CHAPTER
48
( Princess’
POV )
“Bakit ba ko nandito?” Nasa
harap siya ng hospital kung sa’n nagta-trabaho si Aeroll. Nasa loob siya ng
kotse niya. From Manila, dito siya dumeretso.
Napatingin
siya sa phone na hawak niya. Phone ni Aeroll ‘yon. Balak na talaga niyang isoli
ang phone nito ngayon. Kaya lang para naman siyang ewan na hindi alam kung
lalabas ng kotse o uuwi na at hihintayin na lang si Aeroll. Isa pa, hindi
talaga siya mapakali sa nabasa niya kagabi. Ang
Chariz na ‘yon. Sino ba talaga siya?
Bababa
na sana siya ng mag-ring ang sariling phone niya. Si James ang tumatawag.
Sinagot niya ‘yon.
“Hello, James. Bakit?”
“I just want to say
thank you. Pagpasensyahan mo na si Dad kanina if he brought up the topic of our
marriage.”
“I understand, James.”
She sighed. Napalingon tuloy siya sa bintana ng kotse niya at nakitang palabas na
ng hospital si Aeroll. “Ahm, James, Nagda-drive kasi ko.”
“Oh, okay. Take care,
sweet—I mean Princess.” She heard him sighed on the other
line. “I’m
sorry. Nasanay lang ako.”
“It’s okay. Ahm, ibababa
ko na ‘to.”
“Okay.”
Nilapag
niya sa dashboard ang phone niya at akmang bababa ng kotse ng mapahinto na
naman siya. May babae kasing lumapit kay Aeroll. Kumunot ang noo niya habang
tinitingnan ang babae. Hindi niya ito masyadong mamukhaan dahil naka-side view
ito. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya ng kumapit sa braso ni Aeroll
ang babae!
Aeroll! Ano ‘to?
Hindi
na niya napigilan ang sarili niya. Bumaba siya ng kotse at nilapitan ang mga
ito. “Aeroll.”
* * * * * * * *
( Aeroll’s
POV )
“Aeroll, sabay na tayo.”
Nilingon
niya si Chariz. Tapos na ang duty niya. Gano’n din ito. At ang malas niya. Lumipat na kaya siya sa ibang
department? Or much better, ito na lang ang lumipat. Sa Psyche Department. Mukhang
lalo kasing lumalala ang tama ng babaeng ‘to sa kaniya. Pinatutunguhan lang
niya ito ng maayos dahil kasama niya ito sa trabaho.
Mahirap na talaga ang gwapo.
Napailing siya sa naisip niya.
Hindi
pa siya nakakasagot ng umalis ito at kunin ang gamit nito sa locker room.
Matagal itong mag-ayos. Kaya for sure, nakaalis na siya bago pa siya nito
maabutan. Tuluyan na siyang lumabas ng hospital. Hindi niya dala ang kotse niya
dahil nasa talyer ‘yon.
“Aeroll!”
Napakamot
siya ng kilay niya. Not again!
Nagkuwari siyang walang narinig at tatawid na ng kalsada ng may kumapit sa
braso niya. Paglingon niya, nakangiting si Chariz ang nakita niya.
“I told you na sabay na
tayo diba?”
“May pupuntahan pa ko.”
“Can I go with you?”
Nginitian
niya ito. “Hindi
pwede. Importante ang pupuntahan ko.” Tatanggalin na sana niya ang
braso nito ng...
“Aeroll.”
Ang
boses na ‘yon! Agad siyang napalingon sa gilid niya. “Prinsesa!”
Humalukipkip
ito. Ang sama ng tingin nito sa kaniya.
“Prinsesa? What kind of
name was that?” Napalingon siya kay Chariz ng magsalita
ito.
“Chariz.” Inalis
niya ang pagkakahawak nito sa braso niya. Paglingon niya kay Princess, nakita
niya itong gulat na nakatingin kay Chariz. Kumunot ang noo niya. Pero natanggal
ang pagkakakunot niya ng tingnan siya nito. At kitang-kita niya sa mata nito
ang sakit.
On
instinct, hinawakan niya agad ang kamay nito. Na agad naman nitong tinanggal.
Nagtatakang napatingin siya dito.
“I just want to return
this.” Pagtingin
niya sa inaabot nito, phone niya ang nakita niya. “I have to go.” Tiningnan muna
nito si Chariz bago ito mabilis na tumalikod. Dumeretso ito sa kotse nito na
nasa tabi ng kalsada.
“Princess!”
Susundan na sana niya ito ng may pumigil sa braso niya.
“Who is she, Aeroll?”
tanong ni Chariz.
“She is Princess, the
woman I’m going to marry.” Iyon lang at iniwan na niya ito para
sundan si Princess. Pero nakaalis na ang kotse nito. Sinubukan pa niya itong
habulin. Pero hindi naman niya ito maabutan. “Shit!” Inis na sinipa niya ang
bato na nakita niya. Kung kailan naman wala ang kotse niya!
“Kuya Aeroll?”
Paglingon niya, nakita niya ang kapatid niyang si King na naka-motor. “Sinong
hinahabol mo?”
“Kaninong motor ‘yan?”
“Sa barkada ko.
Bakit?—Uy!” Sumakay kasi siya sa likuran nito.
“Mag-drive ka, may
hahabulin tayo.”
“Sino?”
“Just drive, King!”
“Oo na!”
Tiningnan
niya ang phone niya at tsinek ang message na sinasabi ni Chariz kanina. Pero
wala naman. Shit! Nabasa ba ni Princess
‘yon at binura? Ano ba kasing message ‘yon?!
Pero
ang mas pinagtataka niya ay ang reaction ng mukha nito habang nakatingin kay
Chariz kanina. Para kasi itong nakakita ng multo.
* * * * * * * *
( Chariz’s
POV )
Nakaalis
na si Aeroll sakay ng motor pero nakatayo pa din siya sa harap ng ospital. Muli
niyang inalala ang mukha ng babaeng lumapit sa kanila kanina. At inalala ang
sinabi ni Aeroll bago ito umalis.
“She is Princess, the woman I’m going
to marry.”
“So, siya pala ang
tinutukoy ni Nico.” Co-nurse niya ang tinutukoy niya. “Siya pala ang
bagong girlfriend ni Aeroll.” Nung una, hindi siya naniniwala dahil
akala niya dahilan lang ‘yon ni Aeroll para iwasan siya.
Humalukipkip
siya. “Small
world, huh.” A smile curved on her lips. “Kung nagawa kong agawin sa kaniya ang
boyfriend niya dati, magagawa ko uli ‘yon ngayon. Because I’m Chariz Yee. And
no one can say no to me.”
Naglakad
na siya. “See
you soon, Princess.”
* * * * * * * *
( Princess’
POV )
Pagkabigay-bigay
na pagkabigay niya ng phone kay Aeroll ay umalis na siya. Pero bago niya
paandarin ang kotse niya, hindi pa rin niya mapigilang lingunin ito. Nakita
niyang hawak ng babae ang braso nito. Mabilis na iniwas niya ang mga mata niya
at pinaandar ang kotse.
Ang
babaeng ‘yon! Kilala niya ito. College siya ng makilala niya ito. Ito lang
naman ang babaeng umagaw ng first boyfriend niya! Sa totoo lang, wala na sa
kaniya dahil naka-move on na siya. Pero hindi niya malilimutan ang mukha ng
Chariz na ‘yon. At bakit sa dinami-dami ng Chariz sa mundo, bakit ito pa ang
Chariz na nagtext kay Aeroll kagabi?! Alam niya, sa bibig na mismo ni Aeroll
nanggaling ang pangalan nito. Kaya malakas ang kutob niyang ito ang Chariz na
nagtext kagabi.
Inis
na hinampas niya ang manibela ng kotse niya. “Bakit?! Bakit?!”
Bumalik
sa alaala niya ang nabasa niyang text kagabi.
‘You know
how much I love you, Aeroll. Ikaw lang ang lalaking minahal ko ng ganito. By
the way, thank you for the kiss yesterday.’
Hindi
siya tanga para hindi ma-gets ang ibig sabihin ng text na ‘yon. There’s
something going on between Aeroll and that Chariz. Ang nakakainis pa, bago pa
siya lumapit dito kanina, nakita pa niya itong nginitian si Chariz. Ni hindi
man lang tinanggal ang braso ng babae!
“Sino ba talaga siya Aeroll?! Sino ba talaga
siya?!” Alam niyang playboy ito. Pero… Naninikip na naman ang
dibdib niya. “Totoo
naman talagang mahal mo niya ko diba? Totoo naman talaga...”
Mas
masakit pa ang nararamdaman niya ngayon kesa sa nakita niyang si James na may
kahalikang iba. Na si Justine naman pala at hindi si James. Ano pa kaya ang
mararamdaman niya kung nakita niyang may kahalikang iba si Aeroll, lalo pa at
ang Chariz na ‘yon! Huminga siya ng malalim.
Stop it, Princess! You just hurting
yourself! saway ng kabilang isip niya.
“Pero kasi...”
Hinawakan niya ang dibdib niya. “Bakit ba kasi ang sakit eh...”
Ready
ng tumulo ang luha niya ng...
“Princess!” Agad
siyang napalingon sa bintana ng kotse niya. Sakay ng motor si Aeroll habang
nagda-drive ang kasama nito. “Stop the car!”
Inirapan
niya ito. Hindi niya ito pinansin. Binilisan niya ang takbo. Mula sa side view
mirror ng kotse niya ay nakita niyang nakasunod pa rin ito. Hanggang sa makapasok
siya ng subdivision nila, nakasunod pa rin ito. At dahil kilala na ito ng guard
ay pinapasok din ito.
Inis
na hininto niya ang kotse niya. For sure, hanggang sa bahay niya ay susundan
siya nito. At ayaw niyang makaagaw ng pansin sa mga kapitbahay niya. Medyo
malayo pa ang mga bahay sa hinintuan niya. Puro puno ang magkabilang gilid ng
kalsada.
Hindi
siya bumaba ng kotse. Ayaw niyang makita nito ang itsura niya ngayon. Inis na
pinahid niya ang luha niya. “Nakakainis!”
Huminto
ang motor nila Aeroll sa harap ng kotse niya. Bumaba ito at lumapit sa gilid ng
kotse. “Prinsesa!
Open the door. Mag-usap tayo.”
“Edi buksan mo!” hindi
tumitinging sagot niya. Hindi naman kasi tinted ang bintana ng kotse niya kaya
makikita nito ang mukha niya.
“Galit ka ba sakin?”
“Hindi!”
“Eh, bakit ka—”
“Kuya Aeroll!”
Napatingin
siya sa driver ni Aeroll kanina. Kumunot ang noo niya habang tinitingnan ang
mukha ng lalaki. Kahawig ito ni Aeroll. Medyo younger version nga lang. Kapatid
ito ni Aeroll?
“Mauna ka na, King!”
“Yung panggasolina ko?”
“What?”
“Bayad sa pagda-drive ko
hanggang dito.”
Lumapit
si Aeroll sa tinawag nitong King. “Ayan. Umuwi ka na. Puro gala ka na naman.”
Pero sa halip na umalis ay bumaba pa ito ng motor at lumapit sa kotse niya. Nagpangalumbaba
ito sa harap ng kotse.
“Hello!”
nakangiting bati nito. Sa kaniya. “I’m King. You are?” Wala siya sa mood ngayon.
Masama ang timpla niya kaya hindi siya sumagot. “Hey!” Kumaway pa ito.
“King, stop it!”
Lumapit si Aeroll dito at hinila ito palayo sa kotse niya.
“Sino ba kasi siya,
Kuya? Hinabol pa natin siya hanggang dito na parang eksena sa movie. Bago mo na
namang girlfriend? Pang-ilan na ba siya?”
“King Leonard!”
“Okay, I’m going.”
Sumakay
na ito ng motor at umalis. Pero huminto pa ito sa gilid niya. Kinatok nito ang
bintana ng kotse niya kaya napalingon siya dito. “Mag-ingat ka kay kuya! Baka paiyakin ka
lang niyan!” Ang lakas ng pagkakasabi nito na parang pinarinig pa
talaga kay Aeroll.
“King Leonard!”
Mabilis na lumapit si Aeroll dito pero napatakbo na nito ang motor paalis. “Humanda ka
sakin mamaya!”
“Bago mo na namang girlfriend?
Pang-ilan na ba siya?”
“Mag-ingat ka kay kuya! Baka paiyakin
ka lang niyan!”
Paulit-ulit
na nag-replay yun sa isip niya.
Aeroll!
Bigla niyang binuksan ang kotse niya at dahil nando’n si Aeroll ay tumama pa sa
gilid nito ang pintuan ng kotse.
“Aray!”
nakangiwing sabi nito habang hawak ang gilid nito. “Prinsesa naman!”
“Don’t call me
Prinsesa!”
“Princess.”
Dumeretso ito ng tayo. “I’m sorry.”
“Sorry for what?! Dahil
totoo ang sinabi ng kapatid mo?!” Tumawa siya ng pilit. “Bagong
girlfriend pala, hah! Paiiyakin lang! Grabe!”
“He was—“
“Tapos yung Chariz na
‘yon?! Another girlfriend mo rin?! Sino ba ang nauna?! Siya o ako?!”
“Hindi ko—”
“Sa seminar ka ba talaga
nanggaling kahapon?! O kasama mo siya?!”
“Kasama ko siya pero—”
Pumalakpak
siya. “Talagang
umamin ka pa, hah! So, totoo yung nabasa kong text kagabi?! Oh! Hindi mo nga
pala alam ‘yon noh? Okay. Ako na lang ang magsasabi. I quote, ‘You know how
much I love you, Aeroll. Ikaw lang ang lalaking
minahal ko ng ganito. By the way, thank you for the kiss yesterday’, unquote.
Ang sweet niya noh? Talagang nag-thank you pa siya sa’yo dahil sa kiss—”
Napatigil siya sa paglilitanya ng mapansing
nakangiti ito. No. Pinipigilan nito ang ngiti nito. “Pinagtatawanan mo ba ko?” Tuluyan
na itong napangiti. Nagsimula na namang tumulo ang luha niya. Pinaglololoko
lang ba siya nito?!
“I hate you, Aeroll!”
Hinampas niya ang dibdib nito. Hinawakan nito ang kamay niya. “Bitiwan mo ko!
Bwisit ka! Bwisit ka! Bwisit—” Hinila siya nito at niyakap ng
mahigpit. Nagpumiglas siya pero ang higpit ng yakap nito sa kaniya. “I hate you!”
“And I love you.”
Natahimik siya sa sinabi nito. Aeroll. Pinigilan niyang umiyak, pero
pumatak na naman ang luha niya. Baliw na kung baliw pero kahit anong pilit ng
isip niyang sabihing niloko lang siya nito, ayaw namang maniwala ng puso niya.
Itinaas
nito ang mukha niya. Wala na ang nakakainis na ngiti nito kanina. “Tumahan ka na.” Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili
niya. Pinunasan nito ang mga luha niya. Then, he cupped her face with his hands.
Tinitigan siya nito. “Pwede na ba kong magpaliwanag?” Tumango siya.
“Don’t
interrupt, okay?” Tumango siya.
“Una, hindi totoo ang
sinabi ni King na bagong girlfriend na naman kita. Ang pangit pakinggan ng ‘na
naman’. You are my first serious girlfriend. Much better.”
“T-tayo na ba?”
Tinakpan nito ang bibig niya.
“Tayo na diba?” Hindi
nito inalis ang kamay nito sa bibig niya kaya hindi siya makasagot. Ngumiti
ito. “Silence
means yes. So, we’re officially on from now on.” Hindi pa din nito
inaalis ang kamay sa bibig niya kaya hindi siya makapag-react. “Pero tama ang
sinabi niya, paiiyakin lang kita.” Hinaplos ng isang kamay nito ang
mata niya. “Dahil
sakin, umiyak ka ngayon.”
Tumango
siya.
“Wag mo na kong
konsensyahin.” He sighed. “Totoong galing ako ng seminar. At totoong
kasama ko si Chariz. But there’s nothing going on between us. Kasamahan ko lang
siya sa trabaho. At yung nabasa mong text kagabi. Yes, aware naman ako na gusto
niya ko. Pero, never kong pinatulan ang mga sinasabi niya.”
Nagsalubong
ang mga kilay niya. Eh, yung kiss?!
Mukhang
na-gets nito ang iniisip niya. Napakamot ito ng noo. “I didn’t kissed her.”
Pinanlakihan
niya ito ng mata.
“Ganito kasi ‘yon.
Naglalakad kami kahapon ng bigla siyang matapilok. I helped her to stand up.
Nagulat na lang ako ng bigla niya kong hilahin at halikan. But of course, I
didn’t kissed her back. Kumawala agad ako sa kaniya. At yung naabutan mo
kanina,” Napakamot ito ng kilay. “,wala lang ‘yon. She insisted na sasabay
siya, but I told her na may pupuntahan akong importante. At ikaw ‘yon.
Maliwanag na ba?”
Tumango
siya. Saka lang nito inalis ang kamay nito sa bibig niya. “Hindi pa rin pala nagbabago si Chariz.” bulong
niya.
“Anong sabi mo?”
Umiling
siya. “Wala.”
Pinili niyang wag ng sabihin ang nakaraan nila ni Chariz. Hindi na importante
‘yon.
“Ngayong alam—”
May nag-ring na phone. Phone ni Aeroll dahil kinuha nito ang phone nito sa
bulsa. Kumunot ang noo nito bago sagutin ang tawag. “What?!” PAUSE. “At ano na namang
sasabihin mo sa kaniya?!” PAUSE. “Ayoko!” PAUSE. “Siguraduhin mo
lang, King! Dahil humanda ka sakin pag-uwi ko!” Magkasalubong ang
kilay na binigay nito ang phone sa kaniya. “Kakausapin ka daw ng pasaway kong kapatid.”
Kumunot
ang noo niya. “Bakit
daw?” Hindi naman sila close no’n.
“I don’t know. Just talk
to him.”
Kinuha
niya ang phone. “Hello.”
“Ate Princess?”
Nilayo niya ang phone sa tenga niya. Ni-loud speak pala ni Aeroll ‘yon bago
ibigay sa kaniya.
“Sino bang gusto mong
kausapin? Hindi ba ako?”
Tumawa
ito sa kabilang linya. “My brother’s right. Masungit ka nga.”
“Sinabi ni Aeroll ‘yon?”
Tiningnan niya si Aeroll na prenteng nakasandal sa kotse niya. Ngumiti lang
ito.
“Narinig ko lang nung
nagkukwentuhan sila ni mama. Wala kasing bukam-bibig si Aeroll kundi ikaw
simula ng umuwi ‘yan from his vacation. First time mangyari ‘yon, ah.”
Umiwas siya ng tingin kay Aeroll. So totoo nga, dinadaldal pala siya nito sa
pamilya nito.
“Nagpakatay nga ko ng manok, eh.”
“Kilala mo naman pala
ko, eh. Bakit tinatanong mo pa yung pangalan ko kanina?”
Pag-iiba niya ng topic.
“I just want to make
sure na ikaw ang Princess na tinutukoy niya.”
“Ngayong alam mo na?”
“Nakikinig ba si Kuya
satin?” sa halip ay tanong nito. Sinenyasan siya ni Aeroll na
‘hindi.’
“Oo. Naka-loud speaker
kasi ‘tong phone niya.” Sinimangutan siya ni Aeroll.
“Sabi na nga ba.”
natatawang sabi nito.
Mukha
may gusto itong sabihin pero hindi nito masabi
Ang ginawa niya tinanggal niya ang pagkaka-loudspeak ng phone. “Hindi na ‘to
naka-loud speaker. So, ano bang gusto mong sabihin?”
“Prinsesa naman!”
reklamo ni Aeroll sa ginawa niya. Lumayo siya dito at umupo sa gilid ng
kalsada.
“Okay na ba kayo ni
kuya?” tanong ni King over the other line.
“Kung sabihin kong
hindi.”
Tumikhim
ito. “Hindi
totoo yung sinabi ko kanina. Gusto ko lang pag-tripan si kuya. First time kaya
no’ng maghabol sa isang babae. Para nga kaming tangang humahabol sa kotse mo.
Inis na inis nga ‘yon, eh. Ang bilis mo daw kasi magpatakbo.” natatawang
sabi nito. “Alam
mo bang mas sanay akong babae ang naghahabol sa kaniya.”
Yeah, I know. “Pero hindi pa rin tama
ang ginawa mo. Hindi magandang biro ‘yon.”
“Yeah, I know. That’s
why I’m sorry. Pero hindi ka naman naniwala sa sinabi ko diba?”
Medyo. “Naniwala.”
“Ows? Hindi nga?
Naniwala ka o hindi? Yung totoo. Ang magsinungaling, pangit.”
“Para kang bata.”
“Alam ko.”
Naramdaman niyang sumeryoso ang boses nito. “Laging sinasabi sakin ni kuya ‘yan.” Tatanungin na sana niya kung okay lang ito ng
magsalita uli ito. “Alam ko namang hindi ka naniwala sa sinabi ko, eh. So,
kung may pinag-awayan man kayo ni kuya. Forgive him, ate.”
“King...”
“Akong bahala. Once na
mambabae siya, isusumbong ko siya sa’yo. Saka ate...”
“Ano ‘yon?”
“Wag mong sasabihin kay
kuya ang mga sinabi ko sa’yo.”
“Bakit?”
“Baka kasi magpamisa
siya ng wala sa oras at magpakatay ng baboy.” natatawang sagot
nito. “Dahil
alam kong iniisip niya ngayon, puro kalokohan ang sinasabi ko sa’yo.”
“Parang siya hindi. Eh,
puro kalokohan din naman siya.” Tiningnan niya si Aeroll
pero wala na ito sa harap niya. Hinanap niya ito. Nakita niya ito sa gilid ng
damuhan. Anong ginagawa no’n do’n?
“Ate?”
“Yes, I’m still here.”
“Ibaba ko na ‘tong
phone. May chikababes akong nakita, eh.”
Napangiti
siya. “Mana
ka lang sa kuya mo.”
“Hindi, ah. Siya ang
maraming naging girlfriend, pero ako wala pa.”
“What? Wala ka pang
naging girlfriend? Ilang taon ka na ba?”
“Oops! Nahuli mo ko
do’n, ah.” natatawang sabi nito. “I’m nineteen, ate. Sikreto lang natin na
NBSB ako, ah.”
Hindi
niya alam kung nagsasabi ba ito o ng totoo o nagbibiro. Napa- “Sure.” na
lang siya.
“Nga pala ate. Hindi ko
nasabi kanina.”
“Ano ‘yon?”
“Nice to meet you, Ate
Princess. Sorry kanina.”
Napangiti
siya. “Same
to you. Pero hindi ko matatanggap ang sorry mo. May pingot ka sa tenga pag
nakita kita.”
Natatawang
nagpaalam na ito. Hihintayin daw nito ang pamatay na pingot niya. Nilingon niya
si Aeroll sa damuhan na pinuntahan nito kaya nagulat pa siya na nakaupo na ito
sa tabi niya.
“Kanina ka pa diyan?”
“Kakaupo ko lang. Anong
sinabi sa’yo ni King? Mukhang close na agad kayo, ah.”
“Wala naman.”
Umangat
ang kamay nito sa pisngi niya. “I’m sorry.”
“Forgiven.”
Naalala niya ang ginawa niyang pag-iyak kanina pati ang pang-aaway dito.
Napatayo siya ng wala sa oras at dumeretso sa loob ng kotse niya. Nakakahiya naman yung ginawa ko kanina.
Pang-famas ang arte ko.
“Prinsesa! Galit ka pa
rin ba?” Pigil nito ang pintuan ng kotse niya kaya hindi niya
maisara. Nakaupo na siya sa loob.
“Hindi.”
Nang may maalala siya. “Bakit nga pala nakangiti ka pa kanina, eh, galit na nga
ko?”
Nilapit
nito ang mukha sa kaniya. “Because you were jealous.”
“I’m...”
Ngumiti
ito. “Don’t
deny it, Prinsesa.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “Alam ko na
ngayon kung pa’no ka magselos. Ni hindi man lang ako makasingit sa’yo. Parang
armalite ‘yang bibig mo kanina.”
Napangiti
siya. “Sorry.”
Tumingkayad
ito ng upo paharap sa kaniya. Habang nasa pisngi pa rin niya ang isang kamay
nito. Pinagmasdan nito ang mukha niya. “Do you trust me?”
“Yes, it’s just that...”
“Inunahan mo kasi ng
selos.” Pinisil
nito ang ilong niya. “When I told I love you, I really mean it. Sakin ka
maniwala. Wag sa kanila. Okay?” Tumango siya. Ngumiti na ito. “Umuwi ka na,
Prinsesa. Uuwi na rin ako. Ingat ka, hah.”
Tumango
siya. Tumayo na ito. Ito na ang nagsarado ng pintuan ng kotse niya. Inistart na
niya ang kotse ng kumatok ito sa bintana. Binaba niya ‘yon. “Bakit?”
“I forgot something.”
Napaatras
ang mukha niya ng sumuot ang ulo nito sa bintana ng kotse. He chukled. May kung
anong inilagay ito sa tenga niya. “Ingat ka.” He kissed her forehead. Tumama pa
ang ulo nito paglabas sa bintana ng kotse. Natawa tuloy siya. “Pinagtatawanan
mo ko, ah. Go.” nakangiting sabi nito.
Pinaandar
na niya ang kotse niya habang nakatingin sa sideview mirror. Kumakaway pa ito
sa kaniya. Kinapa niya ang nasa tenga niya. Kinuha niya ‘yon. Lumapad ang ngiti
niya ng makita niyang bulaklak ‘yon. Gumamela flower! Yun pala ang kinuha nito
sa may damuhan kanina. Napangiti siya habang hawak ang gumamela flower.
“Hay! Parang kanina
lang, nakasimangot ako. Naiinis. Galit. Umiiyak. Tapos ngayon ang lapad ng
ngiti ko. Para kong baliw ngayong araw, ah.”
At
least ngayon, nakahinga na siya ng maluwag. From
now on, I have to trust him completely ng hindi na aabot sa ganito. Napangiti
siya.
Nakakabaliw
pala ang magmahal. Simpleng bagay lang, nalulungkot ka na. Simpleng bagay lang,
nasasaktan ka na. Simpleng bagay lang, napapaiyak ka na. Simpleng bagay lang,
nakangiti ka na. Simpleng bagay lang, nakatawa ka na. Simple things but meant
big things.
“Tama nga ang sinusulat
ko sa mga nobela ko.”
Love
hurts. But still, at the end of the day mapapangiti ka na lang. Because no
matter what happened, masarap pa ring magmahal. Masaya pa ring magmahal. Hindi
ba? (^___^)
* * *
NaKu nakkAiniS ngA unG chAriz n uN,, naaWa aq kEi priNcesS eEh,,,
ReplyDeleteHAy s wAkas,,, buTi n LNg suMisingit s eKsena c kiNg eHh,,, nAayoS diN niLa,,,
ReplyDeleteuNg epAl tLga kAsi ng chAriz n uN eEh,,, humAnda xAh kpAg umeKseNa xAh uLit,,, naKu-nAKu hA,,,