Sunday, March 17, 2013

This Gay's Inlove With You Mare : Chapter 12


CHAPTER 12
( Regina Salazar’s POV )

“Hmmm...” Unti-unti kong iminulat ang mata ko. It took seconds bago mag-sink in sa utak ko kung nasa’n ako. Napabalikwas ako ng bangon. “Anong ginagawa ko dito sa kwartong ‘to?”


“Mabuti naman at gising ka na.” Napalingon ako sa kaliwa ko. Nanlaki ang mata ko. Glenn was leaning comfortably on the wall while staring at me. Kanina pa ba niya ko tinitingnan? My God! Baka mamaya tulo laway na ko? Pero hind ‘yon ang kinatulala ko, kundi siya.


“Ang...ang...ang...”


“Ang ano?”


I cleared my throat. “W-wala.” Ang gwapo niya. Para talaga siyang lalaki ngayon sa paningin ko. Sobrang gwapo niya! Kinapa ko ang bibig ko ng marealize kong baka tumulo na ang laway ko sa sobrang titig sa kaniya.


“Hindi mo ba itatanong kung bakit ka nandito at kung bakit ako nandito?”


Bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina. Oo. Tandang-tanda ko ‘yon. Hanggang do’n sa kissing scene namin. Este sa paghalik ko sa kaniya. Ang hindi ko lang alam, kung bakit kami nakarating dito? Ilang oras ba kong nakatulog? Si Nic! Baka hinahanap na ko ng bestfriend ko! At saka, nasa resort pa rin ba ko?


“Regina.”


Napayuko ako. “W-wala kong...wala kong matandaan.” Bakit ba ko nagsisinungaling? Sorry, Papa God.


“Fine. Ipapaalala ko sa’yo.”


“Hah?” Kahit wag na.


“I saw you following me.”


Napaangat ang tingin ko sa kaniya. “Nakita mo?”


“Yah. Kaya nga umalis agad ako.”


I pout. “Kaya pala hindi kita makita-kita. Pinagtaguan mo ko.” Nakakasama naman siya ng loob.


“Then I saw you drinking. Mukha lasing ka na kaya nilapitan kita.”


“Hindi naman ako lasing.”


“Napagkamalan mo kong waiter.”


Napakamot ako ng kilay. “Hindi ko kasi nakita ang mukha mo.”


“I carried you dahil mukhang hindi muna kayang maglakad.”


I crossed my finger secretly. Wag naman sana niyang ipaalala ang halik na ‘yon. “T-tapos?”


“Tapos...”


“T-tapos ano?”


“Wala ka ba talagang maalala?”


Umiwas ako ng tingin. “W-wala.”


“Hindi mo man lang ako nakilala kagabi?“


“W-wala kong matandaan, eh.” Pero ang totoo, nakilala ko siya ng buhatin niya ko. Lalo na nung makita ko ang mukha niya sa liwanag. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko kanina. Lalo na ng halikan ko siya.


“Alam mo ba ang ginawa mo habang buhat kita?”


“H-hindi.” Wag naman sana akong tamaan ng kidlat ngayon.


“You...”


“I what?” Pinagpapawisan na ang kamay ko.


Tinitigan muna niya ko ng ilang saglit. “You fell asleep.”


Nagulat ako sa sagot niya. “Yun lang?”


“Oo. Mero’n pa bang iba?”


“E-ewan ko. W-wala nga kong matandaan diba?” Bakit hindi niya ko binuking? Pero hindi na mahalaga ‘yon. Basta ngayon, nakahinga na ko ng maluwag. Baka sabihan na naman niya kong manyak, eh.


Hindi ba, Regina? ( other self )


Hindi, ah!


“You know what? Kung hindi ka naman pala sanay uminom, wag ka nang uminom. Kayo talagang mga babae, iinom kayo tapos pag nalasing kayo, magtataka kayo kung bakit kayo nagising sa isang kwarto.”


Bakit parang galit siya? “Hindi naman ako nalasing ka—” Napahinto ako ng tingnan niya ko ng masama. “Oo. Hindi na ko iinom.” Inilibot ko ang tingin sa kwarto. “Nasa’n ba tayo? Ilang oras akong nakatulog? Si Nic baka hinahanap na ko. Ang sabi ko pupunta lang ako ng restroom kanina, eh.”


“Nandito pa rin tayo sa resort. One hour ka ng tulog. Tumawag si Nic sa phone mo kanina habang natutulog ka, I answered it.”


“Anong sinabi mo sa kaniya?”


“Na lasing ka.”


“What?! Bakit ‘yon ang sinabi mo?”


“Yun naman talaga ang totoo diba? Hindi naman kasi ako sinungaling katulad ng iba dyan.”


Teka. Pinaparinggan niya ba ko? Fine. Basta wala kong matandaan sa nangyari kanina. Ang problema ko ngayon. Paano ko ipapaliwanag kay Nic na medyo napainom ako. Kasasabi lang niya na behave lang ako at kasasabi lang ni kuya na wag akong uminom. Ang kulit ko talaga! Inis na binatukan ko ang sarili ko.


“Bakit mo binatukan ang sarili mo?”


“Hah? Wala lang. Trip.” Umalis ako sa kama at humarap sa salamin. Okay pa naman ang dress ko. Hindi naman masyadong nagusot. Okay pa naman ang buhok ko. Inayos ko lang ng onti. Yung make up ko? Hmm... Nilingon ko si Glenn. “May lip—“ Napahinto ako ng makita kong nakatingin lang siya sakin. Ilang saglit pa ang lumipas bago kami sabay na umiwas ng tingin. I cleared my throat. “May lip shiner ka ba dyan?” Ayoko ng lipstick na nasa pouch na dala ko.


“Lip shiner?”


“Wala ba?” Hinanap ko ang pouch ko. “Yung pouch na dala ko? Nasa’n na?”


“Here.” Lumapit si Glenn sakin at inabot ang pouch ko.


“Thanks.” Kinuha ko ang lipstick sa pouch ko at pinahidan ang labi ko. “Let’s go, Glenn.” Tatalikod na sana ko ng hawakan niya ang kamay ko. “Bakit?”


“Hindi pantay.”


“Ang ano?”


Sa halip na sagutin ako ay umangat ang kamay niya at may kung anong tinanggal sa gilid ng labi ko. Bahagya pa kong napaatras dahil sa ginawa niya. Ano ’yon?


Mukhang napansin niya ang reaction ko dahil kumunot ang noo niya. “Okay na. Let’s go.”


Napakurap ako. Ng ilang beses. Wala na siya sa harap ko. Napahawak ako sa labi ko. “Ano ‘yong naramdaman ko?” Naalala ko pa ang nangyari kanina. Nung halikan ko siya. Ang lambot talaga ng lips niya. Hayyy...


Regina, masama na ‘yan. Nanghahalik ka na lang bigla. O mas tamang sabihing, hobby mo na ang halikan at tsansingan si Glenn. Strike two ka na, iha. ( other self )


“Regina!”


“Nandyan na.” Nakangiting sumunod ako sa kaniya.


= = = = = = = =


“Bakit kain ka na naman ng kain?”


Napaangat ang tingin ko mula sa pagkain ko. Umupo si Nic at Kiro. Pagbalik namin sa party ni Glenn, wala sila dahil nagsasayaw sila ng sweet dance kanina. How sweet. Madami pa ring tao. Sabagay, isang oras pa lang naman akong tulog, eh. At halos kararating lang namin ni Nic kanina ng mawala ako.


“Anong masama sa pagkain, prenship? Nagugutom na ko, eh.”


“Ang sabi ni Gra, sumakit daw ang tiyan mo kanina. Buti na lang at nakita ka niya, dinala ka niya sa clinic. Gusto sana kitang puntahan kaya lang ang sabi ni Gra, nagpapahinga ka na daw.”


Napalingon ako kay Glenn. Nagkibit-balikat siya. So, hindi pala totoong binuko niya ko kay Nic.


“Ah, oo. Buti na lang at on the rescue si Glenn kanina.”


“Ang takaw mo kasi, eh. Kaya sumasakit ang tiyan mo.”


“Oo na. Sorry na po. Kaya pwede bang kumain na ko?” Pinagpatuloy ko uli ang pagkain ko ng may isa na naman epal na sumingit sa gilid ko.


“Rehg! Pinuntahan kita sa clinic namin. I didn’t saw you there.”


“Harry.”


Humila siya ng upuan at umupo sa tabi ko. “Ang sabi nang nurse na nando’n, wala naman—”


“Hep!” Sabay taas ng kamay ko para pahintuin siya. Mukhang siya pa ang magbubuko sakin, ah. “Nagpahinga ako sa isa sa mga kwarto. Kasama ko si Glenn. Kaya okay na ko.”


“Glenn?” Tiningnan niya si Glenn na nasa kanan ko. “Kayo lang dalawa?”


Kumunot ang noo ko. “Yes. Anong problema do’n?”


“Wala naman.” Tinitigan niya si Glenn bago ako tingnan.


“What? May problema ba, Harry?”


“Wala.” Ang weird niya ngayon, ah. Okay naman siya kanina.


“Pwede na kong kumain?”


“Sure.”


Kasabay ng pagkain ko ay tumayo si Glenn. “Uy! Sa’n ka pupunta?” Hinawakan ko ang laylayan ng suit niya. “Uuwi ka na?”


“Dyan lang.”


“Akala ko uuwi ka na.”


“Uuwi na ko kung hindi mo pa bibitawan ang suit ko.” Mabilis pa sa alas-kwatrong bitiwan ko ang laylayan ng suit niya. “Kiro, maglilibot muna ko.”


“Sige, Gra.”


Umalis na siya. Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya. Ewan ko ba, pero parang gusto ko siyang habulin. Epekto ba ‘to ng wine na ininom ko at kung anu-anong pumapasok sa isip ko? Hayyy...


“Rehg.”


Napalingon ako kay Harry. “Bakit?”


“Your food.”


“Ah, oo.” Nagsimula na kong kumain ng mapansin ko ang tingin ni Nic sakin. “Bakit?”


Sa halip na sagutin ako, si Kiro ang kinausap niya. “Akala ko ba madaling mabored sa mga party na ganito si Gra?”


“Akala ko nga din nakauwi na siya. Ewan ko do’n.”


Ewan ko din sa kanila kung bakit nila prino-problema na nandito pa rin si Glenn. Malamang, nandito pa ko, eh. Wahehe. Basta ako, gusto ko ng tapusin ang kinakain ko at sundan si Glenn. Hayyy... Nababaliw na ata ko.


= = = = = = = =


“Nasa’n kaya ‘yon?”


“Sino na namang hinahanap mo?”


Napalingon ako sa likuran ko. “Kuya naman, eh!” Uso ba ang gulatan ngayon?


“Bakit bigla kang nawala kanina?”


“Binabantayan mo ba ko? Diba may trabaho ka?”


“I saw you with Glenn.”


“So?”


“Regina.” Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sakin.


“Bakit ba kasi, kuya? Ano bang problema mo?”


“Ikaw ang problema ko.”


“Ako?” sabay turo sa sarili ko.


“Oo.”


Kumunot ang noo ko. “Bakit ba kasi?”


“Guard yourself.”


“What?”


“In tagalog, bantayan mo ang sarili mo.”


“I know. Hindi mo naman kailangang tagalugin. And why do I need to guard myself?” May kung sino siyang tiningnan sa likuran ko. Napalingon din ako sa tiningnan niya. I smiled when I finally saw him. “Nakita ko din siya.”


“Kasasabi ko lang.”


Napalingon ako kay kuya. “Alam mo, kuya, hindi kita maintindihan. Ano ba kasing mga pinagsasabi mo? May pa-guard-guard ka pang nalalaman dyan. Hindi naman ako security guard noh. Dyan ka na nga.”


Iniwan ko na siya at nilapitan si  Glenn. Pero bago pa ko makalapit sa kaniya ay may nakakuha ng atensyon ko. Naka-side view ang babae pero nakilala ko pa rin siya. “Carol.”


Napalingon siya sakin. “Rehg. Anong ginagawa mo dito?”


Lumapit ako sa kaniya. “Kasama ko si Nic.”


“Oh! I get it. Boyfriend pala niya ang unico hijo ni Mr. Monteverde. Ang swerte talaga niya.”


Bakit parang ang sama ng dating ng sinabi niya sa sense of hearing ko? Saka bakit parang naisip ko na ang ganito kanina. Yung sinabi din ni Harry kanina na gay si Glenn.


“Nandito pala si kuya.”


“Yes, I saw him.” Lumingon pa siya sa pwesto ni kuya kanina.


“Nag-usap na kayo?”


“Nope.”


“Why?”


“I’m with my parents.”


“So?”


“You don’t understand?”


“Hindi.” Hindi naman talaga.


Tinapik niya ang balikat ko. “I’ll go ahead, Rehg. May kakausapin lang ako.”


“Si kuya?”


“No.” Bakit parang ang lungkot niya?


“Okay ka lang, Carol?”


“Okay lang.” Nagtatakang sinundan ko na lang siya ng tingin. Hindi ko maintindihan ang mga tao ngayon. They were acting weird. Si Harry kanina. Si Kuya kanina. Tapos ngayon si Carol. Basta ako, pupuntahan ko na si... Nanlaki ang mata ko ng wala na si Glenn sa pwesto niya kung sa’n ko siya nakita kanina.


“Nasa’n na naman siya? Pinagtaguan na naman niya ko.” Bakit ko ba kasi siya sinusundan? Hayyy...ewan.


Pabalik na ko sa table namin nila Nic ng may humarang sa daraanan ko. “Hi, miss.” bati ng lalaki. Halos ka-edad ko lang din siya.


“Bakit?” nakangiting tanong ko.


“Kanina pa kita napapansin.”


Ano daw? Stalker ko ba ‘to? Pero in fairness, hah. Ang gwapo niyang stalker pag nagkataon.
Regina. Lagot ka kay Glenn! ( other self )


Bakit naman nasingit si Glenn dito?

= = =
May one shot po kong ginawa, check it out, HACKING YOUR HEART click here!





3 comments:

  1. OMO!! 0_0!!!! if my eyeballs could come out from my eye sockets,they would!! so sobrang gulat!! anebeyen!!! ang gwapoooo!!!! panira ng moment nman tong sina harry and carol..

    ReplyDelete
  2. sino yung gwapong yun? ingat ka jan regina, sige ka, baka malagot ka talaga kay glenn. (=3=)

    ReplyDelete
  3. Si Glenn na yata ang pinakapoging bading na nakilala ko.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^