CHAPTER SEVENTEEN
A/N: Dedicated to Demi .. Nakakatawa yung comment mo sa previous chapter .. cute mo .!! Daughter of Mafia .. hahaha .!! LabyAh .!
_____
INIS lang na nakatingin si Darren kay Dian habang nag-lalakad sila pauwi. Galing sila nun sa rooftop at ngayon nga ay pauwi na sila. Masaya ang mood ni Dian ngayon pero kabaliktaran naman iyon ng kay Darren. Nang lingunin sya ni Dian ay agad nitong napansin ang naka-musangot nyang mukha.
"Ano bang klaseng mukha yan? Mas gwapo ka pag naka-ngiti ka eh. Ngumiti ka."saad ni Dian pero hindi sya nito pinakinggan. Kunot parin ang mukha nito habang nakatitig sa kaniya. "Alam ko na!"lumapit si Dian sa kaniya tapos ay pinilit nyang ngumti si Darren. Pero umiwas si Darren. "Bakit ba? Kanina ka pa wala sa mood? Hindi ka ba masaya na kasama ako?"parang bata nitong tanong. Hindi sumagot si Darren sa halip ay nakatitig lang ito. Bumuntong hininga si Dian at walang ring imik na tumalikod kay Darren.
Nagulat na lang si Dian ng may biglang humatak sa kaniya at saka lang nya na-realized na si Darren pala iyon ng nakayakap na ito ng mahigpit sa kaniya. "Darren?"iyon na lang ang nasabi nya. Wala talagang imik si Darren. Nakayakap lang ito ng mahigpit kay Dian. Ilang minuto silang ganun at ilang saglit pa ay kumawala na si Darren.
Tinitigan nito si Dian habang kwestyonableng mukha naman ang binaling sa kaniya ni Dian. Hindi akam ni Dian kung tama ba ang nakikita nya sa ekspresyon ng mukha ni Darren. Kitang kita nya ang sakit sa mga mata nito na para bang gusto na nitong umiyak sa mga oras na yun pero pinipigilan lang nito. Wala syang idea kung ano bang nang-yayari dito. Napakunot ang ulo nya ng bigla na lang itong nag-walked out papasok sa loob.
"Ano bang nang-yayari sa kaniya?"tanong nya sa sarili.
___
HINDI alam ni Darryl kung paano nya sisimulan ang usapan nila ni Demi, nag-lalakad na sila noon pauwi. Dahil kasi sa nang-yari kanina ay bigla na lang sya nakaramdam ng hiya dito. Sya pa kasi ang iniligtas ni Demi imbes na sya ang mag-ligtas dito. Hiyang hiya tuloy sya ngayon.
"Bakit ang tahimik mo? Kung iniisip mo parin yung kanina okay na. Hindi na yun babalik kaya wag ka nang matakot."basag ni Demi sa katahimikan.
"Hindi! Hindi ako natatakot sa kaniya."agad namang tanggi ni Darryl ng ma-misinterpret ni Demi ang katahimikan nya. "Ang totoo nahihiya lang ako."pag-amin nya sa nahihiya nya ngang boses.
Napangiti naman si Demi. "Bakit ka naman nahihiya? Dahil iniligtas kita?"
"Hu? Ah--"nahihiyang ngumiti at tumango si Darryl. Muling natawa si Demi. "Ang galing mo sa karate. Anak ka ba ng Mafia?"biro nito na lalong ikinatawa ni Demi.
"Bully ako noong preschool ko. Mahilig akong makipag-away sa school namin. Lagi nga akong na-dadala sa Principal eh."pag-amin ni Demi na ikinagulat ni Darryl.
"Talaga? Kababae mong tao bully ka?"hindi ito makapaniwala.
"Oo. Gustong gusto kong may binu-bully, gusto kong laging pumupunta sa Principal's Office. Dahil tuwing pupunta ako dun pinapatawag ng Principal ang mga magulang ko. Pag ganun na ang nang-yayari hindi ko maiwasang matuwa."bakas pa sa mga ngiti nya ang saya.
"Bakit naman? Masaya ka pa na ipinapatawag ng Principal mga magulang mo?"napapailing na lang si Darryl.
"Masaya talaga ako. Dahil naaagaw ko ang atensyon ng mga magulang ko kapag pinapatawag sila ng Principal. Sa ganun lang masaya na ko. Kahit na katakot takot na sermon ang inaabot ko pag uwi namin sa bahay."sa sinabing yun ni Demi ay nakaramdam ng awa si Darryl dito. Habang nakikinig sya sa kwento ito ay may bigla din syang naalala noong kabataan nya. "Pero alam mo ba? Isang araw noon, may mga classmate akong lalaki noong elementary na nakaaway!"biglang naging excited ang tono ng boses nya.
"Talaga?!"ganun din ang naging reaksyon ni Darryl.
"Akala ko noon lahat kaya ko. Pero noong makaharap ko ang mga lalaking yun napataob nila ang bully sa school! Hindi na ko makalaban noon kasi tatlo sila isa lang ako. Akala ko nga katapusan ko na eh! Pero. . ."nilingon nya si Darryl at nginitian. Masaya lang itong nikikinig sa kaniya. ". . . may isang lalaki na dumating at niligtas nya ko dun sa mga classmate ko."
"Wow! Talaga? Ang tapang naman ng lalaking yun!"hangang hanga pa si Darryl sa lalaking sinasabi ni Demi.
Tumango si Demi. "Tama ka. Simula noon hindi na ko ginalaw ng mga classmates ko. Pero nabalitaan ko na lang na ang binalikan pala nila eh yung lalaking nag-ligtas sakin! Nalungkot ako, dahil huli ko na lang nalaman nung lumipat na ng school yung lalaki."bumuntong hininga si Demi. "Nagalit ako, sabi ko pag-hihigatntihan ko sya. Kaya nag-aral ako ng Karate noon para turuan sila ng leksyon!"pag-yayabang pa ni Demi.
Natatawa naman si Darryl sa revelation na iyon ni Demi. "Kaya ka nag-aral ng Karate dahil sa lalaking nag-ligtas sayo?"
"Oo. Bakit?"natatawa ding sabi ni Demi.
"Wala naman. Eh, nakita mo pa ba yung lalaking yun?"pag-kuway tanonbg nito.
Matagal bago nakasagot si Demi, bumugtong hininga ito bago nag-salita. "Oo, nakita ko sya after how many years. Ibang iba na sya. Lalo syang naging gwapo. Ilang beses ko syang nakabangga, nasalubong, nakausap. Pero hindi na nya ko naalala."may halong lungkot ang boses nito ng sabihin iyon.
"Ganun ba? Nakakalungkot naman yun! Kinalimutan nya ang babaeng iniligtas nya noon? Kung ako yun hindi ko kakalimutan ang babaeng yun."wika ni Darryl. Napalingon sa kaniya si Demi.
"Talaga? Bakit naman?"
"Kasi kailangan ko syang singilin sa pag-sasakripisyo ko sa kaniya."biro nito na ikinatawa ni Demi. "Teka nga pala! Bakit nag-ta-trabaho ka sa restaurant? Sabi mo kanina may business ang pamilya nyo?"pag-iiba ni Darryl sa usapan.
"Ah--yun ba? Isang beses kasi may isang kaibigan na nag-sabi sakin na wala daw akong silbi sa lipunan! Para lang daw ako halaman na nag-hihintay ng pataba galing sa mga magulang ko. Nasaktan ang ego ko nun, gusto kong patunayan sa kaniya na kahit wala ang tulong ng mga magulang ko kaya kong mabuhay mag-isa. Kaya ayun, nag-trabaho ako. Masaya ako dahil hindi ko na ginagastos yung mga perang pinapadala ng mga magulang ko. Dahil kumikita na ako ng sarili ko."proud nyang sabi.
Inaamin ni Darryl, hindi nya maiwasang humanga sa klase ng pag-katao meron si Demi. Isa itong matapang at malakas ang loob na babae. Na para bang kahit anong pag-subok pa ang dumaan sa buhay nito ay kakayanin nito kahit na mag-isa lang ito. At hinahangaan ni Darryl ang ganung klase ng ugali.
"Kahangahanga ka."saad ni Darryl. Natigilan naman si Demi ngunit naka-recover din ito agad at ngumiti.
"Salamat."
SA SARAP ng kwentuhan nila ay hindi na nila napansin na nasa tapat na sila ng bahay ni Demi. "Nan dito ka na pala?"wika ni Darryl.
"Salamat sa pag-hatid mo."
"Welcome."ilang saglit pa ay pumasok na sa loob si Demi.
Habang nag-lalakad si Darryl pauwi ay inaalala nya ang bawat napag-kwentuhan nila ni Demi kanina sa daan. Bigla nya nanaman naalala ang kabataan nya. Nakaranas din sya ng parehong kwento ni Demi. May tinulungan lang sya noong isang babae pero sa halip na mapabuti ay napasama pa dahil sya ang napag-balingan ng mga bully. Dahil sa ayaw syang tigilan ng mga ito ay napilitan syang ilipat ng mga magulang nya sa ibang school para mailayo sa gulo. Ayaw man nya noong lumipat dahil concern sya sa babaeng tinulungan nya na baka balikan pa ito ulit ng mga bully pero wala na syang nagawa dahil inutos din ng lolo nya yun.
Sa pag-iisip nya ay bigla syang natigilan at napalingon sa pinanggalingan nya na may kwestyonableng mukha. "DaYoung?"tanong nya sa sarili. "Sya si DaYoung? Sya ang babaeng tinulungan ko noon! At ako ang lalaking tinutukoy nya sa kwento nya!"unti unting lumiliwanag sa kanya ang lahat. Halos hindi sya makapaniwala sa na-realized nya ngayon ngayon lang. Hindi nya akalain na nag-kakilala na sila ni Demi noon. Pag-kakataon nga naman.
___
RAMDAM parin ni Dian ang higpit ng yakap ni Darren kanina. Hindi na maintindihan ang sarili nya. Para kasi syang kinikilig sa tuwing naiisip nya ito. Pero pag naalala nya ang mukha ni Darren kanina ay hindi rin nya maiwasang mag-taka.
"Ano kayang problema ni Darren? Bakit ganun yung expression ng mukha nya?"naupos sya sa kama nya, ilang minuto pa ay humiga na sya. Nasa isip parin nya ang istura ni Darren. Ano nga kaya talaga ang problema ni Darren at ganun nya na lang yakapin at tingnan si Dian?
aNg sWeetNess oVerLoad to d mAx,,, hWaheHE,,,
ReplyDeletegrabe!!! dedicated to sakin!! salamat nman.. funny ba talaga yung sinabi ko?haha!..
ReplyDeletewuaahh!! kilig mats!! kinausap ako ni darryl mylabs!! ang sweet!!
kilig so much!!!
ReplyDeleteme likey soo~ very much!!!
유+웃=❤