Thursday, October 18, 2012

Love at Second Sight : Chapter 25



CHAPTER 25
( Princess’ POV )




Tumakbo siya palayo. Palayo saan? Hindi niya alam. Basta tumakbo lang siya. Napapatingin tuloy sa kaniya ang ibang nakakasalubong niya. At wala siyang pake! Care ba nila! Trip kong mag-jogging sa gabi, eh.

 
Buti na lang at gabi. Hindi nakikita ng mga ito ang mukha niya. Kahit may liwanag na nagmumula sa poste ng ilaw na nasa gilid ng dinadaanan niya, nakayuko siya habang tumatakbo.



 Huminto siya sa isang kahoy na upuang nakita niya. Nasa ilalim ‘yon ng puno. Malayo sa daanan ng mga tao. Tama ‘yon sa pag-eemote niya. Napabuntong-hininga siya. At marahas na pinahid ang luhang pumatak na sa pisngi niya.



“Hindi pwedeng malunod ka ng dahil sakin. O kahit na sino! Ayoko ng mangyari ‘yon! Ayoko na!”


Napapikit siya ng maalala ang sinabi niya kay Aeroll kanina. Bakit naman kasi nasabi ko pa ‘yon? Nagtataka na naman ‘yon kung bakit ko nasabi ‘yon. Baka ngayong oras na ito, nagtatanong na ‘yon kay Cath.  At ito namang bestfriend niya, sasabihin dito.


Hindi niya din maintindihan ang bestfriend niya nitong mga nakaraang araw. Masyado ‘tong malapit kay Aeroll. Mas malapit pa nga kay James. Argh! Erase! Erase!


Huminga siya ng malalim. Ng malalim. Tumingala siya sa langit. Ang dami ko talagang kadramahan sa buhay. Kasalanan ko naman kasi, eh. Dahil ayaw niyang pag-usapan ang mga pangyayaring pilit niyang kinakalimutan, ito tuloy ang napapala niya. Masyado siyang nagiging sensitive kapag may nababanggit lang na bagay na may kinalaman sa mga ‘yon.


Si Aeroll naman kasi. Ewan ba niya at anong mero’n sa lalaking ‘yon. Kalahi ata nito si Madam Auring dahil lagi nitong nasasapol ang mga bagay na may kinalaman sa mga bagay na kinalimutan na niya. Argh! Ang gulo ng sinabi ko.


Napahawak siya sa tiyan niya ng kumalam ‘yon. Nagugutom ka na naman, Princess? Kakakain lang natin, ah.







ALAS dose na pero hindi pa din siya makatulog. Bumangon siya at umupo sa kama. Kinuha niya ang eyeglass niya sa side table at isinuot. Nilingon niya ang mga kasama niyang natutulog din sa kaniya-kaniyang kama. Buti pa ‘tong mga ‘to. Mga nananaginip na, samantalang ako, gusto na ngang gumawa ng panaginip, ayaw naman ang panaginip sakin. Hay…hindi naman kasi siya inaantok, eh.


Alas onse sila nagsipagtulugan kanina. Hindi na siya bumalik sa pool. Hinintay na lang niya ang mga ito sa cottage room nila. Kumain na lang siya ng kumain habang naghihintay sa mga ito. Hindi na bumalik ang mga ito sa paliligo. Hindi na lang siya nagtanong kung bakit.


Niyakap niya ang tuhod niya. Nagpunta pa kami dito, tapos hindi man lang ako nakapag-swimming. Nagswimming kahit sa kids pool. Kanina lang nung hinila siya ni Aeroll tapos nung nag-walk out siya. Yun lang.


Napatingin siya kay Aeroll na nasa katapat niyang kama. Nakadapa ito. Tahimik ito ng dumating ito kanina. Pati sina Harold at Cath. Hindi na din siya nag-usisa pa kung anong drama ng mga ito.


Gusto kong magswimming…


Dahan-dahan siyang bumangon at pumunta ng banyo. Isinuot ulit niya ang pinangligo niya kanina. Dahan-dahan din siyang lumabas ng cottage room nila.


May mga nasasalubong siya sa daan. Madami ding taong naliligo ngayong gabi. Mas gusto din niya ang night swimming. Ang init naman kasi kapag sa umaga. Sobrang init pa naman ngayon ng araw. Parang kapag tumagal ka ng ilang minuto na nakabilad sa araw. Matutusta ka na.


Umupo siya sa tabi ng pool. Ilang feet kaya ‘to? Lumingon siya at hinanap ang sign kung ilang feet ang pool. Napangiwi siya. Nine feet. Umatras na lang siya ng upo.


Napatingala siya sa langit. Ang daming stars. Kung magugunaw kaya ang mundo, magbabagsakan kaya ang mga ‘to? At totoo kayang magugunaw na ang mundo ngayong 2012? Hay! Ano ba ‘tong iniisip ko. Matagal pang magugunaw ang mundo. Mag-aasawa pa siya.


Paano ka makakapag-asawa, eh wala ka na ngang—


“Oo na!” putol niya sa iniisip niya.


“Tsk, mukhang lumuwag na ang turnilyo mo, ah.”


Napalingon at napatingala siya sa nagsalitang ‘yon. Kumunot ang noo niya. Nakapang-ligo ito. Ibinalik niya ang tingin sa pool.


“What are you doing here?” tanong niya. “Natutulog ka na kanina, ah.”


“Oo nga. Nagising lang ako ng mauhaw ako. Tapos napansin kong wala ka sa kama mo. Naisip kong baka pumunta ka dito. Kaya sinundan kita.” Umupo ito sa tabi niya.


Kumunot ang noo niya. “Bakit sinundan mo pa ko? At saka bakit nakapang-paligo ka pa? Parang alam mong maliligo ako, ah.”


“Hah? Ano…baka balikan ka nung manyak kanina. At kaya ko nakapangpaligo kasi ano…gusto kong maligo…yon.”


Mas lalong kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Dahil parang hindi ito sure sa sagot nito sa kaniya. Hindi na lang siya nagtanong.


“Gusto mong maligo, prinsesa?”


Napalingon siya dito. “Talagang tinodo mo na ‘no? Prinsesa na talaga ang tinatawag mo sakin.”


Napakamot ito ng noo. “Nasanay na, eh. Ligo tayo.” Tumayo ito at hinila ang kamay niya.


Binawi niya ang kamay niyang hawak nito. “Dito na lang ako.”


“Princess.”


Napatingala siya dito. Seryoso ang mukha nito. Hindi niya inaasahan ang gagawin nito dahil bigla itong nag-dive sa tubig. Akala nga niya isasama pa siya nito kaya napakapit siya sa sahig.


“Anong problema no’n?”


Ang tagal nitong lumitaw mula sa ilalim. “Nasa’n na yon? Aeroll?” Wala pa din siyang makitang Aeroll na lumitaw. Kinabahan na siya.


“Aeroll naman, nasan ka na ba? Wag mo nga kong lokohin! Sisipain kita!” Wala pa ding Aeroll na lumitaw.


Naku po! Baka nalunod na ‘yon. Kating-kati na ‘yong paa niyang tumalon sa tubig at hanapin ito sa ilalim. Ano ba ‘yan?! Sana sanay na lang akong lumangoy. Sisigaw na sana at hihingi ng tulong ng biglang lumitaw ang ulo nito sa tubig. Seryoso pa din ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya.


“Ano bang problema mo ha?!” inis na sambit niya.


“You want to jump on the water, right? Akala mo siguro nalunod na ako. Kaya lang hindi ka makatalon kasi hindi ka naman sanay lumangoy.”


Nang-aasar ba ‘to? At bakit ba lagi nitong nahuhulaan ang mga sinasabi niya?


Lumapit ito sa kaniya. Isang braso ang layo nito sa kaniya. Nakaupo siya sa gilid ng pool. Nasa tubig naman ito.


“Wala namang masamang matakot, eh. Okay lang na matakot ka. Kaya lang, ayaw mo bang subukang harapin yung takot mo? Naharap mo yung takot mo sa pagsakay sa motor ‘di ba? This time, can you do it again? Not for me, but for youself. Para next time na may mahal ka sa buhay na…alam mo na…halimbawa lang na malunod at ikaw lang ang pinakamalapit sa kaniya. You can help him or her. Ayaw mo ba no’n?”


Ilang saglit siyang hindi umimik dahil sa sinabi nito. Bakit parang alam na alam nito ang pinagsasabi nito na para bang alam nito ang dahilan ng kinatatakutan niya. Si Cath! Nakwento na naman siguro no’n dito. Napabuntong-hininga siya. “G-gusto ko kaya lang…ano…”


“Kaya lang natatakot ka. You just need someone to help you. And this second time around, ako na naman siguro ‘yon. Okay lang sakin. Ikaw ang gusto kong tanungin? Okay lang ba sa’yo na tulungan kita? Baka kasi mamaya, nagsasawa ka na sa gwapong kong mukha.”


Napayuko siya at napapikit. Ramdam niyang nag-iinit na ang sulok ng mga mata niya. “Bakit ganyan ka?”


“Princess…”


“Why are you so…so concern to me? Kahit ang sungit ko sa’yo minsan. I think, hindi lang minsan dahil madaming beses na ‘yon. Kahit hindi maganda ang pagkikita natin no’n. Kahit ilang araw pa lang tayong magkakilala, pero bakit ganyan ka sakin?” Pinahid niya ang luha niyang pumatak na. “Nakakainis! Napaka ko talaga!”


“Look at me, Princess.”


Hindi niya alam kung bakit siya napasunod nito dahil napaangat ang tingin niya dito mula sa pagkakayuko.


“I don’t know why. I just…I just want to help you.”


Hindi pa din siya naliwanagan sa sagot nito.


Inabot nito ang kamay nito sa kaniya. Ngumiti na ito. “Tara na sa tubig. Ang sarap kaya dito. Don’t worry, hindi kita bibitawan. Basta kumapit ka lang. O kahit wag ka ng kumapit. Ako na lang ang hahawak sa’yo. Hinding-hindi ako bibitaw sa’yo.”


Napatingin siya kamay nito at kay Aeroll. “Promise?”


“Promise, prinsesa. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa’yo. Hindi ko hahayaang malunod ka. Trust me.”


May kung anong humaplos sa puso niya dahil sa sinabi nito. Trust me. Yun din ang sinabi nito no’ng sumakay sila ng motor.


Inabot niya ang kamay nito. Lumapit ito sa kaniya. Kasabay ng paglapit nito ay agad siyang kumapit sa leeg nito ng tuluyan siyang lumusong sa pool.


“Prinsesa, ang sabi ko kapit lang. Hindi kapit-linta.” 


5 comments:

  1. ang sweet ni aerol!!! gosh!! where can i find someone like him??? tumitili na ako sa kilig!!

    hahaha.. chance mo na yan princess!! nkakapit ka na sa hunkilicious na body ni aerol.. haha,sulitin nah..

    ReplyDelete
  2. aY naKu nMn nMaN nMaN,,, naGwawaLa aq sa sObraNg paRa na daWakOng baLiw sBi ng mgA kaKLase eH cLa riN nMn muKhaNg mgA ewAn,,, hwaHahA,,,

    ReplyDelete
  3. i will read this kapag tapos na para hindi bitin. ((:

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^