Wednesday, September 5, 2012

Love at Second Sight : Chapter 11


CHAPTER 11
( Aeroll POV )

Nagising siya ng maramdamang giniginaw siya. Kinapa niya ang kumot niya. Tuluyan siyang dumilat nang hindi ‘yon makapa. Nasa’n na ‘yon? Napalingon siya sa katabi niya. Napapailing na napangiti siya. May kumot na nga, nang agaw pa ng kumot. Bumangon siya at umupo nang makita ang sarili nitong kumot na nahulog sa sahig. Kaya naman pala nang-agaw.

Tumayo siya at pumunta sa gilid nito. Kinuha niya ang kumot nito nang mapansing wala si Cath sa higaan nito sa taas. Naglibot na naman siguro. Bumalik siya sa higaan niya. Tiningnan niya kung anong oras na. Alas diyes na pala. Hindi na siya matutulog. Gising na din ang ibang pasahero. Napatingin siya kay Princess. Ang sarap ng tulog, ah. Inayos niya ang pagkakabalot ng kumot niya dito.

Kaninang biniro niya itong yayakapin niya ito, akala niya ay susuntukin talaga siya nito. Pero pumikit lang ulit ito at hindi na nagsalita. Hindi din nito binawi ang kamay nitong hawak niya. Hindi niya alam kung kailan ito nakatulog dahil nakatulog na din siya. Napahikab siya. Mag-aayos na nga siya. Tinupi muna niya ang kumot nito bago pumunta ng comfort room.

Matapos makapaghilamos at mag-toothbrush ay sumilip siya sa bintana. Tanaw na niya ang port dahil sa ilaw na nagkikinangan mula sa malayo. Ilang saglit pa siyang nanatili do’n bago bumalik sa higaan niya, nang mapansing nasa baba na ang kumot niyang gamit ni Princess.

Nakamot niya ang likod ng tenga niya. Ang gulo naman nito matulog. Kinuha niya ang kumot at ibinalot ulit dito. Napapailing na pinagmasdan niya ito. Ano ba ‘tong ginagawa ko? Masyado na ata akong nagiging concern sa babaeng ito. Kahapon lang naman sila nagkakilala. Inalis niya ang eyeglass nito. Napangiti siya. Mas bagay sa’yo.

“Uy, ano ‘yan ha?”

Si Cath ang nalingunan niya. “Nahulog, eh. Ibabalik ko lang.” dahilan niya. Isinuot niya ulit ang eyeglass kay Princess.

“Bakit kasi hanggang pagtulog suot niya ‘yan?” tanong niya.

Umupo ito sa gilid ni Princess. “Baka daw mawala ang precious eyeglass niya.” sagot nito. “Ang lamig sa taas, grabe.”

“Kanina ka pa gising?” tanong niya.

“Medyo. Kinuhanan ko sila kapitan. Remembrance.” nakangiting sagot nito. “Malapit na tayo sabi ni kap. Natatanaw ko na ‘yong port, eh.”

“Nakita ko nga kanina nang sumilip ako sa bintana.”

“Gigisingin ko na ba ang prinsesa?” tanong nito.

Napangiti siya. “Mamaya na.”

“Okay na ba kayo nito?” tanong nito. Tinuro nito ang natutulog na si Princess.

Sa palagay niya, base sa pag-uusap nila kanina. “Oo.”

“Ganyan talaga .yan. Mabait naman ‘yan, kaya lang kapag tinopak, lalo na kapag nabwisit sa isang tao, napakasungit.”

“Alam na alam ko ‘yon. Simula kahapon hanggang kanina. Natikman ko ang kasungitan niya.” Nang may maalala siya. “Kanina pala nung nakita ko siya sa terminal ng bus pa-Batangas. I saw her crying,”

Nagulat ito at napatingin sa kaibigan nito. “Bakit kaya? Kaya pala ng tawagan ko siya kanina parang may iba. Bukas ko na lang siya kakausapin.”

Baka ‘yung boyfriend niya. Bago pa niya maisatinig ‘yon ay nagising na si Princess.




( Princess POV )

UNTI-UNTI niyang uminulat ang mga mata niya. Nakita niya sa Cath sa gilid niya at si Aeroll sa higaan nito. Gising na pala ang mga ito. Bumangon siya at ibinalot ang kumot niya sa katawan niya. Ang lamig, eh.

“Nandito na ba tayo?” Nang maramdam niyang kumirot ang ulo niya. “Ang sakit ng ulo ko.” Sinubsob niya ang ulo sa tuhod niya.

“Malapit na.” sagot ni Cath. Hinaplos nito ang ulo niya. “Kawawa naman ang prinsesa.”

“Sira.” Madalas siyang biruin nito sa pangalan niya lalo na kapag masama ang pakiramdam niya. Sana makababa na kami dito.

Inangat niya ang ulo niya. Nagtama ang mga mata nila ni Aeroll. Mataman itong nakatingin sa kaniya.

“Bakit?” tanong niya. “May muta ba ‘ko?”

Napangiti ito. “Hindi ko makita, eh. Pwedeng pakitanggal ‘yang salamin mo?”

“Gusto mong ihulog kita dito?”

“Parang kaya mo.”

“Kung kaya ko lang, inihulog na kita.” Nang mapansin niya ang kumot na nakatupi sa paanan ng higaan ni Aeroll. Kumot ko ‘yon, ah. Napatingin siya sa kumot na nakabalot sa kaniya. Kumunot ang noo niya. Kumot ‘to ni Aeroll, ah.

“Bakit ito ang gamit ko?” Tinanggal niya ang kumot na nakabalot sa kaniya, pero ibinalik lang ‘yon ni Aeroll sa kaniya.

“Gamitin mo muna.” Hindi na siya nakapagprotesta dahil ibinalot na nito iyon sa kaniya.

“Thank you.” sambit na lang niya.

“Ahem! Alis na muna ako, ha. Punta lang ulit ako sa taas.” paalam ni Cath. Tumalikod na ito.

“Cath!” tawag niya, pero hindi siya nito pinansin. Ano bang nangyayari do’n? Lagi na lang akong iniiwanan.

Binalingan niya si Aeroll. “Paano napunta sa’kin ‘to?” tanong niya.

“Inagaw mo.”

Argh! “Ang gulo ko talaga matulog.”

“Hindi nga halata, nung sa bus nga—” Napatigil ito ng tingnan niya ito ng masama. Nag-peace sign ito. Umiwas siya ng tingin. Ayaw na niyang aalahanin pa ‘yon.

“Gutom ka na ba?” tanong nito.

Umiling siya. “Ako gutom na, eh.” sambit nito.

“Edi kumain ka. Wala naman sa’kin ang pagkain mo.” He chuckled.

“Mukhang pinaglilihian ka pa ng asawa mo, ah.” Napalingon siya sa nagsalitang ‘yon. Yung nanay sa katapat nilang higaan ang nalingunan niya.

Tama ba ang nadinig niya? “Ano po ulit ‘yon?” tanong niya.

“Pinaglilihian mo daw ako.” sagot ni Aeroll. Napalingon siya dito. Nakangiti ito. Tiningnan niya ito ng masama.

Binalingan niya ang babae. “Hindi po ako buntis. Mas lalong hindi ko po siya asawa.” madiing wika niya.

Bumadha ang pagtataka sa mukha ang babae. “Eh, ano mo siya? Kanina kasi naduduwal ka.”

Ang tsismosa naman nito. “Tapos kanina nakayakap ka pa sa kaniya.” dagdag pa nito.

Nakayakap? Dapat sa’kin itali sa higaan ko, eh. Napahawak siya sa noo niya. Ano naman ang idadahilan niya? Bakit ba kasi may mga pakialamera sa mundo? Bakit ba kasi may mga taong mahilig manghusga sa taong hindi naman nito kilala? Mahilig gumawa ng kwento na hindi naman alam ang totoo.

Naramdaman niyang inakbayan siya ni Aeroll. Napalingon siya dito. “Fiance ko po sya. Hindi lang po siya sanay sumakay sa barko kaya naduwal siya kanina.” paliwanang nito sa babae.

“Aeroll…” Nginitian lang siya nito.

“Ah, gano’n ba?” sagot ng babae.

“Mama, samahan mo ako sa banyo.” aya ng isang bata sa babaeng pakialamera. Inakay na ng babae ang anak ko papunta ng cr.

“Sorry kung sinabi kong fiance kita, ha. Nakita pala niyang nakayakap ka sa’kin kanina. Pero hindi ko alam ‘yon, ah. Tulog din naman ako kanina. Baka kung ano ang isipin niya kapag sinabi ko ang totoo na—”

“I understand.” putol niya sa sinasabi nito. Napansin niya ang braso nitong nakaakbay pa din sa kaniya. “Pwede mo nang tanggalin ‘yang kamay mo.”

“Ay, sorry.” Pero hindi pa din naman nito tinanggal ang pagkakaakbay sa kaniya. Pinalo na niya ang kamay nito. Do’n lang nito tinanggal ang kamay nito sa balikat niya.

“Aray ko naman.” reklamo nito. Nang marinig nilang ina-nounce na ng kapitan na ilang minuto na lang at nasa port na sila.

Hinaplos nito ang ulo niya. “Bababa na tayo, prinsesa. Mag-ayos ka na.” nakangiting sambit nito.

Napigil niya ng ilang saglit ang paghinga niya dahil sa ginawa nito. What is happening to me? Inalis niya ang kamay nito sa ulo niya. “Pakitawag naman si Cath.”

“Bakit?”

“Papasama ako sa comfort room.”

“Ako na.”

“Si Cath na lang.”

“Nasa taas pa siya, nandito na ako. Tinatamad akong umakyat sa taas. Sa labas lang naman ako ng comfort room. Don’t worry, hindi ako papasok sa loob. Kaya ako na lang.” giit nito.

“Ang dami mong sinabi.”


. . .


Thanks to DEMIDOLL and ANGEL IS LUV!

Tnx girls for supporting my story :):)
Gusto ko kayong yakapin ng mahigpit na mahigpit, yung tipong masasakal na kayo, wahaha, just kidding, i u want fast updates, visit my wattpad aieshalee 
my new story ko, i hope supportahan niyo rin, kontraBIDA ang title, pero matagal pa naman, haha, malayo pa kasi ang lalakarin ng LOVE AT SECOND SIGHT na 'to :)))
yun lamang, muuuuuaahhhhh! ^______^




2 comments:

  1. kilig much!! ang sweet talaga ni aerol!! pwedeng akin ka na lang??haha.. hndi na pala pwede.. baka sabunutan ako ng mahal na prinsesa.. haha

    wuaahh! special mention ako rito!! touch nman ako.. ur welcome ate..

    ReplyDelete
  2. baka makatikim tau ng gulpi de gulat mula kay prinsesa haha

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^