CHAPTER FIFTHTEEN
KANINA pa hinihintay ni Demi
si Darryl sa labas ng UPHSD dala nito ang isang maliit na paper bag na may
naka-ribbon na box sa loob. Natuwa sya ng matanaw na nya si Darryl. Dali dali
syang lumapit dito para sa lubunign ito.
"Darryl!"masayang bati niya.
"Nagulat
naman ako sayo. Bakit ka nandito?"tanong nya na halata sa mukha ang
pag-kagulat.
"Kasi,
gusto ko lang ibigay sayo 'to."iniabot ni Demi ang paper bag.
"Sakin?
Ano 'to?"kunot nuo nyang tanong.
"Buksan mo."binuksan naman iyon ni
Darryl. Natigilan ito ng makitang iPhone pala ang laman niyon. Kwestyonable
syang napatingin kay Demi.
"Nawala
kasi ang cellphone mo dahil sakin. Kaya naisip kong palitan na lang. Sana
nagustuhan mo."ngumiti pa ito.
"Pero-hindi mo naman kailangang gawin pa 'to. Hindi naman ikaw ang
may kasalanan kung bakit nawala ang cellphone ko. Kaya hindi ka obligadong
bumili nito."ibinalik ni Darryl ang cellphone sa box at sa loob ng paper
bag. "Pasensya ka na kaso hindi ko matatanggap 'to."ibinalik ni
Darryl ang regalo kay Demi.
"Pero-"pinutol agad ni Darryl ang sasabihin nya.
"Sige,
kailangan ko nang umalis. May trabaho pa kasi ako. Pasensya
na."nag-patiuna nang umalis si Darryl.
PERO hindi
tumigil si Demi. Naisip nyang sundan si Darryl sa trabaho nito. Alam nyang
hindi nya ito makakausap sa oras ng trabaho kaya naman matyaga syang nag-hintay
sa labas ng restaurant. Ayaw nya naman pumasok sa loob dahil naisip nya na baka
maka-istorbo lang sya kay Darryl. Okay na naman sya doon sa labas. May mauupuan
naman sa kabilang kalsada. Pwede syang maupo doon habang nag-hihintay kay
Darryl.
Makalipas ang
apat na oras ay nakaramdam na ng gutom si Demi. Bagot na gabot na rin ito. At
isa pa pagod na sya. Nasa stage parin sya ng recovery kaya madali syang
mapagod. Pero hindi sya uuwi hanggat hindi nya naibibigay kay Darryl ang regalo
nya. Hindi naman nag-sa-sara ang reastaurant na iyon dahil twentyfour hours
iyon. Kaya si Darryl ang hinihintay nya na matapos ang shift. Ilang saglit pa
ay lumabas na ito. Masaya syang tumayo at tinawag ito.
"Darryl!"sigaw ni Demi. Sa pag-lingon ni Darryl ay agad nyang
napansin ang isang sasakyan na papalapit kay Demi. Mabilis syang tumakbo at
hinatak papunta sa kaniya si Demi. Sa lakas ng pag-kaka-kabig ni Darryl ay na
out of balance sya kaya naman natumba silang dalawa. Tumilapon ang regalo ni
Demi sa kalsada kaya ito ang nasagasaan ng kotse.
Nang makita
iyon ni Demi ay agad itong tumayo para kuhain sana ang cellphone kaso mabilis
syang hinatak ni Darryl. "Ano bang ginagawa mo!? Ilang beses mo bang
gustong mag-pasagasa sa sasakyan?!"galit na sigaw nito.
Hindi naman
naka-imik si Demi, nang-gigilid na ang mga luha nito. Hindi lang dahil sa
sinigawan sya ni Darryl kundi dahil nasira ang regalong ibibigay nya sana dito.
"Yu-yung cellphone-"pinutol ni Darryl ang sinasabi nya.
"Muntik
ka nang masagasaan cellphone pa inaatupag mo! Sinabi ko naman sayo hindi ka
obligadong ibigay sakin yan!"sumisigaw parin ito.
Hindi na
napigilan pa ni Demi ang pag-bagsak ng mga luha nya. Napayuko sya dahil nakita
nyang nakatingin na sa kanila ang mga tao. Namaywang si Darrl ng wala sa oras.
Bumuntong hininga ito at napasapo sa nuo. Nang mapansin din nyang nakatingin na
sa kanila ang mga tao ay hinatak nya palayo doon si Demi. Ngayon ay nasa isang
park na sila, nakaupos ila sa bench. Sa mga oras na iyon ay tapos na ring
umiyak si Demi.
Binasag ni
Darryl ang katahimikan ng mag-salita ito. "Pasensya ka na kung nasigawan
kita sa harapan ng maraming tao kanina."wika nito.
Saglit na
ngumiti si Demi bago sumagot. "Okay lang. Naintindihan ko
naman."simpleng sagot nya.
"Dapat
kasi nakinig ka na lang nung sinabi kong hindi ko matatanggap yun. Hindi na
sana mag-kakaganito."
"Dahil ba
kay Dian? Dahil ba sa girlfriend mo kaya hindi mo matanggap ang regalo
ko?"tanong nito sa cool na boses.
Ilang namang
napatingin si Darryl sa kaniya. "Ah-hi-hindi naman. Hindi dahil sa
kaniya."tanggi nito. Ngumiti ulit si Demi saka tumayo si Demi.
"Wag kang
mag-alala. Kahit hindi mo sabihin naiintindihan kita. Pero Darryl gusto ko
sabihin sayo 'to. Dahil ayaw kong may pag-sisihan sa huli."nakikinig lang
sa kaniya si Darrly. "Gusto kita simula noong una tayong nag-kabangga. Mas
nagustuhan kita noong pangalawang bese tayong nag-kabangga. Minahal na kita
noong unang beses mo akong niligtas. At mas lalo kitang minahal ngayong
iniligtas mo ulit ako. Hindi ako nag-hihintay ng sagot mo. Pero umaasa ako na
isang araw mamahalin mo rin ako. Hayaan mo, hindi na kita guguluhin. Bibigyan
muna kita ng space pero promise, hindi ako mawawala. Salamat sa
lahat."saad nito saka lumakad na palayo. Pinanood lang ito Darryl habang
unti unti itong wala sa paningin nya.
Napabuntong
hininga sya. "Hay! Bakit parang naku-konsensya ako? Wala naman akong
ginawang masama!"napailing na lang sya at lumakad na rin pauwi.
***************
NAABUTAN ni
Darren ang nakatulog na si Dian sa mini table nila sa salas. Bukas pa ang T.V
at mukhang nakatulog na ito kababasa ng notes nito. Dumiretso sya sa kwarto
para kumuha ng kumot. Naupos sya sa tabi nito para ilagay ang kumot sa likuran
nito. Tatayo na sana sya ng makita nyang nakasabog sa mukha ni Dian ang buhok
na kaya naman inayos nya ito.
Hanggang sa
nakita nya na lang ang sarili nya na nakatitig sa mukha ni Dian. Itinulay pa ni
Darren ang daliri nya sa matangos na ilong ni Dian. Dinama ng daliri nya ang
pag-hinga ni Dian. Hinawakan nya ang baba nito at ang gilid ng mapulang labi ni
Dian. Hanggang sa unti unting lumalapit ang mukha nya sa mukha nito, at nang
malapit na ay napapikit sya ng mariin saka iniwas ang sarili.
Binatukan nya
ang sarili. "Hay! Ano bang ginagawa ko?!"dali dali syang tumayo at
pumasok sa kwarto.
***************
KUMUNOT ang
nuo ni Dian ng salubungin sya ni Demi ng makalabas sya sa school.
"Demi?"saad nya.
Ngumiti si
Demi bago nag-salita. "Pwede ba kitang kausapin?"pumayag naman agad
sila. Sa Korean Restaurant sila nag-punta para mag-usap.
"May
sasabihin ka ba sakin?"pangu-nguna ni Dian ng matapos ihatid ng waiter ang
dalawang tasa ng tsaa sa kanila.
"Tungkol
ito kay Darryl. Gusto ko sanang malaman kung gaano mo sya
kamahal."deretsahang tanong ni Demi na hindi naman agad masagot ni Dian
dahil hindi rin naman nya alam ang sagot. Mahal? Oo, mahal nya si Darryl pero
bilang isang kaibigan lang.
"Ba-bakit
mo naman naitanong yun?"yan na lang ang naisagot nya.
"Boyfriend mo sya kaya ko naitanong sayo yun."anito.
"Hu?"nagulat naman sya sa narinig. Anong boyfriend? Napaisip
sya sa sinabi ni Demi, wala naman yatang nabanggit si Darryl na ganun.
"Parang
nagulat ka?"
"Hu-ah-nagulat lang ako kasi-"natigilan sya. Hindi nya alam
kung mag-sasabi sya ng totoo o sasakay sya sa kung ano mang dahilan kung bakit
nagawang mag-sinungaling ni Darryl sa kaniya. Naisip nya na lang na siguro
hindi gusto ni Darryl na paasahin ang babaeng ito dahil halata namang may gusto
ito kay Darryl. "Kasi nabanggit nya sayo na-na girlfriend nya
ko."ngumiti pa ito.
Natawa naman
si Demi. "Syempre naman. Proud sya sayo at mahal ka nya kaya babanggitin
nya kahit kanino na ikaw ang girlfriend nya."
"Salamat."nahihiya nyang wika.
"Dian,
alagaan mo sya hu? Alam mo ang swerte mo dahil mahal ka ni
Darryl."bumuntong hininga pa ito.
"Hu-hi-hindi naman."
Natawa ulit si
Demi. "Basta ingatan mo sya hu?"pakiusap nito na sinang-ayunan naman
ni Dian.
Malalim ang
iniisip ni Dian habang nag-lalakad na sya pauwi. Hanggang sa mga oras na iyon
ay iniisip parin nya kung bakit kailangan mag-sinungaling ni Darryl kay Demi?
Sinadya na ba talaga yun o may dahilan lang talaga? Gusto nyang tanungin si
Darryl tungkol dito kaya lang iniiwasan nya ito ngayon dahil nga sa biglaang
alok sa kaniya ng kasal nito.
Biglaan naman
kasi ang alok na yun. At isa pa kaibigan lang talaga ang tingin nya kay Darryl
sa ngayon. Ayaw nyang masira ang pag-kakaibigan nila. Hindi man nya gustong
patagalin ang sitwasyon kaya lang natatakot pa syang sagutin ito dahil alam
nyang masasaktan lang ito sa maririnig na desisyon sa kaniya.
***************
NAPABALIKWAS
ng bangon si Darren ng maalimpungatan sya sa tunog ng cellphone nya.
Nang-laki ang mata nya ng makita nyang ang lolo nya ang tumatawag. "Si
Lolo? Bakit sya natawag? Hello? Lolo? Long time no hear! Kamusta na
kayo?!"masayang bati nya dito. Pero nagulat sya ng galit itong sumisigaw.
"Ano
bang ginagawa nyo dyan!?"galit na tanong nito.
"Lolo,
ano bang klaseng tanong yan? Dapat alam nyo ang sagot dyan. Kayo ang nag-padala
samin ni Darryl dito."kakamot kamot pa ito sa ulo. Inilayo nya sa tenga
ang cellphone ng muli syang sigawan ng lolo nya.
"Pilosopo
ka talagang bata ka! Kuhain mo ang sing sing sa fiance mo at bumalik na kayo
dito sa Korea! Ngayon din!"utos nito.
"Lolo,
biglaan naman po yata yan? May klase pa kami, may trabaho pa kami. At bakit
gusto nyo namang kuhain ko kay Angel ang sing sing? Eh kayo nga may gustong
hanapin namin sya."naguguluhan nitong saad.
"At
kailan pa kayo sinipag mag-aral at mag-trabaho? Wag mo nang itanong! Basta
kuhain mo ang sing sing sa babaeng yun at umuwi na kayo dito!"
"Hay!
Grabe ka naman Lolo! Hindi mo lang alam kung gano kami nag-sumikap dito matapos
mo kaming kuhaan ng pera! Nang-sumikap kami para lang maka-survived dito!
Pinalayas pa nga kami sa tinitirahan namin-"pinutol ng Lolo nya ang
sinasabi nya.
"Manahimik
ka! Sundin mo ang inuutos ko!"giit ni Chairman Jung.
"Hay! Oo
na. Wag na kayo sumigaw. Masakit kaya sa tenga! Ah! Teka Lolo. Isasama ko rin
ba dyan si Angel?"pahabol na tanong nito.
"Oo,
isama nyo si Dian!"
"Okay."nang ibaba ni Darren ang cellphone nya ay may
na-realized syang isang bagay ng ulitin nya ang sinabi ng lolo nya. "Isama
si Dian-Dian? Tama ba yung narinig ko? Si Dian ang isasama?"napaisip sya
at napailing. "Baka nag-kamali lang ako."
Palabas na sya
ng kwarto ng masalubong nya si Darryl. Sabay silang napahinto at hindi agad
nakakibo sa isa't isa. Nang makaramdam sila ng awkward doon lang nag-salita si
Darre. "Tumawag si Lolo. Gusto nyang bumalik na tayo sa Korea ora
mismo."
"Ano?"gulat na sabi ni Darryl. "Bakit?"
"Hindi ko
alam. Pinapakuha nya din yung sing sing kay Angel. Ewan ko ba dyan kay Lolo.
Kahit kelan talaga biglaan kung mag-desisyon."napakamot ulit sa ulo si
Darren. "Sige alis na ko."
Tumango lang si Darryl, pero wala na ang
atensyon nito kay Darren kundi sa iniisip nito. May bigla kasing naisip si
Darryl na isa sa posibleng dahilan kaya pinakukuha ng Lolo nila ang sing sing
kay Angel at pinababalik agad sila sa Korea.
***************
INIS na
nag-lalakad pabalik ng school si Darren. Dahil alam nya sa mga oras na yun ay
nasa school pa si Angel. "Saang sulok ng school ko naman hahanapin ang
babaeng yun? Kainis! Tawagan ko na nga lang."isang ring pa lang ay sumagot
agad si Angel. "Grabe! Wala ka bang ibang hawak kundi cellphone mo lang?
Isang ring pa lang sumagot ka kagad."puna nito.
"Sayo
lang ako ganito no!"sagot naman nito.
"Nasan ka
ba?"
"Nan
dito sa canteen. Bakit?"
"Okay. Pupunta
ako dyan."hindi na nya hinintay pang sumagot si Angel. Binaba na nya agad
ito at nag-mamadaling pumunta sa canteen.
***************
INIS na
tiningnan ni Angel ang screen ng cellphone nya dahil hindi pa nga sya tapos
mag-salita ay binabaan na sya ni Darren. "That guy!"
"Si
Darren ba yan?"tanong ng isang kaibigan ni Angel. Nakaupo sila sa mga
hilerang upuan habang nakatalikod sila sa pinto ng canteen. Yun ang paborito
nilang upuan dahil mula doon ay kitang kita mo sa loob ng canteen ang lahat ng
kumakain. Mataas kasi ang mga nakahilerang upuan na yun at maliit lang na
pahaba ang lamesa. Sa harapan nun ay may pahaba ding lagayan ng mga halaman.
"Yup! At
sabi nya pupuntahan nya ko dito."pag-yayabang nya sa mga ito.
"Wow hu?
Mukhang sya na ang nag-e-effort sayo ngayon."sabi pa ng isa nyang
kaibigan.
"Dapat
lang no! I'm his fiance."ibinalandra pa nito ang suot nitong sing sing.
"Iba pala
talaga ang power ng sing sing na yan no? Simula ng mapa-sayo yan pati si Darren
nakuha mo rin."
"Kung
hindi mo kinuha kay Dian yan eh di sana si Dian ang fiance ni Darren ngayon.
Teka, pano mo ba nakuha yan? Ano sabi ni Dian nang makita nya yan?"
"Tatanga
tanga kasi sya! Nahulog nya 'to nung P.E natin! Pinulot ko nag-kataon lang na
Angel din ang pangalan ko at ang may hawak pala nito ay yung babaeng
pakakasalan ni Darren. That time gusto ko na si Darren. Nung makita ni Dian giniit
ko na akin talaga 'to. Nag-kataon lang na mag-kapareha kami. Naniwala naman
sya. What a stupid girl."nag-tawanan pa silang tatlo. Hindi nila napansin
na nasa likuran na pala nila si Darren ng simula nilang pag-usapan si Dian.
Halong galit
at gulat ang nararamdaman ni Darren ngayon. Hindi sya makapaniwala na si Dian
pala ang tunay na Angel na hinahanap nila. Doon lang din pumasok sa isip nya
ang sinabi ng Lolo nya kanina. "Oo, isama nyo si Dian." Si
Dian, hindi sa nag-kamali ng dinig. Kaya pala si Dian dahil ito ang totoong
Angel. Kaya pala gustong ipabawi ng Lolo nya ang sing sing sa pekeng Angel
dahil alam ng Lolo nya na kay Dian nga ang sing sing na yun.
Ibig sabihin
simulat sapul ay kilala na ng Lolo nila kung sino ang totoong Dian at kaya lang
sila pinapunta dito hindi para hanapin si Angel kundi matuto sa buhay. Pero
kahit ano pa man ang iba pang dahilan ay wala na syang pakialam. Ang importante
ngayon ay kailangan nyang ibalik kay Dian ang sing sing at sabihin dito na ito
ang totoong fiance nya.
Bigla nyang
hinablot ang kamay ni Angle kung saan doon nakalagay ang sing sing. Gulat
namang napalingon si Angel sa kaniya. "Ouch!"sigaw ni Angel. Kitang
kita sa mukha ni Darren ang galit. "Darren, nasasaktan ako!"walang
imik imik na angresibong tinanggal ni Darren ang sing sing sa kamay ni Angel.
Nang makuha nya ito ay padabog nyang binitawan si Angel. Aalis na sana sya ng
tawagin sya ni Angel. "What's wrong with you! That's my ring!"sigaw
nya dahilan para mag-tinginan ang mga tao.
"Narinig
ko ang lahat ng pinag-kwentuhan nyo! Kay Dian talaga ang sing sing na 'to!
Hindi sayo! Kung gusto mong mahalin ka ng taong nagugustuhan mo matuto kang
maging totoo sa sarili mo!"yun lang at umalis na si Darren. Naiiwan naman
na halo hindi makapaniwala si Angel na nang-yari iyon sa kaniya. Kung gaano
kabilis nyang nakuha si Darren ay ganun kabilis din itong nawala sa kaniya.
Ngayon ay babalik na it sa totoong fiance nito.
Ano nang
gagawin ni Darren ngayong nalaman nya ang totoo tungkol sa pag-katao ni Dian?
aww nlman na ni darren,,
ReplyDeletewwwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! ang tgal q nde p nka-commnt d2. sorry tlga ate otor. busy lng po s skul...
ReplyDeletepeo kpg nkaupo n aq ng mtgal s hrap ng comp, magco-commnt aq ulit s lhat ng nplagpas qng chapter... nbsa q n po ksi kso ngmmdali po aq mgbsa kya hindi mka-commnt..
haha .. ok lng nmn po khit wlang comment .. ang importante binabasa nyo .. ^^
Deletemei UD na pala!.. ngayon ko lang napancin.. late na tuloy ako..
ReplyDeleteang bait at ang sweet ko rito.. in love na yang si darryl sa akin eh,kaso nasa in denial stage pa lang sya.. hahaha.. ako na ang assumera!!
aba't ang bruha! ambisyosa mo teh! sabunutan kita eh.. haha!ang mean ko lang.. yan!nalaman tuloy ni darren ang totoo.. serves u ryt..