CHAPTER 21
( Aeroll’s POV )
Sinundan niya ng tingin si Princess. Patay na ang papa niya?
Napalingon siya dito. “Oo naman. Hindi ako bingi. Saka bakit ako
gagawa ng kwento para takutin kayo?”
“Honey,
hindi din nagbibiro si bhest. Kaya nga ako natatakot, eh.” sambit ni Cath.
“Paano
mo naman nasabing papa niya talaga ‘yon?” tanong ni Harold.
“Alam
ko yung iniisip ni bhest. Same wave length lang kami no’n. Apat na beses
narinig ni Aeroll yung sigaw na kaboses ni bhest. Ang birthday ng papa ni bhest
was april 4. Pang apat na buwan din ang april. Nawala din si bhest no’n sa
gubat nung bata pa siya. Papa niya yung nakakita sa kaniya. Buhay pa no’n ang
papa ni bhest. Pero ngayong nasa langit na si tito, tinulungan niya si Aeroll
na mahanap si bhest.”
“Grabe
ang wild imagination mo, honey.”
“When
did her father died?” tanong
niya kay Cath.
“Hmm…Hindi
ko na matandaan. Grade four ata or grade five.”
“How?”
“Motor
accident.”
“Kaya
siya takot sumakay sa motor?”
“Oo.
Tito died on the spot. Nakaangkas sa kaniya si bhest. Nakaligtas si bhest.”
Kaya
pala takot na takot siya kanina. Kaya pala. Tapos pinatakbo ko pa ng
pagkabilis-bilis yung motor. Argh! How insensitive you are, Aeroll!
Tumayo siya. “Sa’n ka pupunta insan?” tanong ni Harold.
“Sa
loob.”
“Tayo
din, Harold. Pasok na din tayo. Nakakatakot dito.”
“Shhh…dito
lang tayo, honey. Akong bahala sa’yo. Makaistorbo pa tayo sa moment ng prinsipe
at ng prinsesa.”
Napapailing na iniwan niya ang mga ito.
Naabutan niya sa kusina si Princess. Nakatalikod ito at nakasandal na tila may
sinasabing hindi naman umabot sa pandinig niya.
“Princess…”
Napalingon ito sa kaniya. Kumunot ang noo
niya ng makita ang ekspresyon ng mukha nito na para bang hindi nagustuhan ang
nakita nito.
“Bakit?”
Bakit nga ba siya nandito? He cleared his
throat. “I just want to say…uhm…”
Ano ng ba?
“Ano
nga?
”Wala.
Nakalimutan ko na.”
Tumalikod na siya.
“Aeroll.” Napalingon siya.
“Bakit?”
“Thank
you for finding me.”
Napakurap siya. Bakit parang iba ang
pakahulugan niya sa sinabi nito?
“Thanks
to you father.”
Napangiti ito. “Naniniwala ka ba do’n?”
Nagkibit-balikat siya. “Mga bata pa lang kami, marami ng
kwento-kwento tungkol sa lugar na ‘to. Hindi ako naniniwala pero ngayon, dahil
ako na ang naka-experience no’n. Naniniwala na ako. Nakakatakot mang isipin na
ang papa mo talaga ang sumigaw no’n. I’m just glad, because of that, I found
you.”
Hindi na ito sumagot. Tumalikod lang ito
at sumandal sa mesa. Ilang saglit ng katahimikan ang dumaan ng madinig niyang
magsalita uli ito.
“I
miss him. Namimiss ko na si papa…” Napasigok ito.
“Princess…”
Nakita niyang inalis nito ang eyeglass
nito. Tumingala ito. Kahit hindi niya nakikita ang mukha nito. Alam niyang
umiiyak ito. Umiiyak na naman. Argh! Napaka-iyakin naman nito. Amasonang
iyakin.
“Siguro
alam niyang kailangan ko siya ngayon kaya nagparamdam siya. Kahit hindi siya
sakin nagparamdam. Okay lang. Basta…” Napasigok na naman ito. “Basta alam kong nagparamdam siya. Ang
gulo, ‘no?” Natawa pa ito ng pagak. Pero napasigok na naman ito. Napailing
siya. Ayaw pang iiyak.
Lumapit na siya dito. At tumabi sa mesang
kinasasandalan nito. Nakatingin sila pareho sa bintanang nasa tapat nila.
”Bata
pa lang ako no’n, siya na ang laging sumbungan ko kapag may umaaway sakin.
Kapag may nananakit sakin. Kapag may…” Marahas na pinahid nito ang mga luha
nito. “Bwisit!”
Sino
bang nanakit sa’yo? Siya ba ang dahilan ng makita kitang umiiyak sa terminal ng
bus? Siya ba!? Argh! Bakit ba ako naiinis ng ganito?
“Hoy!
Hindi ako iyakin, ah. Matapang ako! Matapang—”
Niyakap na niya ito. “Oo na. Matapang ka na. Ikaw na.”
“Matapang
talaga…”
Napaiyak na ito. “…ako.”
“Sige
lang, iiyak mo lang ‘yan. Kung nahihiya ka sakin. Isipin mong wala ako dito.
Iisipin ko namang wala akong nadidinig at nakikita. Isipin mong poste itong
kinasasandalan mo. Isipin mong ako ang papa mo. Itodo mo na ‘yan.”
Yumakap na din ito sa kaniya. “Papa…miss na po kita…sobrang miss na miss
na kita…niloko niya po ‘ko ‘Pa…” parang batang sambit nito habang umiiyak.
Napabuntong-hininga siya. Sino ba talaga ang nanakit sa’yo? Sino?!
“Papa…”
“Shhh…everything
will be gonna okay. I promise.”
( Princess’ POV )
KINAUMAGAHAN.
“Tara
na, bhest.”
“Wait
lang. Eto na.” Kinuha
niya ang back pack niya at sumunod na kay Cath. Tinanghali na siya gising.
Paano ba naman hating gabi na ata sila nakatulog kagabi ng mga ito. Tapos ang
sabi pa ni Aeroll, maaga daw silang magising. Mainit na daw masyado kapag
inabot sila ng sikat ng araw.
Maaga daw, inabot naman sila ng
hatinggabi sa pagkukwentuhan sa harap ng bonfire. Puro nakakatakot pa yung mga
kinukuwento nito at ni Harold. Ayun, kahit gusto na nilang matulog ni Cath,
hindi naman sila makapasok ng bahay dahil sa mga naririnig nilang kwento ng mga
ito.
Nasa veranda na sina Aeroll. Nakangiti ito. Sa
kaniya. “Tsk. Ang tagal talagang kumilos
ng mahal na prinsesa.”
Naglakad na sila matapos i-lock ang
camphouse. “Kasalanan niyong dalawa ni
Harold.”
“Bakit
kami?”
“Magkwento
ba naman kayo ng nakakatakot tungkol pa dito sa lugar na ‘to.”
Natawa lang ito. “Akala ko ba matapang ka?”
Napalingon siya dito. “Matapang talaga ako.”
“Matapang
ka nga. Ikaw na.”
“Uy…Bakit
parang ang bait niyo ngayong dalawa? Wala bang bangayan diyan?” singit ni Harold.
Sabay silang napalingon ni Aeroll dito. “Shut up!”
“Honey
oh, niaaway nila ako.”
sumbong nito kay Cath.
“Ang
daldal mo kasi. Manahimik ka na lang diyan. Lahat napapansin mo.” Binalingan sila ni Cath. “Oo nga. Bakit parang ang bait niyo sa
isa’t isa? Ano bang nangyari kagabi?”
Isa pa ‘to! Bagay talaga ito at si
Harold.
“Secret!” sagot ni Aeroll. Napalingon
siya dito. Kinindatan siya nito. Umiwas siya ng tingin.
Naisip niya ang nangyari kagabi. Matapos
niyang umiyak sa dibdib nito. Walang kibong pinunasan nito ang mga luha niya at
inaya siya sa labas. Katulad ng sinabi nito. Wala itong nakita, wala itong
nadinig. And she was glad dahil wala itong binanggit kina Harold. Kaya sa halip
na maging awkward dito. Parang walang nangyaring ka-dramahan kagabi. Katulad
ngayon. May pakindat-kindat pa itong nalalaman.
“May
naisip ako.”
wika ni Harold.
“Ano
‘yon, honey?”
“Laro
tayo.”
“Ang
tanda mo na insan, laro pa ang naiisip mo.” wika ni Aeroll.
Parang gusto niya ang kung anong larong
naiisip nito. “Go ako diyan, Harold.”
“Luksong
bata tayo!”
sambit ni Harold.
Nagkatinginan sila ni Cath. Napangiti sila.
“Oo ba.” sabay nilang sagot.
Nakaka-miss din ang gano’ng laro. Nakakahiya namang maglaro no’n sa edad nila.
Tapos may makakakita pa sa kanila.
Eh, ngayon solo nila ang lugar. Patag pa
naman ang kinatatayuan nila at nalilimliman pa ng malaking puno ng mangga.
“Insan,
ikaw?” baling
ni Harold kay Aeroll.
“Ano
namang prize ng mananalo?”
Napangiti si Harold. “You will like this, insan. For sure.”
Kumunot ang noo niya. “Bakit may prize pa?” tanong niya.
“Para
exciting.” sagot
ni Harold. “Kampi kami ng honey ko. Ang
manalo, iki-kiss ang partner nila.”
“Ano?!
Hindi pwede!”
protesta niya. Paano ba naman sila ang kampi ni Aeroll.
“Ganito
na lang, ang matalo na lang ang iki-kiss
ang partner nila. Kaya galingan ninyo. Kung sino ang nagpatalo sa inyong
dalawa, iyon ang hahalik sa partner niya. Pwedeng sa cheeks, sa lips—”
“Sa
cheeks lang!”
singit niya.
“Okay!
Basta kami ng honey ko sa lips.”
“Harold!” protesta ni Cath.
Napakamot ng ulo si Harold. “Okay, honey. Sa cheeks lang.”
Nilingon niya si Aeroll na ngiting-ngiti.
“Huwag kang magpapatalo.”
“Oo
ba, mahal na prisesa.”
Ngumiti ito ng nakakaloko.
aNg cutE nu hArOld,,, ang LAro LuKsong baTa,, lol,,,,
ReplyDeleteawh ang cute talaga nila!.. so sweet!.. resbakan mo nga aerol ung manloloko! hndi pa nagbabayad yun eh.. hmmn?sino kaya ang mananalo?..
ReplyDeletewhen kaya ang next chapter?
ReplyDeletei can't wait!!!
its so sweet kasi! kakilig! >...<
유+웃=❤