatatayuan niya.
Hanggang
sa mula sa kung saan ay lumitaw si Kevin. Tinawag niya ito. Humingi siya ng
tulong pero parang hindi siya nito narinig. Tinawanan lang siya nito. Napasigaw
na lang siya ng abutan siya ng mga monster na nasa likuran niya. Tuluyan na
siyang nadapa at napapikit ng daganan siya ng mga ito. Hindi siya makahinga.
Mamamatay na ba siya?
Nang
mula sa kung saan ay may narinig siyang boses. Parang boses ng mommy niya...
Na
parang sinasabing...
Napabalikwas
siya ng bangon mula sa pagkakahiga sa couch. Habol niya ang paghinga niya.
Napahawak siya sa dibdib niya. Panaginip lang pala. Akala niya totoo na.
Napahawak siya sa ulo niya ng kumirot na naman ‘yon. Ang init ng katawan niya!
Niyakap
niya ang sarili niya. It was just a dream. No! Not a dream, but a nightmare...
Napalingon
siya sa pintuan ng locker room ng bigla na lang may pumasok. Para lang
mapasimangot ng makita niya si Kevin.
Parang
kanina lang, kasama ito sa panaginip niya. At hahalikan siya... Napangiwi siya
sa naisip niya. Bakit ko ba napanaginipan
ang eksenang ‘yon? Feeling niya, nagtayuan ang mga balahibo niya.
“Goodmorning,
MA’AM. Katatapos lang PO naming magsara ng restaurant. Pwede na PO kayong
umuwi.”
Inirapan
niya ito. Hindi na siya lumabas simula kaninang hapon na pumasok siya dito. Natulog
siya, eh. Saka lang niya naalala yung sweldo niya!
“Ito na po yung
sweldo ninyo, MA’AM.” Nilapag nito sa tabi niya ang isang
sobre.
“Ba’t na sa’yo
‘to?” Kinuha niya yung sobre.
“Pinabigay PO ni ma’am
Shanea, MA’AM. Ang tagal ninyo PO kasing lumabas.”
“Can you please
stop that sarcastic remark?! You’re not funny!”
Tiningnan niya ang laman ng sobre para lang magulat. “Bakit ganito lang ‘to?”
“Wag ka ng magtaka.
Sa dami ng nabasag mong baso at plato simula ng araw na magtrabaho ka dito, pati
ang mga araw na hindi ka pumasok. Pati ang mga RULES na hindi mo masunod-sunod,
Tama lang ‘yan.”
Padabog
siyang tumayo. Para lang mapaupo uli. Nahilo siya bigla. Hinilot niya ang ulo
niya.
“Sumakit ba ang ulo
mo dahil nasobrahan ka sa pagtulog? Sa bahay kasi ginagawa ang pagtulog, hindi
sa oras ng trabaho.”
Hindi
niya ito pinansin. Dahan-dahan na lang siyang tumayo.
“Kung magrereklamo
ka, wag mo ng ituloy. Walang alam si Shanea kung bakit ganyan ang sweldo mo. Alam
mong ang pinsan mo ang magdedesisyon kung magkano ang se-swelduhin mo every
month. Depende kung paano ka magtatrabaho dito. At ‘yang sweldo mo ang
pinagtrabahuhan mo dito. You already knew that from the day na magtrabaho ka
dito, right? O sadyang hindi mo lang talaga inintindi at pinansin. Alam mo bang
swerte ka dahil tinanggap ka ni Hiro dito kahit puro sakit ng ulo ang binibigay
mo sa kaniya? Kaya dapat lang na magpasalamat ka pa dahil may sweldo ka ngayon.”
“Shit!”
Inis na kinuha niya ang bag niya at lumabas ng locker room. “Nakakainis!”
Anong gagawin niya sa five thou?! Kulang pa ‘yon sa kaniya! Two hundred na nga
lang ang pera sa wallet niya. Tapos ibibigay pa niya ang two thousand sa
landlady nila. Magkano na lang ang matitira sa kaniya? Baka sa susunod na mga
araw, wala na siyang makain at mamamatay na sa gutom! Tapos masama pa ang
pakiramdam niya ngayon!
Nakita
niya si Shanea sa tapat ng counter. Itatanong sana niya ang tungkol sa sweldo
niya pero nagbago ang isip niya. “Shanea, is that you’re boyfriend?” Sa halip
ay tanong uli niya dito. Na ang tinutukoy ay ang kasama nito kanina. Napalingon ito sa kaniya.
“No. Kababata ko
lang siya.”
Magtatanong
pa sana siya ng dumaan si Kevin sa gilid nila. Inirapan niya ito.
“Yang mata mo,
Zelinn. Baka magulat ka na lang paggising mo, duling ka na. Ayoko ng duling na
fiancee.”
“Whatever! Don’t
talk to me!” Nilingon niya si Shanea. “I have to go,
Shanea.” Tumango lang ito. “And I’m not your fiancee!” baling niya kay
Kevin bago nagmartsa palabas ng restaurant. Hindi pa rin siya naniniwalang ito
ang fiance niya. Hindi talaga!
=
= = = = = = =
Katatapos lang niyang kumain at bumili ng gamot. Hawak
niya ang pera niya habang naglalakad sa gilid ng kalsada. “Pa’no ko mabubuhay nito?” May
pumatak na ulan sa braso niya. Napatingala siya. “Wag naman sanang umulan. Wala kong
payong.”
Nagpatuloy siya sa paglalakad habang nakatingin sa pera
niya. Hindi niya alam pero napangiti siya. “Pera ko ‘to. Ito ang unang perang nanggaling sakin na
pinaghirapan ko.” Napahinto siya sa sinabi niya. Pinaghirapan niya
ba talaga ‘to? Pero para sa kaniya, “Oo. First time ko kayang pagsilbihan ang ibang tao kahit
nung una gusto ko na silang tarayan. At itong pera na ‘to ang pinaghirapan ko.”
Pero laking gulat niya ng mawala sa kamay niya ang pera niya! Ang
pera niya! Tinangay ng magnanakaw!
“Magnanakaw...” Pero parang wala namang lumabas
na boses sa bibig niya. Para lang siyang tangang nakatingin sa mga kamay niya.
Ilang beses siyang napakurap. “Yung pera ko...wala na...”
May bumangga sa kaniya. “Miss, ano ba! Nakaharang ka!”
Kung sa ibang sitwasyon lang siya, natarayan na niya
ang lalaking bumangga sa kaniya. Pero hindi, hindi na siya makapag-isip ng
matino.
Wala na siyang pera!
Paano siya mabubuhay nito?
Yung ipambabayad niya kay Ate Polly!
Yung pang-laundry niya ng mga damit niya!
May sakit pa siya ngayon!
Kanino siya uutang?
Kanino siya lalapit?
Nung sinubukan niyang tawagan ang mga kaibigan niya
kahapon, ni walang sumasagot sa tawag niya!
Ano ba namang buhay ‘to?!
Gusto niyang sumigaw!
Isisi sa lahat ng taong makita niya kung bakit siya
napunta sa ganitong sitwasyon!
Isisi sa daddy niya ang lahat!
Bakit?! Bakit?! Bakit?!
Sa dami ng tanong sa isip niya, wala siyang maisagot. Nanghihina
na siya. Naramdaman na lang niyang unti-unting dumilim ang paningin niya.
“Yung babae hinimatay!”
“Tulungan ninyo!”
“Zelinn!”
May lumapit na lalaki sa kaniya. Bago siya napapikit,
parang namukhaan niya pa ang lalaki. “Mike…”
“Zelinn!”
Iyon na lang ang huli niyang naalala bago siya tuluyang
mawalan ng malay.
=
= =
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^