CHAPTER FIFTHTEEN
NAPAHINTO si Dian ng mapadaan sa sa isang
Korean Restaurant. Bigla na kasing naalala nang mag-dala ng korean food si
Darryl at sobrang tuwang tuwa si Darren ng makakain ito ng paborito nitong
Korean Food.
"Ano kaya
kung ibili ko ulit sya ng dukkbokki? Siguradong matutuwa nanaman
sya."nangi-ngiti nyang wika. Saka sya pumasok sa loob para bumili.
Si Darryl ang
naabutan nya ng umuwi sya. Nanonood ito ng T.V ng dumating sya. "Dian!
Welcome back!"masayang bati ni Darryl.
"Darryl,
wala ba kayong pasok? Nasaan si Darren?"nakaramdam ng lungkot si Darryl ng
si Darren agad ang unang hinanap ni Dian ni hindi man lang nito napansin na
binati sya ni Darryl.
"Wala,
linggo ngayon. Sabi nya may pupuntahan lang daw sya sa kabilang subdivision.
Baki-"hindi pa man sya tapo ay nag-salita na si Dian.
"Ganun
ba? Sige, salamat. Ah! Heto para sayo 'to."iniabot ni Dian ang isang
plastic kay Darryl. Kinuha naman iyon ni Darryl.
"Ano
'to?"tanong nya.
"Sana
magustuhan mo. Sige!"akma na syang lalabas ng pahabol na nag-tanong si
Darryl.
"Saan ka
pupunta? Kararating mo lang diba?"
"Pupuntahan ko lang si Darren!"tuluyan ng lumbas si Dian.
Hahabulin pa sana sya ni Darryl kaso mabilis itong nawala.
Malungkot
syang naupo sa sofa at marahang binuksan ang plastic para malaman kung anong
laman nito. Korean barbique ito. "Nakakainis naman! Bakit si Darren pa ang
pinili nyang puntahan samantalang ang sama sama ni Darren sa kaniya.
Samantalang ako minamahal ko sya! At isa pa may fiance na si Darren! Bakit pa
sya sumasama dun? Iba ba talaga ang appeal ng may mga fiance kesa sa taong
single?"bumuntong hininga si Darryl. "Hay! Kaya pala maraming babae
na nahuhumaling sa mga lalaking may asawa sa Korea."hindi na maipinta sa
lungkot ang mukha nito. "Sayang, masarap sanang kumain nito kasama si
Dian."napasapo sya sa dibdib nya. "Nasasaktan naman ako sa ginawa
nya. Ako ang nag-effort ako ang iniwan."ang malungkot nyang mukha ay
biglang napalitan ng determinasyon. "Hindi pwede! Kung kailangan kong
maging agresibo gagawin ko!"saad nya.
**************
MALAKAS pa ang loob ni Dian ng umakyat sya
sa rooftop ng bahay na abandonado dahil may liwanag pa naman nun. Pasado alas
singko pa lang naman ng hapon. Excited sya ng makarating sya sa itaas pero
natigilan sya ng hindi nya makita doon si Darren.
"Akala ko
ba nandito sya? Nasaan ba sya?"nilibot pa ni Dian ang rooftop pero ni
isang bakas ni Darren ay wala syang nakita. "Nasaan sya?"kinuha ni
Dian ang phone sabulsa malas dahil lowbat na pala ito. "Hay! Kainis naman!
Makababa na nga! Baka abutan pa ko ng dilim.
Sa pag-baba
nya ay hindi nya inaasahan ang sumunod na nangyari. Nag-taka sya kung bakit
hindi na nya mabuksan ang pinto. Kahit anong pilit nya ay hindi nya talaga
mabukasan ang pinto. "Hu? A-anong nang-yari? Bakit hindi ko mabuksan ang
pinto? Bukas naman 'to kanina."pilit nyang hinahatak pero hindi talaga ito
mabuksan. "Naku naman! Dumidilim na eh!"naiiyak na sya at nag-uumpisa
na syang matakot. "Pano na 'to? Pano pag hindi ako nakalabas dito? Hay!
Wag naman!"wika nya. "Tao po! May tao po ba dyan? Naririnig nyo po ba
ako!? Tao po! May tao pong nakulong dito sa loob!"naluluha na ito. Nang
mapagod ay muli sang bumalik sa rooftop para tanawin kung may tao sa ibaba pero
wala syang makita.
"Anong
gagawin ko? Natatakot na ko!"unit unti nang dumidilim ang paligid. Hindi
na alam ni Dian kung saan sya pu-pwesto kaya naman naupo na lang sya sa sulok.
Kinuha nya ulit ang phone nya at pilit itong binuksan pero hindi na talaga ito
mabuksan.
***************
HINDI na
mapakali si Darryl sa apartment. Nag-aalala na ito dahil kanina pa mag-kasama
sina Dian at Darren. Nag-aalala sya baka nag-kakamabutihan na ang mga ito.
"Kainis naman! Bakit ba wala pa sila? Gabi na eh! Hay!"paikot ikot na
ito sa kabuuhan ng apartment. Nang kuhain nya ang bote ng juice na iniinom nya
ay lalo syang nainis ng wala na syang mahigop. "Aist! Bakit ba naubos 'to?
Tsk! Makabili na nga lang!"nag-suot sya ng polo-shirt at sapatos saka
lumabas ng apartment.
Pag-dating nya
sa conviniet store ay bigla syang napahinto ng makita nya si Darren kasama si
Angel. "Oh-Darren!"napaturo pa sya dito.
Maging si
Darren ay natigilan sa kaniya. "Anong ginagawa mo dito?"kunot nuong
tanong ni Darren.
"Hi
Darryl!"bati ni Angel pero hindi sya pinansin ni Darryl kaya naman
inirapan na ito.
"Ako nga
dapat mag-tanong sayo nyan! Sabi mo puputa ka dun sa subdivision? Bakit nandito
ka?"nalilito paring tanong nito.
"Hindi
na. Tinawagan kasi ako ni Angel. Nag-papasama sya manood ng sine
sakin."sagot nito.
"Si
Dian-"nauutal na wika nya.
"Ano?"hindi na-gets ni Darren ang sinabi nya.
"Pano si
Dian?"
"Wag mong
sabihing pumunta dun si-"hindi na tinapos ni Darren ang sinabi nya. Bigla
kasi nyang naalala kung gaano kadilim dun ngayon lalo pa at hindi ganun
kaliwanag ang buwan. Tatakbo na sana sya kaso pinigilan sya ni Angel.
"Don't
tell me pupuntahan mo si Dian?"mataray na tanong ni Angel. Hindi sya
sinagot ni Darren. Sinulyapan ni Darren si Darryl hindi na rin maipinta ang
selos nito. Kaya lang wala syang magawa, kailangan nyang puntahan si Dian dahil
sya lang ang nakakalam ng lugar na yun at sya lang din ang kilala ng bantay
dun. At isa pa alam na kung gaano na katakot si Dian doon ngayon.
"Nag-promise ka sakin na sasamahan mo ko ngayon!"wika ni Angel.
Nakahawa parin ito sa kamay ni Darren.
"Pasensya
ka na."saad nya tapos ay pinilit nyang bitawan ni Angel ang kamay nya.
Saglit syang lumingon kay Darryl saka tumakbo papunta kay Dian.
"Darren!"tawag ni Angel pero hindi na sya nilingon ni Darren.
"I can't believe this!"ganun din sana ang gustong sabihin ng
expression ng mukha ni Darryl. Lalo syang nasasaktan sa mga nang-yayari ngayon.
Pakiramdam nya lalong napapalayo a kaniya si Dian. "Ikaw! Alam ko may
gusto ka kay Dian. Bakit hindi mo na lang ako tulungang pag-layuin silang
dalawa? Bakit hindi mo na rin yayain ng kasal si Dian?"madiin nitong wika.
Tiningnan lang sya ng masama di Darryl saka sinundan si Darren. Naiwan namang
asar at galit si Angel.
Nasipa ni
Darryl ang bato sa harapan nya ng hindi na nya maabutan si Darren sa labas.
"Kainis!"wika nya.
**************
TAKOT NA
TAKOT si Dian habang yakap yakap ang sarili na nakaupo sa sulok ng rooftop.
Kanina pa sya naiiyak sa takot at hindi na nya alam kung anong gagawin nya.
Pakiramdam nya may kung anong elemto ang nakamasid sa kaniya sa di kalayuan.
Kung ano ano na ang naririnig nya at kung ano ano na ang nararamdaman nyang
nakakakilabot.
Lalo syang
natakot ng may marinig syang mga yabag paakyat. Nataranta sya sa takot, lalo
syang naiyak. Nag-palibot libot ang paningin na sa paligid nang may makita
syang maliit na kahoy ay kinuha ay hinanda nya ang sarili nya at pumwesto sya
sa tabi ng pinto para kung sino man ang umaakyat ay madali syang
makakarespondi.
Ilang saglit
pa ay bumukas na ang pinto. Hindi maaninag ni Dian ang mukha nito pero ang alam
nya ay lalaki ito. Hahampasin na sana nya ito kaya lang agad naman nasalag ng
lalaki ang kahaoy na ihahampas sa kaniya.
"Dian."tawag nito. Natigilan si Dian ng makilalang si Darren
pala ang boses na yun.
"Darren?"paninigurado nya.
"Ano bang
ginagawa mo dito?"galit nitong tanong. Pero sa halip na sumagot ay agad
syang niyakap ni Dian. Doon lang din napahagulgol si Dian.
Nabigla si
Darren sa pag-yakap ni Dian, nag-dadalawa sya kung yayakapin ba nya si Dian
pero nang maramdaman nyang nangi-nginig ito sa takot ay wala na sang nagawa
kundi ang yakapin ito.
"Wa-wag
ka na nga umiyak."naiilang nyang wika.
"Kasi
naman eh!"naiiyak parin nitong saad.
"Anong
ako? Hindi ko nga alam na pupunta ka dito eh! Bakit hindi ka kasi nag-text o
tumawag man lang na pupunta ka pala dito!"sermon nito. Kumawala si Dian at
bahagyang sinuntok si Darren sa braso. "Aray! Bakit mo ba ko sinuntok?
Ikaw na nga ang niligtas ikaw pa ang may ganang manakit!"reklamo nito.
"Ikaw
kasi! Nakulong na nga ako dito nagagalit ka pa! Kasalanan ko ba? Gusto ko lang
namang ibigay sayo yung binili kong dukkbokki eh."pahina ng pahina ang
sinasabi nito sa huli.
"Ano?
Duk-dukkbokki?"ulit nito ng hindi sigurado sa narinig. Pinulot ni Dian ang
plastic na nasa lapag saka iniabot ito kay Darren.
"Oo!"sabi nya.
"Para
sakin ba talaga 'to?"paninigurado ni Darren.
"Bakit?
Ayaw mo ba?"
"Hindi
no! Nag-tanong lang ako. Salamat."nakangiti nyang wika. "Tara na nga.
bumaba na tayo. Baka masaraduhan pa tayong dalawa dito."wika ni Darren.
***************
LAKAD DITO lakad
doon. Hindi mapakali si Darryl habang nag-hihintay ito sa labas. Panay ang
tingin nya sa relo nya. Maya maya pa ay nakita na nyang dumating sina Darren at
Darryl. Nakita nya kung gaano kasaya ang mga ito nang dumating. At nakita din
nya kung paano nag-bago ang reaksyon ni Darren ng mag-katinginan silang dalawa.
Nabigla naman
si Dian ng makita nya si Darryl doon. "Darryl? Anong ginagawa mo
dito?"kunot nuong tanong ni Dian.
"Hu-ah-hinihintay ko kasi kayo dito."sagot nya na sinulyapan
pa si Darren. Nang gawin nya iyon ay bigla lumakad na papasok sa loob si
Darren. Sinundan sya ng tingin ni Dian.
"Darren."tawag ni Dian. Susundan sana niya ito pero pinigilan
sya ni Darryl.
"Ah-Dian."tawag nito. Napahinto naman si Dian at nilingon sya.
"Bakit?
May sasabihin ka ba?"
"Gusto ko
lang kasing malaman ang sagot mo."seryosong saad ni Darryl. Kumunot ang
nuo ni Dian.
"Sagot
saan?"wala itong clue sa sinasabi ni Darryl.
"Naalala
mo yung sinabi ko sayo noon? Totoo yun. Siguro nga ngayon mas minahal na
kita."natahimik naman si Dian bigla. "Dian,"sabi niya. Naalala
nya ang sinabi ni Angel sa kaniya kanina. "Bakit hindi mo yayain ng
kasala si Dian?"alam nya masyado pang maaga para sabihin ang mga
ganong bagay kay Dian pero natatakot syang maagaw pa ito ng iba kaya kahit alam
nyang malabong sumagot si Dian ay gusto parin nyang subukan. "Gusto kitang
pakasalan."
Nagulat naman
si Dian sa narinig. Hindi nya alam kung ano ang i-re-react nya dito. Kasal?
First time syang yaain ng ganun. Nakakabigla, mix emotions ang nararamdaman nya
ngayon. "Ayos lang sakin kung hindi mo pa kayang sagutin ngayon. Handa
akong mag-hintay. Basta Dian, seryoso ako sa sinabi ko. Mahal kita at ikaw ang
gusto kong makasama habang buhay."punong puno ng sinseredad ang sinabi
nito.
Mula sa itaas
ay tahimik lang silang pinanonood ni Darren. Sa totoo lang nasasaktan ito
ngayon sa nakikita. Hindi nya alam kung bakit.
Ano kaya ang
isasagot ni Dian sa tanong ni Darryl? Tatanggapin kaya niya ito? At ano na nga
ba ang estado ng nararamdaman ni Darren para kay Dian?
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^