Wednesday, September 5, 2012

Billion Dollar Quest: Chapter 15

CHAPTER FIFTHTEEN



     KANINA pa hinihintay ni Demi si Darryl sa labas ng UPHSD dala nito ang isang maliit na paper bag na may naka-ribbon na box sa loob. Natuwa sya ng matanaw na nya si Darryl. Dali dali syang lumapit dito para sa lubunign ito.


     "Darryl!"masayang bati niya.


     "Nagulat naman ako sayo. Bakit ka nandito?"tanong nya na halata sa mukha ang pag-kagulat.


     "Kasi, gusto ko lang ibigay sayo 'to."iniabot ni Demi ang paper bag.


     "Sakin? Ano 'to?"kunot nuo nyang tanong.


     "Buksan mo."binuksan naman iyon ni Darryl. Natigilan ito ng makitang iPhone pala ang laman niyon. Kwestyonable syang napatingin kay Demi.


     "Nawala kasi ang cellphone mo dahil sakin. Kaya naisip kong palitan na lang. Sana nagustuhan mo."ngumiti pa ito.


     "Pero-hindi mo naman kailangang gawin pa 'to. Hindi naman ikaw ang may kasalanan kung bakit nawala ang cellphone ko. Kaya hindi ka obligadong bumili nito."ibinalik ni Darryl ang cellphone sa box at sa loob ng paper bag. "Pasensya ka na kaso hindi ko matatanggap 'to."ibinalik ni Darryl ang regalo kay Demi.


     "Pero-"pinutol agad ni Darryl ang sasabihin nya.


     "Sige, kailangan ko nang umalis. May trabaho pa kasi ako. Pasensya na."nag-patiuna nang umalis si Darryl.


     PERO hindi tumigil si Demi. Naisip nyang sundan si Darryl sa trabaho nito. Alam nyang hindi nya ito makakausap sa oras ng trabaho kaya naman matyaga syang nag-hintay sa labas ng restaurant. Ayaw nya naman pumasok sa loob dahil naisip nya na baka maka-istorbo lang sya kay Darryl. Okay na naman sya doon sa labas. May mauupuan naman sa kabilang kalsada. Pwede syang maupo doon habang nag-hihintay kay Darryl.


     Makalipas ang apat na oras ay nakaramdam na ng gutom si Demi. Bagot na gabot na rin ito. At isa pa pagod na sya. Nasa stage parin sya ng recovery kaya madali syang mapagod. Pero hindi sya uuwi hanggat hindi nya naibibigay kay Darryl ang regalo nya. Hindi naman nag-sa-sara ang reastaurant na iyon dahil twentyfour hours iyon. Kaya si Darryl ang hinihintay nya na matapos ang shift. Ilang saglit pa ay lumabas na ito. Masaya syang tumayo at tinawag ito.


     "Darryl!"sigaw ni Demi. Sa pag-lingon ni Darryl ay agad nyang napansin ang isang sasakyan na papalapit kay Demi. Mabilis syang tumakbo at hinatak papunta sa kaniya si Demi. Sa lakas ng pag-kaka-kabig ni Darryl ay na out of balance sya kaya naman natumba silang dalawa. Tumilapon ang regalo ni Demi sa kalsada kaya ito ang nasagasaan ng kotse.


     Nang makita iyon ni Demi ay agad itong tumayo para kuhain sana ang cellphone kaso mabilis syang hinatak ni Darryl. "Ano bang ginagawa mo!? Ilang beses mo bang gustong mag-pasagasa sa sasakyan?!"galit na sigaw nito.


     Hindi naman naka-imik si Demi, nang-gigilid na ang mga luha nito. Hindi lang dahil sa sinigawan sya ni Darryl kundi dahil nasira ang regalong ibibigay nya sana dito. "Yu-yung cellphone-"pinutol ni Darryl ang sinasabi nya.


     "Muntik ka nang masagasaan cellphone pa inaatupag mo! Sinabi ko naman sayo hindi ka obligadong ibigay sakin yan!"sumisigaw parin ito.


     Hindi na napigilan pa ni Demi ang pag-bagsak ng mga luha nya. Napayuko sya dahil nakita nyang nakatingin na sa kanila ang mga tao. Namaywang si Darrl ng wala sa oras. Bumuntong hininga ito at napasapo sa nuo. Nang mapansin din nyang nakatingin na sa kanila ang mga tao ay hinatak nya palayo doon si Demi. Ngayon ay nasa isang park na sila, nakaupos ila sa bench. Sa mga oras na iyon ay tapos na ring umiyak si Demi.


     Binasag ni Darryl ang katahimikan ng mag-salita ito. "Pasensya ka na kung nasigawan kita sa harapan ng maraming tao kanina."wika nito.

     Saglit na ngumiti si Demi bago sumagot. "Okay lang. Naintindihan ko naman."simpleng sagot nya.

     "Dapat kasi nakinig ka na lang nung sinabi kong hindi ko matatanggap yun. Hindi na sana mag-kakaganito."

     "Dahil ba kay Dian? Dahil ba sa girlfriend mo kaya hindi mo matanggap ang regalo ko?"tanong nito sa cool na boses.

     Ilang namang napatingin si Darryl sa kaniya. "Ah-hi-hindi naman. Hindi dahil sa kaniya."tanggi nito. Ngumiti ulit si Demi saka tumayo si Demi.

     "Wag kang mag-alala. Kahit hindi mo sabihin naiintindihan kita. Pero Darryl gusto ko sabihin sayo 'to. Dahil ayaw kong may pag-sisihan sa huli."nakikinig lang sa kaniya si Darrly. "Gusto kita simula noong una tayong nag-kabangga. Mas nagustuhan kita noong pangalawang bese tayong nag-kabangga. Minahal na kita noong unang beses mo akong niligtas. At mas lalo kitang minahal ngayong iniligtas mo ulit ako. Hindi ako nag-hihintay ng sagot mo. Pero umaasa ako na isang araw mamahalin mo rin ako. Hayaan mo, hindi na kita guguluhin. Bibigyan muna kita ng space pero promise, hindi ako mawawala. Salamat sa lahat."saad nito saka lumakad na palayo. Pinanood lang ito Darryl habang unti unti itong wala sa paningin nya.

     Napabuntong hininga sya. "Hay! Bakit parang naku-konsensya ako? Wala naman akong ginawang masama!"napailing na lang sya at lumakad na rin pauwi.


***************


     NAABUTAN ni Darren ang nakatulog na si Dian sa mini table nila sa salas. Bukas pa ang T.V at mukhang nakatulog na ito kababasa ng notes nito. Dumiretso sya sa kwarto para kumuha ng kumot. Naupos sya sa tabi nito para ilagay ang kumot sa likuran nito. Tatayo na sana sya ng makita nyang nakasabog sa mukha ni Dian ang buhok na kaya naman inayos nya ito.

     Hanggang sa nakita nya na lang ang sarili nya na nakatitig sa mukha ni Dian. Itinulay pa ni Darren ang daliri nya sa matangos na ilong ni Dian. Dinama ng daliri nya ang pag-hinga ni Dian. Hinawakan nya ang baba nito at ang gilid ng mapulang labi ni Dian. Hanggang sa unti unting lumalapit ang mukha nya sa mukha nito, at nang malapit na ay napapikit sya ng mariin saka iniwas ang sarili.

     Binatukan nya ang sarili. "Hay! Ano bang ginagawa ko?!"dali dali syang tumayo at pumasok sa kwarto.



***************



     KUMUNOT ang nuo ni Dian ng salubungin sya ni Demi ng makalabas sya sa school. "Demi?"saad nya.

     Ngumiti si Demi bago nag-salita. "Pwede ba kitang kausapin?"pumayag naman agad sila. Sa Korean Restaurant sila nag-punta para mag-usap.

     "May sasabihin ka ba sakin?"pangu-nguna ni Dian ng matapos ihatid ng waiter ang dalawang tasa ng tsaa sa kanila.

     "Tungkol ito kay Darryl. Gusto ko sanang malaman kung gaano mo sya kamahal."deretsahang tanong ni Demi na hindi naman agad masagot ni Dian dahil hindi rin naman nya alam ang sagot. Mahal? Oo, mahal nya si Darryl pero bilang isang kaibigan lang.

     "Ba-bakit mo naman naitanong yun?"yan na lang ang naisagot nya.

     "Boyfriend mo sya kaya ko naitanong sayo yun."anito.

     "Hu?"nagulat naman sya sa narinig. Anong boyfriend? Napaisip sya sa sinabi ni Demi, wala naman yatang nabanggit si Darryl na ganun.

     "Parang nagulat ka?"

     "Hu-ah-nagulat lang ako kasi-"natigilan sya. Hindi nya alam kung mag-sasabi sya ng totoo o sasakay sya sa kung ano mang dahilan kung bakit nagawang mag-sinungaling ni Darryl sa kaniya. Naisip nya na lang na siguro hindi gusto ni Darryl na paasahin ang babaeng ito dahil halata namang may gusto ito kay Darryl. "Kasi nabanggit nya sayo na-na girlfriend nya ko."ngumiti pa ito.

     Natawa naman si Demi. "Syempre naman. Proud sya sayo at mahal ka nya kaya babanggitin nya kahit kanino na ikaw ang girlfriend nya."


     "Salamat."nahihiya nyang wika.


     "Dian, alagaan mo sya hu? Alam mo ang swerte mo dahil mahal ka ni Darryl."bumuntong hininga pa ito.


     "Hu-hi-hindi naman."

     Natawa ulit si Demi. "Basta ingatan mo sya hu?"pakiusap nito na sinang-ayunan naman ni Dian.

     Malalim ang iniisip ni Dian habang nag-lalakad na sya pauwi. Hanggang sa mga oras na iyon ay iniisip parin nya kung bakit kailangan mag-sinungaling ni Darryl kay Demi? Sinadya na ba talaga yun o may dahilan lang talaga? Gusto nyang tanungin si Darryl tungkol dito kaya lang iniiwasan nya ito ngayon dahil nga sa biglaang alok sa kaniya ng kasal nito.

     Biglaan naman kasi ang alok na yun. At isa pa kaibigan lang talaga ang tingin nya kay Darryl sa ngayon. Ayaw nyang masira ang pag-kakaibigan nila. Hindi man nya gustong patagalin ang sitwasyon kaya lang natatakot pa syang sagutin ito dahil alam nyang masasaktan lang ito sa maririnig na desisyon sa kaniya.



***************



     NAPABALIKWAS ng bangon si Darren ng maalimpungatan sya sa tunog ng cellphone nya. Nang-laki ang mata nya ng makita nyang ang lolo nya ang tumatawag. "Si Lolo? Bakit sya natawag? Hello? Lolo? Long time no hear! Kamusta na kayo?!"masayang bati nya dito. Pero nagulat sya ng galit itong sumisigaw.


     "Ano bang ginagawa nyo dyan!?"galit na tanong nito.


     "Lolo, ano bang klaseng tanong yan? Dapat alam nyo ang sagot dyan. Kayo ang nag-padala samin ni Darryl dito."kakamot kamot pa ito sa ulo. Inilayo nya sa tenga ang cellphone ng muli syang sigawan ng lolo nya.

     "Pilosopo ka talagang bata ka! Kuhain mo ang sing sing sa fiance mo at bumalik na kayo dito sa Korea! Ngayon din!"utos nito.

     "Lolo, biglaan naman po yata yan? May klase pa kami, may trabaho pa kami. At bakit gusto nyo namang kuhain ko kay Angel ang sing sing? Eh kayo nga may gustong hanapin namin sya."naguguluhan nitong saad.

     "At kailan pa kayo sinipag mag-aral at mag-trabaho? Wag mo nang itanong! Basta kuhain mo ang sing sing sa babaeng yun at umuwi na kayo dito!"

     "Hay! Grabe ka naman Lolo! Hindi mo lang alam kung gano kami nag-sumikap dito matapos mo kaming kuhaan ng pera! Nang-sumikap kami para lang maka-survived dito! Pinalayas pa nga kami sa tinitirahan namin-"pinutol ng Lolo nya ang sinasabi nya.

     "Manahimik ka! Sundin mo ang inuutos ko!"giit ni Chairman Jung.

      "Hay! Oo na. Wag na kayo sumigaw. Masakit kaya sa tenga! Ah! Teka Lolo. Isasama ko rin ba dyan si Angel?"pahabol na tanong nito.


     "Oo, isama nyo si Dian!"


     "Okay."nang ibaba ni Darren ang cellphone nya ay may na-realized syang isang bagay ng ulitin nya ang sinabi ng lolo nya. "Isama si Dian-Dian? Tama ba yung narinig ko? Si Dian ang isasama?"napaisip sya at napailing. "Baka nag-kamali lang ako."


     Palabas na sya ng kwarto ng masalubong nya si Darryl. Sabay silang napahinto at hindi agad nakakibo sa isa't isa. Nang makaramdam sila ng awkward doon lang nag-salita si Darre. "Tumawag si Lolo. Gusto nyang bumalik na tayo sa Korea ora mismo."

     "Ano?"gulat na sabi ni Darryl. "Bakit?"

     "Hindi ko alam. Pinapakuha nya din yung sing sing kay Angel. Ewan ko ba dyan kay Lolo. Kahit kelan talaga biglaan kung mag-desisyon."napakamot ulit sa ulo si Darren. "Sige alis na ko."

     Tumango lang si Darryl, pero wala na ang atensyon nito kay Darren kundi sa iniisip nito. May bigla kasing naisip si Darryl na isa sa posibleng dahilan kaya pinakukuha ng Lolo nila ang sing sing kay Angel at pinababalik agad sila sa Korea.


***************


     INIS na nag-lalakad pabalik ng school si Darren. Dahil alam nya sa mga oras na yun ay nasa school pa si Angel. "Saang sulok ng school ko naman hahanapin ang babaeng yun? Kainis! Tawagan ko na nga lang."isang ring pa lang ay sumagot agad si Angel. "Grabe! Wala ka bang ibang hawak kundi cellphone mo lang? Isang ring pa lang sumagot ka kagad."puna nito.

     "Sayo lang ako ganito no!"sagot naman nito.

     "Nasan ka ba?"

     "Nan dito sa canteen. Bakit?"

    "Okay. Pupunta ako dyan."hindi na nya hinintay pang sumagot si Angel. Binaba na nya agad ito at nag-mamadaling pumunta sa canteen.


***************


     INIS na tiningnan ni Angel ang screen ng cellphone nya dahil hindi pa nga sya tapos mag-salita ay binabaan na sya ni Darren. "That guy!"

     "Si Darren ba yan?"tanong ng isang kaibigan ni Angel. Nakaupo sila sa mga hilerang upuan habang nakatalikod sila sa pinto ng canteen. Yun ang paborito nilang upuan dahil mula doon ay kitang kita mo sa loob ng canteen ang lahat ng kumakain. Mataas kasi ang mga nakahilerang upuan na yun at maliit lang na pahaba ang lamesa. Sa harapan nun ay may pahaba ding lagayan ng mga halaman.

     "Yup! At sabi nya pupuntahan nya ko dito."pag-yayabang nya sa mga ito.


     "Wow hu? Mukhang sya na ang nag-e-effort sayo ngayon."sabi pa ng isa nyang kaibigan.


     "Dapat lang no! I'm his fiance."ibinalandra pa nito ang suot nitong sing sing.


     "Iba pala talaga ang power ng sing sing na yan no? Simula ng mapa-sayo yan pati si Darren nakuha mo rin."

     "Kung hindi mo kinuha kay Dian yan eh di sana si Dian ang fiance ni Darren ngayon. Teka, pano mo ba nakuha yan? Ano sabi ni Dian nang makita nya yan?"

     "Tatanga tanga kasi sya! Nahulog nya 'to nung P.E natin! Pinulot ko nag-kataon lang na Angel din ang pangalan ko at ang may hawak pala nito ay yung babaeng pakakasalan ni Darren. That time gusto ko na si Darren. Nung makita ni Dian giniit ko na akin talaga 'to. Nag-kataon lang na mag-kapareha kami. Naniwala naman sya. What a stupid girl."nag-tawanan pa silang tatlo. Hindi nila napansin na nasa likuran na pala nila si Darren ng simula nilang pag-usapan si Dian.

     Halong galit at gulat ang nararamdaman ni Darren ngayon. Hindi sya makapaniwala na si Dian pala ang tunay na Angel na hinahanap nila. Doon lang din pumasok sa isip nya ang sinabi ng Lolo nya kanina. "Oo, isama nyo si Dian." Si Dian, hindi sa nag-kamali ng dinig. Kaya pala si Dian dahil ito ang totoong Angel. Kaya pala gustong ipabawi ng Lolo nya ang sing sing sa pekeng Angel dahil alam ng Lolo nya na kay Dian nga ang sing sing na yun.

     Ibig sabihin simulat sapul ay kilala na ng Lolo nila kung sino ang totoong Dian at kaya lang sila pinapunta dito hindi para hanapin si Angel kundi matuto sa buhay. Pero kahit ano pa man ang iba pang dahilan ay wala na syang pakialam. Ang importante ngayon ay kailangan nyang ibalik kay Dian ang sing sing at sabihin dito na ito ang totoong fiance nya.



     Bigla nyang hinablot ang kamay ni Angle kung saan doon nakalagay ang sing sing. Gulat namang napalingon si Angel sa kaniya. "Ouch!"sigaw ni Angel. Kitang kita sa mukha ni Darren ang galit. "Darren, nasasaktan ako!"walang imik imik na angresibong tinanggal ni Darren ang sing sing sa kamay ni Angel. Nang makuha nya ito ay padabog nyang binitawan si Angel. Aalis na sana sya ng tawagin sya ni Angel. "What's wrong with you! That's my ring!"sigaw nya dahilan para mag-tinginan ang mga tao.



     "Narinig ko ang lahat ng pinag-kwentuhan nyo! Kay Dian talaga ang sing sing na 'to! Hindi sayo! Kung gusto mong mahalin ka ng taong nagugustuhan mo matuto kang maging totoo sa sarili mo!"yun lang at umalis na si Darren. Naiiwan naman na halo hindi makapaniwala si Angel na nang-yari iyon sa kaniya. Kung gaano kabilis nyang nakuha si Darren ay ganun kabilis din itong nawala sa kaniya. Ngayon ay babalik na it sa totoong fiance nito.



     Ano nang gagawin ni Darren ngayong nalaman nya ang totoo tungkol sa pag-katao ni Dian?




. . .to be continue

4 comments:

  1. aww nlman na ni darren,,

    ReplyDelete
  2. wwwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! ang tgal q nde p nka-commnt d2. sorry tlga ate otor. busy lng po s skul...
    peo kpg nkaupo n aq ng mtgal s hrap ng comp, magco-commnt aq ulit s lhat ng nplagpas qng chapter... nbsa q n po ksi kso ngmmdali po aq mgbsa kya hindi mka-commnt..

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha .. ok lng nmn po khit wlang comment .. ang importante binabasa nyo .. ^^

      Delete
  3. mei UD na pala!.. ngayon ko lang napancin.. late na tuloy ako..

    ang bait at ang sweet ko rito.. in love na yang si darryl sa akin eh,kaso nasa in denial stage pa lang sya.. hahaha.. ako na ang assumera!!

    aba't ang bruha! ambisyosa mo teh! sabunutan kita eh.. haha!ang mean ko lang.. yan!nalaman tuloy ni darren ang totoo.. serves u ryt..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^