Monday, April 1, 2013

Love at Second Sight : Chapter 55


CHAPTER 55
( Princess’ POV )

Huminto ang tricycle na sinasakyan niya sa tapat ng subdivision nila. Hindi niya dala ang kotse niya dahil pinaayos niya ‘yon sa talyer kahapon. Galing siyang Manila dahil pinasa niya ang manuscript niya.


Papasok na siya ng gate ng subdivision nila ng may marinig siyang busina mula sa likuran niya. Paglingon niya, nakita niya si James na pababa na ng kotse nito. Nagulat siya. “Anong ginagawa mo dito?” Lumapit siya dito.


“May ka-meeting akong client malapit dito so I decided to drop by.” May kung anong kinuha ito sa loob ng kotse nito. “For you.” A bouquet of red roses.


Kinuha niya ‘yon. “Thank you.”


“Sa’n ka galing?”


“Nagpasa ako ng manuscript.”


“Hindi mo dala ang kotse mo?”


“Pinaayos ko sa talyer.”


“Ah.” Tumango-tango ito.


“Ahm, gusto mo bang dumaan muna sa bahay?”


“Hindi na. Kailangan ko na ring bumalik ng office.” Binuksan nito ang pintuan ng kotse nito. “Siyanga pala, Princess. Malapit na ang birthday ni daddy.”


“Yah, I know.”


“Pupunta ka?”


“I have to, right?”


He sighed. “I’m sorry. Don’t worry, sasabihin din natin sa kaniya. Hahanap loang ako ng tiyempo.”


“I understand, James. Hindi naman natin ipwedeng i-sacrifice ang health ni Tito. Pero sana as soon as possible.”


“Nagmamadali ba siya?”


“Hah?”


“Yung lalaking ipinalit mo sakin?”


“James...”


“Alam ba niya?”


“Hi—Yes. He knows.”


“Buti pumayag siya?”


“He understand the situation.” Nakagat niya ang labi niya. Hindi pa niya nasasabi kay Aeroll. Nakatutok kasi ang atensyon niya sa kaso ni Rod.


“Don’t worry. After Dad’s birthday, sasabihin ko na sa kaniya.”


“I’m sorry.” Para kasing ito ang mas nahihirapan sa sitwasyon. She fell out of love with him. She fell with someone. May sakit ang daddy nito kaya hindi masabing hiwalay na sila. At isa pa, malaki ang responsibilidad nito sa company nito na sinabayan pa ng mga problema. At isa na siya.


Ganito ba talaga ang magmahal? Hindi pwedeng wala kang masaktang iba.


Hinaplos nito ang pisngi niya. “Don’t say sorry. Sinabi ko na sa’yo ‘yan diba? I have to go.” Hinalikan nito ang pisngi niya.


“Ingat ka.”


Pumasok na ito ng kotse nito. Hinintay na muna niya itong makaalis bago siya pumasok ng gate.


* * * * * * * *


“Aeroll!”


“Ba’t parang nagulat ka?” Hindi siya nagulat na ito ang dumating. Nagulat siya dahil ilang minuto pa lang siyang nakakapasok ng bahay ay dumating ito. Kung napaaga lang ito, baka nakita na siya nito kanina kasama ni James.


Hindi pa siya handa na magkaharap-harap silang tatlo. For sure, it would be an awkward situation for them.


“Hindi, ah.”


Pumasok na ito ng gate. Nang may maalala siya. Yung bouquet! Inunahan niya itong makapasok ng bahay. Kinuha niya ang bouquet na bigay ni James at patakbong umakyat ng kwarto niya. Nakahinga siya ng maluwag ng ilapag niya sa table ang bulaklak.


“Ano ba ‘tong ginagawa ko? Para naman akong may ginagawang kasalanan nito.”


Bakit kasi hindi mo pa sabihin sa kaniya? [inner self]


Mahabang paliwanagan pa ‘yon, eh. Saka baka mag-aala lang si Aeroll.  Saka... Basta ang daming baka. At ang sabi ni James, sasabihin na namin after Tito’s birthday.


Nakarinig siya ng katok. “Prinsesa. Okay ka lang?”


“Okay lang.” Kinuha niya ang bulaklak at inilagay sa ilalim ng kama niya bago lumabas.


“Ano bang nangyari? Bakit tumakbo ka kanina?” tanong nito pagkabukas niya ng pintuan.


“Hah? Wala.” Umiwas siya ng tingin.


Hinawakan nito ang baba niya at hinarap ang mukha niya dito. Kumunot ang noo nito. “Ano ‘to?” Hinaplos nito ang baba niya.


Nakita pa nito ang gasgas niya sa baba. “Nadapa ako kahapon. Si Miming kasi nakaharang.” Sorry, Miming. Nasisi pa kita. Hindi naman niya pwedeng pinasok niya ang bahay nila Aiza the other night.


“Nasa’n na yung pusa mong ‘yon?”


“Bakit? Anong gagawin mo?” Bumaba na ito ng hagdan. Napasunod siya dito. “Uy! Aeroll! Anong gagawin mo?”


“Gagawin ko siyang siopao.”


Nanlaki ang mata niya. “Anong sabi mo?!”


Napangiwi ito sa lakas ng boses niya. “I’m just kidding.”


Sabay pa silang napalingon ng ngumiyaw si Miming. Nasa ilalim ‘yon ng sofa. Sabay pa silang tumakbo palapit do’n. Nagkauntugan pa sila ng sabay din silang lumuhod at yumuko sa ilalim.


“Aray!”


“Ikaw naman kasi.” paninisi nito.


“Anong ako? Ikaw kaya!” Kinuha niya si Miming sa ilalim. At umupo sa sofa. Tumabi sa kaniya si Aeroll. ”Wag kang lalapit!” Natatawang umusod ito sa dulo. “Tumatawa ka pa!”


Tumikhim ito. “Sorry na.”


“Sa susunod na sabihin mo ‘yong gagawin mong sio—‘yon si Miming. Lagot ka talaga sakin!”


Itinaas nito ang kamay nito. “I get it. Alam ko naman na para mo ng kapatid si Miming.”


“Buti alam mo.” Mahal na mahal niya si Miming dahil ito ang lagi niyang kausap at kasama dito sa bahay. Although ang sagot lang nito sa kaniya ay puro ngiyaw.


“Pwede na kong lumapit sa’yo?” Hindi siya sumagot. Lumapit ito ng upo sa kaniya at hinaplos ang balahibo ni Miming. “Miming, sorry, ah. Hindi ko na sasabihing gagawing kitang—” Tiningnan niya ito ng masama. “...’yon.” Nginitian siya nito. “Alam mo, gusto kong magselos sa’yo. Para kasing mas mahal ka pa ng prinsesa ko, eh.”


“Meooow...”


Napangiti siya. “You heard her? Oo daw.”


“Oo daw.” panggagaya nito sa kaniya. Sumandal ito sa sofa.


“Inaantok ka?”


“Masakit lang ang ulo ko. Ang daming pasyente kanina.”


“Kumain ka na?”


“Hindi pa.” Nilingon siya nito. “Gusto kitang kasabay, eh.”


“Kumain na ko, eh.”


“Okay lang. Tabihan mo na lang ako habang kumakain ako.” Tumayo ito. “May ulam ka?”


“Wala, eh. Sa Manila na ko kumain kanina ng magpasa ako ng manuscript kaya hindi ako nakapagluto. Pero may kanin na dyan. Kumain muna ko bago umalis.”


“Edi magluto ng ulam.” Dumeretso ito ng kusina.


Susunod na sana siya dito ng mag-ring ang phone niya. Kumunot ang noo niya ng makita sa screen ang pangalan ng tumatawag. Si Ash? Sinagot niya ang tawag.


“Goodafternoon, Princess!”


“Bakit?”


“Favor naman, oh.”


“Bakit?”


“Pautang naman.”


“What?!” Napalingon siya sa likuran niya. Baka narinig siya ni Aeroll. “Anong pautang ka dyan?” Mahina na ang boses niya.


“Joke lang.” natatawang sabi nito.


Baliw! “Bakit ka ba tumawag?”


“Pwede bang dalhan mo ako ng pagkain dito. Naubos na yung baon kong pagkain kagabi. At nagugutom na ko. Mamayang gabi pa ako aalis dito”


“Don’t tell me nandyan ka pa rin sa bahay ni Ate Aiza?”


“Hindi kasi ako makaalis. Paano ba naman, may nagroronda kagabi sa labas hanggang madaling araw.”


“Kasalanan mo.” Paano ba naman pag-uwi niya kahapon, may nagkakagulo sa harap ng bahay nila Aiza. May bata daw nakakita na may tao sa bahay. “Bakit ba kasi nagpakita ka do’n sa bata?”


“Hindi ko sinasadyang makita niya ko.”


“Ang sabihin mo, gusto mong i-display ang sarili mo. Alam mo sa lahat ng NBI agent, ikaw ang hindi maingat.”


“Parang narinig ko na ‘yan.” Kahit hindi niya ito nakikita ngayon, feeling niya nakangiti ito. Lagi naman kasing nakangiti ito kahit binabara na niya.


“Prinsesa! Nasa’n na yung sandok mo dito? Bakit wala sa lagayan?”


Napalingon siya sa kusina. “Wait lang!”


“Sino ‘yon?” tanong ni Ash. “Boyfriend mo? Yung kasama mo nung magkita tayo?”


“Pwede ba wag kang matanong. Isa pang tanong, hindi kita dadalhan ng pagkain dyan.”


“Talaga? Dadalhan mo ko? Ang sweet mo naman.”


“Baka kasi matuluyan ka na dyan at magiging totoo ang tsismis na may nagmumulto sa bahay na ‘yan. Baka multuhin mo pa ko.”


“Takot ka ba sa multo?”


“Hindi. Ba-bye na. Pagkaalis ng bisita ko dadalhan kita ng pagkain. Ilulusot ko na lang sa ilalim ng gate.”


“Paano kapag may makakita sa’yo?”


Napaisip siya. “Sasabihin kong iaalay ko sa multo para tigilan na ang pagmumulto. Bye.” Pinindot na niya ang end button at baka kung anu-ano pa ang itanong nito. Pumunta na siya ng kusina. Nakita niyang naghahalughog si Aeroll.


“Bakit wala naman?”


Binuksan niya ang cabinet sa taas. Sa bandang dulo. “Here.” Inabot niya dito ang sandok.


“Huh? Hinanap ko na dyan, ah.”


“Natakpan kasi.” Sumandal siya sa ref. “Anong lulutuin mo?”


“Kahit anong makakain.”


“Si King ba, sanay ding magluto?”


“Isang malaking hindi. Walang alam sa kusina ‘yon. Lakwatsa lang ang alam no’n.”


“Hindi ba kayo magkasundo ng kapatid mo?”


“Minsan hindi. Minsan oo.”


“Pero okay kayo?”


“Oo naman. Masyado lang kasing pasaway ‘yon kaya lagi naming nasesermunan ni papa.”


“Nagsalita ang pasaway.”


“Hindi, ah. Nung highschool lang.” Nilingon siya nito. “Nung mag-college na ko. Medyo na lang. Magiging nurse ba ko kung napakapasaway ko?”


“Bakit nga ba nag-nurse?”


Iniwan nito ang ginagawa nito at lumapit sa kaniya. Nagulat siya ng halikan nito ang baba niya. Do’n sa parteng may gasgas. Napahawak siya sa baba niya.


“Gagaling na ‘yan dahil sa magic kiss ko.”


“Hindi mo naman sinagot yung tanong ko.” Pero deep inside, natuwa siya sa simpleng ginawa nito.


“Sinagot ko na.”


“Hah?”


Tinitigan siya nito. “Dahil gusto kong alagaan ang mga taong mahal ko. Lalo na ang babaeng tinititigan ko ngayon.”


She smiled.

* * *

2 comments:

  1. ╭━━━┳━╮╭━┳━━━╮
    ┃╭━╮┃┃╰╯┃┃╭━╮┃
    ┃┃╱┃┃╭╮╭╮┃┃╱╰╯
    ┃┃╱┃┃┃┃┃┃┃┃╭━╮
    ┃╰━╯┃┃┃┃┃┃╰┻━┃
    ╰━━━┻╯╰╯╰┻━━━╯
    ╭━━━╮╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╭╮╭┳┳╮
    ┃╭━╮┃╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╭╯╰┫┃┃┃
    ┃╰━━┳━━╮╭━━┳╮╭╮╭┳━━┳━┻╮╭┫┃┃┃
    ╰━━╮┃╭╮┃┃━━┫╰╯╰╯┃┃━┫┃━┫┃╰┻┻╯
    ┃╰━╯┃╰╯┃┣━━┣╮╭╮╭┫┃━┫┃━┫╰┳┳┳╮
    ╰━━━┻━━╯╰━━╯╰╯╰╯╰━━┻━━┻━┻┻┻╯

    ReplyDelete
  2. the situation is so unfair to james.. i wonder how he takes it.. kaw na bahala otor! haha..

    ash is still so silly and funny!! what a guy! .. he's not taken right? if your finding someone to be his partner.. i'll do it! hahah..

    eeeehhh cheesy much! aerol is definitely the real deal!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^