CHAPTER
47
( Princess’
POV )
Pagmulat niya ng mata, ramdam niyang hindi maganda
ang tulog niya. Saka lang niya napansing may hawak siya. Pagtingin niya sa
kamay niya, nagulat pa siyang cellphone ‘yon. Not her cellphone but Aeroll’s
phone. Nadala pala niya ‘yon kagabi ng hindi niya namamalayan.
Bumangon
na siya at lumabas ng kwarto niya. Wala na si Aeroll sa baba. Wala rin sa
kusina ng silipin niya. Pagbalik niya sa sala, may nakita siyang papel sa
ibabaw ng center table. Kinuha niya ‘yon at binasa.
Goodmorning,
Prinsesa! Buti na lang may ballpen at notebook dito. Uhm, How’s your sleep?
Ako? Hindi okay. Nangawit ang likod ko sa sofa. Grabe ka talaga! Wala ka
talagang ka-sweetan sa katawan mo noh? Hindi mo man lang ako binigyan ng unan.
:)) Bilang ganti, hindi kita pinagluto ng breakfast mo. Nah! I’m just kidding.
May duty pa kasi ako, eh. Kung wala lang akong duty, pinagluto na kita. Uhm! By
the way, have you seen my phone? Ang alam ko dala ko siya kagabi pero hindi ko
siya makita kanina. Gusto sana kitang tanungin, kaya lang baka pag pumasok ako
ng kwarto mo, hindi na ko makalabas. Hahaha! Joke lang! Nakasimangot ka na
naman dyan! So, ahm, see you later. :))
Akala
niya ‘yon lang yung nakasulat. Pero napansin niya ang likod ng papel, mero’n pa
pala.
P.S. I love you.
Hindi
niya mapigilang mapangiti sa sulat nito. Parang love letter kung iisipin sa
haba. Pero agad ding nawala ang ngiti niya ng mapatingin siya sa phone ni
Aeroll na hawak pa rin niya. Binitiwan niya ang phone sa ibabaw ng sofa at
tiningnan kung anong oras na. 8am na. Tamang-tama, magpapasa siya ng manuscript
sa Manila.
Lumapit
siya sa bintana at sumilip. Hindi na masyadong masama ang panahon. Maliwanag na
pero may konting ambon pa rin. Napalingon uli siya sa phone ni Aeroll na nasa
sofa. Hanggang ngayon, natatandaan pa rin niya ang pangalang ‘yon.
“Chariz. Sino ka ba sa
buhay ni Aeroll?”
* * * * * * * *
( Aeroll’s
POV )
Nasa
nurse’s station siya at hawak ang isang chart ng pasyente niya ng may tumabi sa
kaniya.
“Aeroll, pwede bang
paki-abot ‘yon?” Hindi lumilingong inabot niya dito ang cotton.
“No, the
other one.” Yung lalagyan ng syringe ang inabot niya dito. “Hindi ‘yan.”
Nilingon
niya ito. “Chariz.”
Nginitian lang siya nito. “Why don’t you get it by yourself?”
“Hindi ko abot, eh. Saka
masakit ‘tong braso ko. Remember what happened yesterday at the seminar? I
slipped.”
Pero
parang may ibang meaning ang sinabi nito. Hindi siya manhid para hindi ma-gets
ang tinutukoy nito. “Ano bang pinapaabot mo?”
Itinuro
nito. Kinuha naman niya. Pero humirit pa talaga ‘to bago umalis. “Have you read
my message last night?” Kumunot
ang noo niya. “It’s
true. Ikaw lang ang gusto ko.” bulong nito sa kaniya.
Mas
lalong kumunot ang noo niya. Anong message? Wala naman siyang nabasa? Nasa’n ba
kasi yung phone niya? Ang sabi ng mama niya pag-uwi niya kanina, nakausap pa
daw nito sa Princess last night which means na dala niya ang phone niya kagabi
at hindi niya nakalimutan sa bahay nila. Ang tanong, nasa’n ang phone niya?
Bakit hindi niya makita kanina ng magising siya?
“Have you read my message last night?
It’s true. Ikaw lang ang gusto ko.”
Shit! Baka mabasa ni Princess ang text
na ‘yon, kung anumang text na ‘yon. Pero hindi naman siguro. Hindi naman siguro
siya magbabasa ng message ng iba.
Naputol
ang pag-iisip niya ng may lumapit na babae sa kaniya. “Nurse, paubos na po yung dextrose ng asawa ko.” Sinabihan niya ito
kanina na tawagin siya pag paubos na yung dextrose na nakakabit sa asawa nito.
Nginitian
niya ito. “Okay.“
Pinuntahan niya ang pasyente niya.
* * * * * * * *
( Princess’
POV )
Napasa
na niya ang manuscript niya at ngayon ay pauwi na. She glanced at her watch.
It’s almost 11am. Naisipan muna niyang
dumaan sa mall para kumain. Habang naghahanap ng makakainan sa loob ng mall,
hindi sinasadyang nabangga siya ng babaeng may kausap sa phone. Hindi ito nakatingin
sa dinadaanan nito. Namukhaan niya agad ito.
“Amy.”
Sinenyasan
siya nito na wag maingay. Tumango lang siya.
“Yes, Sir James.” Kaya
pala. Kausap nito si James. Pero bakit hindi nito sinabing nakita siya nito
ngayon kay James? May alam ba ‘to? “Okay na po. Nakuha ko na po ‘yong contract. Pabalik na
po ko sa office.” PAUSE. “Yes, Sir.” Matapos
ilagay ang phone sa bag nito at hinarap siya nito. “Ma’am…”
“Amy, Princess na lang.
At walang po.“ Di hamak naman na mas matanda ito sa
kaniya ng tatlong taon. Masyado lang itong magalang dahil girlfriend siya ng
amo nito. EX na pala.
“Okay.”
nakangiting sabi nito.
“Pabalik ka na ba sa
office?”
“Magla-lunch na muna ko
before going back. Ikaw? Kakain ka din ba?”
“Oo.”
“Sabay na tayo.”
“Okay.”
Pumasok
sila sa isang restaurant at umorder. Habang hinihintay ang order nila ay
nakipagkwentuhan muna siya dito. Iniiwasan niyang maging topic ang tungkol sa
kanila ni James pero sadyang hindi talaga maiiwasan.
“Hindi naman sa
nakikialam ako. Napansin ko lang kasi ng huli kang magpunta sa office. Nag-away
ba kayo ni Sir? Parang first time ninyong mag-away ng gano’n, eh. Tapos
pag-alis mo pa, nadinig namin ni Hunter na may kung anong nabasag sa loob ng
office. Tapos pinakansel pa ni Sir yung mga appointments niya.”
“Hah? Ano kasi...”
Paano niya ba sasabihin?
“Pag-pasensyahan mo na
si Sir, ah. Masyado lang siyang stress. Nagkasabay-sabay lang kasi ang problema
sa company.”
Kumunot
ang noo niya. “Problema?”
“Hindi ba nabanggit
sa’yo ni Sir James?”
Umiling
siya.
“Sabagay. Sa loob ng
tatlong taong pagtatrabaho ko sa kaniya, gano’n na talag si Sir. Hangga’t kaya
niya ang problema, hindi siya nagsasabi sa daddy niya. Alam mo naman diba? May
sakit sa puso ang daddy niya. For three years na siya ang namahahala sa company
nila, hindi siya pwedeng mabigo. Mataas kasi ang expectations ni Mr. Aurello sa
kaniya. Biruin mo, at the age of 22, sa kaniya na pinamahala ang company nila.
Matalino naman kasi si Sir James at madaling matuto. Unlike his twin brother.
Sana hindi lang mukha ang pinagkapareho nila, pati ugali sana ni Sir James,
nakuha din ni Sir Justine.”
Alam
niya ang kwentong ‘yon. Pero anong problema?
“Hindi mo ba napansin?
Pinayagan ka agad ni Sir James na magbakasyon sa malayo? Pansin ko naman na
pagdating sa’yo, masyado siyang mahigpit, eh.”
“May problema na before
I left?”
“Yes. Pinayagan ka niya
agad dahil alam niyang magiging sobrang busy siya sa company. Pero hindi ka pa
rin niya matiis. Lalo na ng hindi niya ma-contact ang phone mo. Pati nga ako,
sinabihan niyang kontakin ka. Dumagdag pa ‘yon sa problema niya.”
“Ano bang problema ng
company nila?”
“Dahil girlfriend ka ni
Sir, okay lang naman na sabihin ko sa’yo. Gusto ko lang na maintindihan mo si
Sir ngayon.” Tumikhim ito. ”Una, problema sa mga investors at ‘yon ang
dahilan kaya out-of-the country siya ng umuwi ka from your vacation. Second,
may perang nawawala sa company. Third, may problema sa mga production ng
products. Third, si Sir Justine.”
“Si Justine?”
“Oo. Tuwing umuuwi kasi
si Sir Justine, lagi siyang may dalang problema.”
“Anong problema?”
“Hindi ko alam. Pero
nakasanayan na naming uuwi lang siya kapag may problema siya. Hindi lang
simpleng problema. At isa pa, ang daddy nila...”
“Anong nangyari kay
Tito?” Kinabahan siya.
“Inatake si Mr. Aurello
kahapon. Nakasagutan niya si Sir Justine.”
Napahawak
siya sa bibig niya. “How is he?”
“Okay na si Mr. Aurello.
Nasa hospital siya ngayon. Nando’n nga si Sir James. At kaya ako nandito dahil
ako muna ang inutusan niyang kumuha ng contract sa isa naming client. Gusto ng
client na personal na iabot. At dahil kilala na ako ng client naming ‘yon, ako muna
ang nakipagkita.”
Natahimik
na lang siya. James, bakit wala kang
sinasabi?
“Princess, wag mong
sabihin kay Sir James na sinabi ko sa’yo.”
Tumango
siya.
“Sir James needs you
now. Kung ano man ang pinag-awayan ninyo, intindihin mo na lang siya.
Nagkasabay-sabay lang ang problema sa company at sa family niya.”
At pati ako nakisabay pa. Mas
lalo siyang natahimik. Kahit wala siyang alam sa mga problema ni James, still
she felt guilty.
Ngayon,
mas naiintindihan niya kung bakit iba si James ng huli silang magkita. Kung
bakit gano’n ang inakto nito.
I’m sorry, James.
* * * * * * * *
Namalayan na
lang niyang nasa harap na siya ng hospital kung sa’n naka-confine ang daddy ni
James. Matapos nilang mag-usap ni Amy kanina, she decided to visit James’s father.
Matapos
malaman ang room number ng daddy ni James, dumeretso agad siya do’n bitbit ang
bulaklak na binili niya kanina. Kakatok na sana siya ng biglang bumukas ang
pintuan. Nagkagulatan pa sila.
“James.”
“Princess.”
Nagkasabayan
pa silang magsalita. Agad nitong sinarado ang pinto. She cleared her throat.
Tiningnan niya si James. Halata sa mukha nito ang pagod at puyat.
“Anong ginagawa mo
dito?” Hindi naman ito galit. Mukha nga itong gulat. “Hindi ka naman
pumupunta ng ospital diba? Dahil ang sabi mo may phobia ka?”
“I’m overcoming it
slowly.” Dahil ‘yon kay Aeroll. ”Gusto ko lang dalawin ang daddy mo. I
know na hindi maganda ang huling pagkikita natin, pero—”
“Do’n tayo mag-usap.” Hinawakan
nito ang kamay niya at inakay siya sa malapit na mahabang upuan sa tabi ng
pader. Ilang saglit muna ang lumipas bago siya nagsalita.
“I’m sorry.”
“For what? Hindi mo
naman kasalanan kung bakit inatake si Daddy.”
“Hindi dahil do’n.
Sumabay pa kasi ako sa mga problema mo.”
Napalingon
ito sa kaniya. “Problema?”
Tiningnan
niya ito. “Hindi
ko kasi alam.”
Mukhang
nakuha nito ang tinutukoy niya. Sinandal nito ang ulo nito sa pader at pumikit.
“Hindi ko
alam kung paano mo nalaman. Pero may idea na ko kung sino ang nagsabi.”
“Don’t be mad at Amy.”
“Should I?”
Dumilat ito at nilingon siya. “Dapat pa nga siguro akong mag-thank you sa kaniya dahil
nandito ka ngayon. Hindi ko kasi alam kung paano ka haharapin at kakausapin.
I’m not myself the last time we talked.” Umiwas ito ng tingin at
yumuko. “I’m
sorry about that, Princess. Hindi ko sinasadya. Alam mong hindi ko magagawa
sa’yo ‘yon. Pati yung masasakit na salita na sinabi ko sa’yo. I’m sorry. Ang
dami lang kasing problema sa company. Alam kong hindi tamang dahilan ‘yon, pero
kasi...”
Hinawakan
niya ang balikat nito. “I understand, James. Pero sana nagsabi sakin ng problema
mo. Hindi man ako direktang makatulong, but still may masasandalan ka. I know
it’s very hard for you to run your company with your own. Ano pa’t naging girlfriend
mo ko kung hindi mo naman ako sinasabihan ng problema mo.”
“Kung sinabi ko ba ang
problema ko, hindi ka ba aalis?”
“Oo.”
Hindi talaga siya aalis.
Ngumiti
ito ng pilit. “Sana
pala, sinabi ko na lang. Para hindi ka na-fall sa iba.”
Natigilan
siya sa sinabi nito. Hindi niya rin siguro nakilala si Aeroll.
“Paano kung pag-uwi mo,
saka mo lang nalaman ang mga problema ko? Makikipag-break ka pa rin ba sakin?”
Mas
lalong hindi siya nakasagot. Sa sahig siya tumingin.
“Siguro si Justine ang
dapat kong sisihin. Dahil kung hindi mo siya nakitang may kasamang iba, hindi
mo ako mapagkakamalang ako siya. Hindi ka masasaktan. Hindi ka magagalit. At
mas lalong hindi ka maiin-love sa iba.”
Napalingon
siya dito. “Hindi
gano’n ‘yon James. Wala siyang kasalanan.”
“But it’s his fault kung
bakit inatake na naman si Daddy!” madiing bulong nito.
Nakuyom nito ang kamao nito. Hinawakan niya ang kamay nito. Huminga ito ng
malalim. Saglit silang natahimik bago ito nagsalita. “Wala na ba talaga, Princess? Wala na ba
talaga ko dyan sa puso mo? Gano’n na lang ba kadali para sa’yo ‘yon?”
Ramdam
niya ang sakit sa bawat salita nito. “James, please...”
“I’m sorry...”
“I’m the one who should
say sorry.”
“Don’t be. Mas
nasasaktan lang ako sa bawat sorry mo.” Huminga ito ng malalim. “I have one
favor to ask you.”
“Ano ‘yon?”
“Hindi alam ni Daddy na
wala na tayo.”
Parang
alam na niya ang favor na gusto na sasabihin nito.
“You know how much he
adores you, right? Ikaw nga ang Prinsesa niya diba? Minsan nga gusto ko ng
magselos dahil parang mas anak ka niya kesa sakin.” Hinawakan
nito ang kamay niya. “As much as possible, ayaw na namin siyang bigyan ng sama
ng loob. Bawal siyang ma-stress. Daddy’s condition is critical, another heart
attack, baka hindi na niya kayanin.” Huminto ito. “Pwede bang wag
mo na nating ipaalam na wala na tayo?”
She
sighed. “I
understand, James.” Isa lang ang ibig sabihin no’n. Kailangan nilang
magpanggap sa harap ng Daddy nito.
“Thank you, Princess.”
Nginitian
niya ito. “Pwede
na bang makita si Tito?”
Tumango
ito bago sila pumasok sa kwarto ng Daddy nito. Kasama nito ang asawa nito.
Napalingon ang dalawa sa kaniya.
Lumiwanag
ang mukha ng Daddy ni James. “My Princess!”
Lumapit
siya dito. “Kamusta
po, Tito?” Nilingon niya ang mommy ni James na nakaupo sa kabilang
panig ng kama. “Goodafternoon,
Tita Angela.”
“Goodafternoon.” hindi
ngumingiting sagot nito. Tumayo ito. “Lalabas na muna ko. Parang uminit.”
“Pagpasensyahan mo na
‘yon.” bulong
ng daddy ni James ng makalabas na ang asawa nito. “Malapit na kasing mag-meno-pause.”
Ngumiti
na lang siya. Kahit hindi naman nito sabihin, sanay na siya. Cold na ang
pakikitungo sa kaniya ng mommy ni James simula ng maging sila ng anak nito.
Alam niyang hindi ito boto sa kaniya para kay James. Paano kaya pag nalaman
nitong wala na sila ni James? Malamang magdiwang ito ng husto.
“Hindi ba takot kang pumunta ng ospital kaya nga hindi mo ako
madalaw-dalaw kapag nako-confine ako? Bakit ngayon?”
“May tao po kasing
nagturo sakin na kailangan ko ding harapin ang takot ko.”
“Si James ba ang
tinutukoy mo, iha?”
Pilit
siyang ngumiti. Kung pwede lang niyang sabihing si Aeroll, eh. “I just want to
surprise you, too, Tito Eric.”
“I love surprises.
Unfortunately, my heart didn’t.”
Napangiti
siya. Mapagbiro ito. Siguro dito nagmana si Justine. Hinawakan ni Tito Eric ang
kamay niya. “Iha,
kailan ba kayo ikakasal nitong anak ko? Para naman bago ako mawala sa mundo,
makita ko muna ang mga apo ko.”
“Dad!”
“Tito, don’t say that.
Matagal pa po ang buhay ninyo.”
“Okay. Okay. Pero kailan
ninyo ba balak magpakasal?”
Natigilan
siya sa tanong nito. Ngumiti siya ng pilit.
“Tito, wala pa po kasi sa isip ko ang magpakasal.” Nakita
niyang lumungkot ang mukha nito. Tumingin ito sa bintana ng kwarto nito.
“Marami pa kasing
pangarap si Princess, Dad. She’s only twenty two years old. Ayoko pa siyang
itali sa isang relasyong pangmatagalan hangga’t hindi pa siya handa.”
Napalingon
siya kay James. Humigpit ang pagkakahawak nito sa balikat niya.
Mukhang
malaking problema ang pagpapanggap na ‘to.
Hanggang
kailan sila magpapanggap sa harap ni Tito Eric?
* * *
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^