CHAPTER EIGHTEEN
MAAGANG nagising si Dian dahil naisipan nyang lutuan ng almusal sina Darren at Darryl. Simula kasi ng lumipat ang mga ito sa apartment nya ay hindi pa nya nalulutuan ang mga ito ng almusal. Kaya naman ganado sya ngayon. Matapos nyang lutuin ang sausage at itlog ay saglit syang lumabas para bumili ng tinapay.
Sa pag-balik nya ay naabutan nyang gising na si Darren. "Oh! Darren. Gising ka na pala! Nag-luto ako nang almusal para sa inyo ni Darryl. Kain ka na!"hinatak nya si Darren sa hapag tapos ay kumuha sya ng plato at nilagyan nya iyon ng sausage at ilog maging ng tinapay bago inilapag sa harapan ni Darren. Kumuha din sya ng juice sa refrigerator para dito. Ilang saglit pa ay nagsalita si Darren na ikinatigil ni Dian.
"Dian, gusto mo ba ko?"seryosong tanong ni Darren. Hindi agad nakasagot si Dian. Talagang nabigla ito sa narinig.
"Da-Darren---"nauutal sa wika ni Dian. Sumingit naman ulit si Darren.
"Oo, hindi lang ang sagot. Uulitin ko, Gusto mo ba ako?"seryoso parin ang mukha nito.
"Darren naman~"nakatitig lang si Darren sa kaniya. Hinihintay nito ang isasagot nya. Napabuntong hininga muna sya bago nag-salita. "Gu-gusto kita--Bilang kaibigan."
Okay na sana para kay Darren kaso lang ay dinugtungan naman ni Dian. Halatang nasaktan ito sa nalaman at nabigyan pa nito ng ibang kahulugan ang sinabi ni Dian. "So, hindi mo ko gusto."pag-kasabi nun ay tumayo na si Darren na hindi man lang nagagalaw ang pag-kain nito.
"San ka pupunta?"tawag ni Dian pero sa halip na sumagot ay tiningnan lang sya ni Darren saka tuluyang umalis. Napasapo na lang tuloy sa nuo si Dian. "Hay! Ano bang nasabi ko?"
Nasalubong naman ni Darren si Darryl ng lumabas ito galing kusina. Mukhang narinig nito ang usapan nila ni Dian. Nag-titigan silang dalawa na akala mo ay nag-uusap sila sa isip. Si Darren ang unang bumawi ng titig at dumiretso ito palabas. Sinundan lang sya ng tingin ni Darryl.
Naabutan ni Darryl na problemado si Dian ng pumasok sya sa kusina. Nang makita sya nito ay agad nitong binago ang expression ng mukha nito sa masaya. "Darryl!"bati nito.
Natawa na lang tuloy si Darryl sa sudden change of mood ni Dian. Pero may part parin sa kaniya na nasasaktan sya dahil halata naman kay Dian na hindi yun ang gusto nitong sabihin kanina.
"Kung nalulungkot ka dahil nag-kamali ka, hindi mo naman kailangang itago sakin eh."naupo ito sa hapag habang sinasabi yun.
"H-hu?"hindi naman agad na-gets ni Dian ang punto nya.
"Wala. Kumain na lang tayo."kumuha ng plato si Darryl. Nilagyan nya ito ng sausage at tinapay saka inabot kay Dian.
Nakangiti naman itong tinanggap ni Dian. "Salamat."
______
NAROON na si Demi sa coffee shop ng dumating si Darryl. Mukhang kanina pa ito dahil halos malamig na ang kape nito at nanga-ngalahati na. Nakaramdam naman tuloy ng guilty si Darryl.
Sya kasi ang nag-imbita dito kanina ng maki-text sya kay Dian pero sya pa ang late ngayon. Nahihiya tuloy sya ng lumapit. Sinalubong sya ng ngiti Demi, nahihiyang ngiti naman ang ginanti nya dito.
"Pasensya ka na hu? Na-late ako."saad ni Darryl ng maupo ito.
"Okay lang. May problema ka kaya mo ba ako gustong makita ngayon?"yun agad ang bungad ni Demi at mukhang tama naman sya sa hula.
"Hu? Ah--"natawa sya ng pilit. Pero bago pa man sya mag-salita ay tumayo na si Demi at hinatak sya. "Sa--san tayo pupunta?"
"Masarap pag-usapan ang problema pag magaan na ang pakiramdam mo. Mag-libang muna tayo."yaya nito.
Dinala ni Demi si Darryl sa isang Tennis Court kung saan madalas mag-laro si Demi. Sumilay naman ang excitement sa mukha ni Darryl.
"Nag-lalaro ka pala ng Tennis?"gulat na tanong ni Darryl kay Demi.
Napangiti si Demi bago sumagot. "Oo. Simula nung malaman ko na nag-lalaro ng Tennis yung batang nai-kwento ko sayo."
Saglit na hindi nag-salita si Darryl. Nakatitig lang ito kay Demi na may pag-hanga. Doon lang nya na-realized na half of Demi's life ay tungkol lahat sa kaniya at naisip nyang kailangan nyang makabawi dito.
Na-touch sya sa mga ginawa nito para sa kaniya. Kaya naman lumapit sya dito ay hinawakan ng mahigpit ang mga kamay nito. Kwestyonable namang napatingin sa kaniya si Demi. Ngumiti si Darryl.
"DaYoung. Yan ang pangalan mo nun nang maging classmate tayo nung elementary nung nasa Korea ka pa diba? Hinding hindi kita makakalimutan. Dahil ikaw ang kauna unahang babaeng niligtas ko."saad ni Darryl.
Hindi naman makapag-salita si Demi. Nakangiti lang ito kay Darryl habang nag-gigilid ang mga luha nito. Masaya ito dahil sa wakas ay naalala na ito ni Darryl. Walang katumbas ang sayang nararamdaman nito ngayon.
______
PALABAS na sana ng kwarto si Dian ng marinig nyang may kausap sa cellphone si Darren sa salas.
"Sunduin mo ko dito bukas Mr. Kang. Naayos ko na rin naman lahat. Wag mong kalimutan yung ticket ko papuntang London. Di-diretso na ko dun pag-tapos kong makita sina mama, papa at lolo. Okay. Salamat."
Hindi makapaniwala si Dian sa narinig. Aalis na si Darren? Bakit hindi man lang ito nag-papaalam sa kaniya? Alam na kaya ito ni Darryl?
Madali syang lumabas ng kwarto upang puntahan si Darren at tanungin ito. "Aalis ka na?"
Bahagyang nagulat si Darren sa kaniya pero hindi rin sya nito sinagot sa halip ay tumalikod ito at akma na sanag papasok sa kwarto nang muling magsalita si Dian. "Alam na ba 'to ni Darryl? Bakit hindi mo man lang sinabi sakin?"muli syang hinarap ni Darren pero this time ay galit ang mukha nito.
"Sino ka ba para sabihin ko pa sayo kung aalis ako o hindi?"
Nasaktan mana si Dian sa sinabi ni Darren. Sa sakit ay hindi na nito napigilang tumulo ang mga luha. Parang bigla tuloy itong natauhan kung saan ito dapat na lumugar. Napayuko na lang tuloy ito at pilit na napangiti ng punasan nito ang mga luha.
"Pasensya na."mahinang saad ni Dian. "I-ingat ka na lang bukas."saka ito umalis sa harapan ni Darren na hindi man lang tumitingin.
Kung nasaktan si Dian sa narinig ay mas nasaktan naman si Darren sa nagawa nya. Napaiyak nya si Dian kaya tuloy inis na inis sya sa sarili kulang na lang ay iumpog nya ang ulo sa pader.
Pag-pasok sa loob ay naisuntok ni Darren ang kamao sa pader. Samantalang pigil na pigil naman ang pag-iyak ni Dian ng makapasok ito sa kwarto.
Ewan nya kung bakit sobrang nasaktan sya sa sinabi ni Darren. At isa pang kinasasakit ng puso nya ay ang nalaman nyang pag-alis nito. Hindi nya alam pero may parte sa utak nya na nag-sasabing ayaw nyang umalis si Darren.
. . . to be continued
don't let go of each other... waaah!!! kka-hurt nmn!!!!
ReplyDeletelapit na ending sana wag din kau mag-let go .. hehe ..
ReplyDeleteso i know how to play tennis too?? waah!! meant to be talaga kami ni darryl!! haha..
ReplyDeleteawwhh.. nakakalungkot nman.. malapit na pa lang matapos..