Wednesday, September 5, 2012

Love at Second Sight : Chapter 12


CHAPTER 12
( Princess POV )
Nang tuluyang makadaong ang barko ay pinauna muna nilang makalabas ang mga pasahero. Nang kaunti na lang ang pasaherong bumababa, saka sila nakisabay. Hahawakan na sana niya ang maleta niya pero inunahan na siya ni Aeroll. 

“Kaya kong bitbitin ang maleta ko. Si Cath nga siya—”

“Kaya kong dalhin ‘tong akin.” singit ni Cath. Nauna na itong bumaba.

“Ako din naman.”

“Bitbitin mo na lang ‘yang back pack mo. Huwag ka nang magreklamo.” wika ni Aeroll. “Tara.” Nauna na itong naglakad sa kaniya.

“Aeroll!” tawag niya dito.

Binalikan siya nito. “Joke lang.” nakangiting wika nito. “Let’s go.” Hinawakan nito ang kamay niya.

Hindi niya mapigilang mapangiti. Kahit hindi niya alam kung bakit ganito ang inaakto ko, kahit hindi maganda ang unang pagkikita namin, kahit puro bayangan kami, he still cares for me. We’re not even friends. Kahapon lang kami nagkita. But still, he cares. Buti pa siya. Samantalang si James, after all these years, nagawa akong lokohin at saktan. Huminga siya ng malalim. Hindi siya pwedeng mag-drama ngayon. Madaming tao.

Napalingon ito sa kaniya habang naglalakad sila pababa. “Bakit?” tanong nito.

“Thank you.” Ngumiti ito.




“BHEST, gising na.” May tumapik sa balikat niya.

“Hmm...” Idinilat niya ang mga mata niya. “Anong oras na ba?” tanong niya.

“Alas-sais.” sagot nito.

Tiningnan niya ito. “Tapos ka ng maligo?”

“Oo. Kaya ikaw, bumangon ka na diyan at maligo ka na.” utos nito.

“Oo na.” Bumangon na siya at kinuha ang tuwalya. Dumeretso na siya ng banyo na nasa loob din ng kuwarto nila.

“Bilisan mo, ah. Alas siyete daw mag-aalmusal na tayo. Miss ko na si Harold. Kagabi naman kasi, tulog na ang loko pagdating natin. Kinakabahan ako. Baka masungit yung lolo’t lola niya.” litanya ni Cath mula sa labas.

Binuksan niya ang shower ng makadinig siya ng sunod-sunod na katok mula sa kuwarto nila. Pinihit niya pasara ang shower. Sino kaya yung kumatok?

“Harold!” nadinig niyang malakas na sambit ni Cath.

“Shhh… huwag kang maingay.” nadinig niyang boses ng isang lalaki. Si Harold siguro ‘yon.

“Sorry. Na-miss lang kita.”

“I miss you so much, too, honey. Ang bango mo, ah.” Kahit hindi niya nakikita ang dalawa. Magkayakap siguro ang mga ito.

“Bagong ligo, eh.”

“Sorry kung hindi ko na kayo nahintay kagabi. Nakatulog ako sa kakahintay sa inyo, eh.”

“Okay lang.”

“Nasa’n si Princess?” tanong ni Harold.

“Naliligo pa.” sagot ng kaibigan niya.

“Labas na muna tayo. Mamaya pa namang alas-siyete tayo mag-aalmusal.”

“Gano’n ba dito sa inyo?” tanong ng kaibigan niya. “May oras ang pagkain?”

“Medyo.” natatawang sagot ni Harold. “Pababa na sila lola. Ipapakilala kita sa kanila.”

“Hindi ba sila masungit?” tanong ng kaibigan niya.

“Sobra.” sagot ni Harold.

“Hindi nga?”

“Joke lang, honey. Mababait sila, do’n nga ako nagmana, eh.”

“Mabait daw.”

“Totoo naman, ah. Pa-kiss nga.”

Napapailing na binuksan na ulit niya ng shower. Maya-maya ay nakarinig siya ng katok sa pintuan ng banyo.

“Bhest, lalabas lang ako, ah.” Si Cath iyon.

“Okay.”

Hikab siya ng hikab habang naliligo. Paano ba naman, madaling araw na ata siya nakatulog kagabi. Sinundo sila ni Manong Kanor, ang driver ng pamilya Montelagro, sa port. Ibinilin na daw dito ng lolo ni Harold na sunduin sila.

Pagdating nila dito, sinalubong sila ni Manang Fe, ang katiwala ng bahay, may nakahandang pagkain sa hapag. Kumain muna sila bago sila inihatid sa guestroom na tutulugan nila. Hindi naman siya kaagad nakatulog dahil puro tulog na ang ginawa niya.

Pagkatapos maligo ay nagbihis na siya. Pedal at t-shirt ang isinuot niya. Inilugay niya ang mahaba niyang buhok. Kinuha niya ang eyeglass niya. Magsasalamin ba ako? O contact lens? Kaya lang puyat pa ako, eh. Eyeglass na lang. Nagpahid lang siya ng pulbos at lipgloss. Matapos makapag-ayos ay bumaba na siya.

Pagkalabas ng kwarto ay dumeretso siya sa labas kung nasa’n sila Cath. Nilibot niya ang tingin habang pababa ng hagdan. Ang laki naman ng bahay na ‘to. At dahil sa iba siya nakatingin ay nagkamali siya ng paghakbang pababa.

“Ay!” Pero bago pa siya maging parang gulong na magpagulong-gulong sa hagdan ay may umalalay na sa kaniya mula sa likuran niya. Napaharap siya dito. Nagtama ang mga mata nila.

“A-aeroll…”

Nakangiti ito. “Umagang-umaga, lutang ang prinsesa.”

“Princess ang pangalan ko.” Napatingin siya sa braso nitong nakapalibot sa beywang niya. “Saka pwede mo na akong bitawan.”

“Hah?”

Kumunot ang noo niya. “Yang kamay mo.” Tinapik niya ang kamay nito.

“Oh, sorry. Hindi ko napansin.” Humiwalay na ito sa kaniya.

Napatingin siya sa damit nito. “Kakagising mo lang?”

“Hindi pa nga ako nag-tu-toothbrush, eh.”

Napangiwi siya. “Maligo ka nga muna.”

Natawa ito. Inamoy nito ang sarili nito. “Ang bango ko naman, ah.”

Tama ito. Ang bango nga nito ng magkalapit sila kanina. At kahit gulo-gulo ang buhok nito. Ang gwapo nito. Ehem! Ano ba ‘tong iniisip ko?

“Yak! Diyan ka na nga!” Tinalikuran na niya ito.

“Tsk, tsk. Don’t tell me, bumalik na naman ‘yang kasungitan mo sa’kin.” pahabol nito.

“Ang baho mo kasi.” Binilisan na niya ang lakad niya.

“Gwapo naman.”

“In your dreams.”


.. . .



6 comments:

  1. hanggang ilang chapter kaya ito? i really want to read this kapag finished dahil para hindi ako mabitin. hahaha!!! >____<

    ReplyDelete
    Replies
    1. ndi ko pa alam sis, haha, depende sa mga readers haha ^___^

      Delete
  2. kilig much talaga!! ever!.. my gosh aerol! bakit ang sweet moh?! nilalanggam na sina cath at harold.. wag kayong magpatalo princess at aerol! hmmn.. ano kaya ang pwedeng name.. "AeCess loveteam"??.. hahaha.. assuming ako masyado..

    ReplyDelete
  3. aNg sWeEt,,, nKktUwA bSaHin,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^