CHAPTER
24
Nasa isang air-conditioned room
silang apat ngayon. Over night sila sa resort kaya kumuha sila ng one room for
four. Katatapos lang nilang mag-dinner, balak nilang mag-swimming uli pero
magpapahinga muna sila. Naglalaro sila ng baraha habang nagpapababa ng kinain.
Unggoy-ungguyan ang laro nila.
“Ano
ba ‘yan! Ako na naman ang unggoy!” reklamo niya. Papahidan ng lipstick ang mukha ng magiging
unggoy. Puno na ng lipstick ang mukha niya. Para na nga siyang lipstick na
tinubuan ng mukha. Ang lakas ng tawa ng tatlo niyang kasama matapos pahidan ng
mga ito ng lipstick ang mukha niya. Mero’n ding pahid ng lipstick ang mukha ng
mga ito. Pero mga tatlo o apat lang.
“Mukha
ka kasing unggoy, insan.”
pang-aalaska ni Harold sa kaniya.
“Sa gwapo kong ‘to.”
“Gwapo?
Ikaw?” sambit
ni Pricess. Tiningnan pa nito ang mukha niya. “Mukha ka ngang…” Hindi na nito naituloy ang sasabihin nito dahil
humagalpak na ito ng tawa.
“Sige
lang tawa pa.”
inis na sambit niya.
Tiningnan uli nito ang mukha niya habang
natatawa. Lalo pa itong natawa. Napahiga pa ito sa carpet na inuupuan nila
habang tawa ng tawa. “Ang sakit na ng
tiyan ko…ayoko na…”
Grabe ‘tong babaeng ‘to. Kung makatawa
wala ng bukas. Ngayon lang ba ito tumawa at bigay na bigay? Nang may maisip
siya. Sinenyasan niya si Cath na nakangiti habang nakatingin kay Princess na
ngayon ay nagpagulong-gulong na sa carpet.
“Bakit?” mahinang tanong ni Cath.
“Get
your camera.”
mahinang sambit niya sabay turo kay Princess.
Na-gets nito ang gusto niyang gawin dahil
tumayo na ito at kinuha ang camera nito. Nilapitan niya si Princess. “Hindi ka pa din titigil?” tanong
niya.
“Huwag
mo ngang ilapit…yang mukha mo…para kang…ewan sa itsura mo…” natatawang sambit nito.
“Ayaw
mo talaga, hah. Sige, gusto mo ‘yan, eh.” Kiniliti niya ito, tutal naman ayaw
nitong tumigil sa kakatawa.
“Aeroll!
Ayoko na!”
Natanggal na ang eyeglass nito.
“Hindi.
Gusto mo pa, eh.”
“Ayoko
na! Hindi na ako makahinga!” Pero patuloy pa din naman ito sa pagtawa. Nakadinig siya ng
ilang click ng camera. Napalingon siya kay Cath.
“Ang
ganda naman ng kuha ninyo dito.” sambit ni Cath.
“Patingin
nga honey.” Lumapit
si Harold dito. “Ang ganda nga. Bagay
kayo, ah.”
“Hoy
ano ‘yan? Patingin nga.” sambit
ni Princess. Tumigil na ito sa paghalakhak nitong wala ng bukas.
“Patingin
nga din.”
Lumapit siya sa mga ito. Nagkauntugan pa sila ni Princess dahil sabay pa silang
lumapit kay Cath.
“Ouch!”
“Sorry,
prinsesa.” Hinaplos
niya ang noo nitong tumama sa noo niya. “Masakit
ba?”
Umiling lang ito habang nakatingin sa
kaniya. At dahil wala ang eyeglass nito, kitang-kita niyang bakas pa din sa mga
mata nito ang tuwa gawa ng paghalakhak nito kanina. Hindi niya tuloy mapigilang
haplusin ang mga mata nito. Pero bago pa niya magawa ‘yon ay may nadinig siyang
malakas na tikhim mula sa gilid nila.
“Ehem!
Ehem! May tao pa po dito children.”
Sabay silang napalingon kina Harold at
Cath, ang lapad ng ngiti ng dalawa.
“Ahm,
maghihilamos na ‘ko.”
paalam ni Princess. Isinuot nito ang eyeglass nito. Tumayo na ito at dumeretso
ng restroom.
“Ngayon
mo sabihin—”
“Patingin
nga ng picture.”
putol niya sa iba pang sasabihin ni Harold sa kaniya.
“May
araw ka din, insan.”
Kumunot ang noo niya. “Araw para?”
“Basta.”
Tumayo na
ito. Binalingan nito si Cath na ngiting-ngiti lang. “Honey, maghilamos ka na din. Magsi-swimming na tayo.” Pumasok na ito
sa isa pang restroom na nasa loob ng room ding ‘yon.
“Thank
you, Aeroll.”
sambit ni Cath.
“For
what?”
“For
making my bestfriend laughed like this.” Inabot nito ang camera sa kaniya.
Napangiti
siya habang
nakatingin sa kuha nila ni Princess. Ang
gwapo ko talaga kahit puno ng pahid ng lipstick ang mukha ko. At ang ganda ng
tawa ni Princess dito. Buhay na buhay.
“Ngayon
lang ba siya tumawa ng ganito na parang miss na miss niya ang pagtawa?” tanong niya nang hindi
inaalis ang tingin sa kuha nila ni Princess.
“Nakakatawa
naman. Kapag kaming dalawa lang. Pero maliban sakin, alam kong ngayon lang siya
tumawa ng ganyan.”
Tumayo na ito. “Nang dahil sa ibang
tao.”
Kumunot ang noo niya. Napatingin siya
dito. “Nang dahil sa’kin?”
“Sino
pa ba?”
Pumasok na ito sa nakabukas na restroom
na pinasukan ni Harold. “Umusad ka nga,
Harold. Ako naman. Malunod ka diyan sa tabo. Saka wag kang mag-aksaya ng tubig.”
“Opo,
honey. Masusunod po kayo.”
( Princess’ POV )
KAYO na
ang sanay lumangoy. Kayo na ang nakakapunta sa malalim. Ako na ang langoy aso.
Ako
na ang parang batang nandito sa mababaw, maktol niya sa isip habang nakatingin sa
tatlong naglalanguyan sa malalim na bahagi ng pool. Nasa four feet lang siya. Samantalang ang mga
ito, nasa eight feet ata.
Hindi na siya pinilit ng mga
itong sumama sa mga ito. Buti naman. Dahil pagkakaltukan niya ito pag pinilit
pa siya.
Sinubukan niyang mag-floating
pero ayun, lumubog lang siya. “Hay naku,
Princess. Huwag ka ng magtangka.”
Sinubukan naman niyang
sumisid, pero umaangat naman agad siya. “Okay,
Huwag nang ipagpilitan ang hindi kaya.” Nakuntento na lang siyang tumayo at
nilubog ang katawan sa tubig hanggang leeg niya. Malamig na kasi. Alas otso na
ata ng gabi.
“Hi
miss!”
Napalingon siya sa likuran
niya. Isang lalaki ang nabungaran niya. May itsura ito kaya lang sa mga ngiti nito
sa kaniya at sa hagod ng tingin nito sa katawan niya. Mukha itong manyakis!
Lumubog uli siya sa tubig.
Naka-short naman siya kaya lang manipis naman ang ipinangpatong niyang pang-top
sa swimsuit niya. Umatras siya ng ilang hakbang.
“Alone,
miss?”
“I’m
not alone.”
“She’s
with her boyfriend and that’s me.” Napalingon siya sa likuran niya. Sa taong bigla na lang
umakbay sa kaniya.
( Aeroll’s POV )
“INSAN,
tingnan mo.”
“Ang?”
“May
lumapit sa prinsesa mo.”
Napalingon siya sa lugar na Princess na
pinag-iwanan nila kanina. Sa mababaw lang ito. Hindi na niya pinilit itong
sumama sa malalim. Baka masabihan na naman siyang insensitive nito. Kumunot ang
noo niya ng makitang may lumapit na lalaki dito. Mabilis siyang lumangoy
palapit dito.
Nadinig pa niyang tinawag ni Harold ang
lumalangoy na si Cath. “Honey, tara
dito. May panonoodin tayo.”
Nakalapit na siya dito kaya nadinig pa
niya ang sinabi ng lalaki.
“Alone,
miss?”
Nakangisi pa ito habang hinahagod ng tingin si Princess.
“I’m
not alone.”
sagot ni Princess.
Sumingit na siya. Hinawakan niya ang
magkabilang balikat ni Princess. “She’s
with her boyfriend and that’s me.”
Napalingon ito sa kaniya. “Aeroll.”
Nginitian niya ito. “Kaya ayokong iniiwan kang mag-isa. Tingnan mo tuloy, ilang minuto lang
akong nawala,” Tiningnan niya ang lalaki. “,may umaaligid na agad sa'yo."
“Ah,
sorry, pare. I don’t know na may boyfriend na pala siya.”
“Ngayong
alam mo na, alam mo na siguro ang dapat mong gawin. Back off.”
“S-sorry.” Lumangoy na ang lalaki palayo
sa kaniya.
Binalingan niya si Princess. “Ba’t ganyan ka?”
“Anong
ganito?”
“Bakit
‘pag ako nagagawa mo akong sagut-sagutin, sungitan at tarayan? Tapos ‘yong
lalaking ‘yon, wala ka man lang ginawa.”
Humalukipkip ito. “Pa’no ko magagawa ‘yon eh bigla ka namang dumating? Sumingit ka na
agad. Nagpakilala ka pang boyfriend ko. Sana pinabayaan mo muna ako. Sige,
pabalikin mo ‘yong manyak na ‘yon, saka ko siya susungitan at tatarayan. Hindi
lang ‘yan, makakatikim pa siya ng gulpi de gulat. ‘Yon ba ang gusto mo? Sige,
pabalikin mo!”
Kumunot ang noo niya. “Manyak? May ginawa ba siya sa’yo?”
“Hah?
Ano namang gagawin no’n sakin? Baka bago pa siya makalapit sakin, nasipa ko na
ang balls niya ‘no!”
Hindi niya mapigilang matawa sa sinabi
nito. Seryoso pa ito habang sinasabing sisipain ang balls ng lalaki.
“Anong
itinatawa-tawa mo?”
“Wala.
Tara na nga.”
“Anong
tara?”
“Doon
kina Cath.”
“Ano?
Ayoko nga.” Todo-iling
nito.
“Akong
bahala sa’yo. Ayoko namang iwan ka dito.” Napalingon siya sa nilanguyan ng lalaki
kanina. Bago ibinalik ang tingin kay Princess. Baka bumalik pa ‘yong mokong na ‘yon.
“Bhest!
Tara na nga dito!” sigaw
ni Cath.
“Oh,
tinatawag ka na ng bestfriend mo. Tara na.” Inilahad niya ang kamay niya dito.
Napatingin ito sa kamay niya at sa kaniya.
Napabuntong-hininga ito. “Hindi ako sanay lumangoy. Baka malunod ako
pag nasa malalim tayo.”
Hinaplos niya ang ulo nito. “Don’t worry. Ang prinsipe mo ang bahala
sa’yo, prinsesa.”
Tinabig nito ang kamay niya. “Prinsipe ka diyan!”
Napangiti siya. “Alipin na lang. Gwapong alipin. Ano na, tara na.”
Napangiwi ito. “Dito na lang ako.”
“Ayoko.”
Napatigil
siya sa sinabi niya. “I mean, hindi
pwede.”
“Baka
kasi…”
“Hindi
ko na tatanungin ang dahilan kung bakit ka takot sa malalim kaya tara na.” Dahil parang nakukuha ko na. I just need confirmation from you. Pero
hihintayin na lang kita na ikaw mismo ang kusang mag-kwento sakin.
Napayuko ito. “Muntik na kasi akong malunod dati…”
Sabi
ko na nga ba. Inangat
niya baba nito. “Don’t worry, panlaban
ako sa swimming dati sa school namin. Hindi ka malulunod basta ako ang kasama
mo. Hindi ko hahayaang malunod ka. Mas mauuna akong malunod kesa sa’yo. Kaya
tara na.” Hindi niya alam pero kusang lumabas sa mga labi niya ang mga
salitang ‘yon. Wala siyang panahong i-analyze ang mga sinabi niya.
“No!”
Nagulat siya sa tono ng pananalita nito. “What?”
“Hindi
pwedeng malunod ka ng dahil sakin. O kahit na sino! Ayoko ng mangyari ‘yon!
Ayoko na!”
Mabilis itong lumayo sa kaniya at umalis sa pool. Nagtatakbo ito palayo.
Nakakunot ang noong sinundan niya ito ng
tingin. “May sinabi na naman ba ‘kong
mali?”
“Aeroll,
nag-away na naman ba kayo ni bhest?” Napalingon siya kina Cath at Harold.
Nasa likuran niya ang mga ito.
“I
don’t know. Inaya ko lang siyang lumapit sa inyo. I just told her na mas mauuna
akong malunod sa kaniya kaya…hay ewan! may mali ba sa sinabi ko?”
“Yeah.”
Kumunot ang noo niya. “Anong mali do’n?”
“Ayaw
ko ng ikwento ‘to pero sige, sasabihin ko na din. Pero bago ‘yon, wag niyong
ipapaalam na alam niyo na. Ayaw kasi ni bhest na kinukwento ko ang buhay niya
sa iba. Gusto niya siya ang kusang nagku-kwento.”
“Ikwento
mo na, honey.” pangungulit
ni Harold dito.
Binalingan ito ni Cath. “Ikaw, Harold, wag kang madaldal, okay.”
“Opo,
honey. Hindi ko po ida-daldal ang iku-kwento mo, promise.”
Tinapik ni Cath ang pisngi ni Harold. “Okay, naniniwala na ko sa’yo. Nag-promise
ka na, eh.”
Sumingit na siya sa paglalambingan ng mga
ito. “Guys, bago tayo langgamin dito sa
pool, ikwento mo muna Cath kung anong mali sa sinabi ko.”
“Insan,
pano’ng langgamin dito? Edi nalunod na yung mga langgam.”
“Sanay
lumangoy ang mga langgam.”
sambit niya.
“Kailan
pa?”
“Ngayon
lang.”
“Uy!
Iku-kwento ko na.”
untag sa kanila ni Cath. Sabay silang napalingon dito. Tumikhim muna ito bago
nagsimula. “Kasi ganito ‘yon…”
. . .
May UD na po ang first FTV kong A Kiss click here for the Chapter 1!
May new short story po ko, pa-read din po, Dreaming ang title click here!
Maraming salamat readers. muah! ♥♥♥
ang cute nila pag nagkukulitan!! ang sweet!!
ReplyDeletepwedeng maging artista ung dalawang to.. instant gf and bf lagi ang drama eh.. haha
madaming fears pala ang prinsesa,gud thing to the rescue lagi ang knight and shining armor prince aerol! ang gwapo mo!!
ano ba yan!! inggit ako sa kanila cath and harold!!
sana ako nlng si Princess, haha, para partner kami ni Prince Aeroll, ang lee minho ako, lol ^___^
ReplyDeletepag ginagawa ko ang mga scenes nila aeroll en princess, ini-imagine kong ako yon haha ..
ajssuusjeju! putek nmn, ang lkas makkkilig nitong chpter n 2!!! wahhhhh!
ReplyDelete