Friday, April 12, 2013

Love at Second Sight : Interview with the Characters [Thank Yous' & Goodbyes']


Love at Second Sight : Interview with the Characters ( Thank Yous’ & Goodbyes’ )

Naomi [Interviewer] in the middle sitter. At her left, (Aeroll, Princess, Chariz, James ). At her right, (Cath, Ash, Justine, Hunter)


 MISS NAOMI: (smiling) Hello everyone! I’m Naomi! I’m the official interviewer of Miss Aiesha Lee’s characters in her stories. And it is my honor to present to you the characters of Love at Second Sight. The first story of our beloved writer.


AEROLL: Hi guys!


PRINCESS: (smiles) Hello! (waves her hand)


CHARIZ: (looks at Princess, rolls her eyes & whispers) Bakit ba kami ang magkatabi?


MISS NAOMI: (tumikhim)


CHARIZ: (suddenly smiles) Oh! Hi everyone! I know you know me, right? I’m Chariz.


CATH: (whispers) Sinong hindi makakakilala sa kaniya? Sana lang, wala kaming eksena sa mga susunod na chapters.


CHARIZ: (looks at Cath) I heard you.


CATH: (just stares at her)


MISS NAOMI: (tumikhim) So, bago pa po tayo magka-world war III dito. Magsisimula na po ko. (looks at Aeroll)


JUSTINE: Wait lang, Miss Cute. How about us?


ASH: He’s right. Hindi pa kami nakakapag-hello sa mga readers. Dagdag exposure din ‘to, ah. (smiling)


MISS NAOMI: (napatingin sa dalawa) Hayy... Pasalamat kayo at gwapo kayo. Go.


ASH & JUSTINE: Thank you.


ASH: (smiles) Hi, girls! Gusto ko lang batiin—


JUSTINE: Ako muna.


ASH: Sino ka ba?


JUSTINE: Sino ka din? At pwede ba tanggalin mo ‘yang ngiti mo. Pa-cute ka, eh.


AEROLL: Pa-cute talaga ‘yan.


ASH: (nakangiti pa rin) Cute kasi ako. (looks at Naomi) Hindi ba?


MISS NAOMI: (looks at them) You have your own level of cuteness, guys.


ASH: I told you. (at Justine)


JUSTINE: Who told me? (grins) Kung sino ang unang babati sating dalawa. Hindi na aabot bukas.


ASH: (smiles) Gusto ko pang umabot ng buhay bukas. Baka umiyak ang mga girls pag nawala ako.


JUSTINE: It’s fine with me If I’m gonna die.


JAMES: Justine, will you?


JUSTINE: (grins) I will what?


JAMES: (napailing)


ASH: Kambal pala kayo. (nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa)


JAMES & JUSTINE: Ngayon mo lang napansin?


ASH: (smiles) Ngayon ko lang pinansin.


CATH: Buti na lang at wala si Harold dito. Kung hindi, dadagdag pa siya sa mga ito.


PRINCESS: Nasa’n ba siya?


CATH: May gagawin daw siyang importante.


AEROLL: And I know what is it.


CATH & PRINCESS: Ano?


CHARIZ: Guys, let’s start the interview na. Puro nonsense naman yung mga sinasabi ninyo.


(Everyone looks at her. May salubong ang kilay, nakakunot ang noo, nakangiti, nakatirik ang mata, naka-irap)


CHARIZ: What’s with the face? (humalukipkip)


MISS NAOMI: That’s all for now. Bye readers!


ALL except kay Hunter: (napalingon sa kaniya) Tapos na?!


MISS NAOMI: (smiles) Kung hindi pa kayo titigil. Talagang tapos na.


ALL except kay Hunter: (umayos ng upo at tumahimik)


MISS NAOMI: Tama nga ang sabi sakin ni Miss Aiesha. Sasakit ang ulo ko sa inyo. Buti na lang si Hunter, goodboy.


HUNTER: I’m not a boy.


PRINCESS: Wow! Himala! Nagsalita ka.


HUNTER: (looks at her)


PRINCESS: (iniwas ang tingin)


MISS NAOMI: Before I start, I have one rule, guys.


ALL except kay Hunter: Ano ‘yon?


MISS NAOMI: Don’t talk until I say so.


ASH: Parang ang hirap.


JUSTINE: Hmm... depende.


AEROLL, PRINCESS, CATH & JAMES: Okay.


CHARIZ: (rolls her eyes) Fine.


MISS NAOMI: (smiles) Let’s start with the main characters of the story.


AEROLL: Kami ni Princess ‘yon.


MISS NAOMI: Kamusta na kayo ng prinsesa mo? That’s your endearment with her, right?


AEROLL: Yep. (holds Princess hands and looks at her) We’re okay. We’re fine.


PRINCESS: (knots her head) Pero mukha namang hindi ka okay.


MISS NAOMI: Princess’s right, Aeroll. The way you looked at her now. Looks like something is bothering you. Care to tell us?


AEROLL: It’s not the right place to talk about that matter. Basta ang masasabi ko... (looks at Princess)  I love her so much. I trust her.


JAMES: (tumikhim)


CHARIZ: (whispers) Okay pa rin silang dalawa?


MISS NAOMI: (smiles) You’re so sweet, Aeroll. Parang hindi ikaw yung lalaking halos isumpa na hindi mo siya magugustuhan kahit siya na lang ang matirang babae sa buong mundo.


AEROLL: (napakamot ng ulo) That was before, Miss Naomi. Saka wag kang maingay. (nilingon si Princess)


PRINCESS: Narinig ko na. Saka don’t worry. Inis din naman ako sa’yo no’n. Inisip ko ngang kapag nakita uli kita, ititirik kita ng patiwarik.


MISS NAOMI: Na mukha namang hindi nangyari ang mga sinabi at inisip ninyong dalawa. Look at you two.


CHARIZ: They’re not perfect for each other.


CATH: Epal.


CHARIZ: Sinong epal?


CATH: Yung nagtanong.


CHARIZ: Sana talaga magkaro’n tayo ng eksena. Humanda ka sakin.


CATH: (smiles at her) Hihintayin ko ‘yon.


CHARIZ: (looks at James) Gumawa ka kasi ng paraan para bawiin si Princess.


JAMES: Alam ko ang ginagawa ko.


MISS NAOMI: Ang magsalita, pangit. Except me.


(Silence)


MISS NAOMI: (grins) I love my job. (She’s thinking of changing the topic bago pa magkalmutan ang mga bata sa harap niya) (crossed her leg & looks at them) So far, anong favorite ninyong part sa story na involve kayo? And why? Walang eepal sa sagot ng isa, ang umepal, maraming kuto. Aeroll?


AEROLL: Marami eh.


MISS NAOMI: Only one, Aeroll.


AEROLL: Kapag kasama ko ang prinsesa ko.


MISS NAOMI: Madami ‘yon.


AEROLL: Isa lang ang sagot ko. Anong madami do’n?


MISS NAOMI: Madaming ekesenang kasama mo si Princess.


AEROLL: (napakamot ng ulo) Mukhang hindi ako mananalo sa’yo.


MISS NAOMI: That’s why I was the chosen one. So, anong sagot mo? Naiinip na sila.


AEROLL: Kapag sakay kami ng motor ni Princess. You know na hindi siya sumasakay ng motor, right. Pero nang sumakay siya kasama ako, ang sarap lang sa pakiramdam na kahit para kaming aso’t pusa no’n, nagtiwala siya sakin. And until now, I will not break her trust.


MISS NAOMI: (smiles) Kung katulad mo lang ang mga lalaki sa mundo. Edi masaya. (looks at Princess)


PRINCESS: Favorite part ko? Madami, eh.


MISS NAOMI: Only one.


PRINCESS: I know. Pinag-iisipan ko pa. Pwede bang sila muna ang sumagot while I’m thinking?


MISS NAOMI: (turns to Chariz)


CHARIZ: It’s my turn! Favorite part ko, when Aeroll kissed me.


PRINCESS: He didn’t. You kissed him.


CHARIZ: Whatever. At least we kissed.


PRINCESS: And that would be the last.


CHARIZ: You wish.


PRINCESS: What do you mean?

CHARIZ: Because me and—


MISS NAOMI: Ooops! Bawal ang spoiler dito, girls. (looks at James) James?


JAMES: I don’t have any favorite part.


JUSTINE: Ang KJ mo naman, James.


JAMES: (knots his forehead) Anong gusto mong isagot ko? Na nakipag-break sakin si Princess? Na na-confine si dad? Na-nagkaproblema ang company natin? Na-dumating ka?


JUSTINE: Yun, pwede pa. Na dumating ako. Hindi ka ba masaya? Dumating ang kambal mo?


JAMES: (napailing, hindi pinansin ang sinabi niya) May galit ba sakin si Miss Aiesha? Puro kamalasan ata ang nangyayari sakin sa story.


JUSTINE: Hindi lang ikaw, mukhang sakin din. Twice lang ako nag-appear sa story, eh.


JAMES: Nagtaka ka pa. Eh, lagalag ka.


JUSTINE: Kesa naman mag-stay ako sa bahay.


 JAMES: What do you mean?


JUSTINE: (shrugged his shoulders) Don’t worry, James. Hindi pa naman tapos ang story. I’m sure, marami pang mangyayari. Na sana madagdagan ang exposure ko.


JAMES: Yeah, right.


ASH: Ang bitter ninyo namang mag-kambal. (The twins glares at him, he just smiles) (looks at Naomi) Alam mo ba ng favorite part ko, Miss Naomi?


MISS NAOMI: (smiling) What was it?


ASH: Everytime I smiles.


JUSTINE: Anong klaseng sagot ‘yon?


ASH: (smiles) May klase ba ang sagot? Anong section? Anong school?


JUSTINE: (grins) You want to die now?


MISS NAOMI: Gusto ninyong dumanak ang dugo ninyong dalawa dito? Baka hindi na kayo umabot sa mga susunod na chapters.


ASH: Ang cute mo talaga, Miss Naomi.


JUSTINE: Pwede ba kitang ligawan pag break na kami ng girlfriend ko?


MISS NAOMI: I’m sorry guys. But I’m taken.


ASH & JUSTINE: (shrugged their shoulders)


MISS NAOMI: (looks at Cath) Your favorite part?


CATH: (smiles) When we played luksong baka nung nasa Romblon pa kami.


PRINCESS: Ba’t yon ang nagustuhan mo?


AEROLL: Gusto ko din no’n.


MISS NAOMI: Bakit nga ba ‘yon ang nagustuhan mo, Cath? Sa pagkakatanda ko, panay ang patalo nina Aeroll at Harold no’n para makahalik sa inyong dalawa ni Princess.


PRINCESS: Miss Naomi! Wag mo ng ipaalala ‘yon.


MISS NAOMI: (smiles) Nakakakilig lang kasi, eh.


CATH: Bakit ‘yon? Para kasi kaming bumalik sa pagkabata no’n. Tawa lang ng tawa. Walang iniisip. Parang ang sarap lang maging bata uli. Unlike ngayong malalaki na tayo, we have our own responsibilities. We need to be mature.


PRINCESS: Ang seryoso mo naman ngayon, bhest.


AEROLL: Lagi ka namang may kasamang bata, Cath.


MISS NAOMI: Sino?


CATH, PRINCESS & AEROLL: (nagkatinginan ang tatlo) Si Harold!


MISS NAOMI: Parang ang sarap nga niyang kasama, eh. Oh! Cath, don’t get jealous.


CATH: (smiles) I’m not. Ang sabi mo nga, taken ka na.


MISS NAOMI: (ngumiti ng makahulugan) (looks at Hunter) Hunter? Anong favorite part mo sa story?


HUNTER: (humalukipkip) None.


MISS NAOMI: Paanong wala?


JUSTINE: Dahil katulad ko, once pa lang siya nag-appear sa story. Lamang lang ako ng isa.


PRINCESS: Hindi lang isa. I saw him nung nasa mall ako. Ikaw ba talaga ‘yon, Hunter? O naghahalucinate lang ako?


HUNTER: I don’t know. Why don’t you ask Miss Aiesha? Siya ang nakakaalam.


PRINCESS: Wow! Three sentences! Himala!


HUNTER: (kunot-noo)


PRINCESS: (iwas-tingin)


MISS NAOMI: They’re done, Princess. Your answer.


PRINCESS: My favorite part? Hindi pa nangyayari.


MISS NAOMI: Hindi pa? Sabi mo kanina pag-iisipan mo.


PRINCESS: Naalala ko, Miss Aiesha told me yesterday na mangyayari pa lang ang magugustuhan kong eksena.


MISS NAOMI: Clue?


PRINCESS: For the first time ko daw ‘tong gagawin sabi ni Miss Aiesha.


AEROLL: (grins) Parang alam ko na.


PRINCESS: (siniko si Aeroll & whispers) Wag ka nga! Ang dumi ng isip mo!


AEROLL: Eh, ano ba kasi ‘yon?


PRINCESS: I don’t know either.


MISS NAOMI: Excited na ko sa kung anong first time ang gagawin ni Princess. I’m sure, hindi lang ako ang excited. Pati ang mga readers. So, hintayin na lang natin kung anong first time ‘yon.


(Someone enters)


AEROLL: Pandak! What are you doing here? Jed?


SHANEA: (hila sa kamay si Jed) Kayo? Anong ginagawa ninyo dito?


AEROLL: Hindi mo ba nakikita? Interview namin.


SHANEA: Miss Naomi?


MISS NAOMI: He’s right. Interview nila ngayon.


JED: (humalukipkip) (kunot-noo) I told you. Hindi pa natin interview ngayon. Ang kulit mo kasi. Hinila mo pa ko dito.


SHANEA: (nag-peace sign kay Jed) Sorry.


JED: Tara na nga. (hinila sa kamay si Shanea)


SHANEA: Wait lang. Tutal naman, nandito na tayo. Baka naman pwede nating i-promote—


JED: Nakakahiya. This interview is for Love at Second Sight.


SHANEA: Oo nga. Lumabas din naman tayo sa story nila diba? Kaya okay lang. (looks at Naomi) Right, Miss Naomi?


MISS NAOMI: Oka—


JED: Hindi okay. (hinila na si Shanea)


SHANEA: (talking while leaving) Hi, readers! Muah! Muah! Basahin ninyo po yung Following Your Heart, ah! Love story namin este story namin ni Jed! Susuwertihin ang magbabasa no’n! Makakapulot ng piso! Pag inulit ninyong basahin, dalawag piso na! Baboosh! Muah! Muah! Magde-date na lang kami ni Jed!


JED: Anong date ka dyan?


(Nakalabas na ang dalawa)


MISS NAOMI: Ang kulit talaga ng pinsan mo, Aeroll.


AEROLL: Sinabi mo pa.


MISS NAOMI: (smiles) So, mabalik tayo. If you were given a chance na makasama ang isa sa mga tao dito na hindi ninyo gusto sa loob ng isang araw? Sino ‘yon at saan kayo pupunta? Walang killjoy, okay. Walang personalan. Katuwaan lang.


AEROLL: Bakit naman yung taong hindi pa gusto? Pwede bang gusto ko na lang?


MISS NAOMI: At ang isasagot mo, si Princess. Para may thrill naman, ibahin natin. Yung taong hindi mo gusto. Let’s start with James.


JAMES: It’s Aeroll.


AEROLL: (glares at him) It’s James.


MISS NAOMI: Exciting ‘to. (grinning) Sa’n ninyo naman dadalhin ang isa’t isa?


JAMES: Sa gitna ng dagat.


AEROLL: Sa gitna ng kalsada.


MISS NAOMI: And why?


JAMES: Ipapakain ko siya sa mga pating.


AEROLL: Ipapasagasa ko siya sa sampung truck.


JUSTINE: Alright! Ayos ‘yan, guys! Brutal na brutal!


PRINCESS: Next question na lang, Miss Naomi.


MISS NAOMI: Hindi pa nakakasagot yung iba.


CHARIZ: Oo nga. Sasagot pa ko. It’s Princess. Dadalhin ko siya sa ilog at ihuhulog. Hindi siya sanay lumangoy diba?


CATH: It’s Chariz. Kung sa’n siya pupunta, do’n ako. Para isunod ko siyang itulak pag tinulak niya ang bestfriend ko. Tatalian ko muna ang mga paa niya para hindi siya makalangoy.


CHARIZ: Ba’t ba galit na galit ka sakin?


CATH: Malalaman mo sa mga susunod na chapters.


MISS NAOMI: Whoah! Masyadong hot dito. Sumasabay sa summer. Kaya next question na po tayo. Pero reminders lang po readers, hindi po sila seryoso sa mga sinagot nila. Katuwaan lang.


AEROLL, JAMES, CATH & CHARIZ: We’re serious.


MISS NAOMI: (glares at them)


AEROLL, JAMES, CATH & CHARIZ: We’re just kidding. (make face)


MISS NAOMI: (smiles) Ang dali ninyong kausap, ah. So, next—


ASH: Sagutin ko muna yung tanong, Miss Naomi. Wala kong sagot. Friendly kasi ako kaya wala kong kaaway. (smiles)


JUSTINE: Anong sagot do’n?


ASH: (still smiling) Wala kong sagot.


MISS NAOMI: (laughs) You two are so cute. So, next question. If ever na babaguhin ninyo ang title ng story ni Miss Aiesha. Anong ipapalit ninyo?


PRINCESS: Baka magalit si Miss Aiesha niyan.


MISS NAOMI: Nah! Alam niya ‘to.


ASH: Ako naman ang unang sasagot. Lagi na lang sila, eh. The title will be “Ash, the Smiling Agent.”


AEROLL: Or “Ash, The Feeling Model of Toothpaste.”


ASH: (smiles) Pwede din.


AEROLL: I’ve change my mind. Hindi pwede. It’s our story. Not yours.


ASH: Pero kasali ako sa story.


AEROLL: Kailan ka lang lumitaw.


ASH: At least, kasama ako. Diba, Miss Naomi?


MISS NAOMI: Bahala kayo dyan. (turns to Hunter) Hunter, gusto mo bang sumagot?


HUNTER: (turns to James) Sir?


JUSTINE: Hanggang dito ba naman? Sir ang tawag mo kay James?


JAMES: I will not change the title.


MISS NAOMI: Why?


JAMES: Baka mas lalo akong malasin sa mga susunod na chapters kapag nag-suggest ako.


JUSTINE: Walang malas, James. Sadyang ‘yon ang takbo ng kwento. Sino kayang mamamatay sa kwento? Mero’n kaya?


PRINCESS: Bakit napunta tayo sa patay?


ASH: Basta ako, ayoko matsugi.


JUSTINE: It’s fine with me. Una-una lang ‘yan.


CHARIZ: Cut that topic, okay. (looks at Naomi) If I were to change the title, it would be “It started with a kiss”. The day Aeroll and I kissed.


PRINCESS: Libreng mangarap.


AEROLL: Wag ka ng magselos, Prinsesa.


CATH: It should be “Chariz, ang dakilang kontrabida”.


JUSTINE: Mas maganda sana kung ganito, “The easy way to end your life.”


ALL: Mauna ka!


JUSTINE: (shrugged his shoulders)


SOMEONE’S VOICE: I heard it guys.


MISS NAOMI: Oh! It’s Miss Aiesha! She’s on the line via phone patch. Hi Miss Aiesha!


AIESHA: Hi, Naomi! Kamusta ang mga alaga ko? Pinasakit ba ang ulo mo?


MISS NAOMI: Medyo.


ALL: Hindi.


AIESHA: The truth is kanina pa ko nakikinig dito. Ano ‘yong nadinig kong gusto ninyong baguhin ang title ng story ko?


PRINCESS: (looks at Naomi) Miss Naomi, hindi ba sinabi mong alam niya?


MISS NAOMI: (knots her head) Did I said that?


AIESHA: Naomi.


MISS NAOMI: (smiles) Katuwaan lang, Miss Aiesha. Para may thrill.


AIESHA: Ikaw talaga.


ASH: Miss Aiesha, asan ka?


AIESHA: Hulaan mo.


ASH: Nasa puso ko.


AIESHA: Cute. But I’m sorry, Ash. I’m taken.

ASH: Puro pala kayo taken dito. (smiling)


MISS NAOMI: Miss Aiesha, tutal naman nandyan ka na. Ano ba ang aabangan ng 
mga readers sa pagtatapos ng Love at Second Sight?


JUSTINE: May exposure pa ba ko?


JAMES: May galit ka ba sakin, Miss Aiesha? Puro kamalasan na lang ba ang mangyayari sakin? Magkakabalikan ba kami ni Princess?


CHARIZ: Magkakatuluyan ba kami ni Aeroll?


ASH: Sino nga ba talaga ako sa kwento? Agent o photographer? Or both? Or none of the above?


PRINCESS: Anong mangyayari sa kaso ni Kuya Rod?


AEROLL: Magtatapat na ba sakin si Princess?


CATH: Napansin ko lang, bakit nawala kami sa kwento ng honey ko?


HUNTER: Ano nga bang papel ko sa kwento?


MISS NAOMI: At ilang chapters na lang ba bago magtapos ang story mo, Miss Aiesha?


AIESHA: (laughs) Secret.


ALL: Miss Aiesha!


AIESHA: (laughs) Fine. Una sa lahat, gusto ko munang magpasalamat sa lahat ng readers na nagbabasa ng Love at Second Sight. I really love you guys! At ilang chapters na lang ba? Ewan ko din. Dahil sinusulat ko pa lang siya. Basta, ang masasabi ko, malapit na malapit na. At sa nalalapit na pagtatapos ng story, marami pa pong kapana-panabik na mangyayari sa huling mga chapters.


MISS NAOMI: Like what, Miss Aiesha?


AIESHA: Abangan ninyo kung hanggang saan ang kayang gawin ni Princess para lang masagot ang mga katanungan niya tungkol sa kaso ni Rod.


AEROLL: (turns to Princess) Ano na namang gagawin mo?


PRINCESS: I don’t know.


AIESHA: May aksyon at dramang magaganap. May mga taong masasaktan at iiyak. May maghihiwalay. May magpaparaya. May magbabago. May matutuklasan at mabubunyag na mga lihim. Lihim ng nakaraan at kasalukuyan. May matatapos ang buhay para lang mabuhay ang isa. Sino kaya ang tuluyang maghihiwalay? Sino ang masasaktan? Ano bang kayang gawin ng taong nagmahahal para sa taong mahal niya? Anong mga lihim nga ba ang mabubunyag? Sino ang mga taong may inililihim? Sino ang mapapahamak? At sino ang magtatapos ang buhay? ‘Yan po ang dapat ninyong abangan sa pagtatapos ng Love at Second Sight. Kam sa hab nida! (Thank you)


MISS NAOMI: Mukhang exciting ang mangyayari, Miss Aiesha. I can’t wait for it.


AIESHA: And thank you, Naomi. So, bye for now! Ikaw muna ang bahala sa mga alaga ko. May date pa kami ni Lee Min Ho. (laughs)


MISS NAOMI: (laughs) Enjoy your date, Miss Aiesha!


AEROLL: Miss Aiesha? May tanong pa ko. Miss Aiesha?


MISS NAOMI: She’s not on the line na.


AEROLL: Sino ba yung maghihiwalay?


JAMES: Baka kayo ni Princess.


AEROLL: (glares at him)


CATH: Sino ba yung may inililihim dito?


(Everyone looks at Hunter)


HUNTER: What? Hindi porke’t tahimik ako, may inililihim na. (stands up) (turns to Naomi) Can I go now? May aasikasuhin pa ko.


MISS NAOMI: Sure, Hunter. (stands up and kiss Hunter on his cheek)


HUNTER: (napakurap ang mata) (without a word, he leaves)


MISS NAOMI: (laughs) Nakakatuwa talaga si Hunter. Nakita ninyo yung reaction niya when I kissed him?


(Pero walang sumagot sa kaniya dahil busy ang mga characters sa pag-uusap.)


JUSTINE: I told you, guys. May mamamatay. Sino kaya ‘yon?


ASH: Not me, ofcourse.


CHARIZ: Excited na ko na maghiwalay sina Princess at Aeroll.


PRINCESS: You don’t know what will happen.


CHARIZ: Let’s see.


CATH: Ang gusto kong tanungin, nasa’n na si Harold? Until now, wala pa rin siya. Patapos na tayo.


CHARIZ: Baka naghanap na ng ibang babae.


CATH: Epal.


CHARIZ: Same to you.


MISS NAOMI: Hey, guys! (napalingon sa kaniya) Bago tayo magpaalam sa kanila, gusto ninyo bang magpasamat muna sa mga readers na sumubaybay sa story ninyo?


AEROLL: Hello readers! Sa mga kinilig sakin. Sa mga may crush sakin. Sa mga gustong mag-apply dyan. (siniko ni Princess) Magpaalam muna kayo sa prinsesa ko.


PRINCESS: Magtigil ka nga dyan. (tumikhim) Thank you so much sa lahat ng sumusubaybay ng kwento namin. Asahan ninyo po na sa mga susunod na huling chapters, mas pakikiligin pa namin kayo at patatawanin. At syempre paiiyakin. And like what Miss Aiesha said, may aksyon ding magaganap.


AEROLL: At maraming salamat sa lahat ng nagmahal sa love team namin ng prinsesa ko. (winks)


MISS NAOMI: Chariz?


CHARIZ: Thank you sa lahat ng naiinis sakin dyan. Sa mga gusto akong ibitin patiwarik. Makatulog sana kayo ng mahimbing. (fying kiss) At sa mga susunod na gagawin ko, mas matuwa pa sana kayo.


JAMES: I don’t know what to say—


JUSTINE: Edi ako na muna. Hi, girls! (winks) Sa mga iniwan at naghahanap ng boyfriend dyan, hintayin ninyo lang. Magbibi-break din kami ng girlfriend ko.


JAMES: (napailing) Thank you for all the readers who symphatized with me. Ganyan lang talaga ang buhay. May nang-iiwan at may iniiwan. Pero life must still goes on. Abangan ninyo na lang po kung tuluyan ba kong makaka-move on kay Princess.


ASH: Hi there! I’m Ash, twenty five years old, single—


PRINCESS: Patapos na ang interview. Ba’t ngayon ka pa magpapakilala? May topak ka talaga.


ASH: (smiles) Okay, I’m done.


MISS NAOMI: (looks at them) Thank you guys for your time. I hope na hindi na tayo magkita sa susunod. I mean, magkita pa sana tayo sa susunod. (smiles)


ALL: Thank you, Miss Naomi!


MISS NAOMI: That’s all for now, readers! See you at my next interview! Sayonara! Muah!


( Someone enters. )


HAROLD: Waaah! Tapos na?!


CATH: Sa’n ka ba nanggaling? (knots her forehead) Ano ‘yang dala mo?


HAROLD: Maglalaro tayo ng sungka-sungkaan. Hinanap ko pa ‘to sa baul ni lola. Sinong gustong sumali?


CHARIZ: Off ko ngayon that’s why I’m going to pamper myself. (leaves)


JUSTINE: May date pa ko. (leaves)


JAMES: I have a meeting with my client. (leaves)


ASH: (smiles) Gusto ko sana. Kaya lang... secret. (leaves)


PRINCESS: May nobela pa kong tatapusin.


AEROLL: (holds Princess’ hand) Ihahatid na kita before I go to the hospital. (both leaves)


HAROLD: (kamot-ulo) (looks at Naomi & smiles) Miss Naomi? Ikaw?


MISS NAOMI: (smiles) May iinterviewin pa ko, eh. I need to go upstairs and rest.  Kayo na ang bahala dito. (leaves)


HAROLD: Ako? Hindi ako iinterviewin? Miss Naomi!


CATH: Tapos na. Kanina pa.


HAROLD: Hindi pa ako tapos.


CATH: (hinila si Harold) Tapos na kami. Ang tagal mo kasi. Tara na nga!


HAROLD: Miss Aiesha! Are you still there? May sariling story din ba kami ng honey ko? Miss Aiesha! Hello! Anybody here!


CATH: I’m here. And we’re going.


HAROLD: (talking while leaving) Hello, readers! Thank you sa inyo! Abangan ninyo na lang yung story namin ni Cath! Irerequest ko ‘yan kay Miss Aiesha! I love you, girls!


CATH: Anong sabi mo?


HAROLD: Ang sabi ko, I love you, Cath!


* * *







2 comments:

  1. tawang-tawa tlaga aku sa mga characters ng LSS.. :D
    marami pa talagang aabangan sa kwento, excited much na aku..kaya pls UD na po miss aiesha.. AJA.. ^.^

    ReplyDelete
  2. i really had fun with this interview!!.. may kanya-kanya talagang topak.. my gass!! still love them!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^