Monday, April 1, 2013

Following Your Heart : Chapter 26


CHAPTER 26
( Shanea’s POV )

“Hey!”


Napalingon siya kay Hiro. Kasabay no’n ay nag-click ang camera nitong hawak. “You looked sad in this shot.” Tiningnan siya nito. “May problema ba? Is it about—”


“No.” Ngumiti na siya. “Ikaw naman kasi, wala kang pasabi. Picture ka ng picture. Isang shot pa nga. Bilis.”


“Are you sure?”


“Oo nga.” Nag-pose na siya. Nakatingin lang ito sa kaniya. “Bilis naman, Hiro. Nakakangawit, ah.” Kinuhanan naman siya nito. “Nasa’n ba sila Jenny? Pakuha naman tayong lahat.”


“Nasa mga souvenir shops. I’ll just call them. Dito ka lang?”


“Yap, yap. Hintayin ko na lang kayo dito.”


“Sige. Wag kang tatalon, ah. Malalim ‘yan.” Nandito sila Sa Mines View.


“Ikaw ang itulak ko dito, eh.”


“Weh?” Natatawang umalis ito.


Nawala ang ngiti niya pagkatalikod ni Hiro. She sighed. Tumingin siya sa baba. Ang lalim nga. Kasing lalim ng buntong-hininga niya.


Nagpangalumbaba siya.


Hay naku, Shanea. Umayos ka nga. Wag mo ng isipin yung nakita mo kanina. Nahalata ka tuloy ni Hiro. [other self]


She sighed. Again. Ayaw naman talaga niyang isipin ang eksenang naabutan niya kanina ng tinawag niya si Sofia nang aalis na sila. Kasama pala nito si Jed. At nakahilig pa si Sofia sa balikat ni Jed.


Sila na kaya? O mas tamang sabihing sila pa rin hanggang ngayon?


She sighed. For the nth time.


Ano naman kung sila pa? Wala ka namang feelings na kay Jed diba? Bakit ba affected ka? [other self]


“Shut up...” madiing bulong niya sa sarili niya. “Wag kang epal.” Pinitik niya ang noo niya ng tatlong beses para matauhan siya at magising siya. “Umayos ka na, Shanea. Umayos ka na.”


“Tingnan mo yung babae, oh.”


Napalingon siya sa gilid niya ng marinig niya ‘yon. May dalawang babaeng nakatingin sa kaniya. Lihim siyang napangiwi. “Hello! Ang ganda ng view noh? Tama lang na Mines View ang tawag dito. Ang ganda kasi ng view.” Anong connect no’n? Umalis tuloy yung mga kausap niya.


Ayan! Napagkamalan ka pa atang krung-krung. [other self]


Oo na. Aayos na. Ang hirap talagang kausapin ang sarili. Nakakabaliw.


Umalis na lang siya sa pwesto niya. Susunod na lang siya kay Hiro na napakatagal. Mabato sa dadaanan niya. Hindi sinasadyang natabig pa siya ng isang foreigner na kumukuha ng picture. Nadulas tuloy siya sa tinutuntungan niyang bato. Pinangtukod niya ang kaliwang kamay niya.


“Oh, I’m sorry, miss!” Tinulungan siyang makatayo ng foreigner. “Are you okay? I’m really sorry.”


“If I’m not, what will you do?”


“I will—”


“I’m just kidding.” Ngumiti na siya. “I’m fine. Really.”


“Are you sure?”


“Super-duper-uber sure. Just be careful next time, okay.” Tumalikod na siya nang may maisip siyang itanong. “Is it more fun in the Philippines?”


“Yes. It is.”


“Nice answer.” Nakangiting sumaludo siya dito. “Enjoy yourself here.”


“You too, lady.”


Nakangiting tinanguan niya ito bago umalis. Tiningnan niya ang kamay niya. Nagkagasgas ‘yon. “Buti na lang dito sa kaliwang kamay. Hindi sa kanan. Katatapos lang ng injury ko sa kanan tapos may bago na naman. Sermon na naman ako kina mamita pag nagkataon.”


Nagpalinga-linga siya at hinanap sina Hiro. Napangiti siya ng makita ito kasama ni Nadine. Napaisip siya. Kung ang dalawang ito ang magkasama. Kasama ni Jenny si Mike. Kasama ni Sofia si...


Wawa ka naman. Wala kang kasama. [other self]


May naisip naman akong gawin.


Magsu-survey siya sa mga foreigner. The question: Is it more fun in the Philippines?


Inumpisahan niyang tanungin ang mag-asawang foreigner na nakita niya malapit sa kaniya. Tapos yung batang foreigner. Tapos yung photographer. Tapos yung matandang foreigner. Nakipag-chikahan pa siya sa mga ito sandali. Sunod niyang nilapitan ang isang lalaking foreigner na gwapo na nasa isang souvenir shop.


“Hello.”


“Hi.”


“Can I ask you something?”


“Oh sure.”


“I just want to ask, is it more fun in the—“ Napalingon siya sa likuran niya ng may kumalabit sa kaniya. “Hiro!” Hindi lang si Hiro. Lahat ng kasama nila. Kasama si Jed.


“Kanina ka pa namin hinahanap.”


“Sorry.”


“Miss.” Napalingon siya sa kausap niyang foreigner. “You’re asking something?”


“Oh, yeah.” Lihim siyang napangiwi. Ano ba naman ‘to? Okay lang sana kung si Hiro lang ang nandito. Eh, hindi, eh.


“Who is he, Shasha?”


Itinaas niya ang kamay niya sa harap ng mukha ni Hiro. “Wait lang, ah.”


Hinawakan nito ang kamay niya. “Anong nangyari sa kamay mo? Ba’t may sugat ‘to?”


Binawi niya ang kamay na hawak nito. “Wala ‘yan.” Hinarap na uli niya ang foreigner para matapos na. “Is it more in the Philippines? Yes or no.”


Ngumiti ang foreigner. “Yes. Lelo ne kepeg may magendang mabait na katuwlad mow ang makikilala kow.”


“Wow! Nice! Ang cute mong magtagalog, ah.” Saglit tuloy niyang nakalimutan na naghihintay sina Hiro sa kaniya.


“Nagsanay leng talega akow.”


Napahagikgik siya.


“Shasha.”


Lihim siyang napangiwi. May naghihintay pala sa kaniya. “I gotta go. Nice talking to you.”


“Same here.”


Umalis na sila nina Hiro kasunod ang mga kasama niya.


“Ano ‘yong tinanong mo do’n?” tanong ni Hiro.


“Wala lang. Nag-survey lang ako sa mga foreigner dito. If it is more fun in the Philippines. At puro yes ang sagot nila.”


“Kaya pala nawala ka pwesto mo kanina. May naisip ka na namang kalokohan.”


“Hindi kalokohan ‘yon, ah.”


“Kalokohan ‘yon dahil hindi mo ako isinama.”


“Gusto pala kasama, hindi sinabi.”


“Ang cute naman ng foreigner na kausap mo, Shanea. Ang cute pang magtagalog.” sabi ni Jenny.


“Kaya ko din ‘yon noh.” singit ni Mike. “Beket hindi teyow pumuwnta down? O diba? Ang deli leng.”


Nagtawanan sila. Except kay Jenny. “Mukha ka lang ewan, Mike.”


“Guys, wala pa tayong picture na lahat dito.” sabi ni Hiro. Huminto sila sa isang gilid. Nakaisang picture pa lang sila ng lahatan ng magpaalam si Jed.


“Saglit lang ako. May bibilhan lang ako.”


Pinigilan niya ang sarili niyang lingunin ito hanggang sa umalis ito. Nang mapagod sa kakangiti, hinayaan niya sila Hiro na magpicturan. “Kayo na muna.”


Lumayo siya sa mga ito. Pero hindi siya lumayo. Umupo lang siya sa isang bato. Nagpangalumbaba siya habang nakatingin kay Sofia.


Ang ganda talaga niya. Bagay na bagay lang sila ni Jed. Hayyy...


“Ay anak ng tinolang kalabaw!” Muntik na siyang mangudngod sa tuhod niya ng may kumuha ng kaliwang kamay niya. Pagtingala niya sa taong humawak no’n...


“Jed...”


“Don’t talk to strangers.”


Iyon lang at lumayo na ito sa kaniya. Napatingin siya sa kaliwang kamay niya. Sa band-aid na nilagay nito sa sugat na nakuha niya kanina.


Ito ang binili niya kaya siya umalis? Napatingin siya kay Jed. Nakahalukipkip ito habang nakatingin kina Hiro. Jed...


* * * * * * * *


Burnham Park.


“Bulaga!”


Nilingon niya si Hiro. “Weh? Hindi naman ako nagulat.”


Namamangka sila nito kasama nila Mike. Sila Sofia at Jed hindi sumama. Nakaupo ang mga ito sa isang bench at nag-uusap. Do’n siya nakatingin habang nakasakay siya ng bangka. Iniiwasan naman niyang tumingin do’n, eh. Kaya lang yung mata niya ayaw papigil. Hayyy...


“Tulala ka na naman, eh.”


Nahalata na naman siya nito.


Ikaw naman kasi, Shanea. Dapat hindi tatlong pitik ang gawin sa noo mo. Dapat tatlong palo. [other self]


“Iniisip ko lang...” Tiningnan niya ang tubig. “...kung itulak kaya kita dito?”


Napakamot ito ng ulo. “Kaya pala tulala ka, nag-iisip ka na naman ng kalokohan. At dahil dyan...” Nahulaan agad niya ang gagawin nito kaya umiwas agad siya.


“Ay!” At dahil sa pag-iwas niya. Kay Nadine na nasa bandang likuran niya tumama ang tubig na sinalok ni Hiro para sana isaboy sa kaniya.


“Hala ka, Hiro!”


“Sorry, Nads.” Lumapit agad si Hiro kay Nadine at pinunasan ang mukha nito. “Sorry talaga. Si Shasha naman kasi, umiwas, eh.”


“Ikaw naman kasi. Nananaboy ka ng tubig, eh. Hindi naman kita inaano. Nang-aano ka.”


“Okay lang po, Sir Hiro.”


“Sorry talaga.”


“Okay lang po.”


Nakangiting umayos siya ng upo. Napatingin siya kina Jenny at Mike nasa harap niya. Ang dalawa ang nagsasagwan. At nag-aasaran.


“Ano ka ba naman, Mike! Umiikot lang ata tayo sa pwesto natin.”


“Anong ako? Baka ikaw, para naman kasing wala kang buto kung magsagwan kaya hindi tayo makaalis sa pwesto natin.”


“Nagsalita ang walang laman.”


“Nagsalita ang walang buto.”


Napangiti na naman siya. Itong dalawang ‘to, hindi lalagpas ang minuto na hindi nag-aasaran. Baka nga ang dalawang ito din ang magkatuluyan. Kailangan lang nilang matauhan.


Napalingon na naman siya sa gawi nila Sofia. Hindi sa gusto niya. Pero ramdam niyang parang may nakatingin sa kaniya. At tama nga ang hinala niya. Nakita niyang nakatingin si Jed sa kaniya. Ewan ba niya at hindi din niya inalis ang tingin niya dito.


Galit ka pa rin ba sakin? Pero kung galit ka, bakit nilagyan mo ng band-aid ang sugat ko? Nag-aalala ka ba?


Okay na sana ang titigan moment nila. Okay na sana. Kaya lang. She sighed. Si Sofia. Nakita niyang hinawakan nito ang mukha ni Jed at pinaharap dito. Mukhang napansin nitong hindi nakikinig si Jed. At bago pa mapalingon si Sofia sa gawi niya. Iniwas na agad niya ang tingin niya. Ang kaliwang kamay niya ang tinitigan niya. Hinaplos niya ang band-aid na nakatakip sa sugat niya.


Hindi ko alam kung galit pa rin siya sakin. Basta ako, hindi na ko galit sa kaniya. Hindi naman ako nagtatanim ng galit, eh. Besides, hindi naman ako nagalit sa kaniya. Hindi ko magagawang magalit sa kaniya. Nagtampo lang ako ng mag-away kami, pero wala na ‘yon.


Kinuha niya ang phone sa bulsa niya ng mag-ring ‘yon. May message na dumating. At galing kay... galing kay Jed!


‘Sorry.’


Tama ba ‘tong nababasa niya o naghahalucinate lang siya?  He said sorry to her!

* * *


3 comments:

  1. ╭━━╮╭╮╱╭╮╱╱╱╱╱╱╭╮╭╮╱╱╱╱╱╭┳┳╮
    ╰┫┣╯┃┃╱┃┃╱╱╱╱╱╭╯╰┫┃╱╱╱╱╱┃┃┃┃
    ╱┃┃╱┃┃╭┫┃╭┳━━╮╰╮╭┫╰━┳┳━━┫┃┃┃
    ╱┃┃╱┃┃┣┫╰╯┫┃━┫╱┃┃┃╭╮┣┫━━╋┻┻╯
    ╭┫┣╮┃╰┫┃╭╮┫┃━┫╱┃╰┫┃┃┃┣━━┣┳┳╮
    ╰━━╯╰━┻┻╯╰┻━━╯╱╰━┻╯╰┻┻━━┻┻┻╯

    ReplyDelete
  2. hahaha! aning-aning daw siya!.. eh parang totoo nman eh.. hahah..

    so mei plano palang maging reporter si shanea in the future,pwede! sa mala armalite ba nmang bibig niya.. for sure madami syang ikakalat na kalokohang balita sa mundong ibabaw.. haha..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^