CHAPTER
56
( Aeroll’s
POV )
Papasok na siya ng kotse niya ng marinig niyang may
tumawag sa kaniya. Paglingon niya, nakita niya si Chariz na palapit sa kaniya.
“Pwedeng sumabay?”
Kumapit pa ito sa braso niya.
“Chariz.”
“Bakit?”
nakangiting tanong nito.
Dahan-dahan
niyang inalis ang kamay nito sa braso niya. “We need to talk.”
“About what?”
“I don’t want to be rude
but...” Tiningnan
niya ito. “You’re
a smart girl. You’re beautiful. Maraming nagkakagusto sa’yo. At mas deserving
kesa sakin.”
“But I like you.”
“You just like me. You
don’t love me. Siguro, nakuha ko lang ang atensyon mo dahil ako lang ang
lalaking umiiwas sa’yo.”
“No, Aeroll.”
“I’m sorry, Chariz. I’m
inlove with someone else.” Tumalikod na siya ng magsalita uli
ito.
“Bakit, Aeroll? Do you
know Princess very well para pagkatiwalaan mo siya?”
Kumunot
ang noo niya at hinarap ito. “What do you mean?”
“Sinabi sakin ni Nico na
kailan mo lang siya nakilala. Nung nagbakasyon ka. Pero ako, matagal ko na
siyang kilala.” Mas lalong kumunot ang noo niya. “Yes, my dear.
I’ve known her since our college days. She was my friend. I trusted her but she
betrayed me. Inagaw niya ang boyfriend ko no’n. Pero hindi siya nagtagumpay. At
sa sobrang galit niya sakin. Sinumpa niyang sa susunod na magkita kami, sisiguraduihin
niyang maaagaw niya ang taong mahal ko. At nagtagumapay nga siya. Naagaw ka nga
niya.”
“And for the record,
nagkita na uli kami bago pa kayo magkakilala. At nalaman niyang ikaw ang gusto
ko. Nagkataon pa na bestfriend niya si Cath, ang girlfriend ng pinsan mo. Kaya
siya sumama sa bakasyon ninyo para akitin ka. For sure, nagpaawa siya sa’yo.
Feeling damsel in distress. Gano’n naman talaga siya para makuha ang gusto
niya. Mang-aagaw siya. Baka nga magulat ka na lang, pati pinsan mo, ahasin
niya.”
“Stop it, Chariz!”
Ayaw niyang maniwala sa sinasabi nito. Pero bakit kilala nito si Cath? Pero
hindi eh, hindi gano’n ang pagkakakilala niya kay Princess.
“Bakit? Dahil hindi mo
matanggap na all along pinasasakay ka lang pala niya?” Kinuha
nito ang phone nito at may pinakita sa kaniya. Na ikinagulat niya. “See? Niloloko
ka lang niya. May iba siyang lalaki maliban sa’yo. You don’t know her that well
so don’t trust her.” Iyon lang at iniwan na siya nito.
Napasandal
na lang siya sa kotse niya. Nakuyom niya ang kamao niya. Sa inis. Sa selos.
Gulong-gulo na ang isip niya sa nalaman niya.
Pinakita
lang naman ni Chariz sa kaniya ang picture ni Princess at ng lalaking ‘yon.
Nakatalikod ang lalaki kaya hindi niya nakita ang mukha nito. Pero sigurado
siyang si Princess ang babae. And that guy was kissing her! Hindi na niya
kailangang alamin kung sino ang lalaking ‘yon. Sigurado siyang si James ‘yon! May
hawak pa na bulaklak si Princess!
At
naalala niya kahapon na ang weird ng ikinilos nito pagdating niya sa bahay nito
na parang may itinatago na kung ano.
At
bago pa ang lahat ng ‘yon. He saw her with someone. Not just someone, but that
James. With his family dining out. Malakas ang kutob niyang si James ‘yon kahit
hindi pa niya ito nakikita. Kasama niya si Harold no’n at nagkataong napadaan
siya sa restaurant na ‘yon. Kitang-kita niya ang sweetness ng James na ‘yon kay
Princess. Yun ba ang naghiwalay?
He
lied to her ng sabihin niyang naka-duty siya ng gabing ‘yon. Alam niyang nakita
siya nito pero ng mapalingon ito kay James ay umalis agad siya. Kaya siguro
inisip nito na naghahalucinate lang ito.
Ayaw
niyang tanungin ito about that. Gusto niyang magkusa ito. Alam niyang may
paliwanag ito. Pero lumipas ang araw na wala itong sinabi.
Hindi
na niya alam kung ano ang totoo.
Bakit
hindi sinabi ni Princess sa kaniya na kilala nito si Chariz?
Ang
sinabi ni Chariz about her!
Ang
nakita niya ng gabing ‘yon!
Ang
picture na pinakita ni Chariz!
“Princess... ano ba
talaga ang totoo? Ano ba talaga?”
* * * * * * * *
Nasa
harap siya ng bahay ni Princess. Tinatawagan niya ito pero walang sumasagot.
Kanina pa siya nag-do-doorbell pero walang lumalabas. He needs to talk to her.
Now.
Napalingon
siya sa likuran niya ng may pumaradang kotse sa tabi ng kotse niya. Kumunot ang
noo niya lalo na ng may bumabang lalaki mula sa kotse. Mas lalong kumunot ang
noo niya ng makilala ito.
James! Anong ginagawa niya dito?!
Napalingon
din ito sa kaniya. Mahabang sandali ang lumipas na parang pinag-aaralan siya
nito. Siya din naman. Gano’n din.
Mas gwapo ako sa kaniya.
Lumapit
ito sa gate ng bahay at nag-doorbell. Walang lumabas. Lumingon ito sa kaniya. “Is Princess
here?”
“Wala.” Kaya nga walang lumalabas, eh.
“Are you his friend?”
Hindi
niya alam kung nagmamaang-maangan lang ito o nagtatangahan. “No.”
Tumango-tango
ito. “Ikaw
pala ang lalaking...” He stopped.
“Lalaking ano? Bakit
hindi mo ituloy?” Bwisit!
Mainit ang ulo ko ngayon! Lalo na maalala niya ang picture na pinakita ni
Chariz sa kaniya!
“Nevermind.”
May kung anong kinuha ito sa bulsa nito. “Pakibigay na lang ito sa kaniya.” Nang hindi
niya tanggapin ‘yon ay ipinatong nito ‘yon sa ibabaw ng kotse niya. “Nice meeting
you.” Iyon lang at lumapit na ito sa kotse nito. Lumingon pa ito sa
kaniya na parang may nakalimutang sabihin. “Invitation ‘yan sa birthday ng daddy ko.”
Pakialam ko sa birthday ng daddy mo?
“Pupunta si Princess.”
Kumunot
ang noo niya. Anong gusto nitong palabasin?
“Tutal naman, alam mo
ang sitwasyon namin, pwede ka ng sumama sa kaniya sa party.”
Ano
bang pinagsasabi nito?
“Just bring that
invitation. Hindi naman kailangan ni Princess niyan. Makakapasok siya ng wala
‘yan because my dad really adores her. Dinala ko lang ‘yan so I have the reason
to see her. Just like yesterday.”
Kuyom
niya ang kamao. Nanggaling nga siya dito
kahapon!
“I will do everything to
win her back. So, may the best man win, pare.”
Pumasok na ito ng kotse at pinatakbo ‘yon.
Napasunod
na lang siya ng tingin dito. Inis na sinipa niya ang gulong ng kotse niya. “Bwisit!
Bwisit!” Tiningnan niya ng masama ang invitation na nilapag ng James
na ‘yon sa ibabaw ng kotse niya. Inis na tinapon niya ‘yon sa basurahan at
sumakay ng kotse niya.
“Pupunta si Princess.”
“Tutal naman, alam mo ang sitwasyon namin,
pwede ka ng sumama sa kaniya sa party. Just bring that invitation. Hindi naman
kailangan ni Princess niyan. Makakapasok siya ng wala ‘yan because my dad
really adores her.”
“I will do everything to win her back. So, may
the best man win, pare.”
Inis
na hinampas niya ang manibela ng kotse niya ng maalala niya ang mga sinabi ng
James na ‘yon. Lumabas siya ng kotse at kinuha ang invitation na nasa
basurahan. Muntik nang malukot ‘yon sa kamay niya kung hindi lang niya
napigilan ng sarili niya.
“Nasa’n ka ba kasi
Princess?!”
*
* *
May new stories po ako na ipopost ko this year. :)) Inspired lang po! Hehe! just click here for the teaser >> COMING SOON!
eww! chariz is absolutely a big fat liar! and the award goes to you..
ReplyDeletepero thinking on the other side, i like the situation.. i wanna know how competitive aerol would be.. my bet is on you man!