CHAPTER
24
( Shanea’s POV )
Humikab
siya. Pang-ilang beses na niya ‘yon. Ang aga kasi nilang umalis nila Hiro.
Madaling araw pa lang, nasa highway na sila. Para daw hindi sila tanghaliin ng
pagdating ng Baguio at para masulit nila ang two days nila do’n. Akala niya, sa
Zambales o Tagaytay ang punta nila.
Medyo
lutang kasi siya this past few days. Iniisip niya ang naging pag-aaway nila ni
Jed. Mukhang talagang tinotoo nito ang sinabi niyang wag na itong magpakita sa
kaniya. Hayyy... Kasalanan naman kasi niya. Tama ito, hanggang ngayon, isip
bata pa rin siya.
“Matulog ka muna,
Shasha. Kanina mo pa pinipigilan ‘yan, eh. Baka sa iba lumabas ‘yan.” Napalingon siya kay Hiro na siyang
nagda-drive ng van nila.
“Hindi naman
ako nauutot noh. Inaantok ako.”
“Kaya nga
matulog ka muna.”
“Wala kang
ka-kwentuhan? Baka mapanis ang laway mo.”
Na sinabayan niya ng hikab. “Baka antukin ka.”
“Gigisingin
na lang kita kapag maliwanag na para may ka-kwentuhan na ko.”
“Malapit ng
magliwanag.” Hikab.
“Matagal
pa.” Gamit ang isang kamay nito, pinapikit nito
ang mga mata niya. “Matulog ka na.”
“Oo na.”
Sabay pikit ng mga mata niya. Pero bigla rin siyang napadilat ng...
“Bwisit ka,
Mike!”
Napalingon
siya sa backseat. Sumilip naman si Hiro sa rearview mirror. Mahimbing na
natutulog sina Jenny, Nadine at Mike, ang tatlong employees ng Shahiro na
siyang nakasama sa kanila.
“Si Jenny.” sabay
nilang sabi ni Hiro sa kung sinong nagsalita kanina. Nagkatinginan sila at
napangiti.
Umayos
siya ng upo. “Hanggang
sa panaginip pala, iniinis ni Mike si Jenny.” Para kasing aso’t pusa
ang dalawa.
“Bagay
silang dalawa.”
“Playing
cupid ka naman. Ba’t hindi ang sarili mo ang hanapan mo ng lovelife?”
Ngumiti
ito. “Kawawa
naman ang mga girls kapag naging taken ang status ko.”
“Kailan ba
naging taken ang status mo? Eh, puro ka fling.”
“Because only
one person can take my heart.”
“Wow! Ang
drama mo ngayon, ah.”
Nilapirot
nito ang ilong niya. “Alam mo, nililibang mo lang ako, eh. Matulog ka na nga.”
*
* * * * * * *
( Hiro’s POV )
“Hmm...”
Napalingon
siya kay Shasha. Tulog na tulog ito habang nakatagilid ng higa paharap sa
kaniya. Nakataas pa ang paa nito sa passenger seat habang yakap ang tuhod nito.
Naka-flipflops lang ito na hinubad nito bago matulog kanina. Napangiti na lang
siya. Parang nasa bahay lang, ah. Tiningnan
niya sa rearview mirror ang mga kasama nila. Ang himbing din ng tulog ng tatlo.
“Ang
lamig...”
Binagalan
niya ang takbo ng van at pumarada sa gilid ng kalsada. Ni-recline niya ang
upuan ni Shasha. Hinubad din niya ang jacket niya at ipinatong dito.
“Ang kulit
kasi.” bulong niya. Parang gusto niyang lapirutin
na naman ang ilong nito. Wala kasi itong suot na jacket. Nasa bag nito. Ang
sabi nito, makapal daw ang balat nito. Makapal nga talaga.
“Because only one person
can take my heart.”
Napailing
siya ng maisip niya ang sinabi niya kanina. Tama
ka, Shasha. Ang drama ko nga. Nakangiting pinatakbo niya uli ang van.
*
* * * * * * *
( Shanea’s POV )
“Hmm...”
Iminulat niya ang isang mata niya. Kumunot ang noo niya ng mapansing nakahinto
ang van na sinasakyan nila.
Nila?
Teka, nasa’n ba ang mga kasama niya? Tuluyan na niyang iminulat ang mga mata
niya. Wala si Hiro sa driver seat. Paglingon niya sa back seat, wala rin ang
tatlo niyang kasama.
Waaah! Iniwan na ba nila
ko?
Tinuktukan
niya ang ulo niya sa naisip niya. Tumingin siya sa unahan ng van. Maraming
kainan siyang nakita sa paligid. Nag-stop over lang pala sila para kumain. Teka. Kumain? Bakit hindi nila ako ginising?
Lalabas
na siya para hanapin ang apat ng marinig niyang magbukas ang car door sa
backseat. Agad siyang napalingon sa likuran niya. Si Mike ang nakita niya.
“Ma’am
Shanea, gising ka na pala.”
Pinanlakihan
niya ito ng mata.
“Shanea
pala.”
Ayaw
niya kasi talagang nagpapatawag ng Ma’am Shanea kapag wala na sila sa Shahiro
at tapos na ang oras ng trabaho. Halos kasi nang nagta-trabaho na employees sa
Shahiro, one to three years lang ang tanda sa kaniya.
Pero
kay Hiro, Sir pa rin ang tawag ng mga ito mapalabas man ng trabaho o hindi.
Sabagay, si Hiro na din ang nagsabi sa mga ito na kung anong feel ng mga ito na
itawag dito sa labas ng trabaho, bahala ang mga ito.
Tanging
si Zelinn na pinsan ni Hiro ang natatanging employee nila na hangga’t hindi
oras ng trabaho nito, pangalan ang itatawag sa kanila. Pero pagpatak ng oras ng
trabaho hanggang sa mag-out ito ay Ma’am/Sir ang itatawag sa kanila. Hindi
naman big deal sa kaniya ‘yon, as long as they have a smooth working
relationship.
“Nasa’n si
Hiro, si Nadine, si Jenny? Ba’t naman iniwan ninyo ko dito? Kumain na ba kayo?”
sunod-sunod na tanong niya.
Napakamot
ito ng ulo. “Nasa
labas lang ako ng van. Halos kakahinto lang natin dito. Si Nadine at Jenny
pumunta ng restroom. Si Sir Hiro, naghahanap ng makakainan natin. Halos puno
kasi ng mga tao.”
Napangiti
na siya. “Akala
ko naman iniwan ninyo na ko at kumakain na kayo.”
“Hindi ka
naman iiwanan ni Sir Hiro.”
“Alam ko.” nakangiting
sabi niya.
“Bakit ba
nakaharang ka, Mike?” Si Jenny ang sumulpot sa
likuran ni Mike. “Tumabi ka nga!“
“Ayan na
po!” Lumabas na si Mike.
Napalingon
naman si Jenny sa kaniya. “Shasha. Gising ka na pala.”
“Goodmorning!” bati
niya.
“Goodmorning
din! Nakahanap na si Sir Hiro ng mauupuan natin. Kumain na daw tayo.”
“Sige.“
Inayos niya ang nagulo niyang buhok ng mapansin niya ang jacket na nakabalabal
sa kaniya. Napangiti siya. Ang sweet
talaga ng bestfriend ko.
Sinundan
niya sina Jenny at Mike na abala sa pag-aasaran.
“Goodevening,
Shasha este goodmorning pala!”
bati sa kaniya ni Hiro ng makarating sila
sa table nito. “Ang
sarap ng tulog natin, ah.”
“Goodmorning
din!” Umupo
siya sa tabi nito ng mapansin niyang wala si Nadine. “Si Nadine?”
“Bumalik sa
restroom, nahihilo daw siya. O ayan na pala siya.”
Umupo
si Nadine sa tapat ni Hiro. Parang namumutla pa ito.
“Okay ka
lang, Nadine?”
“Okay ka
lang, Nads?”
Nagkatinginan
pa sila ni Hiro ng sabay silang magtanong nito. Sabay pa silang nagtawanan.
“Sir Hiro,
parehas talaga kayo ni brainwaves ni Shasha.” nakangiting
sabi ni Jenny.
“Wow! May
brainwaves ka pang nalalaman dyan, Jenny! Lumi-level-up ka na ngayon, ah!”
“Palibhasa
kasi Mike, wala kang alam.”
“Kaw lang
naman ang alam ng utak ko, eh.”
Inirapan
ito ni Jenny. “Eeew!
Baka hindi ako matunawan nito sa’yo. Mahiya ka nga kila Sir.”
Magkatabi
pa talaga ang dalawa. Kaya lonting kibot lang, asaran na agad.
“At bago pa
tayo langgamin dito sa inyong dalawa,”
singit niya. “,kumain
na tayo.”
Nagsimula
na silang kumain. Gutom siya kaya wala siyang pakialam sa paligid niya. Saglit
lang niyang tinapunan ng tingin ang katabi niyang si Hiro ng kausapin nito si
Nadine.
“Hindi ka ba
sanay sa byahe, Nads?”
“Hindi po,
Sir Hiro. Pasensya na po.”
“Uminom ka
na ba gamot? Binilhan na kita.” May inilapag si
Hiro sa tabi ng plato ni Nadine.
“Ahm, sir.
May baon po kong gamot.”
Napakamot
ng ulo si Hiro. “Gano’n
ba? Edi ano...edi...edi sa pag-uwi natin.”
“Sige po.
Thank you, sir.”
Hmm... Tama ba ang nakita
ko o gutom lang ako? Parang nag-blush si Nadine? Does she...
Nginitian
ito ni Hiro. “Kumain
ka na. Eto masarap ‘to.”
“Sige, sir.”
Pasimple
niyang inapakan ang paa ni Hiro. Nagtatakang napalingon ito sa kaniya. “What?”
“Masarap ba
‘yan?” Sabay turo sa inalok nito kay Nadine.
“Masarap ba,
Nads?” sa halip ay tanong nito kay Nadine.
Nads.
Sinong tao ba ang binibigyan ni Hiro ng pet name para sa sarili nito? Edi ang
mga taong malalapit dito.
“Yes, sir.”
Nilingon
siya ni Hiro.
“Masarap daw, Shasha.”
Napangiti
na lang siya at pinagpatuloy ang pagkain niya. Hayyy...Hiro. One of these days, lagot ka sakin.
“I know that
smile, Shasha.” pabulong na sabi ni Hiro sa kaniya.
“Weh? Di
nga?”
* * * * * * * *
“Wow! Ang
ganda naman dito!”
Inilibot
niya ang tingin sa paligid niya. Napapaligiran ng matataas na puno ang
resthouse na pagmamay-ari daw ng ate ni Hiro. Wala ngang kapitbahay man lang.
“Hiro, ba’t
ngayon lang tayo pumunta dito?” Sa dami ng
napuntahan nila, hindi pa sila pumunta dito.
“Ngayon lang
din ako nakapunta dito. Kaya nga nagkandaligaw-ligaw tayo kanina, eh.”
Kinuha nito ang bag nito. “Let’s go inside. Tinawagan ko si Ate Fia. Umalis siya
kanina pero on the way na rin siya dito. May ininvite din siyang kaibigan niya.
Naligaw ata. Nakakaligaw naman talaga ang pumunta dito. Sinabi naman niya sakin
kung sa’n niya nilagay ang susi ng bahay kaya makakapasok tayo.”
Nagbabaan
na sila ng mga kasama niya. At pumasok ng resthouse.
“Alas nuebe
pa lang pero ang lamig pa rin.” sabi ni Jenny ng
makaupo sila.
“Nasa Baguio
kasi tayo, iha, kaya wag kang magtaka.”
“Epal ka na
naman, Mike! Dapat hindi ka na sumama dito!”
“Nads, gusto
mong magpahinga sa taas?” narinig niyang tanong ni
Hiro kay Nadine.
“Hindi na,
sir.”
“Are you
sure?”
“Yes, sir.”
Napangiti
na naman siya. This two days vacation
will be an exciting one. Surebells ako! Hihihi!
“Nine am pa
lang. Gusto ninyong maglibot muna o magpapahinga muna kayo?” tanong
ni Hiro. “May
garden daw sa likod sabi ni ate.”
“Hindi naman
ako pagod, Sir Hiro. Maglilibot muna ko.”
sabi ni Jenny.
“Samahan na kita.
Baka maligaw ka pa at makuha ng engkanto. Pero don’t worry, ibibigay kita ng
libre sa kanila. Baka nga itaboy pa kita.” pang-aasar ni Mike dito.
“Ayaw kitang
kasama! Ayaw!” Hinila ni Jenny si Nadine patayo. “Maglibot tayo,
Nadine.”
“Kayo na
lang ni Mike, Jenny. Nahihilo pa ko, eh.”
“O, tayo na
lang daw.” Hinila ni Mike si Jenny palabas ng bahay.
“Ayaw nga
kitang kasama, eh! Bitiwan mo nga ko! Sanay akong maglakad!”
“Wag kayong
lalayo! Dito lang kayo sa paligid ng resthouse!” pahabol ni Hiro sa mga
ito.
“Yes, Sir
Hiro!” sagot ni Mike.
“Ikaw naman,
Nads.” Hinawakan ni Hiro ang kamay ni Nadine. “Magpahinga ka
muna.”
“Pero, Sir
Hiro—”
“No more
buts.”
“Sige na,
Nadine. Magpahinga ka na muna. Hari ng kakulitan ‘yang si Hiro, eh. Hindi ka
niyan tatantanan.” sabi niya.
“Reyna ka
naman ng kakulitan.” ganti ni Hiro sa kaniya.
Binelatan
niya lang ito. Wala ng nagawa si Nadine ng hilahin na ito ni Hiro paakyat sa
taas. Five minutes pa ang lumipas bago ito bumalik.
“Anong
tingin ‘yan? At ‘yang ngiti mo, Shasha. Kanina ka pa.”
“Ikaw, hah.”
Sinundot niya ang tagiliran nito.
“Anong ako?”
“Ba’t ang
tagal mong bumaba?”
“Ayaw kasing
matulog ni Nadine.”
“Ows?”
“What?”
Nilapirot nito ang ilong niya. “Ang dumi ng isip mo!”
“Oh! Oh!
Tinatanong lang kita, hah. Wala naman akong sinasabi.”
Nagpa-ikot-ikot siya dito. “He thinks he’s inlove, thinks he’s inlove...with her...”
pakanta niyang sabi sabay turo sa second floor ng bahay.
“What? Ako?
Inlove? Kay Nadine?”
Nginitian
niya ito. “Sige,
lakasan mo pa ng marinig niya.”
Napailing
ito. “Alam
mo, Shasha, gutom lang ‘yan.”
“Weh?”
sabay sundot sa tagiliran nito.
“Shasha.”
“Uyyy...”
Sinundot niya uli ang tagiliran nito.
“Trip mo ko,
ah.” Pinagalaw nito ang mga daliri nito.
Nanlaki ang mata niya ng mahulaan ang gagawin nito.
“Titigil na
po ko.” Pero lumapit pa rin ito sa kaniya. At
kiniliti ang tagiliran niya. “Hiro!”
“May
sinasabi ka, Shasha?” Habang kinikiliti pa rin
siya.
“Hahahaha!
Wala kong sinasabi!”
“Mero’n,
eh.” Hindi
nito tinigilan ang pagkiliti sa kaniya.
“Hahahaha!
Ayoko na!”
“Trip mo ko
kanina, eh. Akala mo, hah!”
Sabay
pa silang napalingon sa pintuan ng makarinig siya ng malakas na katok. Nakabukas
na ‘yon. Mukhang hindi na nila napansin ni Hiro ang pagbukas no’n dahil sa
tawanan nila.
Isang
magandang babaeng nakangiti ang nakita niyang nakatayo habang nakatingin sa
kanila. Pero nanlaki ang mata niya ng magtama ang mga mata nila ng taong kasama
nito na halos magsalubong ang kilay habang nakatingin sa kanilang dalawa ni
Hiro.
“Jed...” Anong ginagawa niya dito?
eehh! ang gwapo talaga ni hiro.. hahah.. mka hiro ako eh.. selos si jed sa mukha nyang yun.. hoho..
ReplyDeletelet the selosan begins!
HWaAaaaHhh,,, nKita cLa ni jEd,,, kaSo maY ksAma nMan kXe siYaNg ibAng girL eEhh,,, kyA gaLingAn mu hiRo,,, ikAw n bhALa kEi shAnea nAmiN,,,
ReplyDeleteat mAgkrooN diN kyA ng sAriLing kweNto cnA miKe at jEnnY,,, aNg cuTe LnG niLa eEh,,,
ReplyDelete((Go Hiro, gusto ko yang ginagawa mo))
ReplyDelete((Pagselosin si Jed movement))