CHAPTER SIXTEEN
A/N: Waaahhh~! Na-miss ko pag UD nito!!! Pati pala Author nakaka-miss din sa sarili nyang gawa?? haha!! Anyways .. Enjoy na lang kayo sa pag-babasa .. Sensya na hindi ako ganun kabilis mag-UD ngayon .. Dami ko kasi iu-UD pa .. bisi-bisihan kunyari .. salamat nga po pala sa suporta nyong lahat kahit minsan boring yung mga chapters na nau-UD ko .. ILOVE YOU ALL .. mwuaa tsup tsup!!!
TULALA at parang wala sa sarili si Darren habang nag-lalakd sya pabalik ng apartment dahil sa mga nalaman nya. Paulit ulit sa isip nya ang mga sinabi ni Angel na si Dian nga ang tunay na may-ari ng sing sing.
Dinukot nya ang sing sing sa bulsa at tinitigan ito. Pag-kuway bumuntong hininga sya. "Nakakainis! Dapat nga masaya ako dahil nasa akin ang dalawang sing sing at alam kong si Dian ang totoong Angel. Pero bakit parang nalulungkot ako ngayon?"bumuntong hininga sya.
"Darren!"para syang nabuhusan ng malamig na tubig ng marinig nyang tawagin sya ni Dian. Natataranta nyang ibinulsa ang hawak nyang sing sing at nine-nerbyos na nilingon si Dian. Napakunot naman ang nuo ni Dian ng mapansin iyon.
"Anong nang-yari sayo? Bakit parang nakakita ka ng multo?"tanong nito.
"Hu? Ah--wala."anito. Ngumiti si Dian tapos ay iniharap nito ang dalang plastic kay Darren. "Ano ba yan?"
"Dukkbokki!"
"Talaga?!"ang kaninay nine-nerbyos na mukha ni Darren ay napalitan ng saya ng marinig ang Dukkbokki. "Para sakin ba yan?"tanong pa nito.
"Para sayo at kay Darryl. Tara!"sabi ni Dian bago nag-patinunang lumakad papasok ng apartment building.
"Darryl! Tsi!"bitter nyang bulong sa sarili at inis lang na sinundan si Dian.
PAG-PASOK sa loob ay masayang sinalubong ni Darryl si Dian. "Dian!"
"Darryl! May dala akong pasalubong!"
"Kung i-welcome nila ang isa't isa akala mo mag-asawa sila! Ewan!"para ng sira si Darren dahil kinakausap nya ang sarili nya. Naupo na lang sa salas si Darren at nag-hintay na ihain ang biniling Dukkbokki ni Dian. Ilang saglit pa nga ay naroon na ito sa harapan nya.
Nilingon nya ang dalawa. Masaya parin itong kumakain. "Para silang walang kasama!"bulong nya sa sarili. Idinaan nya na lang sa pag-kain ang inis nya.
Nang matapos silang kumain ay dumiretso sa kwarto si Darren. Habang si Dian naman ay pumasok din sa kwarto nito. Bago pa man makapasok si Darren ay tinawag na sya ni Darryl.
"Darren sandali."napahinto naman si Darren pero hindi nito nilingon si Darryl.
"Bakit daw ba tayo biglaang pinababalik ni lolo sa Korea?"seryoso nyang tanong. Bigla namang nag-alinlangan si Darren kung sasabihin ba nya dito ang dahilan o hindi na lang.
Kung tutuusin nga ay pwede nyang sabihin dito ang totoo at pwedeng pwede nyang maagaw si Dian dito para makuha ang yaman ng lolo nila dahil nasa kaniya ang dalawang sing sing pero hindi nya alam kung bakit bigla na lang sya nag-alinlangan.
"Ah--wala. Siguro nabalitaan na nyang pinalas tayo sa apartment natin kaya pinababalik na nya tayo sa Korea."dahilan nito.
"Ganun ba?"
"Gusto mo na bang bumalik?"ikinagulat naman ni Darryl ang tanong na iyon ni Darren. Matagal bago sya nakasagot.
"Ayaw kong umuwi---hanggat hindi ko kasama si Dian."matapang nyang wika dito. Napangisi si Darren nakaramdam sya ng sakit sa narinig nyang yun. Napailing na lang sya at hindi na nag-salita pa. Tahimik syang pumasok sa kwarto habang naiwan namang mag-isa si Darryl sa salas.
__________
NAG-BIGAY galang muna si Manager Kang kay Chairman Jung bago sya nag-simulang mag-report. "Chairman, katatawg lang po sa akin ni Young Master Darren. Gusto na daw po nyang umuwi."balita nito.
"Dapat lang. Eh si Darryl?"
"Sinabi po si Young Master ba ayaw pang umuwi ni Young Master Darryl. Gusto daw po nitong tapusin ang natitirang mga araw nito sa klase."
"Si Darryl?"parang ayaw maniwala ni Chairman Jung sa narinig mula kay Manager Kang. Kilala nya ang apo. Hindi ito mag-papaiwan sa isang lugar ng walang dahilan. At nasisigurado syang hindi ang pag-aaral ang dahilan kaya ito mag-papaiwan. "Hindi ako naniniwalang mag-papaiwan sya dahil sa pag-aaral. Alamin mo kung bakit gusto nyang mag-paiwan."
"Yes chairman."
"Si Angel? Sinabi mo bang isama ni Darren si Angel?"tanong ni Chairman ng maalala nya bigla si Angel.
"Opo. Pero tumangi po si Young Master na isabay si Angel. Ipapasabay nya na lang daw si Angel kay Darryl."wika ni Manger Kang.
Napaisip tuloy si Chairman. "May kakaiba sa dalawang 'to. Nang umalis sila dito pinag-aagawan nila ang ari-arian ko. Pero ngayon parang wala na silang interes pa. Anong nang-yari?"
"Naka-book na po ang flight ni Young Master next week."paalala ni Manager Kang. Tumango lang ang nag-iisip na si Chairman Jung.
__________
MASAYANG sinalubong ni Dian si Darren ng makita nya ito sa campus. "Darren!"bati nya. Nagulat naman si Darren.
"Hay! Ano ka ba! Wag ka ngang nang-gugulat!"sigaw nito.
"Bakit ba ang sungit mo?"kunot nuong tanong ni Dian.
"Sino ba kasing hindi maiinis? Nang-gugulat ka!
"Pano kasi nakatulala ka!"
"Ewan!"mag-wo-walked out na sana sya ng bigla syang hawakan ni Dian sa braso.
"Teka sandali! Diba wala ka nang klase?"
"Ano ngayon?"inis parin ito.
"Kumain tayo dun sa rooftop!"
"Ikaw na lang kung gusto mo."aalis nasana ulit sya kaso hinatak na sya ni Dian.
"Tara na!"
Hindi nila alam na naka-masid pala sila si Darryl. Halata sa mukha nito ang lungkot at sakit sa nakita. Gusto nyang sundan ang dalawa at hatakin palayo si Dian kay Darren pero hindi sya makagalaw sa kinatatayuan nya. Ang tangi nya lang nagawa ay titigan ang dalawa habang papalayo.
NAKATULALA si Darryl habang nakaupo sya sa kama nya at nakatitig sa cellphone ni Darren na naiwan nito. Umuwi na lang sya dahil wala naman syang mapuntahan. At isa pa bigla syang nawala sa mood. Tumayo sya sa kama para kuhain ang cellphone ni Darren. Naisipan nya na lang na mag-laro baka sakaling mabaling pa ang atensyon nya sa pag-iisip sa dalawa.
Makalipas ang trenta minutos ay hindi parin nya makalimutan ang dalawa. Itinigil nya ang pag-lalaro ng may bigla syang naisip. "Ano kayang pangalan ni Dian sa cellphone nya?"hinanap nya ang pangalan ni Dian pero napahinto sya ng bigla nyang mabasa ang pangalan ni Demi. "Demi?"bulong nya sa sarili. "Ano kayang ginagawa nya ngayon? Matawagan nga."
Naka-apat na ring pa bago nasagot ang tawag ni Darryl. "Hello?"sabi sa kabilang linya.
"Ah--hello. Si Demi ba 'to?"
"Si Demi ba? Nasa duty pa sya eh."
"Duty? Nurse pala sya?"
"Naku! Hindi! Waitress sya sa isang restaurant. Sino ba 'to?"
"Hu?"gulat na saad ni Darryl. "Pero--"
"Sino ba 'to? Sasabihin ko na lang kay Demi na tumawag ka."
"Si Darryl 'to kaibigan nya. Pwede ko bang malaman kung saang restaurant sya nag-ta-trabaho?"matapos makuha ni Darryl ang pinag-ta-trabahuan ni Demi ay agad nyang naisipang puntahan ito.
__________
HALOS hindi makapaniwala si Darryl sa nakikita nya. Totoo nga ang sinabi ng nakausap nya kanina. Isa ngang waitress si Demi sa isang restaurant. Ang alam nya kasi ay mayaman ang pamilya nito. Pero bakit sya nag-ta-trabaho sa isang restaurant?
Pinanonood nya mula sa labas kung paano ito nag-se-serve sa mga tao at kung paano nito punasan ang lamesa matapos kumain ng mga tao. INabot na nga sya ng gabi kahihintay lang kay Demi.
"Hay! Ang sakit ng likod ko! Nakakapagod din ang buong mag-hapon na trabaho."saa ng kasama ni Demi ng lumabas sila ng restaurant matapos ang duty nila. Nakasunod lang sa kanila si Darryl, hindi kasi alam ni Darryl kung paano nya kakausapin si Demi tungkol dito.
Sa pag-lalakd nila Demi at ng kasama nya ay bigla na lang bumulaga sa kanila ang isang lalaki na may hawak ng kutsilyo. Napayakap ang kasama ni Demi sa kaniya habang si Demi naman ay nakikiramdam sa mang-yayari.
Nang-laki naman ang mata ni Darryl sa nakita. Hindi nya alam kung anong gagawin. Bigla syang nataranta, alam nyang kailangan nyang umisip ng paraan para mailigtas sina Demi. Nag-palingonlingon sya sa paligid. Nang makakita sya ng bote ay agad nya iyong dinampot at mabilisang lumapit sa holdaper para hampasin ito pero mukhang makaling ito sa karate dahil sinalag nya ang paparating na bote at hinawi ito tapos ay sinipa niya sa tyan si Darryl.
Napahiga sa lapag si Darryl. "Darryl!"sigaw ni Demi. Lalapit sana si Demi kaso tinutukan sya ng kutsilyo ng holdaper.
"Wag kayong gagalaw! Ibigay nyo na sakin ang gamit nyo para wala ng masaktan!"banta ng lalaki. Pero hindi sumunod si Demi. Galit lang itong tumitig sa lalaki.
Nang makatayo si Darryl ay tinangka nya paring sugurin ang holdaper pero magaling talaga ito dahil nakaiwas ito at nadaplisan sa braso si Darryl ng kotsilyo. "Ah!!"sigaw nito dahil sa sakit. Tapos ay hinatak si Darryl ng holdaper palapit sa kaniya para gawin itong hostage.
Hindi umimik si Demi, sa halip ay inilapag nya ang gamit nya sa sahig at marahang lumapit sa kidnaper habang nakatutok kay Darryl ang kutsilyo. "Wag kang lalapit. Mamamatay 'tong kasama mo!"pero hindi sya pinakikinggan ni Demi.
Napa-sapo sa mata ang lalaki ng may bigla na lang batong tumalsik. Napa-aray sya sa sakit at nabitawan nya si Darryl. Sinadya talagang sipain iyon ni Demi para ma-destruct ang holdaper at hindi nga sya nabigo.
Mabilis nyang hinatak si Darryl pero sya naman ang nahatak ng lalaki. "Demi!"tawag ni Darryl. Pero wala pa mang ilang minuto ay na-knock down na ni Demi ang lalaki. Kung magaling sa karate ang lalaki ay mas magaling si Demi. Binali nya ang kamay nitong may hawak ng kutsilyo tapos ay binalibag nya ito. Sa sobrang sakit halos hindi na makatayo ang lalaki.
Hindi na maikurap ni Darryl ang mata sa nakita. Pakiramdam nya ay nanonood sya ng isang live action movie. Hindi nya akalaing magaling pala sa karate si Demi. Napapahanga sya sa ka-cool-an ni Demi.
Bukod sa pag-ta-trabaho ni Demi bilang waitress sa isang restaurant at ang napaka-cool nitong pakikipag-laban sa holdaper. Ano ano pa kaya ang malalaman ni Darryl sa pag-katao ni Demi?
. . . to be continue
haY naKu atEy,,,, hindi LNg iKaw ang naKmiss,, paTi kAmi tLGa,,,,
ReplyDeletenkkintriga tlga yang c demi. hhahahhaha!!
ReplyDeletemei UD!! na miss ko talaga to.. ang astig ko rito ha! i sooo like it.. napaka mysterious ko.. mafia princess siguro ako kaya marunong ako ng fighting skills.. hahaha!! assumera..
ReplyDeletentwa din aq sau. hhahahha! uu nga bka mafia k! ang gling ee!!
Delete