Monday, October 8, 2012

Love at Second Sight : Chapter 23

CHAPTER 23

( Aeroll’s POV )

Ilang beses na siyang nagpabalik-balik sa paglangoy. Umupo siya sa gilid ng pool.

“Napakainsensitive mo kasi!”



“Napakainsensitive mo kasi!”



“Napakainsensitive mo kasi!”



Paulit-ulit ‘yong nag-replay sa isip niya. “Argh! Oo na, ako na! Napaka-insensitive ko na!” Napasabunot siya sa buhok niya.



Nang may madinig siyang tumikhim sa likuran niya. Hindi niya alam pero napangiti siya. “Princess.” sabay lingon sa likuran niya. Dagling nawala ang ngiti niya. Bakit ko ba kasi naisip na susunod si Princess sakin dito?



Ngumiti ito. “Hello! Kanina pa kita napapansin, mukhang mag-isa ka. Mind if I join you?”



Naisip niya si Princess. Umiling siya. Bakit ko ba siya naiisip? I’m here for a vacation so dapat lang mag-enjoy ako. Katulad na lang nitong sexy na nasa harap ko. Nginitian niya ito. “I don’t mind.”



Umupo ito sa tabi niya. “By the way, I’m Bea.” Inilahad nito ang kamay nito.



Tinanggap niya ang palad nito. “I’m Aeroll. Alone?”



“I’m with my friends. Bakasyonista ka din?”



“Yap. How did you know?”



“Ang mga gwapong katulad mo kasi hindi bagay sa lugar na ‘to.”



Kumunot ang noo niya pero saglit lang. “So, sa’n ako bagay?”



Lumapit ito sa kaniya. Idinikit nito ang braso nito sa braso niya. She’s flirting with me. Nginitian siya nito ng matamis. Nagkunwari siyang tila may nakita para makausad ng kaunti palayo dito.



“Why? Sino ‘yon?” Napalingon din ito sa tinitingnan niya.



“Akala ko yung kasama ko.”



“Ah. Bakasyonista din pala ako. Taga…” Tumatango lang siya sa mga kwento nito. Kwento nito tungkol sa sarili nito. Why am I so bored? I’m with a sexy and a beautiful lady, pero parang wala lang. Hindi naman ako ganito dati. What happened to mr. playboy in town?



Natawa ang katabi niya. Kaya nakitawa rin siya kahit hindi niya alam kung ano ang pinagtatawanan nito. Gusto sana niyang umalis na, kaya lang nakakahiya naman kung basta na lamang niya itong iiwanan ng walang dahilan. Pasimple siyang lumingon sa paligid niya. Nang may mahagip ang mga mata niya.



Yes! Pasimple niya itong sinenyasan na lumapit sa kaniya pero dinedma lang siya nito. Argh! Ano bang problema no’n? Naiinis pa din ba siya?






( Princess’ POV )



“NASA”N ba kasi ‘yon?” Palinga-linga siya sa mga taong nasa pool, pero hindi niya makita si Aeroll. Bakit ko ba kasi hinahinap ‘yon, eh?



Nautusan lang naman siya nina Cath na hanapin ito. Kalahating oras na kasi itong hindi bumabalik sa cottage nila. Hindi pa daw ito kumakain. Baka daw nagugutom na ito. Baka daw nagtampo na ito sa kaniya. Baka daw nalunod na ‘to. Baka daw…Argh! Ang daming baka daw ang nadinig niya kanina mula sa dalawa kaya napilitan na lang siyang umalis ng cottage. Hindi para hanapin si Aeroll kundi para makalayo sa mga ito.



Kaya lang hindi naman niya mapigilang hanapin si Aeroll. Okay. Inaamin niya, nakonsensya siya kanina sa sinabi niyang insensitive ito. Medyo lang. Kasalanan naman kasi nito. Ang kulit!



Kumunot ang noo niya ng mapansin ang isang pamilyar na pigura na nakaupo sa gilid ng pool. Si Aeroll ba ‘yon? Oo, si Aeroll nga. Humalukipkip siya. Mukhang hindi naman ito gutom. Mukhang hindi naman ito nagtampo at mas lalong mukhang hindi naman ito nalunod. Dahil tawa pa ito ng tawa habang nakikipag-usap sa babaeng katabi nito.



Totoo nga ang sinabi ni Cath sa kanya no’ng nasa camphouse pa sila. Playboy talaga ‘tong Aeroll na ‘to. Ano bang paki ko? Kahit isang batalyong babae pa ang kausapin nito. Care ko. Tatalikod na sana siya ng bigla itong mapatingin sa kaniya. Sinenyasan siya nitong lumapit siya. Mag-isa ka! Dinedma niya ito at tinalikuran.



“Babe!!!” Napahinto siya sa paghakbang niya ng madinig ang sinigaw nito. Napalingon siya kay Aeroll at dagli ding napaatras dahil nasa harap na niya ito. Paanong nakarating ito agad sa tabi niya?



Pinanlakihan niya ito ng mata. “Anong babe ka diyan?!”



Hindi ito sumagot dahil hinawakan lang nito ang kamay niya at hinila siya palapit sa babaeng kausap nito kanina. Na ngayon ay nakakunot ang noo. Hinila niya ang kamay niyang hawak nito pero mahigpit ang kapit nito sa kamay niya.



“Aeroll, ano ba?!”



“Shhh…wag kang maingay. Makisama ka lang.”



Kumunot ang noo niya. Makisama saan?



Nakalapit na sila sa babaeng kausap nito. “Who is she?” tanong ng babae. “Your sister?”



Sister? Hello miss! Bulag ka ba? Magkamukha ba kami nitong katabi ko? Mas malabo pa ata ang mga mata nito kesa sakin. Akala mo kung sinong maganda. Akala—Napatingin siya kay Aeroll dahil binitawan na nito ang kamay niya at iniakbay sa balikat niya.



“She’s my girlfriend, Lea.” pakilala ni Aeroll. Nanlaki ang mata niya. Pasimple niya itong siniko.



“It’s Bea. Hindi mo naman sinabi na may girlfriend ka na pala.” Tiningnan pa siya ng babae na parang sinasabing ‘Duh! Siya ang girlfriend mo? Yan na siya?’



Akala mo hah! Kung makatingin ka diyan parang iniinsulto mo ko. May pataas-taas ka pa ng kilay diyan. She cleared her throat.  “Yes, I’m his girlfriend. Is there a problem with that, miss?” mataray at seryosong tanong niya.



Nakita niyang bahagya nagulat ang babae. Edi, natameme ka diyan. Porke’t naka-eyeglass siya, akala siguro nito, siya yung tipong mabait na nerd. Akala lang nito. Dahil sa likod ng eyeglass na ito ay ang matapang at palaban na si Princess.



Unti-unti siyang ngumiti ng hindi pa din ito kumibo. “Uy, miss ba’t hindi ka na sumagot diyan? Galaw-galaw baka ma-stroke.” biro pa niya. Nadinig niyang natawa ng mahina si Aeroll sa tabi niya. Siniko niya uli ito. Patawa-tawa pa ‘to.



Tabingi ang ngiti ng babae. “Ah, s-sige aalis na ko.”



“Oh,’ di ba nag-uusap pa kayo ng boyfriend ko.” madiing sambit niya sa salitang ‘boyfriend’. “Don’t worry, hindi naman ako selosa. Alam ko namang ako lang ang nag-iisang maganda sa paningin ni Aeroll.” Tiningala niya ito na ngiting-ngiti naman. “Right, babe?”



Inangat nito ang isang kamay nito at hinaplos ang pisngi niya. “Of course, babe. You are so beautiful. Much more beautiful kapag tinanggal natin ang eyeglass mo. Pero ayokong tanggalin dito, ang daming boys, eh. Baka makita nila ang mas maganda pang ikaw sa likod ng salamin mo. Dahil kung hindi ka selosa, kabaligtaran mo ‘ko. Seloso ako pagdating sa’yo. Gusto ko ako lang ang nakakakita sa mas maganda pang ikaw. You know why? Because this guy loves you so much. Kaya gusto akin ka lang, okay.”



Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito kaya para siyang tuod na napatitig na lang sa mga mata nito. Umaarte lang naman kami ‘di ba? Pero bakit gano’n? The way he said those words to her, bakit parang it all came from his heart? Pati tuloy yung puso niya, hindi mapakali dahil sa mga nadinig nito. Tugudog! Tugodog! Tugudog! Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya. Oh my! What is happening to her?



Arte lang ‘yon, Princess. Ituwid mo na ang bumabaluktot mong utak at kung anu-ano na ang naiisip mo sa simpleng sinabi ni Aeroll. Simple? Simple ba ‘yon? It was like a man was confessing his feelings to the girl he loves. Confessing? Feelings? Argh!



“Wala na siya. Hay salamat!”




Napakurap siya at bumalik sa huwisyo ng madinig na magsalita si Aeroll. At dahil medyo magulo ang takbo ng utak niya kani-kanina lang ay hindi niya agad nagets ang tinutukoy nito. “Sinong wala na?”



“Si Lea. I mean Mia. Ay hindi, ano bang name no’n? Ah, si Bea.”



Ah, oo nga pala. Napalingon siya sa babae kanina. Wala na ito sa kinatatayuan nito. Nasa’n na ‘yon? Masyado ba siyang na-engrossed sa pag-aanalyze ng sinabi ni Aeroll at hindi niya napansin na umalis na ang babaeng ‘yon?



“Thank you.” Bumalik ang tingin niya kay Aeroll.



Kumunot ang noo niya. “For what?”



“Dahil nakatakas ako kay Bea. Kanina ko pa gustong iwanan ‘yon. Hindi lang ako makatiyempo.”



“Gustong iwanan ba ‘yong panay ang tawa mo habang nakikipag-usap sa kaniya? Mukhang ang saya-saya mo nga habang kasama siya.” Natutop niya ang bibig niya. Ano ba ‘yong sinabi ko? It sounds like I’m jealous and a nagging girlfriend.



“Kanina mo pa pala kami tinitingnan.”



Kakaiba ang ngiti nito. “Hindi ‘no.”



“Ows?”



“Hindi nga. Bakit ba ang kulit mo?” Nang mapansin niya ang kamay nitong nakaakbay sa kaniya. “At nawiwili ka na din.” Tinanggal niya ang kamay nito sa balikat niya.



“Sorry. Nadala lang ako sa arte mo. Ang galing mong umarte, ah. Daig mo pa ko.”



So, arte lang talaga ang lahat. Pati ang sinabi nito. Arte lang. At bakit parang nakaramdam siya ng panghihinayang? Hay naku, Princess! Manahimik ka nga diyan!



“Nakakainis lang kasi ‘yong babaeng ‘yon. Nakita mo ba kung pa’no niya ako tingnan kanina? Parang hindi makapaniwala na girlfriend mo ako—I mean hindi naman talaga totoo. Pero the way she looked—”



“Don’t mind her.” putol nito sa sinasabi niya. “Mas maganda ka naman talaga sa kaniya.”



Kumislot ang puso niya. “Pwede ba, tapos na ang arte.”



“Totoo naman ‘di ba?”



“Tara na nga. Kanina ka pa hinahanap nina Harold.” Humakbang na siya ng magulat siya dahil hinawakan nito ang kamay niya.



“Yung kamay ko, ano ba?!”



“Shhh…gusto mo bang mabuko? Ikaw din ang mapapahiya. Nagtaray ka pa kanina tapos hindi naman talaga tayo.”



“Paanong mabubuko? Eh, wala naman na yong babae.”



“Yun ang akala mo. Nakatayo siya sa 9 o’clock mo. Ang sama ng tingin sa’yo.”



Napalingon siya sa tinutukoy nito. Nakita niya ang babaeng nakahalukipkip habang nakatingin sa kanila. Nakipagsukatan din siya ng tingin dito. Ano bang problema nitong babaeng ‘to? Saksak ko pa sa baga niya si Aeroll, eh.



“Tara na nga, baka awayin niya pa ang babe ko.” Hinila na siya ni Aeroll.



Napasunod siya dito. “Babe your face!”





. . .



4 comments:

  1. kyAhaHa in uR fACe bEa girL,,, waHaHa,,, tPANg Lang ni pRinceSs,,,

    ReplyDelete
  2. ayiiii!! bkit ksi nde nio lng dlwa totoohanin yan! bgay nmn keio ee... at tsaka at ng wla n tlgang umaligid kei aeroll!

    ReplyDelete
  3. gumaganun! sana totohanin na lang nila noh!

    ReplyDelete
  4. hahaha.. asus! kala ko nman mkkipgflirt din sya kei bruhang bea.. nagselos si princess!! deny pa sya tlaga.. ang cute!!!!! babe daw oh!!! kilig much!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^