Monday, October 1, 2012

My Nephew-in-Law : One-Shot 4

Minsan, magugulat ka na lang na pwede palang mangyari ang mga bagay na impossible. Kagaya na lang ng kwentong ito… ano kaya kung magkapalit ang position nina Eli at Sam. WHAT IF ang “My Nephew-in-Law” maging “My Niece-in-Law.” Gulo yata ‘to!!!



What If
(ELEAZER PASCUAL POV)
#EliSam



Nagising ako nang may earthquake na. Yun pala may umaalog lang sa kama ko. Pagmulat ko sa mga mata ko… “WHAT THE…”



Niyuyugyog ako ng pamangkin kong si Sam. “Hoy Eli!!! Bumangon ka na jan!!! Ipagluto mo ako ngayon ng agahan, maaga pa pasok ko.”



Walang modong Samira ‘to! “Anong Eli ka jan? Uncle mo ako ha!” Mas matanda ako sa kanya at ako ang Step-uncle niya! Bukod doon, kababae niyang tao, ganito kung umasta! “Bakit kita ipagluluto? Ikaw ang babae kaya dapat ikaw ang magluto.”



“Ahh ganun ha!”



Bigla niyang hinila yung kumot na nakabalot sa katawan ko at sa sobrang lakas niya pati ako bumaldog sa sahig. “ARAY~”



“Eh ano kung babae ako? Hindi mo ba ako kilala ha? Ako si Idol! Ang babaeng leader ng pinakamalaking gang dito!” Sabay kinuwelyuhan ako at pinilit na itinayo! “At tsaka pake ko kung mas matanda ka at uncle kita! Nakikitira ka lang dito!!!”



“Oo na, magluluto na ako!!!” Nakakatakot na babae! Wala man lang cuteness sa katawan!!!



“Good! Dalian mo kundi babangasan kita! At gusto ko yung blueberry cheese pancakes ha…” Lasunin ko siya eh!!!



Sayang lang walang baygon dito sa bahay niya! Kundi tepok na ‘tong step-niece ko habang kinakain na ang niluto kong pancakes.



Actually, minsan mabait naman itong si Sam. Lalo na kapag pinapakain ko siya.



Pagkatapos niyang kumain, tumayo siya at umalis na agad. Ang school na pinapasukan niya ay ang South Grisham Highschool. School na pinamumugaran ng mga kalalakihan at mga gangster. Malamang kaya naging ganun ang ugali ni Sam.



Pero astig na rin dahil kahit babae siya at bata pa, siya naman ang tinuturing nilang leader. Astig talaga noh, mas astig pa saakin!



()



“Ay balaj~ atak na! Na-sightsung ko na si Eli-byu!!! Atrix siya oh! (Ay bakla~ tara na! Nakita ko na si Eli!!! Ayun siya oh!)



“Oy kakaimbey ka ha! Knowssung mo bang pagoda tragedy na us kaka-google sayo! (Kakainis ka! Alam mo bang pagod na pagod na kami kakahanap sayo!)



Ayan na naman sila!!! Ang mga badessa kong kaibigan… sina Waine at Argel… pero mas prefer nilang tawagin ko silang Wainona at Arj.



“Echosera kayong dalawa, tigilan niyo nga ako.”



Let’s get this straight!!! Oo, mga kaibigan ko ang dalawang baklita na yan. Sa kanila dina ko natuto ng mga salitang pam-beki. Pero hindi ibig sabihin nun na katulad nila ako ha!!!



Magkababata kaming tatlong. Nagulat na lang ako nang biglang magladlad yung dalawa. Pero kahit ganun ang nangyari, hindi ko sila ikinahiya o iniwan. Eh wala eh, wala rin akong mahanap na kaibigan kasi mahiyain ako.



Pero ang akala na nung ibang tao, mahahawa na ako sa kanila. PERO HINDI! Nanatili pa rin akong lalaki. Sa babae pa rin ako may gusto.



“Ay emote ang Eli-byu~ anik na naman ang dilemma mo Beb? About sa mabyonda mo na naman bang shomangkin? Yung Barbie doll na Voltron! (Ay inarte ang Eli~ ano na naman ang problema mo Beb? Tungkol na naman sa maganda mong pamangkin? Yung babaeng macho!)



“Si Sam! Samira! Kung maka-daot naman ‘to! (Kung makainsulto naman ‘to!)



“Baduchi!!! I-deadmatologist mo na lang si Sam! Cow tumanders ever ka lang kaka-jisip sa kanya! (Bakla! Pabayaan mo na yung Sam na yun! Baka tumanda ka lang kakaisip sa kanya.)



“Wag mo nga akong tawaging bakla! Kayo lang yun! And you don’t get it, nag-aalala lang ako dun sa pamangkin ko na yun. Palagi kasing nasasali sa gulo! Isipin niyo, babae si Sam tapos ang mga binubugbog, lalaki!”



“Wis mo kasing karirin mashorva! Unless noodles if betchiwariwaps mo si Sam. Betsung mo ba siya? (Wag mo kasing pansinin masyado! Pwera na lang kung may gusto ka na kay Sam. Gusto mo ba siya?)



“Betsung? Hindi ko siya gusto ha! Pamangkin ko yun!”



“Vaketch sounds like Bitter Ocampo ka? Wis kayey maka-dugech! Fillet o’ Fish mo nga siya noh! (Bakit ang lungkot mo? Hindi kayo magka-dugo! Type mo nga siya noh!)



“HINDI NGA!!!”



“ECHOSERA~!!!”



“Bahala nga kayong dalawa jan! Mga Lucresia!!! (Mga baliw!)



“Ay award~ ahahahaha!!!” Nakakaloko talaga ‘tong sina Wainona at Arj! Nag-apir pa sa harap ko! Nakakainis hindi ko rin naman maiwan itong mga barkada kong badessa.



Pero wala naman yun sa gender diba? Ang totoo nga niyan, mas lalaki pa nga sila kumpara sa ibang mga kakilala ko. Malalandi lang at may pusong babae pero maasahan na kaibigan.



“Magko-Coffeemate ka rin Eli-byu.”



“Anong coffemate?”



“Coffee creamer!”



“Shungaerz!!! Magigising sa katotohanan!”



“Tienes lang! Wiz akis freestyle na kagayatch ni Eli-byu noh.”



“Ano?” Minsan, may mga salita pa rin akong hindi maintindihan! “Freestyle?”



“Mashugal maka-getlaks!!! (Matagal maka-gets!)



“Slow~”



“Ewan ko sainyong dalawa!” At mabuti naman nag-ring na ang bell.



“Enter the dragon na tayey sa class~!”



(▂⋌)



Nang mag-uwian, direcho bahay na ako. Pero naglalakad na ako palapit sa gate ng village nang may mapansin ako. “Teka… si Sam yun ha! Bakit ang dami niyang mga kasamang lalaki?”



Tsk! Yun siguro yung mga taga-sunod niya! Mga members ng gang niya! Pero anong ginagawa niya dito? Bakit hindi pa siya umuwi! Siguro maglalakwatsa sila o kaya gagawa ng gulo!!! Masundan nga!!!



Nag-ingat ako para hindi nila mahalata na sinusundan ko sila. Pero habang ginagawa ko yun, hindi ko rin mapigilan yugn bibig ko kakaside-comment. “Grabe talaga ‘tong pamangkin ko! Porket ba leader siya, kailangan na niyang sumama sa puro lalaki! Nakakainis!!! Hindi ba niya naisip na babae rin siya!!! Naku Sam, pinaiinit mo dugo ko.” Pero as if naman na may magawa ako. Mas malakas pa nga siya sumuntok kesa saakin eh.



Nasundan ko sila hanggang sa isang lumang building. Pero ang ikinagulat ko, parang hindi mga kaibigan ni Sam yung mga kasama niya kanina papunta dito. “Boss, ito na! Nadala na namin si Idol dito.”



“Hoy Idol!!! Kamusta!!!”



“Ito, mas maangas at malakas pa rin kesa sayo. Ikaw, parang wala kang pinagbago ha. Mukha ka pa ring tae.”



“ANONG SABI MO!!!” Napatayo yung tinatawag nilang Boss. “Baka nakakalimutan mong ipinunta mo dito!!! Hawak namin ang kaibigan mo!!!”



“Masama bang magsabi ng totoo? Tsss!” Ang angas niya talaga! Hindi ba siya natatakot? Ako na ang mas natatakot para sa kanya eh. “Nasaan si Byron?”



Inilabas ng grupo ang isang lalaki na nakatali. Sa itchura niya, mukhang pinahirapan at binugbog siya. “Yow~ idol! Bakit ngayon ka lang dumating?”



“Eh nagutom ako kanina. Dumaan muna ako sa canteen.”



“Hahaha, sana dinalhan mo man lang ako kahit kendi. Hindi nila ako pinakain eh.”



“Meron nga akong nabili. Itong potchi gusto mo?”



“Yown! Peyborit ko yan Idol!”



Ano ba ‘tong dalawang ‘to? Obvious na nasa delikado silang sitwasyon, nagawa pang mag-usap ng casual!



Pero sh*t lang! Delikado talaga dito!!! Magkaka-rumble yata at ang bubugbugin nila, si Sam! Aish! Ano bang problema ‘tong pinasukan niya! Ta-try ko pa sanang tuamwag ng police kaso walang signal.



“Hoy tumigil kayong dalawa kugn ayaw niyong mas mapaaga ang pamamaalam niyo.”



“Ows talaga? E di simulan niyo na!!!” Wala talaga siyang takot!



Kaya naman noong hamunin pa sila ni Sam, hindi na nagdalawang-isip pa yung mga tao at sinugod siya.



Hindi ko pwedeng panoorin lang ito! Si Sam yung mapapaaway!!! Yumuko ako para maghanap na kahit na anong pwedeng gamitin armas at nakakita naman ako ng makapal na kahoy.



Kaso nung pag-angat ko ulit sa ulo ko para silipin na kung anong nangyayari, nakahandusay na agad yung kalahati sa mga umatake kay Sam kanina. Napanood ko pa kung paano niya iniiwasan ang bawat suntok, sipa at atake ng mga yun. Pero mas nagugulat ako kung paano niyang pinapatumba isa-isa ang mga kalaban.



Hindi na yata niya kailangan ang tulong ko eh.



“Powtek naman! Ano yun, tumba kayo agad? Hindi man lang ako pinagpawisan!” Naalala ko na, mataas kasi ang degree niya sa taekwondo. Sobrang taas para sa edad niya. Ibig sabihin lang nun, talagang napaka-lakas niya.



“Wag kayong tumigil!!! Pabagsakin niyo yang babaeng yan!!!”



Tumayo ulit yung mga kalaban at sinugod ulit siya. Pero madali niya lang rin silang pinapatumba ulit. Sa isip ko nga, nagchi-cheer na ako eh! Gawa kaya ako fansclub nitong pamangkin ko? Kaka-elibs eh!



Sa sobrang focus ko sa ginagawa ni Sam, naramdaman kong may pumalo sa may likod ko at napatumba ako. “Sino ka?”



“Ha…?” Shet, nahilo yata ako. Ang sakit nun.



“Kasama ka ba nung Idol ha?”



“Hindi.”



At sinuntok niya ako sa mukha at wala akong nagawa. “Gusto mo sirain ko yang mukha mo? Tara sumama ka!!!” Nasa likod na ang mga kamay ko at hawak niya ako ng mahigpit. Pumasok kami sa loob at natigil bigla ang lahat nang makita kaming pumasok. “Hoy Idol!!! Kilala mo ba ‘to ha?”



Napakunot ng noo si Sam nang makita niya. “Eli? Anong ginagawa mo dito?”



“Ahh!!! Kilala mo nga siya!”



“Oy panget! Labas yan sa gulo natin!”



“Talaga? Plano ko pa naman sanang gawing hostage ‘to!” Ano daw? Ako hostage? Nagpumiglas pa sana ako pero sinipa niya lang ang binti ko kaya napaluhod ako sa sakit.



“Teka… baka yan yung lalaking nababalitang kalive-in mo.” Ang sabi nung Boss.



“Mukha mo live-in!!!”



“Sam, pabayaan mo na ako! Kaya ko sarili ko! Tapusin mo na yan at iligtas mo yang kaibigan mo!”



“Oo nga. Naji-jingle na din ako. Kelan niyo ba ako pakakawalan?”



“Tumahimik ka!” At sinuntok nung Boss yung Byron kaya napatumba ito sa sahig.



“Aray! Pag ako nakawala dito, papasabugin ko yang nguso!”



“Wag kang mag-alala Byron, ako magpapasabog sa nguso ng homo erectus na yan! Tapos pwede ka nang umebak.”



“Dalian mo lang Idol. Baka maka-ihi na ako dito sa pantalon ko eh.”



“Ah, excuse me… as I was saying, go Sam!!! Talunin mo sila!!!” Lalo namang hinigpitan ng lalaking nangho-hostage saakin yung hawak niya sa mga kamay ko. “ARAY!!!”



“Hoy Eli, hintay ka lang jan ha, pababagsakin ko lang ‘tong mga kalaban ko.”



“Dalian mo, mababali na yata ang buto ko sa lalaking ‘to eh.”



Oo na! Weak na kung weak para sa isang lalaking tulad ko na umasa sa pamangkin at babaeng tulad ni Sam. Eh ano ba kasing magagawa ko? Wala akong alam sa mga labanan tulad nito.



Tuloy lang sa pakikipag-away si Sam. At nung parang naging mas seryoso siya, mas napadali ang lahat. Hindi nga rin siya nahirapan na patulugin yung Boss ng mga kalaban. One-hit-KO lang pala ang katapat, ang dami pang sinasatsat ng mokong.



“Ay sa wakas! Tapos na! Idol naman kasi, naglalaro pa.”



“Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag warm-up ng ganun eh.”



“Nasaan na yung potchi?”



“Akala ko ba nai-ihi ka na?”



“Yung kendi muna bago ako jumingle.”



“Excuse me ulit!!! Sam, nandito pa ako!!! Hostage niya pa ako oh!”



“Wag kayong lalapit saamin kundi babalian ko talaga ng braso ‘tong kalive-in mo!!!”



Tinaasan naman siya ng kilay ni Sam. “Ikaw na lang mag-isa, matapang ka pa? Pakawalan mo na yan at hindi na rin kita sasaktan.”



“Oo nga. Talo na kayo. Itigil mo na ‘to.”



“Tumahimik ka!!!”



“ARAY!!!”



“Tss!!! Ginagalit mo ako ha!” Napatakbo agad si Sam palapit saamin at tama ba namang mag-flying kick sa harap namin!!!



Ilang pulgada na lang ang talampakan niya sa mukha ko pero hindi naman ako ang tinapaan nun. Ang nasupalpal kasi sa sipa niyang yun eh yung pagmumukha nung nangho-hostage saakin. Natumba ito agad at nakatulog.



“Oh yan napala mo! Sabi naman sayong pakawalan mo na siya eh.”



“Woohoo!!! *clap clap* The best ka talaga Idol!”



“Ako pa!”



Nung magkatinginan naman kami, hindi ko na napigilan ang sarili ko at nayakap ko siya. “Ang galing-galing mo pala talaga Sam! Buti walang nangyaring masama sayo!”



Matagal pa bago naka-react si Sam dun sa yakap ko pero nung mang-asar si Byron, “Hehe, so magkalive-in nga talaga kayo!”



Bigla akong naitulak palayo ni Sam at nung titigan ko mukha niya, “Bakit namumula ka?”



“HINDI AKO NAGBA-BLUSH HA!”



“Ah ang sasabihin ko sana, dahil ba yan sa suntok.”



“Ayiiiieh~ defensive si Idol!”



Tinignan naman ng masama ni Sam si Byron. “Tumahimik ka jan Byron kung ayaw mong ma-jingle jan ng wala sa oras.”



“Ah oo nga pala, naiihi na ako! Sandali lang.”



Umihi muna si Byron sandali. Tapos nun sabay-sabay na kaming lumakad paalis para umuwi na.



(─‿‿)



Buti na lang talaga walang nangyaring sobrang sama. Basta sinasamba ko na si Sam! Ang galing-galing niya lang talaga!



“Ano nga palang ginagawa mo dun?”



“Sinundan kita. Puro kasi lalaki kasama mo kaya nag-alala ako.”



“Hindi ka dapat nag-aalala saakin. Sahun yata ako, kaya  ko sarili ko.”



“Kahit na, babae ka pa rin. At tsaka kahit na wala akong naitulong nung nagkakagulo kanina, basta malaman ko lang na okay, kampante na ako dun.” Yung ekspresyon sa mukha ni Sam, parang nahiya. “Uy, kinilig siya sa sinabi ko.”



“Pektus, gusto mo?” Natawa naman ako. Kahit kasi maton si Sam, kapag ganito siya, lumalabas ang cuteness niya.



Pero dahil sa pang-aasar ko sa kanya para lang makita ko pa ng mas matagal ang cuteness niya, natalisod tuloy ako at nasubsob sa daan.



“Ayan! Bwahahaha!!! Alam mo tawag jan? Karma!!! Bwahahaha!!!”



Okay. Mas lalo lang siyang naging cute samantalang ako napahiya na. “Eh ikaw? Gusto mong masubsob din?”



“Ako ba hinahamon mo?”



“Isusubsob kita sa nguso ko! Gusto mo?”



Matagal na nanahimik si Sam. Parang iniisip niya yung tungkol sa sinabi ko. Maya-maya lang din parang na-realize na niya ang ibig kong sabihin kaya naman kinuwelyuhan niya ako at sinubsob ulit dun sa malapit na kanal.



“Joke lang!!! Hwaaaaaah!!!”



.



.



.



“Hwaaaaaaah~” What. The. Pyok.



“Eli gising!!! Nanagininip ka!” Ha? Panaginip? “Natutulog ka na naman kasi jan sa sofa eh!” Napatayo naman ako iminulat ko ang mga mata ko. “Oh anong problema mo?”



“Yung… yung kanal!!! Ikaw… Idol… Wainona… Arj… ako… wala…”



“Pffft!!! Hwahahaha!!!” Sobrang natawa si Sam at maluha-luha pa.  “Nanaginip ka lang Eli. Anong kanal ha? At tsaka ako si Idol? Eh ikaw yun diba? Hwahahahaha!!!” Pero napatigil siya bigla. “Pero sino sina Wainona at Arj? May babae ka Eli?”



Pakingshet!!! Panaginip nga!!! Takte naman, ang weird naman masyado nun!



“Oy Eli, sino sina Wainona at Arj ha? Nambabae ka nga noh!!!”



“Hindi ah!” Kung alam niya lang! Putchanggalang yan, ibang klaseng bangungot yun ha. “Shet lang Sammy! Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari! Powtek! Nakakakilabot, buti na lang panaginip lang yun!”



Pero nung makita ko yung mukha ni Sam na parang hindi pa rin naniniwala at tumatamang-hinala pa! Hinawakan ko siya sa bewang niya at hinila ko palapit saakin. “Sam, talaga bang hindi na ako nananaginip ha? Kaya mo bang patunayan yun?”



*pak!*



“Aray!!! Bakit mo ako sinampal?”



“Masakit? Oh di gising ka na nga! At tsaka hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Sino yung Wainona at Arj?”



“Wag mo na ngang tanungin! Kapag naalala ko, kinikilabutan lang ako eh.” Pero gusto ko pa ring makasigurado na gising na nga talaga ako. “Sam? Gusto mong masubsob sa nguso ko?”



.



.



.



“Ewan ko sayo! Hindi mo naman sinasabi saakin kung paano yun magagawa eh! Jan ka na nga!” At padabog na siyang umalis.



Napailing na lang ako at natawa sa sarili ko. Nakahinga na rin ako ng maluwag. Wala pa ring tatalo sa pagiging slow ng Sammy ko. Hwahahaha!!! Gising na nga ako!



¬)

-The End-



16 comments:

  1. ^___^ Grabe! Tawa ako ng tawa dito eh! Dabest talaga! HAHA! Wainona at Arj! Shet!

    ReplyDelete
  2. grbe! ang astig ni sam! babie doll n voltron daw! ahhahhaha!!! namiss q sla! nagkplit cla ni eli! hwahhahahhhahahha!!! sobrng saya nmn tlga!!!!

    ay tsaka cna wainona at arj~ mga badessa!!! ang skit ng tyan q kktwa, ang llandi nla!!! c byron llking-llki din! ate aegyo, nmiss q tlga cla!!!!! sobrang kinumpleto ng MNIL ult ang araw q!!!! hwaaaaaahh!!!!

    ReplyDelete
  3. emeged eli!! i miss him..
    dahil change personality sila ni sam, nanibago ako..
    but ireally enjoyed the change!!
    kasi naman ang astig ni sam..!!
    then sina wainona at arj.. megednes!!..
    i so love you miss aegyo!!..

    keep it up & always be inspired..!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. it's my first time to comment here..
      pwede naman pala anonymous lang..!!

      Delete
  4. this is soo unexpected!! hahaha!! tawa much kela wainona at arj!! my gosh! i can't believe those two! na miss ko talaga 'to!

    whooh! ang cool ni sam!! lalaking lalaki rito si byron ha,parang hndi ata ako mkapaniwala.. haha..

    ReplyDelete
  5. Astig! Akala ko pa naman totoo na!XD
    Sayang! Ang astig sana kung nagkatotoo 'yun. edi ang magiging title ng story ay 'My Niece-in-law'.
    Wainona at Arj! Hahaha! Hindi ko talaga ma-imagine na beks sila! Pati na rin si Eli na nagge-gay lingo at si Sam na mataas ang degree sa taekwondo. Syets. ASTIG TALAGA! crush na crush ko na si Sam pag nagkataon. Hoho
    Grabe, paran akong tangang tawa nang tawa. Nagkaklase pa man din kami ngayon. Lels~

    ReplyDelete
  6. gRbE yuNg tiNitiLian q nGunG mGa bEki,,, naGing mAs mLandi p sAkEn cNa wAiNoNa at aRj,,, si eLiByu diN naGbEbeKi at nGing LAmPa pEo aNg LkAs pa rin nG seX aPpEaL nia pRa skEn,,,

    si sAm naiSip q aNg gwaPo niA diN kpAG ngiNG LLKi,,

    NaMiss ko yaNg sUbsob kTa s nGuso,,, hNggaNg ngaUn ndE paRin gEts ni sAm un,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. elisam ako forever! kahit magpalit pa sila ng personality, iba pa rin ang tandem nilang dalawa.. pati sina wainona at arj! ang sakit sa panga kakatawa! wait, si cyler ba yung boss na kinalaban nila?

      Delete
  7. Hâveý añğ mgą pägķabåđüçhî nīną wàìņě ať ařģeł. Pěŗø màş ĺałő kö şiłã nąğiñg cřuşh. Pąťi si ëłi sümūboķ pařiñ táłağa sa mģa pàğnañasâ nïa kaý sâm. Yań naşůbšøb ať naģişiñg nà tałağa.. Ï łike it. I mìsś my ñiěcë eşte nëphęw iń lãw.. Ü

    ReplyDelete
  8. i miss them!!

    ♡ ❤ elisam ♡ ❤

    ♡ ❤ wainona and arj ♡ ❤

    ReplyDelete
  9. ~angel is luv~

    naiiyak ako!! naiiyak ako kakatawa! grabe yung mga beki version nina waine at argel! wag niyo nang uulitin yun ha? crush na crush ko pa naman kayo. hahaha!!!

    angs weet ni eli jan! bumanat na naman, siya na tuloy ang nabanatan ni sam. sobrang kewl!

    ReplyDelete
  10. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAhahhahahahahaa.... Super love!!!

    di ko maimagine si Waine at argel! hsahahahhaaha

    ReplyDelete
  11. aegyo, you just made me fall for sam much deeper! i love her more in this personality!

    ReplyDelete
  12. grabe kalerkie ka nmn ate AEGYO tlagang pinagpalit mo cla ng situation

    ReplyDelete
  13. waaaaaahhhhhhhh! Hahahahahaha! Wainona en Arj! Hahahaha! Nebeyen! ndi ko maimagine na mge beki sila sa gwapo nilang yon, haha

    ito namang si Eli bebeko, haha, para-paraan talaga kaya laging najojombag ni Sam eh, haha, ako nlng ikiss mo Eli bebeko, sa cheeks lang at baka majombag ako ni sam, ayiiiiiih! ^____^

    ReplyDelete
  14. OHMY.. dami kong tawaa!! ngayun ko lang nakitaaa~
    ahahahahaha.ang galing. ang sagwa lang nung pagdating sa beking sina wainona. pero keri lang bwahahaahaha!!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^