Wednesday, October 10, 2012

Blooming of Our Music: Chapter 6



CHAPTER SIX



     PALABAS ng office nya si JiSu ng masalubong nyang papasok naman si SeChang. Pareho pa silang nakagulatan na dalawa.





     "Hay! Ano ka ba! Matuto ka ngang kumatok!"inis pa nitong saad kay SeChang.





     "Kakatok naman ako kaso bigla mong binuksan."wika nito. "Nga pala alam mo ba kung nasaan si Mino?"





     "Yan din nga ang itatanong ko sayo eh."kunot nuong sabi ni JiSu halatang kanina pa nga nyan hinahanap si Mino. "Hindi ba sya pumasok sa klase nyo?"





     "Hindi eh. Wala ba syang cellphone? May sasabihin kasi ako sa kaniya eh."inilabas ni SeChang ang cellphone nya para kuhain ang number ni Mino.





     "Hindi uso kay Mino ang Cellphone. Sya na nga lang ang taong nabubuhay sa mundo na walang cellphone eh."





     Napabuntong hininga na lang si SeChang. "Teka, bakit mo nga ba sya hinahanap?"pag-kuway tanong ni JiSu.





     "Nagustuhan kasi ni Ms. Cho ang rap nya kaya baka isa sya sa mapipiling maging member kasam mo."





     Nagulat naman si JiSu sa narinig. "Totoo ba yang sinasabi mo? Kaya pala pinapatawag kami sa JYM! Naku! Ang swerte naman! Teka---ibig sabihin ba nun hindi na kami mag-au-audition?"





     Nakangiting tumango si SeChang. "Parang ganun na nga."





     "Pano naman nakuha si Mino? Ang sabi nya wala syang balak na mag-audition."napaisip tuloy si JiSu at napakamot sa ulo.





     "Galing ako sa bahay nyo nung sabado. Sabi ni Mrs. Lee dun ko na daw hintayin si Mino sa kwarto nya. Nung buksan ko yung cassette nya dun ko narinig yung record nya ng sarili nyang boses. Kaya kinuha ko. Maganda naman ang naidulot ng pag-nanakaw kong yun."nahihiya pa itong tumawa.





     "Walang hiya ka! Nag-nanakaw ka pa sa loob ng bahay namin!"mabilis namang sinalag ni SeChang ang amba ni JiSu sa kanya. "Pero maganda nga yang ginawa mo. Manghihinayang talaga ako kapag pinalampas ni Mino ang ganung bagay. Bata pa lang naman pag-kanta lalo na ang pag-rap na talaga ang pangarap nya. Kung hindi nga lang dahil sa ginawa ng ama nya na naging dahilan ng pag-kamatay ng ina nya eh sana ngayon isa ng sikat at magaling na singer/rapper si Mino. Hay~ pag naalala ko yun nang-hihinayang talaga ako."namaywang pa ito habang inaalala ang nakaraan.





     "Ano bang ibig mong sabihin?"kwestyonable ang mukha ni SeChang ng lingunin sya ni JiSu.





     Napakagat naman sa labi si JiSu. "Wala, wag mo na isipin yun."tinapiktapik nya si SeChang sa balikat saka muling pumasok sa loob ng office nya. Napakamot na lang tuloy sa ulo si SeChang.





     




     HABANG nag-lalakad sya sa corridor ay nasa isip parin nya ang hindi nya maintindihan na sinabi ni JiSu kanina tungkol sa mga magulang ni Mino. Sa hagdan ay nasalubong nya si Mino na naka-uniform lang na white habang bitbit nito ang coat nito.




     "Oh! Mino! Kanina pa kita hinahanap! San ka ba galing?"nag-tataka syang tiningnan ni Mino. Napansin naman ni SeChang na may basa sa uniform ni Mino kaya napasilip sya sa labas.





     "Naulan ba sa labas? Bakit basa uniform mo?"kunot nuong tanong nito.





     "Wala ka na dun! Bakit mo nanaman ako hinahanap? Ano nanamang kailangan mo?"masungit na saad ni Mino sa kaniya.




     "Wag ka sana magagalit hu?"pauna na ni SeChang dahil alam na nyang katutaktutak na galit nanaman ang isasalubong sa kaniya ni Mino once na malaman nito ang ginawa nya.





     "Lalo akong magagalit kung binibitin mo ko!"tumataas na ang boses ni Mino.





     "Easy! Baka ikaw ang isa sa piliin para maging member ng bagong grupo ng JYM."maingat pa si SeChang sa bawat salitang sinasabi nya.





     Takot nyang tiningnan si Mino. Hinihintay nyang suntukin sya nito o kaya naman ay sipain pero wala man lang itong naging reaction. Nakatitig lang 'to kay SeChang. 




     "Hi-hindi mo ba ko susuntukin?"ito na ang nag-tanong kay Mino. Pero sa halip na makipag-away ay nag-walked out na lang si Mino. Napakamot tuloy sa ulo si SeChang. "Anong nang-yari sa kaniya? Naulanan yata siguro sya."nag-tataka nitong tanong sa sarili.














_______


     HANGGANG ngayon ay nasa soccer field parin si Nicole. Iniisip parin nya ang mga ginawa ni Mino. Hindi nya maiwasang kiligin, alam nyang mali pero sino ba namang babae ang hindi kikiligin sa ganun?





     Napabuntong hininga na lang tuloy sya. Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone nya. Tawag iyon mula kay Yua. "Hello? Yua?"pinipit nyang lagyan ng buhay ang tono ng boses nya pero nahalata parin yun ni Yua.





     "Okay ka lang ba? Bakit hindi ka pumasok?"alalang tanong ni Yua.





     "Okay lang ako."pag-sisinungaling nya kahit ang totoo ay hindi naman talaga sya okay. "Sumakit lang kasi ulo ko kaya hindi na ko nakapasok. Pero wag ka na mag-alala okay na ko ngayon. Bukas makakapasok na rin ako."dahilan nya.





     "Sigurado ka?"





     "Oo naman. Bakit ka nga pala napatawag?"





     "Wala naman. Nag-alala lang kasi ako sayo."





     "Okay na ko. Don't worry."





     "Buti naman. Sige, tatawag na lang ulit ako mamaya. Kailangan ko kasi pumunta ng JYM ngayon para sa bagong endorsement. Tatawagan na lang kita mamaya. Bye."





     "I Lo---"bago pa man sabihin ni Nicole ang salitang I Love You ay naputol na ang linya ng cellphone. Napabuntong hininga na lang tuloy ulit sya.











_______


     HINDI makatulog si Mino kinagabihan. Nasa isip nya kasi ang mga sinabi ni SeChang kanina. Magiging isa sya sa member ng grupong bubuuhin ng JYM. Naalala nya tuloy ang sabi sa kanya ng ina nya noon.





     "Mino. Gusto ko mapasali ka sa isang napakagaling at talented na idol group balang araw."nakangiting saad ni Yuri habang yakap nya ang walong taong gulang na si Mino





     "Syempre naman mama! Sisiguraduhin kong hahanga sila sa galing ko! Lalo na sa pagra-rap ko! Ipapakita ko sa kanila kung gano ako ka-astig! Pangako yan mama!"saad ni Mino habang may mga actions pa ang galaw nito. Natawa naman sa kaniya si Yuri.





     "Gagayahin ko si papa! Diba sabi mo magaling na singer si papa? Kaya gagayahin ko sya!"kita sa mga mata ni Mino ang matinding pag-hanga sa ama.





     "Tama ka. Isa nga syang magaling na singer."wika naman ni Yuri. "Kaya dapat galingan mo rin. Gusto kong makilala ka sa mundo na isang magaling na singer tulad ng papa mo."dugtong pa nito.





     MARIING napapikit si Mino kasabay nun ay ang pag-tulo ng mga luha nya. "Maging katulad nya?"napangisi sya, "Ayaw ko maging katulad nya. Dahil lalampasan ko sya. Sila."mariing bulong nya sa sarili.









_______


     NAPAHITO si Nicole ng may masalubong syang isang babaeng umiiyak ng paliko na sana sya papuntang room nila. Napakunot ang nuo nya saka nilingon ang pinanggalingan ng babaeng. Nakita nya si Mino na may hawak na maliit na box. Hula ni Nicole ay may nag-confessed nanaman kay Mino at tinanggihan nanaman nito iyon.





     Tiningnan lang sya ni Mino ng dumaan ito sa harapan nya. "Bakit ba ang hilig mo mang-busted ng babae?"biglang tanong ni Nicole. Napahinto tuloy si Mino at napaharap sa kaniya. 





     Ilang segundo syang tinitigan ni Mino, nakaramdam tuloy sya ng ilang. Maya maya ay biglang nag-salita si Mino. "Gusto kita."saad nito sa napaka-seryosong mukha.





     Pakiramdam ni Nicole ay aatakihin sya sa puso ng marinig yun. Hindi nya alam kung ano ang gagawin at sasabihin nya kay Mino. Biglang bumilis ang tibok ng puso nya at parang mahihimatay sya ano mang oras.





     "Yan ang kadalasang naririnig ko tuwing may babaeng lalapit sakin at mag-co-confess ng nararamdaman nila."dugtong ni Mino sa una nyang sinabi. Parang bigla namang gumuho ang mundo ni Nicole sa narinig. Akala pa naman nya ay para sa kaniya ang salitang yun. "Alam ko seryoso sila sa mga sinasabi nila. Kaya nga masasaktan lang sila kung sasabihin kong gusto ko rin sila kahit naman alam kong hindi."wika ni Mino. Hindi naman umiimik si Nicole. Disappointed kasi sya. "Mas masakit ang umasa kesa ma-busted."sabi ni Mino ng ilapit nya ang mukha nya kay Nicole.





     Wala paring kibo si Nicole napakunot tuloy ang nuo ni Mino. Nakatitig lang kasi ng masama sa kaniya si Nicole. Nang si Mino naman ang nakaramdam ng ilang ay bigla nyang pinitik sa nuo si Nicole.





     "Ahh!"sigaw niya. Sinamantala naman ni Mino ang pag-buka ng bibig Nicole dahil mabilis syang sinubuan ni Mino ng chocolate sa bibig. Kamuntik na tuloy syang mabulunan.





     Umakyat hanggang ulo ang dugo nya sa inis. Sasampalin sana nya si Mino pero ng makita nya itong halos mamatay na sa kakatawa ay natigilan sya. Dahil sa pag-kakataong yun ay ibang Mino nanaman ang nakita nya.





     Napansin nyang napakaganda pala ng mata nito kung nakatawa. Maging sya tuloy ay nahawa na sa tawa nito. Sa bawat araw ay naso-sorpresa sya ng mga ipinapakita ni Mino sa kanya kaya tuloy hindi nya maiwasang manabik sa mga susunod pang pwedeng mang-yari.









. . . to be continued

2 comments:

  1. mBbaLiw na yTa aq s cHaPter na iTo,,, hWaHehe kSi nMaN nahuHurT aq saAmiN ni yUa,,, hiNdi pa aq nKpaG i LUv u s kANya,,,

    tPos iTong c miNo nGsaBi na ng gUstO kTa tapOs hiNdi nmN pLa tLGa naGKocOnfEss,,, pErO pwEde ng cOunted aS indiReCt cOnfeSsiOn uN,,,, wAahhh,, kBaLiw,,,

    ReplyDelete
  2. asjsjcucucjdkkei!! leshe k mino! kkilig! ahhahahahhaa!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^