Tuesday, March 5, 2013

Following Your Heart : Chapter 23

CHAPTER 23
( Hiro’s POV )

“Everything’s settled. Meeting is adjourn. You may now go guys.” Nagsipagtayuan na ang mga empleyado ng Shahiro ng may maalala siyang sabihin. “Nga pala. Na sabi ko na wala tayong pasok this coming weekend right?”


“Yes, sir!”


“I just want to know kung sino ang sasama sa inyo sa Baguio? Pinayagan naman ako ng ate ko na isama kayo.” Nasa Baguio ang ate niya ngayon. Ininvite sila nito na mag-stay sila ng two days sa resthouse nito. Pwede daw niyang isama ang mga employee niya para naman daw makapag-bonding sila.


“I want to go.” Nagtaas ng kamay ang pinsan niyang si Zelinn.


“You can’t.” kontra naman dito ni Kevin.


Sumimangot lang si Zelinn at masamang tiningnan si Kevin. “Fine.” Tumayo na ang pinsan niya at nagmartsa palabas ng restaurant. Napangiti siya.


Tumayo na din si Kevin. “Hindi ako makakasama. Mauuna na ko sa inyo.” Nakangiting tumango siya. Lumabas na din ito.


“How about you guys?” baling niya sa iba.


“Hindi ba nakakahiya, sir?” tanong ng isang waitress.


“Of course not, Jenny. Basta KKB.”


“Sir naman!”


“I’m just kidding.”


“Sige, sir! Sasama ko.”


“Tamang-tama, makakadalaw ka na sa mga kalahi mo, Jenny.” nakangising sabi ni Mike, one of the waiters.


“At anong gusto mong palabasin, Mike?”


“Sa mga kalahi mong taong bundok.”


“Huwag kang sasama, okay!”


“Sasama ko. Sasama ka, eh. Baka ma-miss mo pa ko.”


“Yuck!”


Napangiti na lang siya sa pag-aasaran ng mga ito. “Bagay kayong dalawa.” singit niya. “Sa ganyan nagkatuluyan ang kanunu-nunuan ko.”


“Naman, sir! Wag na lang noh! Ang dami namang lalaki dyan. Nandyan naman si Jeff, my crush.”


“Ang choosy mo naman! Hindi ka naman gusto ng crush mo. Right, Jeff?”


“Hindi ako makakasama, Sir Hiro.” Sa halip ay sagot ni Jeff, ang assistant chef ni Kevin. Kaya siguro nagkasundo ito at si Kevin dahil parehas na seryoso ang mga ito.


“How about you, Nads?” baling niya dito.


Yumuko ito. “Ano kasi, Sir...”


“Namumula si Nadine, oh.” panunukso ni Mike dito. Saglit na kumunot tuloy ang noo niya. Bakit ba tuwing kakausapin niya ito, lagi na lang itong parang nahihiya sa kaniya? At parang ayaw siyang tingnan sa mukha. Gwapo naman siya, ah. Cute pa. Diba?


“Shhh... pati si Nadine hindi mo pinapalagpas.”


“Selos ka lang kamo, Jenny.”


“Eeew to the highest level.”


“Nads?” untag niya dito.


“Ahm, Sir. Pwede po bang dalhin ko yung mga notes ko? May exam po kasi ako this Monday.”


“Ang sipag mo talaga, Nads. Sure, you can bring them if you want. Basta sasama ka, hah.” Ngumiti ito. At ang cute nito pag ngumingiti.


Nang tanungin niya ang iba, hindi daw makakasama ang mga ito. Tatlo lang ang umo-o. Sina Nadine, Jenny at Mike. Nagpaalam na ang mga ito. Saka lang niya binalingan si Shasha na tahimik na nakaupo. Kanina pa ito lutang sa meeting nila. Sarap pitikin ng noo nito.


The other day, nang umalis si Sed este Jed, napansin na niyang parang may hindi magandang nangyari sa pagitan ng dalawa. Lalo na ng makita niyang namumula ang mata ni Shasha. Tinanong pa niya ito kung umiyak ito. Ang sabi nito, napuwing lang daw ito ng magtanggal ito ng alikabok sa kisame. Eh, wala namang alikabok sa office nila.


Sa totoo lang, nagtampo siya dito ng hindi nito sabihing nagkita na uli ito at si Se...Jed. Anong dahilan at hindi nito sinabing nakita na uli nito si Jed? They were bestfriends. Lahat ng nangyayari dito, sinasabi nito sa kaniya. Pero simula ng magbalik si Jed, parang may nag-iba. Parang may tinatago ‘to.


At ayaw niyang isipin na pwedeng maulit ang bagay na ‘yon. Ayaw niya. Ayaw na niyang masaktan si Shasha. All he wanted for her is to be happy.


“Shasha.” Pinitik niya ang ilong nito ng hindi ito sumagot.


Napakislot ito at napalingon sa kaniya. “Hiro.” Napalingon ito paligid nila. “Tapos na pala yung meeting. Sorry, ah. Hanggang ngayon kasi nag-iisip ako ng bagong pakulo para sa Shahiro.”


Alam niyang hindi ‘yon ang iniisip nito. Pero ayaw niyang magtanong pa. Magku-kuwento ito kung gusto nito.


“Sasama ka ba this weekend?” sa halip ay tanong niya.


Ngumiti ito. “Pilitin mo muna ko.”


“Sige na.” Kiniliti niya ito sa tagiliran nito. Alam niyang malakas ang kiliti nito do’n.


“Hiro!” Natatawang tumayo ito at lumayo sa kaniya.


“Ano? Sasama ka na?”


“Paganti muna.” Lumapit ito sa kaniya at kiniliti din siya sa tagiliran niya.


“Weh? Wala naman akong kiliti diba? Ikaw lang ang malakas ang kiliti. Dito.”


“Hiro!” Hindi niya ito tinigilan hangga’t hindi lumabas ang lahat ng ngipin nito kakatawa. “Ayoko na! Hahahaha!”


“Ano? Sasama ka na?” Habang patuloy siya sa pag-kiliti dito.


“Hahahaha! Oo na! Tama na! Hahahaha!”


Napangiti siya. This is all what he wanted. Ang maging masaya si Shasha. Kung pwede lang na araw-araw niyang patawanin ito, gagawin niya. Kilala niya ito. Marunong itong magtago ng nararamdaman nito kapag nasasaktan ito. Ang dahilan nito, ayaw nitong mag-worried ang iba. Hindi nito alam, lalong nagwo-worried ang iba dahil sa ginagawa nito.


“Ihahatid na kita sa sakayan.” Inakbayan niya ito.


“Thank you, Hiro.” Alam niya kung para sa’n ang thank you na ‘yon. Gano’n naman ito kapag may gumugulo sa isip nito at napapatawa niya ito.


Pinisil niya ang ilong nito. “Mahal ang talent fee ko noh. Ang dami mo na ngang utang sakin. Pero dahil bestfriend kita, libre lang para sa’yo.”


“Ang bait mo talaga!” Pinanggigilan nito ang pisngi niya.


“Aray! Baka naman magkapasa ako sa ginagawa mo. Paano na yung mga girls na humahanga sakin?”


Nagpalinga-linga ito. “Nasa’n sila? Wala naman, ah.”


“Natutulog na.” Kinuha niya bag nito at hinila ito. “Umuwi na nga tayo. May mumu daw dito, eh. Natatakot ako.” biro niya.


Agad itong kumapit sa kaniya. “W-wala, ah. Naiiwan naman ako minsan dito pag nagsasara na tayo. Wala naman akong nararamdaman.”


“Bakit parang natatakot ka ngayon?”


“Hindi noh! Tara na nga.” Alam niyang takot ito sa multo. Kaya bago pa ito mag-iiiyak ay umalis na sila ng Shahiro.


“Thanks, Hiro. Ingat ka!” Kumaway-kaway pa ito ng makaupo na ito sa loob ng bus pagkahatid niya sa sakayan.


“Thanks to you, Shasha.” nakangiting bulong niya ng paandarin niya ang kotse.


Sa loob ng tatlong taon nilang magkakilala ni Shasha, nagawa nitong baguhin ang buhay niya. Wala siyang ganang mag-aral no’n. Puro bulakbol lang ang alam niya. Madali siyang ma-bore. Pero ng mag-transfer siya sa school ni Shasha at makilala ito, nagkaro’n ng direksyon ang buhay niya. Ng kaunti. Hehe. Although, talagang hindi mawawala ang kalokohan at kakulitan niya. At ka-charmingan niya, ofcourse. Haha!


Sinubukan pa niyang ligawan si Shasha no’n. Pero hindi siya umubra dito. Mukhang hindi pasado ang kagwapuhan niya kay Shasha. Masyado daw siyang gwapo para dito. Kung pwede daw magpapapangit muna siya. Pero nalaman din niya sa huli kung bakit siya nito binasted. And that was because of Sed. Okay. Jed. By the way, wala siyang galit kay Jed, okay? It’s just that... Si Se...Jed kasi... he... Tapos si Shasha... hayyy... never mind! Ayoko niyang mag-kwento at baka kulangin ang Chapter na ‘to. ^___^


Ganito na lang.


And the rest was history. They became best friends. Parehas kasi ang topak nila sa ulo. Siya sa kaliwa. Ito sa kanan. Kaya bagay na bagay.


Sinulyapan niya ang phone niya ng tumunog ‘yon. May na-receive siyang message from Shasha.


'Hiro! Naiwan ko dyn sa dshboard ng kotse mo ung ensaymadang bnili ko. Dhil mbait nman ako, sau na lng hah. Alam kong ndi ka mhilig dyn, pero lamang tiyan din yan. Kung ayw mong kainin, bigay mo na lng sa pulubing masa2lubong mo. Bawal mag-sayang ng fud ok? Ingat ka! Muahtsuptsup! ^___^'


Kinuha niya ang ensaymada sa dashboard. Nang may mareceive na naman siyang message nito.


'San nga pla ang pnta ntin dis weekend? I 4got! Tagaytay ba? Zambales? o Cebu? Hmmm... sana sa Mindanao para rayot! Haha! Mag-eempake na ko ng gamit ma2ya, ndi kc ako xcited. Marami bng maka2in don?'


Hindi niya mapigilang mapangiti. “Shasha... Shasha... nag-iisa ka lang talaga."


* * *





7 comments:

  1. ((Si Lee Jun Ki si Hiro kaya dapat saakin siya))

    ((Para JedNea pa rin tayo))

    ((Hehe))

    ReplyDelete
  2. ito na si fafa hiro ko! sabi ko na nga bah.. kami ung meant to be eh.. hahahha! mka pangarap lang eh noh..

    ReplyDelete
  3. aQ hiRo,,, guSto q suMamA prA makAsmA kA,,,, hwAheHe,,,

    ReplyDelete
  4. aNg sAya q Lng atEy,,, nuNg nkiTa q n nMaNg aNg dAming updAtes ng stOriea mU,,, maBi-buSy n nmAn kMi s pAgbbSa,,,

    ReplyDelete
  5. nagbago na isip ko! haha! kay aeroll na lang ako! wala pa kong kaagaw sa knya *giggles*

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^