CHAPTER 13
( Regina
Salazar’s POV )
“Ako? Napapansin mo?” tanong ko sa lalaking nasa
harap ko na bigla na lang sumulpot sa kung saan.
“Kanina pa kita nakikitang paikot-ikot dito.”
“Ah.” Nginitian ko siya. Mukha naman siyang mabait,
eh. “Sorry.
Pero hindi kasi kita napapansin, eh. Kita mo naman, ang daming tao.”
Natawa ng mahina ang lalaki. “It’s okay.
Hindi ko naman sinabing mapansin mo ko.”
“Eh, anong kailangan mo sakin?”
“Sa totoo lang,” Nilibot niya ang tingin sa
paligid. “,wala
kong kilala dito. At naiinip na ko. Kailangan ko lang ng kausap dahil
mapapanisan na ko ng laway dito.”
“Eh, bakit nandito ka?”
“Sinama lang ako ng Tito ko. Or mas tamang sabihing, pinilit
isama.”
“Gano’n ba?” May naisip ako. “Why don’t you join us? Nando’n ang mga
friends ko.” Itinuro ko ang table namin.
“Hindi na.”
Napakamot ako ng kilay. “Tatayo na lang
tayo dito?”
“If it’s okay with you,” Nilahad niya ang kamay niya. “,pwede ba
kitang maisayaw?” Saka ko lang napansin na sweet music ang
tumutugtog ngayon. Parang gusto kong pitikin ang mga daliri ko. Sayang! Kung
nakita ko lang si Glenn, edi sana, nagsasayaw na kami dito. “Don’t worry,
harmless ako. Promise.” Ngumiti pa siya ng pagkatamis-tamis.
“Harmless din naman ako, ah.” Nakangiting inakay niya
ko sa mga sumasayaw.
“By the way, I’m Liam. You are?”
nakangiting tanong niya habang nagsasayaw kami in slow dance. Pero ang kamay
kong isa, nakalagay sa balikat niya. Ang kamay niyang isa, nakalagay sa
beywasng ko. At ang isa kong braso at ang braso niya ay naka-extend. Ganito
magsayaw ang prinsipe at prinsesa sa mga fairy tales na nababasa at napapanood
ko, eh.
“Regina. Pero Rehg na lang para cute.”
“Nice to meet you, Rehg. You’re with your friends?”
“Yes. Yung bestfriend ko. Yung boyfriend niya. Yung pinsan ng
boyfriend niya.” Na pinagtaguan na talaga ako.
“So, double date kayo?”
Napangiti ako. “Nope. Hindi ko
boyfriend ang pinsan ng boyfriend ng bestfriend ko.” Kumunot ang noo
ko. “Magulo
ba ang sinabi ko? Parang magulo kasi, eh.”
He smiled. “Naintindihan ko.”
“Buti naman. So, yun nga. Kanina ko pa hinahanap ang pinsan ng
boyfriend ng bestfriend ko, eh.”
“Kanina pa nga kita napapansin. May nilapitan kang waiter and a
girl.”
“Stalker ba kita? Ba’t alam mo ‘yon? Ikaw, hah.”
“I’m sorry. Observant lang talaga ko. Lalo na kaninang wala kong
magawa kundi tingnan ang mga tao sa paligid ko.”
“I’m just kidding. Brother ko yung waiter kanina. Girlfriend
naman niya ang girl na nilapitan ko.”
“How about the cousin of your bestfriend’s boyfriend?”
I pouted. “I didn’t saw him. Pinagtaguan na naman
niya ko.”
“Na naman?”
“Yap. Kanina kasi pinagtaguan niya din ako. Trip ata niyang
maglaro ng hide and seek ngayon. Nakukulitan na ata sakin. Sabagay lagi naman.”
“Kung katulad mo lang na maganda ang mangungulit sakin. It’s
fine with me.”
“Binobola mo ba ko?”
“Hindi ako sanay mambola. I’m just telling the truth. Don’t
worry. Harmless ako. Wala kong ibig sabihin sa sinabi ko.”
“Defensive ka naman masyado. Don’t worry. Alam ko namang maganda
ko kaya hindi ko iisiping binobola mo lang ako.”
Natawa siya. “Unang kita ko
pa lang sa’yo kanina, mukhang masaya kang kasama. At hindi ako nagkamali.”
I smiled. “Compliment ba ‘yon? Thank you, hah.”
“Then your welcome, my lady.” Yumukod pa siya bago
ako dahan-dahang bitawan. Tapos na kasi yung kanta. Ang bilis noh? Patapos na
din kasi yung kanta kanina ng ayain niya kong makipagsayaw. Okay ‘yon. Para
mahanap ko na si Glenn. Hayy... feeling ko may tama pa yung wine na ininom ko.
Para kong stalker ni Glenn sa ginagawa ko nito, eh.
“Rehg.” May kamay na pumitik sa harap ng mukha ko.
Napakurap ako. Si Liam ang nakita ko. An amusement smile was written on his
lips.
Nag-peace sign ako. “Sorry.
Nakarating saglit sa Mars ang utak ko. Buti na lang, pinabalik mo.”
Mas lalong lumapad ang ngiti
niya. “You’re...”
“I’m what?”
“Nevermind.”
“Ano nga ‘yon?”
“Mukhang kasama mo yung parating dito. Satin siya nakatingin,
eh.”
Sa halip ay sabi niya habang nakatingin sa bandang likuran ko.
Napalingon din ako sa
tinitingnan niya. Agad akong napangiti.
“I better go, Rehg. Hinahanap na siguro ako ni Tito.”
Napalingon ako kay Liam. “Wait lang. Ipapakilala muna kita kay
Glenn.”
“Next time.” Kinuha niya ang kamay ko. Nagulat na lang
ako ng halikan niya ‘yon na parang prinsipe. Yung mga nabababasa ko sa mga
libro. “Bye,
Rehg. Thanks for the dance. Thanks for the company.” Yumukod pa
siya.
“Ba-bye.” Iyon na lang ang nasabi ko bago niya ko
iwan. Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya. Para naman siyang prinsipe
kung kumilos. Napatingin ako sa kamay ko. Hinalikan niya pa ang kamay ko. May
payukod-yukod pa siyang nalalaman. Sino kaya siya? Hindi kaya isa talaga siyang
prinsipeng naligaw dito sa Pinas? Napangiti ako sa mga naiisip ko.
Saka anong next time? Magkikita
pa ba—
Napalingon ako sa likuran ko.
May humawak na lang kasi bigla ng kamay ko. Ng kamay kong hinalikan ni Liam. At
si Glenn ang may hawak no’n. Hawak niya ‘yon sa harap ng mukha niya. Nakatitig
siya sa kamay ko.
Napangiti ako. Nakita siguro
niyang hinalikan ni Liam ang kamay ko. Nagseselos siya!
Bakit naman siya magseselos? (other
self)
Oo nga. Ano ba ‘yong naisip ko?
Eh, bakit niya ba kasi hawak ang kamay ko? Saka bakit ganito? Parang okay lang
na magdamag niyang hawakan ang kamay ko.
“Ang dumi ng kuko mo. Saka yung cutics mo, tagpi-tagpi na.”
Binawi ko agad ang kamay kong
hawak niya. Tiningnan ko ang mga daliri ko sa kamay. Tumabingi ang ngiti ko.
Iyon pala ang dahilan kung bakit siya nakatitig sa kamay ko. Ano ka ba naman,
Regina! Ba’t hindi mo binura yung cutics mo ng acetone kanina?
“Wala kasi akong acetone kanina.”
“Ba’t hindi ka bumili?”
“Sarado yung mga tindahan.”
“Lahat?”
“Oo. Lahat. Gusto mo, pumunta ka pa samin at tingnan mo.” Na wag
naman sana dahil mabubuko niya ko.
“No need.” Yes!
“Saka, gabi naman, eh.” Itinaas ko ang mga kamay ko sa
harap ng mukha ko. “Hindi naman nila makikita kung tagpi-tagpi na ang cutics
ko. Iisipin nilang style lang ‘to. Besides, hindi madumi ang kuko ko. Kumbaga
sa paglalaba ng damit. Mantsa ang tawag dito. Mantsang hindi natanggal sa
paglalaba.”
“Ang dami mo na namang sinabi.”
“Kasi naman ikaw, pinansin mo pa ang nananahimik kong mga kuko.” Tiningnan ko yung mga kuko ko
at kinutkot ko ng daliri ko. “May nail cutter ka bang dala, Glenn?”
“Wala. At bawal mag-gupit ng kuko sa gabi.”
“Bakit?”
“Mamalasin ka.”
“Bagong pauso mo ba ‘yon? Ang alam ko lang kasi, bawal magwalis
sa gabi.”
“Basta, mamalasin ka.”
“Hindi totoo ‘yon. Naniwala ka naman. Pag naniwala ka sa mga
gano’n, saka ka lang mamalasin. Sinong may sabi nyan? Syempre, the one and only
Regina Salazar.”
Hindi siya sumagot kaya
napatingin ako sa kaniya. Wala na pala siya sa harap ko habang busy ako sa
pagtanggal ng cutics sa kuko ko! Tinalikuran na niya ko.
“Uy!” Sumunod naman ako sa kaniya. “Sa’n ka
pupunta?”
“Kahit saan na wala ka.”
“Ito naman, nagbibiro.”
“I’m not kidding.”
“Me, too.”
“What?”
“Wala.” Binilisan ko ang lakad ko dahil bumilis
ang lakad niya. “Uy!
Bagalan mo naman! Matatapilok ako nito sa’yo, eh.”
“Sino bang nagsabing sundan mo ko?”
“Ano...wala...wala kasi akong kausap sa table namin. Si Nic at
si Kiro ang magkasama. Tapos ako, mag-isa lang.”
“Wag mo ngang idahilan ‘yan. Alam kong kaya mong mag-isa kahit wala
kang kasama. Maghahanap ka ng kausap na kahit yung mga lumilipad na insekto,
kakausapin mo.”
I smiled. “Grabe ka naman.”
“Hindi ba totoo?”
“Slight.” Napatingin ako sa paligid namin. Nakalayo
na pala kami sa garden ng resort kung sa’n ginaganap ang party. Nandito kami
sa... Hmmm...it’s looked like a playground. Parang ang sarap maglaro. Nilingon
ko si Glenn.
“Ayoko ng iniisip mo.” sabi niya kahit wala pa kong
sinasabi. Mabilis siyang tumalikod.
“Uy! Wag mo kong iwan dito! Masakit na yung paa ko, ah.” Binilisan
ko yung lakad ko. Lakad-takbo ang ginawa ko. Naabutan ko siya. Hinawakan ko ang
laylayan ng suit niya. Napigilan ko siya dahil bigla siyang napahinto. Kaya
lang bigla namang dumulas ang kamay ko. Kasabay ng pagkatapilok ko. And guess
what happened. Bigla siyang humarap siya sakin, kasabay ng pagsubsob ko sa
dibdib niya. Hindi lang ako nasubsob, parang naitulak ko pa siya.
“Aray!” Siya kasi ang sumalo ng bigat ko ng
matumba kami sa damuhan. Nasa ibabaw niya ako.
Nagtama ang mga mata namin.
DéjÃ
vu.
Parang ganito lang din yung
nangyari sa condo niya.
Napatitig na lang ako sa mukha
niya. Ang gwapo talaga niya.
“Regina!”
Napakurap ako sa pagkakatitig
sa kaniya. “Hah?”
“Ano pang hinhintay mo?” Magkasalubong ang mga kilay
niya. “Baka
naman gusto mong umalis na sa pagkakadagan sakin.”
“Hah? Ah... oo... sorry...” Umalis nga ko at
napaupo sa damuhan.
“Nakakainis ka talaga!” Tumayo siya at pinagpag ang
duming kumapit sa suit niya. “Bakit ba kasi ang kulit mo?”
“In born, eh.”
Napalingon siya sakin. Kumunot
ang noo niya. Kumunot din ang noo ko. Ano bang tinitingnan niya? Tiningnan ko
ang sarili ko. Maygaligaliwaw! He was looking at my uhm. Tinakpan ko ang harap
ng dibdib ko. Bakit ba kasi ito pa ang sinuot ko, eh?
Nilingon ko si Glenn. Mas
lalong kumunot ang noo niya. “Magpalagay ka na lang kasi ng iyo ng hindi ka tumitingin
sa uhm ko.”
“What? Ano bang pinagsasabi mo?” Hindi
ko alam kung natatawa ba siya sa itsura niya o naiinis.
“You’re looking at my uhm.”
“Oh!” Nagulat ako ng tumawa siya.
“Anong nakakatawa?” Pero bakit parang hindi naman
ako naiinis? Ang sarap kasing pakinggan ng tawa niya.
“I’m not a pervert, okay. I’m not like you.”
Tumatawa pa rin siya.
“Eh, bakit ba kasi?”
Lumapit siya sakin. At yumuko
dahil nakaupo pa rin ako sa damuhan. Inilapit niya ang mukha niya sakin. “Wala akong
pake sa uhm mo. Kaya ako nakatingin sa’yo,” May kung anong tinanggal
siya sa buhok ko. “,para kang may sungay sa ulo mo.” Tumuwid na
siya ng tayo. “Pati
damo, kumakapit sa’yo. Kaya tuloy dumudumi ang utak mo.”
Iyon lang at tinalikuran na
niya ko. Napatingin ako sa damong binigay niya sakin. Tinapon ko ‘yon. “Bakit ka ba
kumapit sakin? Dinumihan mo tuloy ang isip ko.”
Hindi sumagot ang damo.
Malamang.
Napasunod na lang ako ng tingin
kay Glenn. Hindi man lang niya ko inalalayang tumayo. Sabagay, ano bang dapat
kong i-expect sa kaniya? Siya na rin ang nagsabi, hindi siya gentleman.
Hayyy... Gusto ko ng tumayo sa pagkakasalampak ko. Kaya lang, tinatamad naman
ako.
“Regina!”
Agad akong napatingin kay
Glenn. Medyo malayo na ang nalakad niya.
“Kung ayaw mong mapagkamalang baliw dyan, get up!”
malakas niyang sabi.
“Tinatamad ako!”
“What?”
“Joke lang! Tatayo na po!” Pagkatayo ko ay
pinagpag ko ang dress ko. Saka ako tumalikod. Pero humarap uli ako kay Glenn. “Ba-bye!”
Kumaway pa ko sa kaniya.
“Sa’n ka pupunta?”
“Babalik na kina Nic! Baka hinahanap na nila ko!” I
smiled. “Bakit?
Gusto mo pa ba kong kasama? Hindi muna ko babalik kung gusto mo! Itetext ko na
lang—” Walang sabing tumalikod si Glenn. “Sabi ko nga ayaw mo na kong kasama! Sino
ba naman ang mag-titiyagang kasama ako! Napakadaldal ko! Napakakulit ko! Ang
dumi pa ng isip ko!” Hmm...
nagda-drama ba ko ng lagay na ‘to? Wahehe! Parang hindi bagay.
Napangiti ako ng huminto uli si
Glenn at lingunin ako.
“Bakit? Gusto mo na ba kong kasama?”
“Bumalik ka na sa kanila! Baka nag-alala na sa’yo sina Nic!”
Tumalikod na uli siya.
Lumapad naman ang ngiti ko.
Hindi niya sinagot ang tanong ko. Which means, gusto rin niya kong kasama. Shy
lang siyang magsabi. Wahehe.
^___^
= = =
Haha... Laughtrip naman ako kay Rehg... Ang kulit nya talag XD
ReplyDeletebitin pero maghhintay ako,, kinikilig ako kay glenn, parang hindi vhakler ang ool niya,, wahh!!!
ReplyDeletehmmmmnn.. what a gentleman!! is Liam looking for a girlfriend? phenge nga ng apllication form.. mag a-apply ako.. haha..
ReplyDeletesi regina na ang mei hawak ng titulong reyna ng kamunduhan! haha..