Monday, October 22, 2012

Love at Second Sight : Chapter 26

CHAPTER 26
( Princess’ POV )

Ano daw, kapit-linta? Unti-unti niyang niluwagan ang kapit dito. Pero naramdaman niyang pumulupot ang isang braso nito sa kaniya.


“Kapit-linta ka diyan! Manahimik ka nga!”


“Woah! Nagsungit ka naman diyan.” natatawang puna nito. “You want to learn how to swim, prinsesa?”


Matagal bago siya sumagot. Tumango lang siya.


“Floating muna ang ituturo ko sa’yo. Madali lang ‘yon, eh.”


Hindi niya alam pero na-excite siya. Gusto na talaga niyang matuto. “Sige, sige. Punta na tayo do’n sa mababaw.”


“Excited, ah. Parang bata. Pero mamaya na.”


“Hah? Ngayon na. ‘Di ba gusto mo na ‘kong matuto?”


“Oo nga, pero later na.”


Kumunot ang noo niya. Bakit later pa kung pwede namang ngayon na?


Hindi na ito umimik kaya hindi na din siya umimik. Tahimik lang sila habang nakalutang sa tubig. “Ahm, Aeroll. Hindi ka ba napapagod?”


“Nope. Enjoy nga, eh.” mahinang sambit nito.


Tama ba nag nadinig niya? Enjoy daw ito. Saan? Napatingin siya sa ayos nila. Ganitong-ganito din ang ayos nila ng hilahin siya nito sa tubig kanina. Ang initimate naman kasi ng ayos nila. At nag-eenjoy ito sa ayos nila? Gano’n?


Hinila niya ang buhok nito.


“Aray naman!” reklamo nito. “Bakit ba? Malagas yung buhok ko.”


“Malalagas talaga ‘yan kapag hindi pa tayo pumunta sa mababaw.”


“Ang moody mo talaga. Gusto mo na bang pumunta sa mababaw?”


“Kanina ko pa sinasabi, ikaw lang ang ayaw diyan.”


“Ako? Ayaw ko?”


“Ay, hindi sila.” Itinuro niya ang ibang naliligo.


Natawa ito ng mahina. “May hinihintay lang tayo.”


“Sino?”


May kung ano o sino itong nakita sa bandang likuran niya. Napalingon siya sa tinitingnan nito. Kumunot ang noo niya. Gising din sila? At nakapang-ligo din ang mga ito.


“Honey, langgam ba ‘yong nakikita ko sa pool?” tanong ni Harold.


“Dalawang malaking langgam, honey.” sagot naman ni Cath.


“Kung kayo kaya ang ipakain ko sa mga malalaking antik?” sambit niya.


“Ito naman si bhest, binibiro lang.”


“Bakit ang tagal niyong dalawa?” tanong ni Aeroll sa mga ito.


“Medyo tinagalan talaga namin.”


“Para ano…basta.”


“Teka, don’t tell me, gising talaga kayo?” tanong niya.


“Oo.” sabay na sagot ng dalawa.


“Kanina pa kayo gising?” tanong ulit niya.


“Hindi talaga kami natulog. Isang oras nga akong kumanta ng kumanta sa isip ko para hindi lang ako tuluyang makatulog.” sagot ni Cath.


“Bakit?”


“Hinihintay ka namin, bhest. Ang tagal mo naman kasing bumangon, eh.”


“How did you know na babangon nga ako?”


Inakbayan ni Harold si Cath. “Magaling ang honey ko, eh. Same wave length daw kasi kayo kaya alam niya ang iniisip mo.” Si Harold ang sumagot.


Nilingon niya si Aeroll. “Ikaw din? Kanina ka pa gising? Hindi totoo yung sinabi mong nagising ka lang?”


Ngumiti ito. “Oo. Hinintay ka namin. Alangan namang mag-swimming kami ng hindi ka namin kasama.”


Napangiti siya. “Ang sweet niyo naman.”


“Mas sweet pa sa inyong dalawa.” wika ni Cath.


“Honey, naiinggit ako sa kanila. Kapit ka din sakin. Kunwari hindi ka sanay lumangoy.”


Binelatan ito Cath. “Ayoko nga.”


Tumabingi ang ngiti ni Harold. “Kahit kailan ang sweet mo talaga, honey.”


“Bakit parang labas sa ilong?”


“Hindi, ah. Labas nga sa bibig ko.” Hinawakan nito ang kamay ni Cath. “Sabay na lang tayong tumalon.” Sabay na tumalon ang dalawa habang magkahawak-kamay.


Tawa siya ng tawa dahil si Harold pa talaga ang kumapit kay Cath ng nasa pool na ang mga ito.


“Prinsesa.”


Napatingin siya kay Aeroll. “Hmm…”


“Takot ka pa?”


Kinapa niya ang dibdib niya kung nakakaramdam siya ng takot. Umiling siya. “Hindi na masyado.”  Siguro dahil ito ang kasama niya ngayon. She felt safe with him which was weird. Bakit kaya? Ay, Erase! Kung anu-ano naman ang iniisip ko. “Ahm, thank you, Aeroll.”


“Your welcome. Tara na.”


“Hah? Saan?”


“Tuturuan na kitang lumangoy.”








“BHEST, aalis na kami.” paalam sa kaniya ni Cath. “Inumin mo na ‘yang gamot mo.”


Sinenyasan lang niya ito ng ‘okay’. Ayaw niyang magsalita at tinatamad siya. Nakadinig siya ng pag-sarado ng pinto. Umayos siya ng higa sa kama at namaluktot.


Pagdating nila kaninang umaga galing sa resort. Naramdaman na niyang sumasakit ang puson niya. She have. Buti na lang at nakapagswimming na sila. Kundi, sayang ang bakasyon niya dito ng hindi man lang siya nakapag-swimming. Summer na summer pa naman.


Kinapa niya ang unan niya at inipit ‘yon sa tiyan niya. “Ang sakit…” daing niya.


Bihira pa namang sumakit ang puson niya kapag mero’n siya. Pero siguro dahil medyo naging emotional siya at madaming iniisip this past few days, eto, gumanti ang menstruation niya. Hindi tuloy siya nakasama kina Cath.


Nilingon niya ang side table kung saan nakapatong ang pain killer niya. “Ano ba yan! Walang tubig…”


Gusto sana niyang tumayo kaya lang naghihina siya. Tinatamad siyang tumayo. Bababa pa siya sa kusina. Nalalayuan siya. Pero kailangan na niyang uminom ng gamot.


Unti-unti siyang bumangon nang biglang bumukas ang pinto.








( Aeroll’s POV )


NASA sala sila ni Harold kasama ang lolo’t lola niya. Dadalaw sila sa mga pinsan niya kasama ang grandparents niya. Alas-sais naman sila nakauwi kanina kaya nakapagpahinga pa sila ng ilang oras. Kumunot ang noo niya ng bumaba si Cath na mag-isa.


“Nasa’n si Princess?” tanong niya.


“May dalaw siya at may dysmenorrhea siya. Hindi siya makakasama.”


“Nakainom na ba siya ng gamot?” tanong ng lola niya.


“Hindi pa po. Pero may pain killer na po siya do’n.”


“Saglit lang. Ibibilin ko lang siya kay Fe.” sambit ng lola niya. Yung mayordoma ng bahay ang tinutukoy nito. “Mahirap ang masakit ang puson kapag may regla.”


“Fe! Maley hale!” tawag ng lola niya kay Manang Fe.


Lumabas mula sa kusina si Manang Fe. “Ase hay, ‘Nay?” Nanay na ang tawag ni Manang Fe sa lola niya. Ito na ang nakakasama ng grandparents niya dito sa bahay. Maliban kay Mang Kanor at sa isang katulong.


“Pakidalhan na lang ng tanghalian si Princess sa kwarto niya mamaya. Masakit ang puson ng bata at baka hindi makababa.”


“Sige ‘Nay.”


“Tara na mga apo.” aya ng lola niya sa kanila. “Si Kanor ba nasa sasakyan na?”


“Opo, lola.” sagot ni Harold.


Napatingin siya sa hagdan na parang nakikita ang kwarto nila Princess. Kaya pala kanina pag dating namin, ang tahimik niya. Akala ko nga na-badtrip na naman ng walang dahilan. Kawawang prinsesa. Masakit pa naman ang may dysmenorrhea.


“Insan, tara na.”


Napalingon siya kay Harold. Nasa pintuan na ito. Nakalabas na pala ang lolo’t lola niya pati si Cath ng hindi niya namamalayan.


Lumingon uli siya sa hagdan. “Okay.” Humakbang na siya palabas ng bahay.








( Princess’ POV )


SI CATH ang nalingunan niya. “Naiwan ko pala ang phone ko, bhest. Yung gamot mo, inumin mo na.” Mabilis itong pumasok at mabilis din itong lumabas. Hindi tuloy niya nasabing ‘pahingi ng tubig’.


Napangiwi siya ng maramdaman ang sakit ng puson niya. Feeling niya distorted na yung fes niya. Ang sakit naman kasi! Yung tipong parang gusto mong iuntog ang ulo mo sa sakit na nararamdaman mo. Hindi mo alam kung paanong pwesto ang gagawin mo para maibsan yung sakit.


Pinagpapawisan na nga siya ng malapot. Ayaw naman niyang buksan ang electric fan. Ayaw niya ng malamig o kahit na anong hangin. Mas lalong sumasakit ang puson niya kapag gano’n.


Bumangon siya sa kama at padausdos na umupo sa sahig. Ipinatong niya ang ulo niya sa gilid ng kama. Napatingin siya sa katapat na salamin at napangiwi. Mukha kong ni-rape na ewan sa itsura ko, ah. Suot niya pa yung eyeglass niya. Para siyang mangkukulam. May twist, mangkukulam na nerd ang itsura niya sa gulo ng buhok niya na nawala na sa pagkakapusod niya.


Napahawak siya sa tiyan niya. I need to take my pain killer. Now.


Nang maramdaman niyang bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Hindi na siya nag-abalang iangat ang ulo mula sa pagkakayukyok sa gilid ng kama. Si Cath na naman siguro ‘yon.


“Bhest…kuha mo tubig…” Parang barok na ewan na utos niya. Ganito siya kapag may nararamdaman siyang sakit. Shino-shorcut niya ang sasabihin niya. Nanghihina na nga siya, hahabaan pa ba niya ang sasabihin niya? Edi bawas energy pa ‘yon.


“Hey! Okay ka lang?” Kumunot ang noo niya. Hindi si Cath ang pumasok ng kwarto niya.


4 comments:

  1. ate nman.. ssobrang bitin nman to.. hahaha.. pero as in!! kilig much!! gusto ko talaga yung swimming scene!! hahah.. awh,kawawa nman ang prinsesa..

    ReplyDelete
  2. KOreK,,, aNg sKit Kya kPag dysMenOrreA,,, gRabE kaPag nga aq nuN hiNdi na aq nkKaPaSOk,,, wAWa aNg pRinseSa,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. me too.. ganyan ang nararamdaman ko like princess, ganyan na ganyan ako ><

      Delete
    2. nbitin aq! waaaaaaaaah! ud po agd ate!!!!

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^