Wednesday, September 5, 2012

Kissing Bandit : Chapter 22

CHAPTER 22
(ATASHA ORELLANA POV)



Ano ba ‘tong nangyayari saakin? Ang landi naman kasi ng perverted bangaw na yun! May pasalu-salo pa siya ng flying kiss ko! Hindi naman para sa kanya yun! Para kay Zack!



*ba dump~ da dump~*



Pero teka nga, ano nga ba ulit yung curriculum namin?



“Magiging tayo for three months. We act like a real normal couple, you as my girlfriend and me as your boyfriend. We will date, I will teach you things, you listen to me, no flirting with other guys especially Zack, and it’s okay to fall in love with me during those times…”



“…it’s okay to fall in love with me during those times…”



“…it’s okay to fall in love with me during those times…”



“…it’s okay to fall in love with me during those times…”



Owkamown!!! That will never happen!!! Kinikilabutan lang ako sa pinaggagawa niya! Ang laswa kaya!


“…it’s okay to fall in love with me during those times…”



Stop it!!! Wala namang kweba dito, bakit patuloy pa rin ang pag-echo nun!!! Tandaan niyo, may kasunod pa yun…



“But after three months, whether you like it or not, we’ll have to split up.”



Yep! That’s the way I like it!!! Tiis-ganda lang muna ako. Kung may ganda talaga ako. Maghihiwalay din kami ng landas ng kumag na yun! Kapag naituro na niya saakin lahat ng dapat kong matutunan, mapapasaakin na din si Zack! Hwahahahahaha!!!












Kinaumagahan, kelangan na naman pumasok.  Nakakatamad pumasok pero mas nakakatamad kung tatambay lang ako dito. Maaga ako kung magising kaya naman mahaba ang oras ko para makapaghanda.



At dahil hindi naman ako tulad ng ibang babae jan na inaabot ng ilang dekada bago makapag-ayos, papetiks-petiks lang muna ako. Konting exercise, tapos kape at pandesal lang ang agahan.



Lumabas na ako ng kwarto ko para maligo. Kaso pagdating ko dun sa banyo, ang lamig pa ng tubig!!! “Mabuti pa, magtoothbrush na muna ako.” Baka sakaling uminit yung tubig? Ahahaha!!!



Habang nagtu-toothbrush, napakanta din ako nung jingle sa commercial.



“Brush, brush, brush three times a day. Brush, brush, brush your teeth, cavities away. Brush, brush, brush three times a day. Brush with Colgate… Shikishikishik~”



“Ang galing naman!!!”



“Shikishhhhhhhhhhikkkk!!! Acckkk!!!” Powtek! Muntik ko nang malunok yung bula!



Bigla na lang kasing sumulpot sa likod si Ate Ganda!!! Na-lock ko naman yung pinto ha! Paano siya nakapasok?



“Ayan, fast learner ka naman pala talaga Hot Pink! Tama yan, alagaan mo ang bibig mo. Dahil jan...” *Click! Click!* “May bago na naman akong maipo-post sa couple account natin.”



“Pwuuuh!!!” Dapat sa mukha niya ako dumura at hindi sa lababo eh. “Ano ba! Bigla ka na lang pumapasok dito, paano kung naliligo pala!!!”



“Hindi naka-lock yung pinto, malay ko bang nandito ka sa loob. At tsaka, kahit naliligo ka pa, wala ka nang dapat itago. Nakita ko na yan.”



“Ang kapal ng mukha mo! Lumayas ka dito!!!” Tinulak ko siya palabas at ni-lock na yung pinto. Hinarang ko pa pati yung isang balde na puno na ng tubig.



Ang walang hiyang yun! Kahit kelan, balahurang manyak talaga siya!!!



At para malaman niyo kung ano yung pinost niya, ito yun:


“Brush, Brush, Brush, 3x a day~”
Taken July 27, 4:30AM at our dorm


“Nakakainis talaga yun! Ang sarap niyang sipain sa gums!”








Yan tuloy, hanggang sa pagpasok ko sa TMU, bad trip na naman ako!!!



“Palagi na lang wala sa mood si Atasha. Kanina ka pang umaga nakabusangot jan.”



“Tungkol ba yan sa nangyari kahapon? Hindi namin alam na nagnanasa ka rin naman palang maging prospect ni Kissing Bandit.”



“Ayos lang yan Atasha, hindi lang naman ikaw ang na-reject na ni Laris noh. Ako nga, more than five times nag-confess sa kanya, ni hindi man lang niya pinansin.”



Itong mga kaklase ko talagang babae, kung anu-ano napapansin!



“Pero girls, sino nga kaya ang bagong Prospect noh?”



“Kakaiba nga kasi. Ngayon lang nangyari na may lumabas na issue pero parang walang ginagawa si Laris. Dati-rati naman kapag may bago siyang Prospect, pinapakilala niya agad.”



“At instant celebrity agad yung babae dahil sa kanya.”



“Hay naku, nag-post si Anti_KB kahapon ng picture ng totoong prospect noh. Wala rin naman kina Irene, Leanna at Tatiana! Kaya safe pa rin ang Laris natin.”



“Si Laris pa talaga iniisip niyo. Ang hindi safe eh yung totoong prospect noh.”



“Wushu~ bitter pa rin ang lola mo!”



“Pero alam niyo girls, mas gugustuhin ko rin naman na si Atasha na lang sana yun.”



“Weh? Hindi nga!”



“Oo naman! Kailangan na kailangan mo ang tulong ni Kissing Bandit. Mula sa lectures at sa magical kiss niya.” Hoourp~ Parang bumabaliktad yata sikmura ko kapag nakakarinig ng salitang kiss. “But if it’s not Atasha at hindi rin yung tatlong feelingera… possibleng yung babaeng natitira sa list ni TMU_Admin ang talagang prospect.”



Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi ni Raiza. Lima kasi yung babaeng nasama sa post ni Admin. Sabay-sabay silang nag-wifi para i-check ulit yung list at ang natitirang babae ay si…


“Cecily Gonzaga...?”


“Hindi ba’t masyado naman yatang bata yan!!! Mukha lang highschool eh… actually mas mukha ngang pang-gradeschool! Child-abuse si Laris niyan kung sakali ha!!!”



“Para sabihin ko sayo, ka-age lang natin yan. Baka nga mas matanda pa ng ilang buwan yan. 1st year college na din siya.”



“WOAH!!! Bakit ang baby-face…? At… at mukha siyang ball-jointed doll?”



Napaka-cute naman ng babeng yan!!! Ichi-check pa sana namin yung profile niya sa TMU pero naka-private ang account niya. I wonder kung anong ugali ng Cecily na yan. Kaugali niya rin kaya yung tatlong feelingera?














Wala akong klase sa last subject ko dahil absent ang prof ko. Nag-aya sina Raiza na mag-mall daw kami pero sabi ko uuwi na lang ako.



Gusto kong magpahinga at tamang-tama, tahimik sa dorm ngayon dahil panigurado namang gabi na makakauwi si Laris ngayon. Not that I know his schedule ha, pero maaga pa talaga kasi! Imposibleng nakauwi na yun doon.



Papalapit na talaga ako sa gate nang biglang… “HULI KA!!!”



“Waaaaaaaaaaaaaaahhh!!!” Letchugas na yan!!! Halos maluwa ko na ang baga ko sa sobrang gulat!!! Sinong bang lintek yang… “Zack…?”



“Tasha~!!! Saan ka pupunta ha? Magka-cutting class ka noh?”



“Hindi ah! Walang akong klase sa next subject ko dahil wala yung prof kaya uuwi na ako.”



“Talaga?”



“Eh ikaw?”



“Kararating ko lang…” Halata nga dahil ang fresh-fresh pa niya. Naamoy ko siya sa distansya namin. Ahihihi! “Umm… kung pauwi ka na, tara alis na lang tayo!”



“Alis? Sabi mo kararating mo pa lang!”



“Oo nga. Pero dahil nandito ka, ayoko na lang pumasok!”



“Hoy, ayokong mapaghinalaan na bad influence ha!”



“Hindi naman ikaw nag-impluwensya eh, ako ang nag-aya! At hindi na ako papayag na hindian mo ulit ako.”



Hinawakan niya ako sa braso at hinila papunta sa car park at papasok sa pulang kotse niya. Hindi na nga ako nakapalag kasi para akong robot na automatic na sumunod lang.



“Ano na naman kasing gagawin natin.”



“Magdi-date.”



“Hmp! Kasama na naman si Carly?”



“Nope. Date nga, eh di tayong dalawang lang!”



Hindi ko pinahalatang kinikilig ako at abot-langit na ang ngiti ko. Talagang pinigilan ko yung nagwawala ko sanang reaction dahil sa sinabi niya! Magdi-date daw kami at hindi kasama si Carly!!! Woohoo!!!



“…no flirting with other guys especially Zack…”



“…no flirting with other guys especially Zack…”



“…no flirting with other guys especially Zack…”



Shatap ka na nga lang jan, conscience!!! Umi-echo ka pa, abuso na!!! Hindi naman malalaman ni Laris noh! At ano kung malaman niya, moment ko ‘to!!!



At hulaan niyo kung saan kami nagpunta? Syempre, sa favorite na puntahan ni Zack! Kainan!!! Sabi niya katatapos niya lang mag-lunch, pero magme-merienda pa ulit! Ang lakas talaga niya kumain, pero buti na lang sexy pa rin!


Nang magsimula na kaming kumain, as usual ulit, puro kung anu-ano lang napag-uusapan namin. Ewan ko ba, kahit minsan wala nang sense, nakakatuwa pa rin basta siya ang kausap.



“Oo nga pala, I heard about what happened yesterday…”



“Ang daming nangyari kahapon.”



“Yung kaguluhan! Sinaktan ka ba nung tatlo ha?”



“Hindi naman… medyo nakalmot, tapos sabunot, sipa, tadyak, suntok… mga ganun lang! Ang dami ko ngang pasa eh, buti wala sa mukha. Pero okay lang…”



“WHAT!!!” Muntikan na siyang mabilaukan tapos tumayo siya palapit saakin.



“Joke lang!”



Sinimangutan niya ako bigla. “Hindi nga???”



“Naging pisikalan nga pero kilala mo naman ako eh, magaling ako dumipensa.” Ie-examin pa sana niya ako kung talaga bang wala akong sugat o pasa pero… “Maupo ka na nga! Promise wala nga akong sugat!”



Mabuti naniwala na. Minsan ang hirap i-joke nitong si Zack eh, ang bilis maniwala. “Pero Atasha, ano ba kasing totoo? Well, para kasing nagiging close kayo ni Laris nang hindi ko nalalaman. Tapos naisama ka pa sa list ni TMU_Admin na pwedeng maging Prospect.”



“Siguro naman nabalitaan mo rin yung ginawa saakin ng kaibigan mo noh? Ini-snob kaya niya ako.”



“Yes or No lang ang sagot Atasha. Ikaw ba o hindi ang prospect?”



Ito na ang ikinakatakot kong part. Yung tatanungin ako ni Zack pero kailangan kong magsinungaling. “Kung oo…?”



“Alam mo kilala ko yung si Laris. Alam ko mga ginagawa niya sa mga babae at ang dahilan ng mga babaeng nagiging prospect niya. Bakit Atasha? May nagugustuhan ka na bang lalaki at kailangan mo ngayon si Laris?”



“Wa… wala.” Tama nga si Ate Ganda tungkol sa mga pinagsasabi niya tungkol kay Zack. “At para sa ikatatahimik mo, HINDI ako ang prospect.”



Natahimik nga si Zack nun. Tinititigan niya akong maiigi, inaalam kung nagsasabi ba talaga ako ng totoo. Halata ba sa mukha ko na nagsisinungaling ako? Wag naman sana siyang maghinala!



“So... wala kang nagugustuhan ngayon?”



“Wala…”



“Kahit crush?”



“Crush? Meron! Si Eleazer Pascual nga.”




“Hindi yung sa kwento ni AegyoDayDreamer! Sa totoong buhay!”



“Eh di wala.”



“Kahit ako, hindi mo ako crush?”



“SIRA!!!”



Natawa na siya nun. At nakampante na rin. Itinuloy na kasi namin ang pagkain namin, at siya naman, ang laki lang ng ngiti!












Hindi pa kami umuwi agad. Naglibut-libot pa kami. Tapos foodtrip!



Purgang-purga na nga ako pero hindi para saakin! Hindi na ako kumain noh! Si Zack ang may ubod ng wagas sa appetite! Hindi kaya mas marami siyang alaga sa tyan kesa saakin?


“Umuwi na tayo. Ayokong maabutan ng dilim eh.”



“Sige, hatid na kita.”



“Wag na! Malapit lang yung sakayan ko.”



“Bakit ba ayaw mong malaman ko kung saan ka nakatira? Siguro may tinatago ka noh?”



“Wala! Magtatago ba ako ng sekreto sayo?” Hinay-hinay lang sa pagsisinungaling Atasha! Ang dami mo na kayang tinatago sa kanya. Yung tungkol sa inyo ni Laris, yung insecurity mo kay Carly, at yung feelings mo para sa kanya.



“Gaano ba kasungit yang landlady niyo at nang maligawan ko para naman payagan na niya akong madalaw kita.”



“Ay wag mong gagawin yan! Matandang dalaga yun, baka ma-fall pa sayo yun! Madagdagan pa kaagaw ko….”



“Ano?”



“Ah… wala! Sabi ko tigil-tigilan mo na yang pagkain mo at nabibinge ka na.”


“Pffft…” Natawa naman siya habang sarap na sarap sa iniinom niya.



Paglapit namin dun sa sakayan…



“Sigurado kang ayaw mong magpahatid? Makakatipid ka sa pamasahe.”



“Wag na nga sabi. Umuwi ka na rin at nang mapahinga mo yang tyan mo.”



“Hindi pa nga ako busog eh.”



“Ang takaw mo talaga!” At ang cute pa! “Oh paano, yan na yung bus! Ba-bye na!”



Nag-pout lang siya na parang ayaw pa niya akong umalis. Ang sarap niyang halikan! “Ba-bye~ ingat ka ha!!!”



Napangiti ako at pumasok na sa loob ng bus. Dun ako naupo kung saan nakikita ko pa rin siyang nakatayo at hinihintay pa ang pag-andar ng bus na sinakyan ko.



Kaya naman speaking of ang sarap niyang halikan…



“Ahh… ZACK!!!” Isinigaw ko habang nakalabas na ang ulo ko dun sa may bintana.



“Bakit?”



Kaya ko ‘to… kaya ko ‘to… kaya ko ‘to…



Tinitigan ko siyang maigi. At ang tagal niya rin nakatitig saakin. Nagtataka siguro kung anong trip meron ako.



Nung maramdaman ko nang umandar na yung bus na sinasakyan ko, saka ko na ginawa yun.
Yung something na ginagawa mo kapag like mo ang isang tao.



Yung something na tinuro saakin ni Ate Ganda. “Ito Zack! Saluin mo!!!”



*flying kiss~*



Nagulat siya sa ginawa ko pero sinalo nga niya!!!



Kaso dahil nakalagpas na yung sinasakyan kong bus, hindi ko alam kung anong ginawa niya dun sa flying kiss na binigay ko.



Binitawan ba niya sa ere? Tinapon sa kalsada at tinapak-tapakan? Binigay sa taong-grasa na nakatambay dun sa may poste?



O idinikit niya rin sa labi niya katulad ng ginawa ni Laris noon?



Hay~ kung anu-ano na lang naiisip ko!!!



Hanggang sa pag-uwi, hindi ako naka-getover sa ginawa ko!!!



Tama ba yung ginawa ko? Baka nandidiri si Zack sa ginawa kong flying kiss eh!!!



Habang nagugulumihanan, lalo na sa napakalalim na tagalog term na yun, nagti-TMU Diary na din ako para i-check lang ang sarili kong account. Baka lang nadagdagan yung follower ko pero asa pa ako dun!



At doon may nakita akong bagong post na trending na ngayon. Powtek lang, picture ko nung grade six pa ako nun ha! Pero ang mas shocking jan, kung sino yung nagpost at ano yung caption na nakalagay sa post niya.



ZackGuiller says…
“This girl just gave me an air kiss!”

WARNING: I don’t allow hate or violent comments here. This girl is my bestfriend and whoever touches her will have to face me!



Ow. Mi. Gad.







Atasha09 says…
“This girl is inlove…”




Naka-private yan ha! Hindi pwedeng malaman ng iba na inlove na inlove na talaga ako! At hindi ko lang din mapigilan ang kilig ko sa ginawa ni Zack! Kyaaaah!!!



1 notification… 1 message received.



Kissing Bandit: WTF! Ano yung pinost ni Zack! Nanlalaki ka! Diba sabi ko bawal makipag-flirt lalo na sa kanya! Humanda ka saakin kapag nagkita tayo!



Ow. Mi. Gad. Agen.



I'm dead.


 (Disclaimer: I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)

End of Chapter 22







A/N: Siguro naman may ilan na sa inyo ang nakakakilala kay Cecily Gonzaga. Pero para sa mga hindi pa rin nakakaalam, alamin niyo dun sa kauna-unahang finished story ko, "Sister Complex." Ano kaya ang magiging papel niya sa kwentong ito? At ano naman ang kinalaman nito sa sarili niyang kwento?



13 comments:

  1. mbait yang si cecily, atasha!!! grbe, naexcite aq nde lng pra dito kundi pra s sister complex at ung gf complex! kelan kya ung mppost? nag-aral pla xah s TMU! ang gling nmn! feeling q mgkaaway n nmn cla ni asher keia nlilink si silly kei laris! peo dont worry atasha, nde threat c cecily!

    hahhhahhaha! hlatang adik lng aq dun s story n un ate! gling-gling! clap-clap.

    pra nmn d2 s kb, waaah kinikilig n din aq kei zack! kxo mas bet q tlga c laris noh! atasha, lgot k ngayon kei laris! nanllki ka! lagot!

    ReplyDelete
  2. pervert bangaw daw si laris!! hahaha.. tawa much talaga.. they look so cute together in the picture!!! sobrang kilig!!!

    ang cuute ni cecily!! para syang manika.. nakaka insecure.. haha

    i cnt bleve it,nag flying kiss sya kei Zack! sobrang cute nya nung grade six!!! nakakagigil!! humanda ka ngayon kei laris, atasha!! hahaha

    ReplyDelete
  3. Hala?! Lagot ka talaga Atasha tsk tsk nanlalaki ka patay ka talaga kay Papa Laris naku!!
    Anubey ang sweeeet ni Zack :D although kay TEAM Papa Laris pa rin talaga ako haha sorry Zack madami naman na iba jan ee bsta please lang wag si Carly oh kaya kung trip mu ako na lang echosss xDD Nice update po :))

    >Doreen ;)<

    ReplyDelete
    Replies
    1. yes! ang dmi nting team LARIS! ahhahhahah!!!

      Delete
  4. sBrAng nKkiLig,, nkKkaNta pa aq s bRush bRuSh nLa,, mgKaLapit p tLgA uNg muKhA nLa dUn s piC,, unG mOmEnt diN nLa ni zAcK nkKkiLig,, fOr suRe anG gnWA ni zAck duN s kizS ay uNg gnWa diN ni LariS,, kiTaM mu nGa ngPost ng chiLdhood piC ni aTaSha,, uNg caPtiOn pa,, kYaaaH,, nKkakiLig,, bKa teAM LAriS skeN ah,, fOr suRe kinkLig diN tLga kau kaY zACk noh,,

    ReplyDelete
  5. may connect yan sa GF complex sigurado

    ReplyDelete
  6. Lagot ka na Atasha!! xD Teehee. Laris!! Yung salita bang 'Humanda ka sakin kapag nagkita tayo' eh sana KISS yun ha? xDD Yung Soul Kiss. Tahaha! MNIL langs.

    ReplyDelete
  7. lagot si atasha ngaun! kabado n yan!!! ahhhahhahahahha!!
    peo aq din, kung si zack ang ksma mu, sinong hindi kikiligin dba?






    ps. ang cute pla ni cecily! naexcite n nmn aq pra sa gf complex! cguro mei kinlmn yan s story nla ni asher noh? yiiiiie!!! excted n po aq!!!

    ReplyDelete
  8. whahahahaha...yari ka atasya kay Laris....
    nakita mo lang si Zack nakalimutan mo na agad si Laris...


    heheheheheh...
    excited na ako sa next chapter...

    ReplyDelete
  9. Super cute ni Silly! =))
    Pfft. Siguro selos lang si Half-Gwapo Halg-Ganda na si Laris..
    Oha. New version ko ng "Half ET Half Syokoy" ni Atasha. Pretty boy kasi si Laris eh. Haha!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^