Minsan,
magugulat ka na lang na pwede palang mangyari ang mga bagay na impossible.
Kagaya na lang ng kwentong ito… ano kaya kung magkapalit ang position nina Eli
at Sam. WHAT IF ang “My Nephew-in-Law” maging “My Niece-in-Law.” Gulo yata ‘to!!!
What If
(ELEAZER PASCUAL POV)
#EliSam
Nagising
ako nang may earthquake na. Yun pala may umaalog lang sa kama ko. Pagmulat ko
sa mga mata ko… “WHAT THE…”
Niyuyugyog
ako ng pamangkin kong si Sam. “Hoy
Eli!!! Bumangon ka na jan!!! Ipagluto mo ako ngayon ng agahan, maaga pa pasok
ko.”
Walang
modong Samira ‘to! “Anong Eli ka jan?
Uncle mo ako ha!” Mas matanda ako sa kanya at ako ang Step-uncle niya! Bukod
doon, kababae niyang tao, ganito kung umasta! “Bakit kita ipagluluto? Ikaw ang babae kaya dapat ikaw ang magluto.”
“Ahh ganun ha!”
Bigla
niyang hinila yung kumot na nakabalot sa katawan ko at sa sobrang lakas niya
pati ako bumaldog sa sahig. “ARAY~”
“Eh ano kung babae ako? Hindi mo ba ako kilala ha?
Ako si Idol! Ang babaeng leader ng pinakamalaking gang dito!” Sabay kinuwelyuhan ako at pinilit na itinayo! “At tsaka pake ko kung mas matanda ka at uncle
kita! Nakikitira ka lang dito!!!”
“Oo na, magluluto na ako!!!” Nakakatakot na babae! Wala man lang cuteness sa
katawan!!!
“Good! Dalian mo kundi babangasan kita! At gusto ko
yung blueberry cheese pancakes ha…”
Lasunin ko siya eh!!!
Sayang
lang walang baygon dito sa bahay niya! Kundi tepok na ‘tong step-niece ko
habang kinakain na ang niluto kong pancakes.
Actually,
minsan mabait naman itong si Sam. Lalo na kapag pinapakain ko siya.
Pagkatapos
niyang kumain, tumayo siya at umalis na agad. Ang school na pinapasukan niya ay
ang South Grisham Highschool. School na pinamumugaran ng mga kalalakihan at mga
gangster. Malamang kaya naging ganun ang ugali ni Sam.
Pero
astig na rin dahil kahit babae siya at bata pa, siya naman ang tinuturing
nilang leader. Astig talaga noh, mas astig pa saakin!
(ノಠ益ಠ)ノ
“Ay balaj~ atak na! Na-sightsung ko na si
Eli-byu!!! Atrix siya oh! (Ay bakla~ tara na! Nakita ko na si Eli!!!
Ayun siya oh!)”
“Oy kakaimbey ka ha! Knowssung mo bang pagoda
tragedy na us kaka-google sayo!
(Kakainis ka! Alam mo bang pagod na pagod
na kami kakahanap sayo!)”
Ayan
na naman sila!!! Ang mga badessa kong kaibigan… sina Waine at Argel… pero mas
prefer nilang tawagin ko silang Wainona at Arj.
“Echosera kayong dalawa, tigilan niyo nga ako.”
Let’s
get this straight!!! Oo, mga kaibigan ko ang dalawang baklita na yan. Sa kanila
dina ko natuto ng mga salitang pam-beki. Pero hindi ibig sabihin nun na katulad
nila ako ha!!!
Magkababata
kaming tatlong. Nagulat na lang ako nang biglang magladlad yung dalawa. Pero
kahit ganun ang nangyari, hindi ko sila ikinahiya o iniwan. Eh wala eh, wala
rin akong mahanap na kaibigan kasi mahiyain ako.
Pero
ang akala na nung ibang tao, mahahawa na ako sa kanila. PERO HINDI! Nanatili pa
rin akong lalaki. Sa babae pa rin ako may gusto.
“Ay emote ang Eli-byu~ anik na naman ang dilemma mo
Beb? About sa mabyonda mo na naman bang shomangkin? Yung Barbie doll na
Voltron! (Ay inarte ang Eli~ ano na naman ang problema mo Beb? Tungkol na naman
sa maganda mong pamangkin? Yung babaeng macho!)”
“Si Sam! Samira! Kung maka-daot naman ‘to! (Kung
makainsulto naman ‘to!)”
“Baduchi!!! I-deadmatologist mo na lang si Sam! Cow
tumanders ever ka lang kaka-jisip sa kanya! (Bakla! Pabayaan mo na yung Sam
na yun! Baka tumanda ka lang kakaisip sa kanya.)”
“Wag mo nga akong tawaging bakla! Kayo lang yun!
And you don’t get it, nag-aalala lang ako dun sa pamangkin ko na yun. Palagi
kasing nasasali sa gulo! Isipin niyo, babae si Sam tapos ang mga binubugbog,
lalaki!”
“Wis mo kasing karirin mashorva! Unless noodles if
betchiwariwaps mo si Sam. Betsung mo ba siya? (Wag mo kasing pansinin masyado!
Pwera na lang kung may gusto ka na kay Sam. Gusto mo ba siya?)”
“Betsung? Hindi ko siya gusto ha! Pamangkin ko
yun!”
“Vaketch sounds like Bitter Ocampo ka? Wis kayey
maka-dugech! Fillet o’ Fish mo nga siya noh! (Bakit ang lungkot mo? Hindi kayo
magka-dugo! Type mo nga siya noh!)”
“HINDI NGA!!!”
“ECHOSERA~!!!”
“Bahala nga kayong dalawa jan! Mga Lucresia!!! (Mga
baliw!)”
“Ay award~ ahahahaha!!!” Nakakaloko talaga ‘tong sina Wainona at Arj!
Nag-apir pa sa harap ko! Nakakainis hindi ko rin naman maiwan itong mga barkada
kong badessa.
Pero
wala naman yun sa gender diba? Ang totoo nga niyan, mas lalaki pa nga sila
kumpara sa ibang mga kakilala ko. Malalandi lang at may pusong babae pero
maasahan na kaibigan.
“Magko-Coffeemate ka rin Eli-byu.”
“Anong coffemate?”
“Coffee creamer!”
“Shungaerz!!! Magigising sa katotohanan!”
“Tienes lang! Wiz akis freestyle na kagayatch ni
Eli-byu noh.”
“Ano?”
Minsan, may mga salita pa rin akong hindi maintindihan! “Freestyle?”
“Mashugal maka-getlaks!!! (Matagal
maka-gets!)”
“Slow~”
“Ewan ko sainyong dalawa!” At mabuti naman nag-ring na ang bell.
“Enter the dragon na tayey sa class~!”
(⋋▂⋌)
Nang
mag-uwian, direcho bahay na ako. Pero naglalakad na ako palapit sa gate ng village nang may mapansin ako. “Teka… si Sam yun ha! Bakit ang dami niyang
mga kasamang lalaki?”
Tsk!
Yun siguro yung mga taga-sunod niya! Mga members ng gang niya! Pero anong
ginagawa niya dito? Bakit hindi pa siya umuwi! Siguro maglalakwatsa sila o kaya
gagawa ng gulo!!! Masundan nga!!!
Nag-ingat
ako para hindi nila mahalata na sinusundan ko sila. Pero habang ginagawa ko
yun, hindi ko rin mapigilan yugn bibig ko kakaside-comment. “Grabe talaga ‘tong pamangkin ko! Porket ba
leader siya, kailangan na niyang sumama sa puro lalaki! Nakakainis!!! Hindi ba
niya naisip na babae rin siya!!! Naku Sam, pinaiinit mo dugo ko.” Pero as
if naman na may magawa ako. Mas malakas pa nga siya sumuntok kesa saakin eh.
Nasundan
ko sila hanggang sa isang lumang building. Pero ang ikinagulat ko, parang hindi
mga kaibigan ni Sam yung mga kasama niya kanina papunta dito. “Boss, ito na! Nadala na namin si Idol dito.”
“Hoy Idol!!! Kamusta!!!”
“Ito, mas maangas at malakas pa rin kesa sayo.
Ikaw, parang wala kang pinagbago ha. Mukha ka pa ring tae.”
“ANONG SABI MO!!!” Napatayo yung tinatawag nilang Boss. “Baka nakakalimutan mong ipinunta mo
dito!!! Hawak namin ang kaibigan mo!!!”
“Masama bang magsabi ng totoo? Tsss!” Ang angas niya talaga! Hindi ba siya natatakot?
Ako na ang mas natatakot para sa kanya eh. “Nasaan
si Byron?”
Inilabas
ng grupo ang isang lalaki na nakatali. Sa itchura niya, mukhang pinahirapan at
binugbog siya. “Yow~ idol! Bakit ngayon
ka lang dumating?”
“Eh nagutom ako kanina. Dumaan muna ako sa canteen.”
“Hahaha, sana dinalhan mo man lang ako kahit kendi.
Hindi nila ako pinakain eh.”
“Meron nga akong nabili. Itong potchi gusto mo?”
“Yown! Peyborit ko yan Idol!”
Ano
ba ‘tong dalawang ‘to? Obvious na nasa delikado silang sitwasyon, nagawa pang
mag-usap ng casual!
Pero
sh*t lang! Delikado talaga dito!!! Magkaka-rumble yata at ang bubugbugin nila,
si Sam! Aish! Ano bang problema ‘tong pinasukan niya! Ta-try ko pa sanang
tuamwag ng police kaso walang signal.
“Hoy tumigil kayong dalawa kugn ayaw niyong mas
mapaaga ang pamamaalam niyo.”
“Ows talaga? E di simulan niyo na!!!” Wala talaga siyang takot!
Kaya
naman noong hamunin pa sila ni Sam, hindi na nagdalawang-isip pa yung mga tao
at sinugod siya.
Hindi
ko pwedeng panoorin lang ito! Si Sam yung mapapaaway!!! Yumuko ako para
maghanap na kahit na anong pwedeng gamitin armas at nakakita naman ako ng
makapal na kahoy.
Kaso
nung pag-angat ko ulit sa ulo ko para silipin na kung anong nangyayari,
nakahandusay na agad yung kalahati sa mga umatake kay Sam kanina. Napanood
ko pa kung paano niya iniiwasan ang bawat suntok, sipa at atake ng mga yun.
Pero mas nagugulat ako kung paano niyang pinapatumba isa-isa ang mga kalaban.
Hindi
na yata niya kailangan ang tulong ko eh.
“Powtek naman! Ano yun, tumba kayo agad? Hindi man
lang ako pinagpawisan!” Naalala ko
na, mataas kasi ang degree niya sa taekwondo. Sobrang taas para sa edad niya.
Ibig sabihin lang nun, talagang napaka-lakas niya.
“Wag kayong tumigil!!! Pabagsakin niyo yang babaeng
yan!!!”
Tumayo
ulit yung mga kalaban at sinugod ulit siya. Pero madali niya lang rin silang
pinapatumba ulit. Sa isip ko nga, nagchi-cheer na ako eh! Gawa kaya ako
fansclub nitong pamangkin ko? Kaka-elibs eh!
Sa
sobrang focus ko sa ginagawa ni Sam, naramdaman kong may pumalo sa may likod ko
at napatumba ako. “Sino ka?”
“Ha…?”
Shet, nahilo yata ako. Ang sakit nun.
“Kasama ka ba nung Idol ha?”
“Hindi.”
At
sinuntok niya ako sa mukha at wala akong nagawa. “Gusto mo sirain ko yang mukha mo? Tara sumama ka!!!” Nasa
likod na ang mga kamay ko at hawak niya ako ng mahigpit. Pumasok kami sa loob
at natigil bigla ang lahat nang makita kaming pumasok. “Hoy Idol!!! Kilala mo ba ‘to ha?”
Napakunot
ng noo si Sam nang makita niya. “Eli?
Anong ginagawa mo dito?”
“Ahh!!! Kilala mo nga siya!”
“Oy panget! Labas yan sa gulo natin!”
“Talaga? Plano ko pa naman sanang gawing hostage
‘to!” Ano daw? Ako hostage?
Nagpumiglas pa sana ako pero sinipa niya lang ang binti ko kaya napaluhod ako
sa sakit.
“Teka… baka yan yung lalaking nababalitang
kalive-in mo.” Ang sabi nung
Boss.
“Mukha mo live-in!!!”
“Sam, pabayaan mo na ako! Kaya ko sarili ko!
Tapusin mo na yan at iligtas mo yang kaibigan mo!”
“Oo nga. Naji-jingle na din ako. Kelan niyo ba ako
pakakawalan?”
“Tumahimik ka!” At sinuntok nung Boss yung Byron kaya napatumba ito sa sahig.
“Aray! Pag ako nakawala dito, papasabugin ko yang
nguso!”
“Wag kang mag-alala Byron, ako magpapasabog sa
nguso ng homo erectus na yan! Tapos pwede ka nang umebak.”
“Dalian mo lang Idol. Baka maka-ihi na ako dito sa pantalon ko eh.”
“Ah, excuse me… as I was saying, go Sam!!! Talunin
mo sila!!!” Lalo namang
hinigpitan ng lalaking nangho-hostage saakin yung hawak niya sa mga kamay ko. “ARAY!!!”
“Hoy Eli, hintay ka lang jan ha, pababagsakin ko
lang ‘tong mga kalaban ko.”
“Dalian mo, mababali na yata ang buto ko sa
lalaking ‘to eh.”
Oo
na! Weak na kung weak para sa isang lalaking tulad ko na umasa sa pamangkin at
babaeng tulad ni Sam. Eh ano ba kasing magagawa ko? Wala akong alam sa mga labanan
tulad nito.
Tuloy
lang sa pakikipag-away si Sam. At nung parang naging mas seryoso siya, mas napadali
ang lahat. Hindi nga rin siya nahirapan na patulugin yung Boss ng mga kalaban.
One-hit-KO lang pala ang katapat, ang dami pang sinasatsat ng mokong.
“Ay sa wakas! Tapos na! Idol naman kasi, naglalaro
pa.”
“Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag warm-up
ng ganun eh.”
“Nasaan na yung potchi?”
“Akala ko ba nai-ihi ka na?”
“Yung kendi muna bago ako jumingle.”
“Excuse me ulit!!! Sam, nandito pa ako!!! Hostage
niya pa ako oh!”
“Wag kayong lalapit saamin kundi babalian ko talaga
ng braso ‘tong kalive-in mo!!!”
Tinaasan
naman siya ng kilay ni Sam. “Ikaw na
lang mag-isa, matapang ka pa? Pakawalan mo na yan at hindi na rin kita
sasaktan.”
“Oo nga. Talo na kayo. Itigil mo na ‘to.”
“Tumahimik ka!!!”
“ARAY!!!”
“Tss!!! Ginagalit mo ako ha!” Napatakbo agad si Sam palapit saamin at tama ba
namang mag-flying kick sa harap namin!!!
Ilang
pulgada na lang ang talampakan niya sa mukha ko pero hindi naman ako ang
tinapaan nun. Ang nasupalpal kasi sa sipa niyang yun eh yung pagmumukha nung
nangho-hostage saakin. Natumba ito agad at nakatulog.
“Oh yan napala mo! Sabi naman sayong pakawalan mo
na siya eh.”
“Woohoo!!!
*clap clap* The best ka talaga Idol!”
“Ako pa!”
Nung
magkatinginan naman kami, hindi ko na napigilan ang sarili ko at nayakap ko
siya. “Ang galing-galing mo pala talaga
Sam! Buti walang nangyaring masama sayo!”
Matagal
pa bago naka-react si Sam dun sa yakap ko pero nung mang-asar si Byron, “Hehe, so magkalive-in nga talaga kayo!”
Bigla
akong naitulak palayo ni Sam at nung titigan ko mukha niya, “Bakit namumula ka?”
“HINDI AKO NAGBA-BLUSH HA!”
“Ah ang sasabihin ko sana, dahil ba yan sa suntok.”
“Ayiiiieh~ defensive si Idol!”
Tinignan
naman ng masama ni Sam si Byron. “Tumahimik
ka jan Byron kung ayaw mong ma-jingle jan ng wala sa oras.”
“Ah oo nga pala, naiihi na ako! Sandali lang.”
Umihi
muna si Byron sandali. Tapos nun sabay-sabay na kaming lumakad paalis para
umuwi na.
(─‿‿─)
Buti
na lang talaga walang nangyaring sobrang sama. Basta sinasamba ko na si Sam!
Ang galing-galing niya lang talaga!
“Ano nga palang ginagawa mo dun?”
“Sinundan kita. Puro kasi lalaki kasama mo kaya
nag-alala ako.”
“Hindi ka dapat nag-aalala saakin. Sahun yata ako,
kaya ko sarili ko.”
“Kahit na, babae ka pa rin. At tsaka kahit na wala akong naitulong nung nagkakagulo kanina, basta malaman ko lang na okay, kampante na ako dun.” Yung ekspresyon sa mukha ni Sam, parang nahiya. “Uy, kinilig siya sa sinabi ko.”
“Pektus, gusto mo?” Natawa naman ako. Kahit kasi maton si Sam, kapag
ganito siya, lumalabas ang cuteness niya.
Pero
dahil sa pang-aasar ko sa kanya para lang makita ko pa ng mas matagal ang
cuteness niya, natalisod tuloy ako at nasubsob sa daan.
“Ayan! Bwahahaha!!! Alam mo tawag jan? Karma!!!
Bwahahaha!!!”
Okay.
Mas lalo lang siyang naging cute samantalang ako napahiya na. “Eh ikaw? Gusto mong masubsob din?”
“Ako ba hinahamon mo?”
“Isusubsob kita sa nguso ko! Gusto mo?”
Matagal
na nanahimik si Sam. Parang iniisip niya yung tungkol sa sinabi ko. Maya-maya
lang din parang na-realize na niya ang ibig kong sabihin kaya naman kinuwelyuhan
niya ako at sinubsob ulit dun sa malapit na kanal.
“Joke lang!!! Hwaaaaaah!!!”
.
.
.
“Hwaaaaaaah~” What. The. Pyok.
“Eli gising!!! Nanagininip ka!” Ha? Panaginip?
“Natutulog ka na naman kasi jan sa sofa eh!” Napatayo
naman ako iminulat ko ang mga mata ko. “Oh anong problema mo?”
“Yung… yung kanal!!! Ikaw… Idol… Wainona… Arj… ako…
wala…”
“Pffft!!! Hwahahaha!!!” Sobrang natawa si Sam at maluha-luha pa. “Nanaginip ka lang Eli. Anong kanal ha? At
tsaka ako si Idol? Eh ikaw yun diba? Hwahahahaha!!!” Pero napatigil siya
bigla. “Pero sino sina Wainona at Arj?
May babae ka Eli?”
Pakingshet!!!
Panaginip nga!!! Takte naman, ang weird naman masyado nun!
“Oy Eli, sino sina Wainona at Arj ha? Nambabae ka
nga noh!!!”
“Hindi ah!”
Kung alam niya lang! Putchanggalang yan, ibang klaseng bangungot yun ha. “Shet lang Sammy! Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari! Powtek! Nakakakilabot, buti na lang panaginip lang yun!”
Pero
nung makita ko yung mukha ni Sam na parang hindi pa rin naniniwala at
tumatamang-hinala pa! Hinawakan ko siya sa bewang niya at hinila ko palapit
saakin. “Sam, talaga bang hindi na ako nananaginip ha? Kaya mo bang patunayan
yun?”
*pak!*
“Aray!!! Bakit mo ako sinampal?”
“Masakit? Oh di gising ka na nga! At tsaka hindi
mo pa sinasagot ang tanong ko. Sino yung Wainona at Arj?”
“Wag mo na ngang tanungin! Kapag naalala ko,
kinikilabutan lang ako eh.” Pero gusto
ko pa ring makasigurado na gising na nga talaga ako. “Sam? Gusto mong masubsob sa nguso ko?”
.
.
.
“Ewan ko sayo! Hindi mo naman sinasabi saakin kung
paano yun magagawa eh! Jan ka na nga!” At
padabog na siyang umalis.
Napailing
na lang ako at natawa sa sarili ko. Nakahinga na rin ako ng maluwag. Wala pa ring tatalo sa pagiging slow ng
Sammy ko. Hwahahaha!!! Gising na nga ako!
(¬‿¬)
-The End-
^___^ Grabe! Tawa ako ng tawa dito eh! Dabest talaga! HAHA! Wainona at Arj! Shet!
ReplyDeletegrbe! ang astig ni sam! babie doll n voltron daw! ahhahhaha!!! namiss q sla! nagkplit cla ni eli! hwahhahahhhahahha!!! sobrng saya nmn tlga!!!!
ReplyDeleteay tsaka cna wainona at arj~ mga badessa!!! ang skit ng tyan q kktwa, ang llandi nla!!! c byron llking-llki din! ate aegyo, nmiss q tlga cla!!!!! sobrang kinumpleto ng MNIL ult ang araw q!!!! hwaaaaaahh!!!!
emeged eli!! i miss him..
ReplyDeletedahil change personality sila ni sam, nanibago ako..
but ireally enjoyed the change!!
kasi naman ang astig ni sam..!!
then sina wainona at arj.. megednes!!..
i so love you miss aegyo!!..
keep it up & always be inspired..!!
it's my first time to comment here..
Deletepwede naman pala anonymous lang..!!
this is soo unexpected!! hahaha!! tawa much kela wainona at arj!! my gosh! i can't believe those two! na miss ko talaga 'to!
ReplyDeletewhooh! ang cool ni sam!! lalaking lalaki rito si byron ha,parang hndi ata ako mkapaniwala.. haha..
Astig! Akala ko pa naman totoo na!XD
ReplyDeleteSayang! Ang astig sana kung nagkatotoo 'yun. edi ang magiging title ng story ay 'My Niece-in-law'.
Wainona at Arj! Hahaha! Hindi ko talaga ma-imagine na beks sila! Pati na rin si Eli na nagge-gay lingo at si Sam na mataas ang degree sa taekwondo. Syets. ASTIG TALAGA! crush na crush ko na si Sam pag nagkataon. Hoho
Grabe, paran akong tangang tawa nang tawa. Nagkaklase pa man din kami ngayon. Lels~
gRbE yuNg tiNitiLian q nGunG mGa bEki,,, naGing mAs mLandi p sAkEn cNa wAiNoNa at aRj,,, si eLiByu diN naGbEbeKi at nGing LAmPa pEo aNg LkAs pa rin nG seX aPpEaL nia pRa skEn,,,
ReplyDeletesi sAm naiSip q aNg gwaPo niA diN kpAG ngiNG LLKi,,
NaMiss ko yaNg sUbsob kTa s nGuso,,, hNggaNg ngaUn ndE paRin gEts ni sAm un,,,
elisam ako forever! kahit magpalit pa sila ng personality, iba pa rin ang tandem nilang dalawa.. pati sina wainona at arj! ang sakit sa panga kakatawa! wait, si cyler ba yung boss na kinalaban nila?
DeleteHâveý añğ mgą pägķabåđüçhî nīną wàìņě ať ařģeł. Pěŗø màş ĺałő kö şiłã nąğiñg cřuşh. Pąťi si ëłi sümūboķ pařiñ táłağa sa mģa pàğnañasâ nïa kaý sâm. Yań naşůbšøb ať naģişiñg nà tałağa.. Ï łike it. I mìsś my ñiěcë eşte nëphęw iń lãw.. Ü
ReplyDeletei miss them!!
ReplyDelete♡ ❤ elisam ♡ ❤
♡ ❤ wainona and arj ♡ ❤
~angel is luv~
ReplyDeletenaiiyak ako!! naiiyak ako kakatawa! grabe yung mga beki version nina waine at argel! wag niyo nang uulitin yun ha? crush na crush ko pa naman kayo. hahaha!!!
angs weet ni eli jan! bumanat na naman, siya na tuloy ang nabanatan ni sam. sobrang kewl!
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAhahhahahahahaa.... Super love!!!
ReplyDeletedi ko maimagine si Waine at argel! hsahahahhaaha
aegyo, you just made me fall for sam much deeper! i love her more in this personality!
ReplyDeletegrabe kalerkie ka nmn ate AEGYO tlagang pinagpalit mo cla ng situation
ReplyDeletewaaaaaahhhhhhhh! Hahahahahaha! Wainona en Arj! Hahahaha! Nebeyen! ndi ko maimagine na mge beki sila sa gwapo nilang yon, haha
ReplyDeleteito namang si Eli bebeko, haha, para-paraan talaga kaya laging najojombag ni Sam eh, haha, ako nlng ikiss mo Eli bebeko, sa cheeks lang at baka majombag ako ni sam, ayiiiiiih! ^____^
OHMY.. dami kong tawaa!! ngayun ko lang nakitaaa~
ReplyDeleteahahahahaha.ang galing. ang sagwa lang nung pagdating sa beking sina wainona. pero keri lang bwahahaahaha!!!!