CHAPTER
22
( Princess’ POV )
Nag-inat
siya. Nasa Veranda siya ng kuwarto nila ni Cath. Kakagising lang niya. Tanaw
niya ang papalubog na araw. Ang tagal ko
palang nakatulog.
“Ano
ba, Harold! Huwag mong ilapit sa’kin ‘yan!”
Napalingon siya sa baba, sa hardin.
Nakita niya sina Harold at Cath na naghahabulan. May kung anong nilalapit sa
mukha ng kaibigan niya si Harold.
“Lola!
Lolo! Tulungan niyo ko!”
sigaw ni Cath.
Napatingin siya kina lolo at lola na
tumatawa lang habang nakatingin kina Harold at Cath. Nakaupo ang mga ito sa
upuan. Nakita niya din si Aeroll. Nakatayo ito malapit kina lola.
Sumama ang mukha niya. Nakakainis naman
kasi ‘to. Paano ba naman panay ang patalo kaninang naglaro sila ng luksong-baka
no’ng nasa bundok pa sila. Hindi niya alam kung nananadya ba ‘to at gustong
makatsansing sa kaniya. Parehas lang ito at si Harold na panay ang patalo. Kaya
para silang mga sira kanina. Naka-sampung salit-salit na laro sila ng umayaw na
sila ni Cath.
Napansin siguro nitong may nakatitig dito
kaya napalingon ito sa gawi niya. Napangiti ito. Kumaway pa ito sa kaniya. Binelatan
niya lang ito. Natawa ito. Napalingon tuloy sa gawi niya sina lola.
“O,
bate ey ang mahal nating prinsesa.” wika ni lolo.
( A/N: Bisaya po ang salita ni Lolo sa ndi makaintindi, hehe, don't worry, may tagatransalate ako, ang prinsipe ng stroryang ito ^___^ )
Kumunot ang noo niya. Ano daw?
“Gising
na daw ang mahal na prinsesa.” pagta-translate ni Aeroll.
Tabingi ang ngiti niya. Nakakahiya naman.
“Pilheg
ka hale.”
sambit ni lola.
Ano
ulit?
“Baba
ka daw dito.”
pagta-translate ni Aeroll. “Lola, lolo,
magsalita po kayo ng maaarok ni Princess. Hindi po ako translator. Nurse po
ako.”
“Pababa
na po.” sagot
niya. Umalis na siya sa verandah. Mabilis lang siyang nag-ayos at pumunta na sa
hardin. Nakaupo na si Aeroll. Umupo siya sa tabi ni Lola Remedia. Napagitnaan
siya nito at ni Aeroll.
“Sorry
po kung ngayon lang po ako nagising.”
“Okay
lang, iha. Napagod ka siguro sa pag-akyat ng bundok.”
“Opo
lolo. Naglaro pa po kami ng luksong-baka.”
“Nasabi
nga ni Prince.” sambit
ni lolo.
“Nakakatuwa
namang kayo. Madami na ang nakakalimot ng mga larong gano’n. Puro computer
games na lang ang alam laruin ng mga kabataan ngayon. Wala na nga akong
masyadong nakikitang naglalaro ng mga larong pilipino.” mahabang litanya ni lola.
“Nagbabago
na po talaga ang panahon.” sambit
niya.
“Gusto
mo ulit maglaro, prinsesa?” Napalingon siya kay Aeroll.
“Anong
laro na naman?”
“Habulan.
Sali tayo sa kanila.” Hinawakan
nito ang kamay niya at mabilis na hinila palapit kina Cath na hanggang ngayon
ay naghahabulan pa din.
“Lola!”
hinging-tulong
niya sa mga ito.
“Magsaya
lang kayo. Papasok na muna kami sa loob ng lolo niyo.” Tumayo na ang mga ito at
pumasok ng loob ng bahay. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mga ito. Ang
sweet pa din nila hanggang ngayon. Nawala ang ngiti niya at nanlaki ang mga
mata ng may humarang sa line of vision niya.
“Ahhhh!” Napatili siya at tumakbo
palayo.
Tawa ng tawa si Aeroll. “Nandyan na ko!” Hinabol siya nito.
“Ilayo
mo sakin ‘yang bulate na ‘yan! Sisipain kita!” Tumakbo siya palapit kay Cath na
lumalayo din kay Harold. Bulate din pala ang nilalapit ni Harold dito. Parehas
pa naman silang takot sa bulate. Hindi naman talaga takot, eh. Ayaw lang nila
sa bulate. Pati sa uod at higad at iba pang kamag-anak ng mga ito.
“Nandyan
na kami!”
Nagtakbuhan sila ni Cath habang hinahabol ng dalawang sira ulong mag-pinsan.
Para na naman tuloy silang mga batang naghahabulan sa hardin.
THE next day.
Nasa isang resort silang apat. Nakaupo
siya sa tabi ng pool ay isinasawsaw ang paa sa tubig habang nakatingin dito.
Di-kalayuan ay lumalangoy sina Cath at Harold. Buti pa si bhest, sanay lumangoy. Samantalang ako, langoy aso lang ang
alam.
“Ang swimming pool nilalanguyan, hindi
tinititigan.”
Napalingon siya nagsalitang ‘yon. Si
Aeroll. Umupo ito sa tabi niya at ginaya ang ginagawa niya. “Bakit ayaw mong lumangoy?” tanong
nito.
“Mainit.”
Tumingala ito sa langit. “Mainit ka diyan. Kaya nga hapon na tayo
dito pumunta para hindi masyadong mainit.”
“Ang
init kaya. Alas dose pa lang ata.”
“Alas
dose ka dyan. Lagpas alas-kwatro na kaya.”
“Late
pala yung relo kanina.”
“Late
o ayaw mo talagang lumangoy? Don’t tell me, this time, takot ka namang
lumangoy?”
Kumunot ang noo niya. “Bakit naman ako matatakot?”
“Bakit
ba ayaw mo pang maligo?”
“Ayoko
pa nga. Kung gusto mong maligo, mauna ka.” Tinulak niya ito sa pool.
“Prinsesa
naman! Wala pa kong balak maligo, eh. Kailangan talagang manulak?”
Natawa lang siya. “Ang kulit mo kasi. Pilit ka ng pilit na
maligo ako, tapos ikaw ‘tong ayaw din palang maligo. Buti nga sa’yo.”
“Akala
mo hah!”
Nanlaki ang mata niya ng
makuha ang ibig sabihin nito. Bago pa siya nakatayo ay nahila na siya nito sa
pool.
“Halps!” Napakapit siya sa leeg nito. “Aeroll!!” 8 feet ang pool na ‘yon.
Tinanggal niya ang eyeglass niya at tinanggal ang tubig na nando’n. “Bwisit ka talaga!”
Natawa lang ito. Hanggang sa maramdaman
niyang tinatanggal ni Aeroll ang mga braso niyang nakakapit sa leeg nito. “Huwag kang lalayo!”
Ngumisi ito. “Bakit muna?”
“Basta!” Ang lalim naman dito. Isipin ko pa lang na—Napabuntong-hininga
siya.
“Kasi
hindi sanay lumangoy ang mahal na prinsesa.” panunukso pa nito.
Naramdaman niyang pumupunta pa ito sa
bandang gitna. “Aeroll! Ilapit mo ko
do’n sa gilid! Ayoko sa malalim!”
Ngumiti lang ito. “Bakit nga?”
“Bwisit
ka! Hindi ako sanay lumangoy!”
“Halata
naman, eh. Parang linta ka kung kumapit.”
Napatingin tuloy siya sa ayos nila.
Sobrang lapit ng mga katawan nila at ang mukha nila. Umiwas siya ng tingin. Ano ba ‘yan! Nakakahiya! Kung sino ang
titingin sa ayos namin, iisiping may relasyon kami nito. She cleared her head.
Ano ba ‘yang iniisip mo, Princess. Paling
na naman ‘yang utak mo.
“Prinsesa?”
“Ano?”
“Bakit
ayaw mong tumingin?”
Hindi siya sumagot.
“Prinsesa?”
“Ano
na naman?!”
“Hindi
ka talaga sanay lumangoy?”
“Hindi
ba halata!?”
“Bakit
hindi ka nagsanay? Tingnan mo si Cath, ang galing lumangoy.”
Napabuntong-hininga siya. “Sinubukan ko.”
“Tapos?”
“Hindi
ko kaya.”
Matagal bago magsalita si Aeroll. “May nangyari ba sa’yo no’n kaya takot ka
ding lumangoy?”
Napatingin siya dito. Nagtama ang mga
mata nila. Bakit ba lagi nitong nababasa
ang isip ko?
“Prinsesa?
Tititigan mo lang ba ako?” untag
nito sa kaniya.
Napakurap siya. Nakatitig na ba siya
dito?
“Alam kong gwapo
ako pero—”
“Hindi
ako nakakatitig sa’yo ‘no. Kapal nito.”
Natawa lang ito ng mahina. “Okay, okay.” Sumeryoso na ito. “I’m asking you again. May nangyari—”
“Hoy!
Langgamin kayo diyan!” Napalingon
siya sa sumigaw na ‘yon. Si Harold.
Napailing si Aeroll. “Epal talaga ‘to kahit kailan!”
Napabuntong-hininga siya. “Dalhin mo na nga ko do’n sa gilid.”
“Bakit?”
“Aeroll,
please.”
“Ayoko.”
“Ayoko
nga sa malalim! Kaya dalhin mo na ako sa gilid!” inis na sambit niya.
Kumunot ang noo nito. “Ba’t ba naiinis ka naman?”
“Basta
dalhin mo ako do’n!”
“Okay!
Okay! You don’t need to yell at me!” inis na sambit din nito. Pumunta na ito
sa gilid.
“I’m
not yelling at you!”
Nang makalapit sa gilid ay sumampa siya
sa gilid ng pool. Pero nadudulas naman siya. Nagulat siya ng hawakan siya ni
Aeroll sa beywang niya at tinulungang makasampa.
Napalingon siya dito. “What? I’m just helping you.” Nakakunot
ang noo nito. Inirapan niya ‘to. Nang makasampa ay dumeretso agad siya sa
cottage nila.
“Nakakainis!” inis na sambit niya ng
makaupo siya.
“Ano
bang problema mo?!”
Napalingon siya kay Aeroll. Nakasunod pala ito sa kaniya.
“Napaka-insensitive
mo naman kasi! Alam mo na ngang natatakot ako, sige ka pa rin ng sige! Katulad
no’n nasa motor tayo, alam mo na ngang takot ako sumakay, binilisan mo pa yung
takbo! Nakakainis ka! Napaka-insensitive mo!”
Napatigil siya ng marealize ang mga
sinabi niya. Naalala niya kung pa’no siya tulungan nito na mawala ang takot
niya sa pagsakay ng motor. Naalala niya ang paghahanap nito sa kaniya no’ng
isang araw na mawala siya sa gitna ng gubat. Naalala niya kung pa’no siya
i-comfort nito ng gabing ‘yon na umiyak siya. Napabuntong-hininga siya.
Insensitive ba ‘yon?
Nawala ang inis sa mukha nito. Umupo ito
sa katapat niyang upuan. Nakatingin lang ito sa kaniya. Hindi ito sumagot sa
sinabi niya. Umiwas na lang siya ng tingin. Wala silang imikan hanggang sa
dumating sina Harold at Cath.
“Oh,
bakit mukhang sambakol ang mukha mo, bhest?” tanong ni Cath sa kaniya.
“Wala.”
“Eh,
ikaw insan bakit para kang namatayan?” tanong ni Harold kay Aeroll.
“Wala.”
“Okay
naman kayo kanina ‘di ba? Ang sweet niyo pa nga.”
“Harold,
wag kang maingay.”
saway ni Cath kay Harold.
“Bakit,
honey?”
“Ikaw
talaga wala kang pakiramdam, nakita mo na ngang badtrip sila.”
Makaalis
na nga muna.
Tumayo siya. Nagkatinginan pa sila ni Aeroll dahil sabay pa silang tumayo.
“Ako
na lang ang aalis. Dito ka na lang.” Humakbang na ito palabas ng cottage.
Umupo ulit siya at humalukipkip. Pumikit
siya ng maramdaman niyang may tumabing sa mukha niya.
“Mukhang
nilalamig ka na.”
Tinanggal niya ang nakatabing sa mukha
niya. Tuwalya niya. Napalingon siya sa naglagay nyon. Si Aeroll? Wala itong
imik na humakbang ulit palabas ng cottage.
“Ang
sweet ng pinsan ko ‘no?”
“Sabi
ko nga, honey.”
Hindi niya pinansin ang mga ito.
Nakatingin lang siya sa papalayong si Aeroll. Napatingin siya sa tuwalya niyang
binigay nito o mas tamang sabihing tinabing sa mukha niya. Anong nangyari do’n? Hay! Ewan. Kakain na nga lang ako.
. . .
A/N: despensa, medyo natagalan ng ud, hehe ..
nga pala, my FTV akong ginawa, baka gusto nyo ding basahin -->> A Kiss
aKLa q mALi LnG aq nG baSa eE,,, haHa ndE q nAintindiHan c LOLo ee,,, hWAheHe,,,, i suPer miSs thiS stORy,,, tHaNks pO s up8,,,
ReplyDeletenag bisaya lang si lolo ^__^
Deletesorry kung natagalan ng update, busy lang ^___^
ang srap nmn pakinggan n rintwag kng prinsesa!!.. hwahhhahhahah... peo ksi un n mismo name nia eh, inggit 2loy aq....
ReplyDeletelolo wala po kau sa visayas if hndi po obvious.. hahah para silang mga bata.. larong bata lagi trip nila.. hahah.. ang cute !
ReplyDeleteheto na nman po tau,away-bati na nman ang drama nila.. haha..