Chapter VI: the Grimoire Spell Book
“Ano
ba, ha? Bulag ka ba???” sigaw sa akin ng duwende na nasa nuno ng punso di joke
lang. ito po kasi ang nangyari kanina. Naglalakad lang ako patungo sa gate ano
kasi meron kaming field trip at alam niyo naman kapag field trip di ba? punta
sa amusement park! Di joke lang uli... pupunta kami sa Zephian World gamit ang
BUS kaya nga excited ako eh dahil for the first time masisilayan na ng aking
mata hahaha nababasa ko lang sa aklat ang tungkol sa mundo ng zephian world
nandoon daw ang lahat nakatira ang mga iba’t ibang races. And because my mind
was blank ay nabangga ko itong inano!
“He he he he sorry bata!”
“Anong
bata peste kang babae ka! Hindi ako bata! Alam mo ba na 60 years old na ako?!
walang galang! Lapastangan!”
Inulanan ako ng mura ng ng inanong ito. shet! Sakit sa
tainga!!
Dahil hindi naman ako kagaya ng iba na alam niyo na goody
goody na tao ay hinawakan ko yung likod ng kwelyo niya then I lift him away
from the ground. Wow! English mag-cheese burger tayo! Sensiya naman men naiinis
kasi ako sa pandak na ito kasi naman kita naman niya mas matangkad ako sakanya
dapat ay siya na yung tumabi dahil di ko naman siya makita dadagan pa na may
iniisip ako. oo meron, tungkol po yun sa nangyari two days ago. Bakit kaya
gusto ni Hackette na walang makakaalam tungkol doon?
“Walang
galang! Isa kang malaking kahihiyan sa NEWTAR! Walang respeto! Bitiwan mo
ako!!”
“Yeah right, matagal na akong kahihiyan
sa race naman kaya wag mo ng ulitin.”
Hindi naman siya mabigat pero nangangawit na yung
kamay ko kasi naman hawak ko lang yung likod ng kwelyo niya `no kaya binaba
ko na siya.
“Hindi
na ako magtataka sa ganyan asal mo? ha!”
Napasimangot ako kahit na 60 years old na siya kung
umasta siya parang nasa ten years old pa! alam ko ako na ang walang magic kung
meron man kunti lang hindi ko nga alam kung anong specialty ko eh. Ah meron pala
sports, sayaw at kanta lang naman ako.
“BOOO!”
“Ay anak ng kabayo na walang paa!!!” napalundag
ako sa gulat. Nang lumingon ako si Ianthe yun at tumatawa.
“hahahhaa magugulatin ka pala
hahahhahaha!”
“IANTHE!!!” tawag ko
sakanya. Sa mga meron ng memory gap ay tandaan niyo siya ang kaibigan ko.
Ianthe Oonjel wag niyo kalimutan ha?
Nameywang ako tapos humarap sa kanya. Tinaas ko yung
dalawang kamay tapos kinurot yung magkabilang pisngi.
“ARAAAYYYYYY!!!!!!!!”
“Iyan. Dapat kasi hindi ka nanggugulat
ng tao.”
“hehehehe shoorrryy...” binitiwan
ko na ang pisngi niya.
“Uwaa... sweet naman nila!” May narinig kami tapos nagkatinginan kami tapos
napangiwi at nandidiri sa isa. Sweet in your face!
“EWWW...” sabay namin
tapos tumatakbo na patungo sa BUS.
Nang makarating kami ay pumasok na
agad kami sa bus at umupo sa pinakalikod.
“uy... wistar wala ka
bang plano magsuot ng pambabae na uniform???”
“Wala.”
“Hmm... okay ah nga
pala nagpadala yung dad ko ng candies J share tayo.”
Ops... speaking of that. Bigla na
lang gumalaw galaw yung bag ko na ipinagtaka ni Ianthe.
*BANG BONG BONG*
Sensiya na sa low effect XD
“Can~vey!!!” kung tuturuan ko siya magsalita ay baka
ma-pronounce na niya ang ang mga salita but since she’s still a baby iyan lang
ang masasabi niya. Mommy niya ako tas siya ay baby ko bwahahaha! At ama niya si
Hackette J di joke lang.
“Anong ingay iyon?” hindi nga pala
niya alam ang tungkol kay fameh pwera sa pink ball niya. Dahil nga sa takot
niya sa alam niyo na yung nagtangkang pumatay sa akin ay nagtago ito sa cabenit
at hindi lumabas ng ilang araw nang bigyan ko siya ng candy ay lumabas na ito
at nawala na siguro ang trauma niya.
“Ah si fameh.” Sagot ko.
“Fameh who?”
“My familiar spirit.” Nose bleed
po ako sa sinabi ko. T_T english paka kasi ako. binuksan ko yung bag ko tas
nilabas siya.
“Kawaii! It’s so cute
but wait, how come this cute creature became your familiar spirit? Did you
dismiss the pink ball and summon another familiar spirit?”
Oh by the way kawaii is a japaneses
term which mean is cute.
Tinakpan ko yung ilong ko. “nose
bleed ako. wag english. Hehehe joke lang pero hindi ah. Siya yung pink
ball tsaka hindi ko pa namamaster ang
paggawa ng circle.”
“Aww you should master
it, wistar.”
“Alam ko naman eh.”
“Sigurado ako na
matutuwa si Ore pagbalik natin meron na siyang makakalaro.”
Si Ore ay ang familiar spirit niya
na may pagkahawig sa manta ray ang kaibahan lang ay si Ore ay nakakahinga sa
lupa at tubig at lumilipad siya. para siyang nasa pokemon.
“fameh really look a
lot like Yvonne’s familiar spirit.” Totoo ang
sinabi niya meron ngang pagkahawig. “The difference
is the color of the furr at hindi nagsasalita ng can-vey yung kay Yvonne.”
“Hmp. Mas cute pa si
Fameh kesa niyon `no.”
Mag-uusap kami mga kalahating oras
tapos ang lahat ng studyante ay nandun na at ang guro ay nasa harap na at
malapit sa driver.
“Is everyone here?” binilang
niya kaming lahat. “Okay. We’re all here but before
we leave this school and go to the Zephian world please I would like to remind
you pupunta lang tayo doon dahil mag-to-tour tayo doon sa Fleurdon Museum.” -_-
ang dahilan na pupunta kami doon para makita namin ang chechevulerke tungkol sa
mga ancestor ah basta yung history at pano naging mapayapa at namumuhay ang mga
kagaya namin kahit na iba ang lahi namin. “at
pagkatapos namin kayo e-tour ay bibigyan namin kayo ng pagkakataon na
ma-explore ang lugar dahil I know some of you ay hind pa nakakapunta doon. I’ll
distribute the map incase that you’ll lost pagsapit ng 5:30 ng hapon please
lang bumalik na kayo sa meeting place mamaya na namin sasabihin sa inyo ang
meeting place dahil pag-uusapan pa namin ng ibang guro kung saan tayo
magkikita.” Inisa-isa niya binigay yung map. Marami pa siyang sinabi blah blah inaantok
ako sa pinagsasabi niya.
Pagkatapos niyon ay pinaandar na ang
sasakyan. Parang normal lang na field trip ito pero sa totoo lang pero ang
kaibahan lang ay dumadaan kami sa maliit na iskinita na pinagtaka ko kung pano
nagkasiya ang bus na gaya nito.
Dalawang oras din yun at ngayon
nandito na kami este hindi pala nandito kami sa gubat at lahat ng estudyante sa
bus ay nagsilabasan. Teka ito na ba ang zephian world? Eh!? Lumabas na kami sa
bus tapos yung isang bus na black ang kulay ay lumabas doon si Hackette. Our
eyes met...
( ;-.-) ----------- (- )
Pero di naman yun nagtagal. Umalis
na din ito at sumunod sa principal. Oo principal ang pinakabatang principal na
gwapo! Pero siyempre di naman ako pumapatol sa mga late twenties na `no kahit
sabihin na gwapo hahaha.
Doon kami sa forest trail naglakad
tapos ay pumasok kami sa liblib tapos tumigil kaming lahat sa harap ng bunganga
ng kweba.
Bakit dito kami tumigil? Sorry naman
men di ko talaga alam eh. Hindi ko naman matanong si Ianthe dahil daw pareho
kami first namin na makakapunta sa lugar na iyon. Pagktapos mag-usap ng mga
guro ay sinabi nila na pumasok na daw kami. Pagpasok namin ay madililm pa pero
di rin yun nagtagal dahil nadaanan namin ang kakaibang malaking mushroom na may
parang nakasabit na umiilaw na puti tapos yung mushroom naman ay umiilaw ng
violet, blue.
WOW! The place is magical. Ngayon
palang ay na amaze ako how much more sa zephian world. Habang nililibot ko yung
tingin ko pagtingin ko sa gilid ay may nakita akong palapit na isang matandang
babae na naka-hood. Bigla niyang hinablot yung kamay ko tapos nagtaas ng
tingin. Natakot ako.dahil nga kulubot na yung mukha niya. May malaking nonal sa
gilid ng ilong tapos yung mata niya ay puti.
“Eckk!!”
“malapit na...” hindi pa
rin niya binibitawan yung kamay ko. When I look around ay nanlaki ang mga mata
ko dahil wala ang mga kaklase ko. kami na lang dalawa ang naririto.
“B-bitiwan niyo po
yung ka-kamay ko.” pakiusap. Waaahhh I’m so scared.
“Huwag kang pumunta sa
Gargon lake...”
“Ano bang pinagsasabi
mo?” wag daw ako pupunta sa gargon what? hindi ko nga alam kung saan yun eh.
“wag ka din makipaglapit
sa isang lalaki. Dahil sa kanya magbabago ang buhay mo.” binitiwan
niya yung kamay ko. Luamyo siya sa akin. “huwag...
sundan mo ang aking payo sayo.” Nalilito pa din ako sa mga sinasabi
niya. Tapos ng umatras ito patungo sa kadiliman.
“T-teka!” pero nawala
na agad siya.
“Oi Wistar.” Boses yun
ni Ianthe.
“ha?” nilingon ko sa likod.
“ha ka diyan hali ka
na tingna mo oh malapit na tayo sa lagusan.” Turo niya. Teka pano—
“Ianthe, nakita mo ba
yung matanda?”
“ha?” gumuhit sa
mukha niya ang pagtataka. “matanda?”
“Oo nandiyan siya
kanina o tapos nawala siya sabi pa nga niya wag daw ako pumunta sa gargon lake
tapos meron daw lalaki na makapagbago sa buhay ko.”
Napapailing ito. “naku wistar gutom
ka ata eh. Wala naman akong nakitang matanda baka naman nag-day dream ka lang
diyan.” Hinila niya ako tapos lumabas na sa kweba. Pero impossible... tiningnan
ko ang kamay ko kung saan hinawakan ng matanda may marka pa nga eh. Namumula
pa. weird.
Paglabas namin sa kweba ay namangha
ako. magandang tanawin. Nasa mataas na lugar kami tapos nakikita ko ang gubat
tapos may isang parte na meron mga building at ano ano pa. doon siguro ang
distensiyon namin.
“What you saw earlier
might be the oracle.” Si Hackette yun tapos nilagpasan lang niya kami. Pano
niya nasabi yun? teka narinig ba niya ang sinabi ko?
~LATER~
Nang makarating na kami sa
distenasiyon namin ay pumunta kami sa museum. Engross naman ako sa mga kwento
ng tour guide namin tungkol sa history. Pagkatapos namin ay tinupad nga ng guro
namin yung sinabi niya na pwede kami maglibot dito. Waah love this place na!
yung malaking barko ay lumilipad sa kalangitan tapos parang may silver dust na
lumalabas sa ilalim.. marami din mga merchant nandito nagbebenta ng mga kung
ano ano.. gaya ng herb, tela, pagkain.. at iba pa.
Tapos may mga naglalakihan na
bubbles sa loob ng bubbles ay maliit na clouds.
May nakita akong skater na
naka-display maganda sana kaso kunti lang ang dala ko pera tsaka sigurado ako
na mahal iyan kasi nakasulat eh na latest model daw. T^T I want one.
Kasama ko nga pala si Ianthe at
si... Yvonne.. napasimangot ako. kasi naman sabi ng professor namin na
mag-group daw kami tas sila ang pumili. Iniwan sa bus si Fameh dahil nga
natutulog siya.
“Oy punta tayo sa book
shop may bibilhin akong libro tas punta din tayo sa flowershop bibili din ako
ng seeds.” Dami pa niyang sinabi. Pansin ko lang hindi man lang
niya binanggit na mag-shoping ganun >.> kala ko pa naman ay gaya siya ng
ibang babae na mahilig sa ganoon.
“Oh sige pero mamaya
na, Yvonne, bili muna tayo ng candy.”
“Eh? Candy??? Hindi ka
na bata para kumain ng candy Ianthe.” Humaba yung nguso ni Yvonne. Hindi na lang kami nagsalita.
Patingin-tingin ako sa paligid
nakita ko yung isang batang babae na tila ba nagbebenta ng kung ano.
“bili ka po. Kailangan kailangan ko lang po talaga
eh.” Naawa ako sakanya kasi naman ang dungis niya.
“Teka lang ha?
Pupuntahan ko yung bata may bibilhin lang.” Tumango lang sila.
“Anong benibenta mo,
bata?” Lumapit ako sa bata. Marumi ang damit niya.
Sleeveless at mahabang palda.
“hikaw po.” Sagot niya.
“talaga? patingin.” >.>
sa totoo lang hindi naman ako interesado sa kwentas eh pero naawa ako sa bata
kasi wala naman bumibili sakanya.
“Heto po oh. Nakita ko po ito sa ilog kaso wala siyang
pares pero maganda naman po siya.” Nilabas niya sa bulsa yung hikaw
tapos halatang mamahalin yun.
“Magkano ba i-iyan?”
“Ito po? 400 penya.”
“penya? Naku wala
akong dalang pinya dito wala naman nagbebenta ng prutas na ganun dito eh.”
“Hindi po prutas. PENYA pera po yun yung tawag namin.”
Penya? Aish! Wala ako niyon oh great
wistar! Napakabait mo kahit ikaw ni sintemo na penya wala ka! Dahil piso lang
ang nasa akin!
“pero mukhang hindi ka nakatira dito. Ngayon lang kita
nakita dito eh. Pero kung wala kang pera bigyan mo na lang ako ng makakain.
Gutom na po kasi ako eh.”
Pagkain? Meron akong candy dito na
bigay ni Ianthe na hindi ko naubos.
“Eh kaso candy lang
nasa akin eh.”
“Okay lang po yun.” nilahad niya yung kamay.
Nilabas ko yung ehem! 15 pcs na
candy hindi ko kasi maubos eh. Pagktapos niyon binigay niya sa akin ang hikaw.
Nang tinitigan ko yun ay maganda talaga iyon. Bilog yung shape na gawa sa ginto
tapos sa gitna ay bilog na amythist. Tinitigan ko yun at biglang kuminang.
Baka imahinasiyon ko lang yun.
Pinasok ko na sa bulsa yun. gagawin
ko kaya itong kwentas? Wala naman kasing pares tsaka di naman ako mahilig na
magsuot ng hikaw. walang butas eh :”]
“Wistar, punta tayo sa
Gargon Lake.” Sabi ni Ianthe na may bitbit na madaming candy. Hilig
niyang candy `no?
Pero teka? Gargon Lake? Di ba yun
yung sinabi ng matanda sa akin na wag ako pumunta?
“pero.. sige na...
tsaka wala naman mawawala di ba?”
“maganda daw doon.
Sabi nga nila gabi daw doon ngayon... I want to see kung totoo ang naririnig
kong balita.”
“Sige na nga.” tsaka hindi
ako naniniwala sa mga hula.
Pumunta kami doon. Gabi nga doon and
you are not goin’ to believe this... totoo pala ang blue moon! Nakatingala ako
sa kalangitan malaki ang moon ... gosh kala ko ay sa fairytale ko lang nababasa
ito pero totoo pala!!! Tapos sa harap ko ngayon ay ang lake... malayo-layo ako
kena yvonne at Ianthe... umupo tapos tiningnan ang sarili sa tubig...malinaw
kasi yung tubig para kang nasa salamin.
Nakatitig lang ako.. tapos yung
reflection ko ay biglang ngumiti!
“Ahh!” T_____T
ohmygosshhh I am so scaredddd!!! May multooo!!!
Nang sumilip uli ako ay wala na..
namalikmata lang ba ako??? o ano??
Tumayo na ako tapos naglakad papunta
kena Ianthe at Yvonne para umuwi na nakakatakot na kasi eh... malaki yung dami
na makukulay kaya nahihirapan akong maglakad.
“Gusto ko nang
umuwi—ayy!”
Bigla akong nadapa.
“ano ba naman iyan!!!
Pwee!” para akong nakakain ng lupa eww...umupo uli ako...
tapos yung hikaw ay biglang nahulog sa bulsa ko... kaya kinuha ko yun uli... tapos napansin
akong umiilaw sa gilid ko. ano ba yun? binalik ko sa hikaw sa bulsa tapos
inalis yung damo and there I saw a abook floating in the air.. kumikinang
yun... yung libro na yun ay may susi na nakadikit doon.
“Ano kaya ito???” tinitigan
ko lang yun.
Grimoire Spell Book...
May nakasulat doon kaso kung hindi
mo titigan ng maayos ay hindi mo yun mababasa.
“Wistar!!! Halika
na!!! alis na tayo dito.”
“ha? Ah oh sige!” pinasok ko
yun sa bag ko. :”] kakaiba ito pero mukhang wala naman nagmamay-ari niyon kaya
kukunin ko na ha?
Naglibot talaga kami sa buong lugar
pagkatapos niyon ay pumunta na kami sa meeting place tapos bumalik na at umuwi
na. ah I really enjoy it kahit na na-we-weirduhan parin ako. dahil nga sa
matanda tapos yung sinabi sa akin ni hackette na Oracle daw yung nakita ko.
Nakatatak pa rin sa isipan ko yun.
pagpasok ko sa silid ko ay humiga ako.
“Kinausap niya ako...
kyaah!” kilig din naman ako kahit na saglit lang niya ako
kinausap. Lam niyo na kung sino... “Fameh lam mo—fameh?” napabalikwas ako. teka
saan na si Fameh. Memory gap...ahh!!! naiwan ko siya sa bus!!! Daling dali
lumabas humanap kaso wala at pumunta sa bus pero wala doon siya hinanap ko siya
sa paligid kahit pagod ay hinanap ko siya. anong gagawin ko? baka lapain siya
ng malalaking hayop dito? Lalo na at hindi pa nahahanap yung shadow man!!!
Tiningnan ko pa sa mga bushes baka nandon siya.
“Fru fruuuu
caveyyy!!!” napatingin ako sa direction nandon sa gitna ng road
trail siya at kinakagat yung manasanas na hindi naman niya makagat. Pano siya
nakakuha ng apple?
*BRROOOMMMM*
Isang black limousine na palapit na
kay fameh!! Waaahhhh!!!!
At si Fameh naman na
napaka-innocente ay nakatingin lang sa limousine na palapit sa kanya na kagat
kagat pa din ang apple... fameh naman eh!!
“WAAAAAAAAAAAAGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
T____T pero salamat sa diyos ay
tumigil iyon I dunno kung narinig niya ako. daling-dali ako na lumapit doon at
kinuha sa sahig si fameh.
“Thank God!!!” usal ko. tapos
naiinis na hinarap yung sasakyan. “Hoy!! Lumabas nga kayo diyan!!! Letse ka!
Muntik mo ng masagasaan yung baby ko eh!”
“Fruuuubeeh?”
Ilang minuto ay may lumabas sa likod
na lalaki pareho yung uniform namin tapos naka-shade pa siya.
Pumito pa ito sa akin. Aba’t!!!
ang cReepy tLga nuNg itcHura nuNg matanDa,, iniwaSan q nga ung picTure pero nunG bnbSa q unG desCriptiin sknYa,, LLo q tuLoy naiMagine,,,
ReplyDeleteNtawa fiN aq duN sa pEnya,,, HwaHAhA,,, peRa pALa,,,
XD hahaha ganun din ako una nung hinahanap ko yang picture
DeleteFäméh is rěalłý cuté.. Ü
ReplyDeleteoh my gosh!!! i like fameh! kulay pink eh~ pareho kami ni wistar ng favorite color eh... i can't wait to see her in the picture!!!
ReplyDeleteps. sis, pwede ko bang gawaan ng album itong story mo dun sa FB page??
:") okay lang po sa akin hahhaa
Deletewow!!! love it!!
ReplyDeletefruuube~ moe moe~!!
ReplyDeleteang cute ng familiar ni wistar!! >..<
유+웃=❤
hahah. ang cute!!! mommy and baby daw! sooo like! katakot nman ang matanda..
ReplyDelete