Friday, April 12, 2013

Love at Second Sight : Chapter 57



CHAPTER 57
( Princess’ POV )


Palapit na siya sa puntod ng papa niya ng may matanaw siya. Mero’n na naman. Nang tuluyan siyang makalapit ay nak

ita niyang may bulaklak na nakalagay sa tabi ng puntod ng papa niya. Tulips ang bulaklak. Ang paboritong bulaklak nito pati ng mama niya. Magkatabi ang puntod ng magulang niya.


“Papa, may nauna na naman saking dumalaw sa inyo. Sino po kaya siya?”  Tuwing death anniversary ng papa niya, hindi nawawalan ng tulips sa puntod ng papa nito. Hanggang ngayon, wala siyang ideya kung sino ang dumadalaw na ‘yon.


Inilabas niya sa bag niya ang tela niyang dala at inilatag sa damuhan. Saka siya umupo. Itinabi niya sa puntod ng mama niya ang isang basket ng tulips. At sa tabi ng puntod ng papa niya ang isa pang basket.


“Kamusta na po kayo, papa?” Nilingon niya ang puntod ng mama niya. “Mama?” Umihip ang hangin. “Ako po ba? Hindi ko po masasabing okay ako ngayon dahil may mga problema. Pero masasabi ko pong masaya ako. Ang gulo noh?” Napangiti siya ng maalala niya si Aeroll. “Hayaan ninyo po, ipapakilala ko rin siya sa inyo pagbalik ko dito.”


“Alam ninyo po, Ma, Pa, simula ng mawala kayo, ngayon lang uli ako naging masaya. Naging totoong masaya. And that was because of Aeroll. He always find his ways to make me smile. Makita ko lang ang ngiti niya, nagiging okay na ko. Kahit hindi siya magsalita, basta alam kong nasa tabi ko siya, I feel safe. Minsan nakakaasar siya. Minsan nakakainis siya. Madalas nga kaming mag-away no’n. Para kaming aso’t pusang dalawa. Lagi ko kasi siyang binabara at sinusungitan. At ‘yon ang kinaiinis niya. Eh, kasi naman siya, wala na siyang ginawa no’n kundi ang pakialaman ang bawat galaw ko.”


“Now I know the reason why. Because he loves me.” She smiled. “Everyday, he always treated me in a special way. Hindi pa rin nawawala ang mga kalokohan niya. Pero sanay na ko do’n. He’s very sweet. Parang ikaw, papa. Lagi mong pinagbibigyan ang gusto ko basta alam mong magiging masaya ako. Pero hindi niya tinotolerate ang mga bagay na alam niyang mapapahamak ako.” She sighed. “Papa, yung tungkol sa panaginip ko. Alam ko namang hindi ninyo ko ipapahamak. I know you have reasons. At ‘yon ang aalamin ko.”


Umihip ang hangin. Niyakap niya ang sarili niya nang maramdaman niyang nag-vibrate ang phone niya na nasa bulsa ng pants niya. Kinuha niya ‘yon. Si James ang tumatawag. Kinansel lang niya ang tawag at nilagay sa bag ang phone niya.


“Pa, Ma. Hindi ko pa nasasabi kay Aeroll na mahal ko siya. May problema pa po kasi kami James.” She sighed. “Ganito ba talaga ang magmahal? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang ako ng wala akong nasasaktan?”


Umihip na naman ang hangin. Pumikit siya at nagdasal. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakapikit ng maramdaman niyang may umupo sa tabi niya. The smell. That masculine smell. Idinilat niya ang mga mata niya. At nakita si Aeroll na tahimik na nakatingin sa puntod ng magulang niya. Kumunot ang noo niya. Bakit parang may kakaiba dito ngayon?



“Aeroll...”


Hindi ito lumingon sa kaniya. Yumuko lang ito at pumikit. Sa pag-aakalang kinakausap nito ang magulang niya ay hinayaan muna niya ito. Tiningnan niya ang puntod ng magulang niya. Naramdaman niyang hinawakan ni Aeroll ang kamay niya. Ng mahigpit.


* * * * * * * *


( Aeroll’s POV )

Tinawagan niya si Cath kanina para tanungin kung nasa’n si Princess. Sinabi nitong nasa cemetery si Princess dahil death anniversary ng papa ni Princess ngayon. At naisip niyang hindi ito ang tamang oras para pag-usapan nila ang tungkol sa mga nalaman niya.


Natanaw na niya ito na nakaupo sa damuhan pagbaba niya ng kotse. Lumapit siya dito. Nakita niyang nakapikit ito. As he saw her face, unting-unting nawala ang inis na nararamdaman niya. Ganito ba ang epekto nito sa kaniya?


He sighed. Umupo siya sa tabi nito. Tiningnan niya ang puntod ng mga magulang nito.


Magandang araw po. Ako po si Aeroll. Ang lalaking nagmamahal sa anak ninyo. I love her so much na makita ko lang siya ngayon, gusto kong kalimutan ang mga nalaman ko, ang mga narinig ko, ang mga nakita ko.


“Aeroll...”


Narinig niya si Princess pero hindi niya ito nilingon. Yumuko siya at pumikit. Mahal na mahal ko po anak ninyo. Ngayon lang po ako nagmahal ng ganito. Sa kaniya lang. And it will hurt me so much kapag nalaman kong niloloko niya lang ako. Hindi ko makakaya ‘yon.


Dumilat siya. Nilingon niya si Princess. Nakatingin ito sa puntod ng magulang nito. Hinawakan niya ang kamay nito. Napalingon ito sa kaniya. Nag-flashback sa isip niya ang nakita niya sa restaurant. Pati ang mga sinabi ni Chariz at James.


“I’ve known her since our college days. She was my friend. I trusted her but she betrayed me. Inagaw niya ang boyfriend ko no’n. Pero hindi siya nagtagumpay. At sa sobrang galit niya sakin. Sinumpa niyang sa susunod na magkita kami, sisiguraduihin niyang maaagaw niya ang taong mahal ko. At nagtagumapay nga siya. Naagaw ka nga niya.”


“For sure, nagpaawa siya sa’yo. Feeling damsel in distress. Gano’n naman talaga siya para makuha ang gusto niya. Mang-aagaw siya. Baka nga magulat ka na lang, pati pinsan mo, ahasin niya.”


“Niloloko ka lang niya. May iba siyang lalaki maliban sa’yo. You don’t know her that well so don’t trust her.”


“Just bring that invitation. Hindi naman kailangan ni Princess niyan. Makakapasok siya ng wala ‘yan because my dad really adores her. Dinala ko lang ‘yan so I have the reason to see her. Just like yesterday.”


“I will do everything to win her back. So, may the best man win, pare.”


Parang napapasong binitawan niya ang kamay nito. Nakita niya sa mukha nito ang pagtataka. Umiwas siya ng tingin. Dahan-dahan siyang tumayo. “Hihintayin na lang kita sa kotse.”


* * * * * * * *


( Princess’ POV )

Nagtatakang napasunod siya ng tingin kay Aeroll. He was acting weird. Okay naman kami kahapon, ah. Ano bang nangyari?


Ilang saglit pa siyang nanatili sa pwesto niya bago siya umalis. Lumapit siya kay Aeroll. Nasa kabilang side ito ng kotse nito at nakatalikod sa kaniya.


“Aeroll.” Hindi ito lumingon sa kaniya. Lumapit siya dito. “Aeroll, okay ka lang? May problema ka ba?”


He sighed. Dahan-dahan itong lumingon sa kaniya. “Naguguluhan na ko.”


“Naguguluhan saan?”


“Saka na lang. Baka magalit ang papa mo kung ngayon pa tayo mag-uusap ng tungkol do’n.” Hinaplos nito ang mukha niya. “I love you that’s why I trust you.”


“Aeroll, pwede bang—”


“Princess?”


Napalingon siya sa pinagmulan ng boses na ‘yon. Si Mr. Fred Agoncillo. “Wait lang, Aeroll.” Lumapit siya dito. “Ano pong ginagawa ninyo dito, Mr. Agoncillo?”


Ngumiti ito. “Tito Fred na lang, iha. Dadalawin ko ang papa mo.” Napatingin ito kay Aeroll. “Is he your boyfriend?”


Nilingon niya si Aeroll. “Aeroll.” Lumapit ito sa kanila. Hinawakan niya ang kamay nito. “Tito Fred, si Aeroll po, boyfriend ko.” Naramdaman niyang humigpit ang hawak ni Aeroll sa kamay niya. “Aeroll, Si Tito Fred. Kaibigan siya ni papa. Kailan lang din kami nagkita.”


“Nice meeting you, Sir.” Nakipagkamay si Aeroll kay Mr. Agoncillo.


“Nice meeting you, too, iho. Mukhang may pinag-uusapan pa kayo ni Princess bago ako dumating.” Binalingan siya nito. “Iha, dumaan ka sa Toyie-Toyie bukas. Wala akong masyadong busy kaya pwede kitang i-tour sa factory.”


“Excuse me, sir. I’ll just answer this call.” Lumayo si Aeroll.


“Sige po, Tito Fred.”


“O sige, hihintayin na lang kita tomorrow. Maiwan na muna kita dito. Pupuntahan ko lang ang papa mo.”


“Sige po, Tito.”


Nakangiting pinagmasdan niya ito. Close na close siguro sila ni papa no’n. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang death anniversary ni papa.


“Princess.”


Napalingon siya kay Aeroll. Princess? Bihira lang siya tawagin nito sa pangalan niya kaya nagtataka siya.


“I need to go back to the hospital. Dala mo naman ang kotse mo. Mauuna na ko.”


“Okay lang ba?” Nag-aalala na siya sa inaakto nito simula kanina.


“Saka na tayo mag-usap.”


“Aeroll...” Ramdam niyang may mali. May maling nangyayari.


Sumakay na ito ng kotse nito at pinaandar ‘yon. Pero hindi pa ito nakakalayo ng huminto ang kotse nito. Bumukas ang pinto at lumabas ito. Patakbong lumapit ito sa kaniya.


“Aeroll, ano ba—” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil hinalikan siya nito. He was holding her face when he stopped kissing her.


“Drive safely.” Iyon lang at tinalikuran na siya nito.


Napahawak siya sa labi niyang hinalikan nito.


Aeroll... ano ba talagang nangyayari sa’yo?

* * *

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^