CHAPTER 58
( Princess’ POV )
Sinalubong siya ng manager ng Toyie Toyie pagkapasok
niya pa lang ng toy store. “Mr. Agoncillo is expecting me.”
Pinasadahan
muna siya ng tingin nito bago ito nagsalita. “This way, Ma’am.” Sumunod siya dito. Pumasok sila ng isang
pintuan. At isang mahabang daan ang nakita niya.
Habang
nakasunod siya dito. Napaisip siya. Pwede niya itong tanungin ng tungkol kay
Rod. “Can I
ask you something?”
“Ano po ‘yon?”
hindi lumilingong tanong nito.
“Kilala mo ba ang dating
manager dito?” Saka lang ito napatingin sa kaniya. “Si Rod Ferrer.
Did you know him?”
Huminto
ito at hinarap siya. “Bakit mo
naitanong? Kilala mo ba siya?”
Naalarma
siya sa paraan ng tingin nito sa kaniya. “Ano kasi—”
Nagpatuloy
ito sa paglalakad. Sumunod uli siya dito. Hindi na siya nagtanong pa. Mukhang
bawal talagang pag-usapan ang kahit na ano tungkol kay Rod.
“Hindi mo dapat pinapakialam ang mga
bagay na wala kang kinalaman.”
Napalingon
siya dito. Tama ba ang pagkakarinig niya sa sinabi nito?
“Nandito na po tayo.”
Huminto ito sa isang pintuan. Mukhang ito ang office ni Mr. Fred. Kumatok ito. “Sir, nandito na po si Ms. Princess.”
Maya-maya
ay lumabas na ang nakangiting si Mr. Fred. “Magandang araw, iha.”
“Magandang araw din po.”
Binalingan
nito ang manager. “Sige na, Jimbo. Pwede mo na kaming iwan.”
“Sige, sir.”
Napasunod
siya ng tingin dito ng makaalis ito nang maalala niya ang sinabi nito kanina.
“Bakit, iha? Sinungitan
ka ba ni Jimbo?”
Napalingon
siya dito. “Hindi
naman po masyado.”
“This way, iha.”
Sumunod siya dito. “Pagpasensyahan mo na siya. May pagkamasungit talaga ‘yon.”
“Okay lang po.”
Nakarating
sila sa dulo. Binuksan nito ang isang pintuan. At tumambad sa kaniya ang
factory. Maluwag ‘yon. Maingay dahil sa mga makina. May mga factory worker na
gumagawa.
“May naaalala ka ba,
iha?”
Habang
tinitingnan niya ang factory. Unti-unting bumabalik ang alaala niya nung bata
siya ng mga panahong dinadala siya dito ng papa niya. “Medyo po.” Inilibot niya ang
tingin sa paligid. “May mga nagbago. Katulad na lang po ng toy store. Wala
po ‘yon dati diba?”
“Tama ka, iha. Five years
ago ng magpatayo ako ng branch ng Toyie Toyie dito.”
Inilibot
siya nito sa loob ng factory. Pero ang dahilan ng pagpunta niya dito, hindi
niya makita hanggang sa matapos ang paglilibot nila. Pero ang napansin niya kay
Mr. Fred ay kasundo nito ang mga factory workers. Lagi pa itong nakangiti. May
kumausap ditong isang worker kay nagkaro’n siya ng pagkakataon na umalis
saglit.
“Excuse me, Tito. Nasa’n
po ang restroom ninyo dito?”
May
itinuro ito sa kaliwa niya. “Pumasok ka do’n, iha. Turn right.”
“Sige po. Saglit lang po
ako.”
Nakangiting
tumango ito. Humakbang na siya sa itinuro nito. Pumasok siya sa pintuan. May daan
na naman siyang nakita. Naglakad siya at lumiko sa dulo. Tapos may dalawang
daan na naman. Turn right daw. Napalingon
siya sa kaliwa. May pintuan siyang nakita sa dulo no’n. Napalingon siya sa
kanan niya. Hindi naman talaga niya kailangang pumunta ng restroom. Dahilan
lang niya ‘yon para makapaglibot siya ng mag-isa. Kaya sa halip na sa kanan ay
sa kaliwa siya lumiko.
Ilang
hakbang na lang siya ng magbukas ang pintuan. Inilabas no’n ang isang lalaking
halos kasing edad ni Mr. Fred.
“Sino ka?!” Magkasalubong
ang kilay na tanong nito.
Napakislot
siya sa lakas ng boses nito. “Ano po kasi—” Patay! Huli!
“Anong ginagawa mo
dito?! Hindi mo ba alam na bawal dito?!”
“Sorry po, hindi po ba rest
room ‘yan?”
“Princess!”
Napalingon
siya sa likuran niya. Nakita niya si Mr. Fred na palapit sa kanila.
“Kasama ko siya.”
“Hindi mo ba sinabi sa
kaniya na bawal dito?” kunot-tanong ng lalaki kay Mr. Fred.
“Relax ka lang, Alex.”
Ito si Alex? Tama lang pala ang pag-punta niya dito. Dahil nakita niya ito. “Mukhang naligaw
siya, sa halip na sa kanan ay sa kaliwa siya lumiko.” Binalingan
siya nito. “Tama
ba ko, iha?”
“Opo. Mahina po ko sa
direction, eh.” pakikisakay niya. Buti na lang at dumating
ito. Para kasi siyang kakainin ng buo nung lalaki kanina.
“Kaya wag ka ng magalit,
Alex. Dumadami ang wrinkles mo niyan, eh.”
“Sa susunod wag kang
magdadala ng kung sino dito na mahilig magpupunta sa kung saan.”
“Hindi siya kung sino
lang, Alex.” Inakbayan siya ni Mr. Fred. “Meet the
daughter of our late friend Henry.”
“Anak siya ni Henry?”
“Yes.” Tiningnan siya ni
‘Alex’. Para itong nakakita ng multo.
“Kaibigan din siya ni
papa, Tito Fred?”
“Yes, iha. Kaming tatlo
ang magkakalapit no’n. Hindi mo talaga siya matatandaan dahil hindi siya naging
malapit sa’yo. Hindi kasi siya malapit sa bata.”
“Fred.”
Ngumiti
lang si Mr. Fred. “Sige, aalis na kami, Alex.”
“Nice meeting you, Sir.”
Sumunod
na siya kay Mr. Fred nang hawakan ni Mr. Alex ang braso niya. “Mag-iingat ka.”
Iyon lang at pumasok na uli ito pintuang nilabasan nito kanina.
Nagtatakang
napatingin siya sa pintuan. Anong ibig
niyang sabihing mag-ingat ako? Kanino? Saan? At bakit?
“Princess.” Sumunod
siya kay Mr. Fred. “Again. Pagpasensyahan mo na ang mga tao dito. Mga
nagme-menopause na kita.” pagbibiro nito.
Napangiti
siya. “Kayo
lang po ang naiiba.”
“Kung lagi akong
magsusungit at laging sisimangot, tatanda agad ako. At ‘yon ang ayaw kong
mangyari.”
“Kaano-kaano ninyo po ba
si Mr. Alex?”
“He’s my brother.
Technically, my half brother.”
“Magkaibang-magkaiba po
kayong dalawa. Lagi po kayong nakangiti,
samantalang siya...” Hindi
na niya itinuloy ang sasabihin niya.
“Para siyang dragon.”
dugtong nito.
Napangiti
siya. “Magkasundo
po ba kayo?”
“Katulad ng ibang normal na magkapatid,
nagkakasagutan din kami minsan. Para kasi kaming magnet. Ako ang positive, siya
ang negative.”
Tumango-tango
siya. Hindi na siya nagtanong pa. Baka makahalata din ito. Basta ang alam niya,
mahirap makasundo si Mr. Alex.
“Tito Fred, pwede po
bang dumaan muna ako sa restroom?”
“Sige, iha. Hihintayin na
lang kita dito.”
Humakbang
na siya papunta ng restroom. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi ni Mr.
Alex kanina.
“Mag-iingat ka.”
Napaisip
siya.
May kakaiba talaga sa kaniya. May
pakiramdam akong may itinatago siya. At saka bakit gano’n ang reaction niya ng
malaman niyang anak ko ng papa ko?
Kailangan
niyang bumalik uli sa factory na ‘to. Kailangan niyang pasukin ang kwartong
‘yon.
Pumasok
siya ng restroom. May apat na cubicle do’n. Pumasok siya sa pinakadulo.
Napatingin siya sa bintana. Sinubukan niyang tanggalin ‘yon. Natanggal.
Napangiti siya. Kasya ang katawan niya do’n. Sumilip siya sa labas. Bukid ang
nakita niya. May nakita siyang kalsada sa dulo. Mas lalong lumapad ang ngiti
niya.
Ibinalik
niya ang takip ng bintana at lumabas ng restroom. Habang papalabas siya ng
factory, lihim na gumagalaw ang mata niya para pag-aralan ang paligid.
“Tito Fred, magdamag po
bang nagta-trabaho ang mga tao dito?”
“Hindi, iha. Hanggang
hating gabi lang.”
Lihim
siyang napangiti.
((Mas naeexcite na ako sa next))
ReplyDelete((Sana makapag update na agad))