Wednesday, September 26, 2012

Tale of the Body Thief: Chapter 2

CHAPTER TWO

A/N: 'to na po UD ko .. Dedicated to Ate Liam RVS .. Enjoy reading Unni .. Labyah .!! And syempre Labyah ALL .. <3 Forever and ever yan guys .. mwuaah ..



_____




     MAAGANG gumising si Mariel dahil napag-desisyonan nya kagabi na pumunta muna sa malayong lugar para makapag-isip matapos ang pag-uusap nila ni Arden.Gusto din nyang ma-refresh ang utak nya at mawala ang stress nya.






     Hindi na rin sya nag-paalam ng personal sa mama nya dahil alam nyang hindi rin naman sya papayagang umalis nito. Palihim syang lumabas ng bahay bitbit ang maleta nya. Sinamantala nya ang himbing na pag-kakatulog ng kaniyang ina para makatakas.







     Abot hanggang tenga ang ngiti nya ng makasakay sya sa kotse nya. Bago tuluyang umalis ay nag-padala muna sya ng isang voice message sa kaniyang ina na nag-papaalam syang mag-babakasyon. Tapos noon ay pinatay nya ang cellphone nya saka pinaharurot ang sasakyan.







     Hindi nya alam ang destinasyon nya. Basta ang nasa isip nya lang ngayon ay takasan ang gulo at ng mapanatag ang loob nya.


_____


     NAABUTAN ni Irene na himbing na natutulog si Jared sa sofa habang nakaupo ito.Bigla tuloy nakaramdam ng awa si Irene lalo pa ng makita nya kung gaano ka-pagod at ka-stress ang mukha nito dahil sa pag-babantay kay Angela.Napa-buntong hininga na lang si Irene.







     Lumapit sya kay Jared at marahan itong ginising, "Kuya Jared!Gising!"agad namang nagising si Jared.







     "Irene! Ikaw pala!Naka-idlip ako."saad nito.







     "Umuwi ka na. Ako na lang muna ang mag-babantay kay Ate.Samahan mo na lang muna si Jiro sa bahay.Para maka-pag-pahinga ka na rin."wika ni Irene at sinulyapan pa nito si Angela.







     "Sigurado ka?"







     "Oo. Sige na. Ako nang bahala dito."







     "Sige, Salamat."lumapit muna si Jared kay Angela, Hinalikan nya ito sa nuo tapos ay nilingon nya si Irene at nginitian bago umalis.







     "Hay! Gumising ka na kasi! Miss na miss ka na ng asawa mo!"saad ni Irene ng makalabas na si Jared sabay inayos nito ang kumot ni Angela.


_____


     NAPAHINTO sa pag-da-drive si Mariel ng may makita syang isang matandang babae na bigla na lang natumba sa daan. Mabilis syang bumaba sa sasakyan para lapitan ito.







     "Manang! Okay lang po ba kayo? Manang!"tawag ni Mariel pero nawalan na ito ng malay.Nag-palinga linga sya sa paligid at ng may makita syang tao ay agad syang nag-patulong ditong ikarga sa sasakyan nya ang matanda para madala sa malapit na hospital.







     Sa Emergency Room dineretso ang matanda, Habang si Mariel naman ay hindi mapakali sa waiting area sa kahihintay. Ilang saglit pa ay lumapit sa kaniya ang isang Nurse.







     "Ano po bang nang-yari sa kaniya? Kamag-anak nya po ba kayo?"tanong ng Nurse.







     "Hindi ko nga po alam eh.Nakita ko lang sya sa daan na natumba.Nung nilapitan ko sya nawalan na sya ng malay."nini-nerbyos na sagot ni Mariel.







     "Ganun po ba? Pakihintay na lang po saglit. Tinitingnan pa po kasi ng doktor ang pasyente."







     "Sige, salamat."nang makaalis ang Nurse ay naupo si Mariel sa upuan at matyagang nag-hintay.







    Ilang saglit pa ay lumapit na sa kaniya ang doktor. Agad na tumayo si Mariel para salubungin ito. "Dok, Kamusta po?"







     "Okay na ang pasyente. Tumaas masyado ang dugo nya kaya sya nahilo at nawalan ng malay. Binigyan na namin sya ng Sodium Nitroprusside para bumaba na ang dugo nya at kailangan din nyang mag-pahinga. Pero bukas lang pwede na syang makauwi."mahabang paliwanag ng doktor. Nakahinga naman ng maluwang si Mariel sa balitang iyon. "Inilipat na pala namin sya sa ward para mas makapahinga sya. Puntahan mo na lang sya doon."ngumiti ang doktor saka umalis.







     Matapos bayaran ni Mariel ang bill ay pinuntahan nya ang matanda para kamustahin ito.Naabutan nyang gising na ito habang binabalutan ng Nurse ng foil ang  I.V ng matanda, tapos ay ni-regulate nito ang I.V saka lumabas.Nginitian ng matanda si Mariel at gumanti rin naman sya ng ngiti. Lumapit si Mariel sa matanda upang alamin ang lagay nito.







     "Okay na po ba kayo?"tanong nya.







     Ngumiting muli ang matanda at tumango. "Salamat sayo. Ang bait mong bata."tapos ay hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ni Mariel.







     "Okay lang po yun. Sa susunod po mag-iingat na po kayo. Wag kayong aalis na wala kayong kasama."wika pa ni Mariel pero nakatingin lang ang matanda sa kaniya.Ilang minuto silang nasa ganung sitwasyon. Nang makaramdam ng ilang si Mariel ay doon lang nag-salita ang matanda.







     "Tumanggi ka sa kasal dahil ayaw mong mapako sa isang malaking responsibilidad."sabi ng matanda na ikinagulat ni Mariel. Hindi ito naka-pag-salita o naka-react man lang."Gusto mong takasan ang kung anong buhay mayroon ka ngayon."







     Sa totoo lang tama ang matanda. Kaya hindi naka-react si Mariel dahil totoo ang mga sinasabi nito. Kahit naman kasi nakay Mariel na ang lahat pakiramdam nya ay may kulang parin sa buhay nya. At iyon ang hinahanap hanap nya ngayon.







     Gusto nyang takasan hindi lamang ang responsibilidad nyang mag-pakasal kay Arden kundi maging ang responsibilidad na ipapasa sa kaniya ng ina nya. Wala naman kasing ibang pwedeng mag-mana ng family business nila kundi sya lang. At sabi nga ng ina nya nasa tamang edad na sya para i-manage ang lahat ng iyon. 







     Pero para kay Mariel ay hindi pa sya handang kaharapin ang lahat ng iyon. Kahit sa edad nyang twenty six ay nasa stage parin sya na nag-sasaya sa buhay. At alam nyang kapag tinanggap nya ang lahat ng offer na iyon kasali na ang kasala na inalok sa kaniya ni Arden ay hindi na nya magagawa ang lahat ng bagay na ginagawa nya ngayon.







     Hindi pa sya handang iwan ang mundo kung saan pakiramdam nya ay bata parin sya. Ang mundo na kung saan wala syang problema at wala syang ibang gagawin kundi ang mag-saya.







     Iniwas ni Mariel ang paningin sa matanda pero muli syang napalingon ng mapansin nyang may kinukuha itong kung ano sa maliit nitong bag. "Heto,Tanggapin mo."may inabot ang matanda na isang maliit na vial na may lamang brown na liquid na may maliit na stem sa loob. Nag-tataka naman iyong inabot ni Mariel. "Maari mong takasan ang buhay mo kahit sa maiiksing panahon lang gamit ang bagay na iyan."







     Kwestyonableng tiningnan ni Mariel ang matanda. Hindi nya maintindihan ang pinag-sasabi nito."Isang patak lang ng dugo mo at isang patak ng dugo ng taong gusto mong hiramin ang kaluluwa. Magagawa mong matakasan ang buhay mo ngayon."wala paring reaction si Mariel. Hindi kasi nya alam kung maniniwala ba sya dito o hindi.







     "Tandaan mo, isang patak lang ang kailangan."wika pa ng matanda.


___


     ANG mga sinabi ng matanda ang paulit ulit na umaalingawngaw sa tenga ni Mariel ngayon habang nag-lalakad sya palabas ng ward section. Ayaw nyang maniwala dahil naiisp nya na baka may sira lang ito sa utak pero curious syang malaman kung totoo nga ba ang sinasabi nito.Napabuntong hininga sya at napalingon sa bukas na pinto ng isang ward.


___


     LUMABAS sandali si Irene para kumuha ng mainit na tubig sa pantry. Dahil malapit lang naman ito ay hindi na nya isinarado pa ang pinto ng ward ni Angela.Napalingon sya sa isang babae na nakatayo malapit sa ward, Nginitian nya ito at ngumiti rin naman ito sa kaniya.







     Hindi pa man nakakalayo si Irene ay nasalubong na nya ang mama at papa nyang may mga dalang prutas at pag-kain. "Mama! Papa! Bakit po nan dito kayo?"gulat na tanong ni Irene.







     "Ano pa ba? Eh di dadalawin namin si Angela!"sagot ng ina nya saka dumiretso ito sa ward. Matapos kumuha ng mainit na tubig ni Irene ay bumalik ito agad sa kwarto. Napansin nyang naroon parin ang babae, Naisip nya na lang na siguro ay may hinihintay ito.







     "Hay! Ang ganda ganda parin talaga ni Angela kahit na nakahiga sya dyan at natutulog."puri ni Rosa na ikinatuwa naman ng kanilang ama.







     "Syempre naman! Kanino pa ba mag-mamana nyang anak mo? Sayo rin syempre!"lambing pa nito.

  





     "Mas maganda naman ako kay Ate no!"biro naman ni Irene.







     "Sus! Oo na maganda ka na sa ate mo!"pinaburan naman agad iyon ng kaniyang ina. Sa simpleng biruan na iyon ay nag-tawanan na sila.









     Nang maalala ni Irene na hindi nya pala na isara ang pinto ay agad nyang tinungo ito para isara."Naku! Nakalimutan ko pala isara yung pinto!"


___


     NAKARAMDAM ng inggit si Mariel ng makita nya kung gaano kasaya ang pamilyang iyon sa kabila ng nakaratay nilang anak. Pakiramdam nya ay punong puno ng pag-asa ang mga ito. At hindi mo makikitaan na pinang-hihinaan sila ng loob.







     "Ang saya naman nila. Sana ako na lang yung babaeng yun."bigla na lang pumasok sa isip nya ang mga sinabi ng matanda kanina.







     "Kailangan walang malay ang taong kukuhaan mo ng dugo.Ipatak mo lang iyon sa bote na ito. At pag nakatulog ka doon lang mang-yayari ang palitan ninyo."nang maalala nya iyon ay bigla na lang may nabuong idea sa isipan nya.







     "Sandaling panahon lang naman eh. Kung gusto ko naman daw bumalik sa katawan ko kailangan ko lang basagin ang boteng 'to."bulong nya sa sarili tapos ay madali syang nag-punta sa buntika para bumili ng lancet ang maliit na karayom na ginagamit lamang para sa pang-prick ng daliri. Sa pag-balik nya sa ward ay matyaga nyang binantayan ang kwarto ng babae. Nang makita nyang lumabas ang tatlong tao sa loob ay sinamantala na nya ang pag-kakataon. Pinasok nya ang kwarto ng babae habang wala itong bantay at sinagawa na nya ang plano nya.







     "Sorry. Hihiramin ko lang naman ang katawan mo eh. Saglit lang naman. Hayaan mo kong takasan saglit ang mabigat na responsibilidad ko."bumuntong hininga sya bago nag-mamadaling tinusok ang daliri ng babae saka binuksan ang vial para patakan ito ng dugo. "Isang patak lang."sabi nya. Nang matapos ay nag-mamadali din syang lumabas.







     Mabuti na lang at nakalabas na sya at nakalayo ng kaunti ng masalubong nya ang babaeng nag-babantay dito. 











     NAG-DADALAWANG isip pa sya kung ipapatak din ba nya ang dugo nya doon o hindi. Nag-dududa kasi sya paano kung hindi naman totoo ang sinasabi ng matanda? "Pero wala namang masama kung susubukan ko."sabi nya sa sarili. "Tama! Susubukan ko lang naman eh!"







     Inihanda nya ang isa pang lancet at itinutok nya ito sa daliri nya. Pumikit sya ng mariin bago tinusok ang daliri. Sa sobrang nerbyos at pangi-nginig nya ay hindi nya na-control ang pag-tusok kaya napalalim tuloy ang butas nya. Imbis na isang patak lang ang lumabas ay continues ang lumabas na dugo.







     "Aray! Bakit ba kasi pumikit pa ko?! Tanga ko naman!"pinatakan nya ang vial pero hindi nya masabi kung isang patak lang yun dahil nga sa continues na pag-tagas ng dugo sa daliri nya."Naku naman!"muli nanaman pumasok sa isipan nya ang sinabi ng matanda.







     "Tandaan mo, isang patak lang ang kailangan. Dahil pag nasobrahan ay hindi maganda ang magiging epekto. Mag-papalit nga kayo ng kaluluwa pero makakalimutan nyo ang lahat ng nakaraan ninyo maging kung sino kayo. Makakalimutan mo ang lahat."







     "Wala kang maaalala maliban na lang kung may isang bagay na pinakamahalaga sayo na mag-paa-alala kung sino ka talaga. Gayun pa man kahit na bumalik man ang alala mo, hindi ka pwedeng makabalik hanggat hindi mo nababasag ang boteng ito. Kaya mag-ingta ka."







     Napakagat na lang sa labi si Mariel. What if totoo nga ang sinabi ng matanda? Anong gagawin nya? Kung sumobra man ang patak nya ng dugo, makakalimutan nya ang lahat maging ang araw na nag-propose sa kaniya si Arden. Lahat mabubura maging ang alaala kung sino sya at kung bakit naging ganun sya? At kung mang-yari man ang bagay na yun, magawa pa kaya nyang makabalik sa dati kung lahat ay limot na nya?







. . . to be continued






1 comment:

  1. nAawa aq kaY mArieL,,, neXt chAptie na aGad ate,,, pLs,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^