Sunday, March 17, 2013

This Gay's Inlove With You Mare : Chapter 11


CHAPTER 11
( Regina Salazar’s POV )

“Ada, nandyan na ang sundo mo sa labas.”

“Sige po, Tito Diosa.” Humarap muna ko sa salamin. “Okay lang po ba ang suot ko?”


“Oo naman. Bagay na bagay sa’yo.”


“Ang make up ko?” Parang gusto kong  kamutin ang mukha ko. Hindi talaga ko sanay sa make up.


Lumapit siya sakin at hinawakan ang balikat ko. “You looked beautiful, Ada.” Napangiti ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas ng kwarto ko. “Baka mainip na si Nicole sa labas.”


“Thank you, Tito. Naturingang fashion design ang course, hindi ko maayusan ang sarili ko. Pero pag ibang tao, kayang-kaya ko. Hayyy...buhay. Bakit gano’n?”


Napangiti si Tito. “Bakit nga ba, Ada?”


“Tito naman, ikaw ang tinatanong ko, eh.”


“Ang dami mong tanong, Ada. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, hindi ka nawawalan.”


“Eh, kasi naman po, ang daming tanong sa paligid. Bakit ganyan ‘to? Bakit gano’n ‘yon? Hindi talaga ako mapakali kapag may mga tanong na hindi ko masagot.”


“Kesa intindihin mo ‘yang mga tanong na hindi mo masagot, why don’t you just enjoy yourself tonight, Ada?”


“Wow! English! Sosyal!”


Natawa lang si Tito. “Ingat ka, Ada.”


“Sila ang ingat sakin, Tito.” I kissed him on the cheek bago tuluyang lumabas ng bahay.


“Baka mahanap muna ang prince charming mo!” pahabol ni Tito.


Nakangiting lumingon ako sa kaniya. “I hope so, Tito!” Kumaway pa ko bago lumabas ng gate. Sinalubong ako ng isang lalaking nasa late twenties. Kilala ko siya. Driver siya ni Kiro. “Hello, Kuya Marlon!”


Ngumiti siya. “Hello, Rehg. Ang ganda natin ngayon, ah.”


“Ngayon lang, kuya?”


“Matagal na pala.” Pinagbuksan niya ko ng pintuan. Pumasok ako.


“Ang tagal mo. Malayo pa yung pupuntahan natin.” reklamo ng taong nasa loob ng kotse.


“Sino ka? Nasa’n sila Nic?”


Kinunutan lang niya ako ng noo.


“Sino ka nga?” pangungulit ko.


“Regina Salazar. Nag-uumpisa ka na naman.”


“Nicole Francisco? Ikaw ba ‘yan?”


“Ay, hindi.”


“Rylie?”


“Ewan ko sa’yo.”


Tinabig ko ang balikat niya. “Eto naman, binibiro ka lang. You looked good, Nic.”


“You looked nice, Rehg.”


“Nice lang?”


“Good lang?”


“You looked beautiful.” sabay naming sabi. Naghagikgikan kaming dalawa. Saka ko lang napansing wala si Kiro sa passenger seat.


“Where’s your Kiro?”


“Hindi niya tayo masusundo kaya si Kuya Marlon ang sumundo satin. Magkita na lang daw tayo sa resort.”


“Gano’n ba?” Tiningnan ko siya. “Nakakamiss yung antenna mo kanina, prenship. Pero infairness, ah. Ang ganda mo talaga ngayon. Parang ako.”


“Talagang kailangang kasama ka sa compliment mo?”


“Syemperd naman.” I flipped my curly hair.


“Parehas pa tayong naka-curl.”


“We’re bestfriends divah? Same brain waves.”


Natatawang nag-appear kaming dalawa.


= = = = = = = =


Camellia Resort.


“Ang dami namang tao.” Nilibot ko ang tingin ko sa paligid.


“Minsan lang kasi umuwi si Tito Rico dito. Madalas siyang out of the country. Kaya halos lahat ng mga kabigan niya nandito.”


“For sure, puro businessman ang nandito. Parang wala nga tayong ka-edad dito. Bilang na bilang.”


“Sinabi mo pa.”


“Nasa’n na ba si Kiro mo?”


Nagpalinga-linga siya. “Tinext ko siya na nandito na—o ayan na pala siya.” Nilingon ko ang tinitingnan niya. Palapit na nga si Kiro samin. And he looked handsome in his suit. Lagi pa siyang nakangiti.


“Hello, beautiful ladies!” Hinalikan niya si Nic sa pisngi.


“Ako? Wala ding kiss?” Sabay na napalingon ang dalawa sakin. “Hahahaha! Joke lang. Ang sweet ninyo naman kasi. Nasa’n ang daddy mo Kiro?”


“He’s there.” May tinuro siya sa gawing kanan namin. “Let’s go.” Lumapit kami sa daddy niya.


“Behave lang, Rehg.” bulong sakin ni Nic.


“Huh? Lagi naman akong behave, ah.”


Pinanlakihan niya ko ng mata.


“Dad.”


Lumingon samin ang daddy ni Kiro. Twice ko pa lang siyang nakikita. Samantalang si Nic, mga wala pang sampu. Sabi nga ni prenship, most of Tito Rico’s time was spent out of the country. Mukha naman siyang mabait. Na medyo masungit sa unang tingin. Tipid din siyang ngumiti. Unlike his son, Kiro, na laging nakangiti. Siguro sa mother ni Kiro nagmana si Kiro. Na nasa heaven na.


Napakurap ako ng pasimple akong sikuhin ni Nic. Naglalakbay na naman kasi ang isip ko. Mukhang nabati na niya ang daddy ni Kiro dahil hawak na ni Tito ang gift ni Nic para dito. Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis. “Happy Birthday po, Tito Eric!” Binigay ko sa kaniya ang gift ko.


He smiled. “Thank you, iha.” Marunong din naman palang ngumiti. Inabot niya ang gift na binigay ko sa lalaking kasama niya na mukhang assistant niya.


“Sir, nandyan na po sina Mr. Lee.” sabi ng assistant niya.


“Excuse lang, ladies.”


“Sige po.”


Binalingan niya si Kiro. “Kiro, ikaw na ang bahala sa kanila.”


“Yes, Dad.”


“Enjoy yourselves, ladies.” Iyon lang at lumayo na siya samin.


“Do’n tayo.” Inakay kami ni Kiro sa isang mesa. At umupo.


“Hayyy salamat. Nakaupo din. Ang sakit ng paa ko.”


“Ano ka ba, Rehg! Saglit lang tayong nakatayo, ah.”


“Hindi naman kasi bestfriend ng high heels, eh. We’re not close.” Hinilot ko ang paa ko ng may maalala akong itanong. “Teka Kiro, nandito din ba si Glenn?”


“Bakit mo tinatanong, Rehg?”


Napalingon ako kay Nic. “Wala naman. Cousin siya ni Kiro, right? So, malamang sa malamang, nandito siya.”


“He’s here.” sagot ni Kiro.


Lumapad ang ngiti ko. “Talaga?”


“Rehg, ah. Mangungulit ka na naman dyan.”


Tiningnan ko si Nic. “Kailan ba ko nangulit?” Binalik ko ang tingin ko kay Kiro. “Nasa’n siya?”


“I don’t know. Kanina lang nakita ko siya. Hindi kasi mahilig sa party na ganito si Gra. Madali siyang mabored. Baka nga, umuwi na ‘yon.”


“Umuwi? Ang aga naman.” Nanlata tuloy ako. Wala man lang akong makakausap dito. Malamang sa malamang, si Nic at Kiro ang magdadaldalan. Mauumay lang ako sa ka-sweetan nila. Hayyy... Kasi naman—Napalingon ako sa likuran ko ng may humawak sa balikat ko.


“Sabi ko na nga ba, ikaw yung nakita ko kanina.”


“Anong ginagawa mo dito, Harry?”


“My family owns this resort.”


“Hindi ko tinatanong.”


He smiled. “That’s why I’m here, because my family owns this resort.” Inulit pa talaga. “Can I sit here?” May isa pa kasing bakanteng upuan.


“Para kasi kay Glenn ‘yan, eh.”


“Glenn? That gay na lagi mong kasama sa campus?”


Bakit parang ang sama ng dating ng pagkakasabi niya na gay si Glenn sa sense of hearing ko? “Yap.”


“Then where is he?” Nagpalinga-linga siya bago ako tingnan. “It’s okay. He can get his own chair later.” Sabay upo sa katabi kong upuan. Hindi man lang nagpaalam kina Nic kung okay lang na makiupo siya sa table namin.


Kasi nga, his family owns this resort, that’s why. ( other self )


“Okay lang naman sa inyo, Kiro?” tanong niya na mukhang nabasa ang iniisip ko.


“It’s okay, Harry. The more the merrier.” nakangiting sagot ni Kiro.


Nagtatakang napatingin ako sa kaniya. Alam naman niyang as long as pwede kong iwasan si Harry. Iiwasan ko talaga.


“Hi, Nicole.” bati ni Harry kay Nic.


“Hi.” Yun lang at kinausap na niya si Kiro. Parehas kasi kami ni prenship na hindi feel si Harry.


Inilagay ni Harry ang braso niya sa likod ng upuan ko. “Para pala tayong may double date, eh.”


“Hindi naman.” kontra ko agad.


Ngumiti lang si Kiro.


No comment naman si Nic.


“Alam mo, Rehg.”


“Hindi ko pa alam.”


Nagpangalumbaba siya sa mesa at tiningnan ako. “Ang ganda mo ngayon.”


“Alam ko.”


“Ang galing mo talaga noh?”


“Bakit naman?”


“Hindi mo pa ko tinatamaan ng bato, natamaan na agad ako sa’yo.”


Napatingin ako kina Nic dahil malakas ang pagkakasabi ni Harry no’n. Pigil ang ngiti ni prenship. Alam kong tutuksuhin na naman niya ko mamaya. Samantalang parang walang narinig si Kiro na may kung sinong nilingon.


“May I have your attention please.” Napalingon kami sa mini stage di kalayuan samin. “Tonight, we are about to celebrate…”


Hindi ko na narinig ang iba pang sinasabi ng mc dahil may umagaw ng atensyon ko. Pinasingkit ko ang mata ko. Tama ba ang nakikita ko? Si Glenn ba ‘yon? Medyo madilim kasi sa pwesto niya kaya hindi ko sure kung siya nga ‘yon. Pero parang siya ‘yon, eh. O pinipilit ko lang na siya nga ‘yong nakikita ko ngayon?


“Rehg.” Napalingon ako kay Harry ng tapikin niya ang kamay ko na nasa mesa.  


“Nagugutom ka na ba?”


“Hindi.” Binalik ko agad ang tingin ko kay Glenn. Patalikod na siya.


“Rehg, kukuha na kami ng food. Sumabay ka na.”


“Mauna na kayo, prenship.” Tumayo na ko habang hindi inaalis ang tingin kay Glenn. “Pupunta lang ako ng rest room.”


“Samahan na kita, Rehg.” Hindi ko pinansin si Harry. Pero sumunod pa rin siya sakin. “Sino bang tinitingnan mo?”


“Wala.”


“Hindi dyan ang papunta ng restroom.” Hinawakan niya ang kamay ko at inakay ako palayo sa pagsunod ko kay Glenn na nawala na sa paningin ko.


“Teka lang!” Ano ba ‘yan! Epal talaga ‘tong si Harry!


“Excuse me, Sir Harry.” May humarang na lalaki samin.


“What is it?”


“Pinapatawag po kayo ng daddy ninyo.”


Muntik na kong mapa-YES! Parang ayaw pa nga akong iwanan ni Harry. Kaya, “Sige na, Harry. Puntahan mo na ang daddy mo.”


“Okay. Pakisamahan na lang siya sa restroom.”


“Okay na ko, Harry. I can manage.” At bago pa siya makapagprotesta ay lumayo na ko sa kanila. Naglakad ako sa direksyon kung sa’n ko nakitang pumunta si Glenn kanina.


“Nasa’n na kaya ‘yon?” Ang tanong, eh, kung siya ba talaga ang nakita ko? Napahawak ako sa lalamunan ko ng makaramdam ako ng uhaw. May dumaang waiter sa harap ko na may dalang mga drinks. Not water, but wine. Pwede nang pagtiyagaan. Nauuhaw na talaga ko. Kumuha ko ng isa. At paunti-unting ininom ‘yon. Nakakalahati na ko ng may kumalabit sakin. Paglingon ko, nanlaki ang mata ko.


“Regina.”

 
“Kuya! Anong ginagawa mo dito?” Napansin ko ang hawak niyang tray. “Waiter ka dito?”


“Anong ginagawa mo?” sa halip ay tanong niya. Nakatingin siya sa wine glass na hawak ko.


“Hehe! Nauuhaw kasi ako kaya tumikim lang ako.”


“Tikim ba ‘yang halos maubos mo na? Alam mong hindi ka pwedeng uminom.”


“Bakit?” patay-malisyang tanong ko.


“Hindi ka pwedeng uminom dahil hindi ka sanay.”


“Wine lang naman ‘to, eh.”


“Hindi ka pa rin sanay. Konting inom mo lang, hilo ka na agad. At wala ka sa bahay para maglasing. Isusumbong kita kay Tito.”


I pout. “Kuya naman.” Nang may maisip ako. I grinned. “Isusumbong din kita kay Tito. You’re working again. Hindi ba pinagbawalan ka na niya. Hindi mo naman kailangang magtrabaho para—”


“Fine. I get your point. Quits na tayo.” Kinuha niya ang wine glass sakin. “Wag kang iinom kung ayaw mong magkalat dito.” Nagpalinga-linga siya. “Where’s your bestfriend? I saw you with her and Kurochan.”


“It’s Kiro.”


“Whatever. Bumalik ka na sa kanila. May nagunguhang pangit na gumagala dito” Iyon lang at iniwan na niya ko.


Sinundan ko siya ng tingin habang naglilibot siya sa mga bisita. “Hmp!” Sa halip na bumalik ako kina Nic ay pinagpatuloy ko ang paghahanap kay Glenn. May waiter akong nasalubong. Nabitin ako sa wine kanina na hindi ko naubos kaya kumuha uli ako. “Wine lang naman ‘to.”


Naglibot uli ako. Naubos ko na ang wine pero hindi ko pa rin nakikita si Glenn. Sumasakit na din ang paa ko. May dumaang waiter sa gilid ko. Binalik ko ang wine glass na wala ng laman at kumuha uli ng isa. Sa garden ginaganap ang party. At parang sumasakit ang ulo ko sa music na naririnig ko. Naglakad ako palayo at nakarating sa pool area. Umupo ako sa upuan na malapit sa pool.


Tiningnan ko ang wine glass na hawak ko. “Siguro hindi si Glenn ang nakita ko kanina, noh? Namalikmata lang siguro ako.” Inubos ko ang wine hanggang sa masaid ang laman no’n. Natatawang tinaktak ko pa ‘yon. “Ubos ka na agad?” Napasinok ako. ”Hihihihi! Patay ako kay kuya nito. Bakit ba kasi ang hina ko sa alak? Wine lang naman ‘to, eh. It’s unfair! Really, really unfair!” Isinandal ko ang ulo kong namimigat sa sandalan ng upuan.


“Hey.”


Tinatamad na lumingon ako sa kanan ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa liwanag na nagmumula sa ilaw. At saka, namumungay na ang mata ko.
“Why? Ahm, waiter ka ba dito?” Inangat ko ang wine glass na hawak ko at inabot sa kaniya. “Can I have another glass of wine, please?”


Hindi sumagot ang lalaki.


“Hey! I’m talking to you.”


Wala pa rin akong nakuhang sagot mula sa kaniya.


“Grabe, pipi ka ba?” I waved my hand. “Ay, hindi rin dahil nagsalita ka kanina.” Nagpalinga-linga ako. “Have you seen Glenn? Pamangkin siya ng birthday celebrant. Ni Tito Eric na daddy ni Kiro na boyfriend ng bestfriend kong si Nic. Gets? I know na kilala mo siya kung waiter ka dito. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Pinagtaguan siguro ako no’n.” Pinikit ko ang mata ko. “Can I sleep here for a while? Kahit thirty minutes lang? Para mawala ang hilo at antok ko dahil sa wine na ‘yan.”


“Bawal.”


“Ang damot ninyo naman! Parang makikitulog lang! Wag din kayong makitulog samin!” Sinubukan kong tumayo. Muntik pa kong matalisod kung hindi lang ako naalalayan ng lalaki.


“Okay ka lang?”


“Hihihihi! Okay lang ako! Promise!” Lumayo ako sa kaniya at naglakad palayo ng matalisod na naman ako. “Ouch! Grabe! Ayoko talaga ng high heels.”


“Ang kulit mo!” Naramdaman kong umangat ako sa ere. Lumilipad na ba ko? Ay hindi. Binuhat lang pala ako ng lalaki. Tiningnan ko siya. Hindi ko pa rin siya mamukhaan.


“Pwede bang humarap ka sa liwanag?”


“At bakit?”


“Hindi ko makita ang feslak mo. Ang labo, eh. Saka parang may kamukha ka.” Hinawakan ko ang mukha niya.


“Alam mong gagawin ko sa’yo kung hindi ka pa titigil?”


“Ano?”


“Ihahagis kita sa pool.”


“Hihihihi! Weh di nga? Kaya mo ‘yon?” Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya. “At dahil gentleman ka, binuhat mo ko at balak mo pa kong ihagis sa pool. May award ka sakin.” Pinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya.


“Hey!” Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapaharap siya sa liwanag at makita ko ang mukha niya sa kabila ng namumungay kong mga mata. “Alam mo—”


“I found you.”


“Wha—” I kissed him on the lips to shut him up.

= = =

1 comment:

  1. inggit much ako sa kanilang BFF.. haixt..

    hahah.. betchabaygulay!! eeehh! ang gwapo talaga ni kiro mylabs!! too bad,he's not mine.. pero pwde rin siguro sa future??hahah..

    oy! ano yan! masyado pang maaga ang gabi para lumandi regina.. hinay2 rin tayo minsan.. haha.. dumadamoves ka na nman ha..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^