Sunday, October 21, 2012

Dreaming : Chapter 3

CHAPTER 3
Jen’s POV

THIS IS the day that I’ve been waiting for! Nandito na siya sa venue. Hindi na sa hotel. Mas maluwag ang venue ngayon. Libo din ang kasya dito. Sa dae ba naman ng fans ni Lee Min Ho dito sa Pilipinas. Hindi lang ang Minoz Fans Club ang nandito. Halos lahat ng fans ni Lee Min ho.


At alam niyo ba kung san ang pwesto ko? Sa unahan. Sa pangalawang hilera Wahaha. For sure, kitang-kita niya si Lee Min Ho sa pwesto niya. Sure na sure.


Napatili siya ng in-announce na ng host ng event na ‘yon ang “Lee Min Ho!” Pero sa totoo lang, mahaba pa yung sinabi ng host. Lee Min Ho lang ang natandaan niya.


Ayan na! Ayan na siya!


“Ahhhhhh!!!!!!” Ang lakas ng tili niya ng tuluyan na niyang makita si Lee Min Ho. Shit! Ang gwapo niya! Parang gusto niyang himatayin na lang. Pero hindi, kailangan niyang masilayan ang mahal niyang si Lee Min 
Ho.


Kumaway ito sa kaniya. Oo, inaangkin niya ang kaway nito.


“I Love you, Lee Min Ho!!!” malakas na sigaw niya. Kaya nagulat siya ng magtama ang mga mata nila. Teka! Tama ba ang nakikita niya? Sa kaniya ba talaga ito nakatingin ngayon o nag-ha-halucinate na naman siya? Pero parang sa kaniya talaga ito nakatingin, eh.


“Anyong haseyo!” masayang bati nito habang hawak ang mike. “Kam sa hab ni da for coming. Kamusta kayo?”


Kumunot ang noo niya. Kinalabit niya si Raine na nasa kaliwa niya. “Sanay siyang magtagalog?”


“Oo. Ano ka ba, para namang hindi mo alam. Ikaw nga ‘tong nagsabi sakin.”


“Ako?” Tinuro niya ang sarili niya.


“Ewan ko sayo!”


Bakit parang hindi ko alam? Saka wala naman akong matandaan na may sinabi ako kay bhest, ah. Hmm..


“Bago po ang lahat…” Bumalik ang mga mata niya kay Lee Min Ho. Bumalik na din ang mga ngiti niya.  


“I’m sorry kung na-atras sa original date ang pagkikita natin.”


“Okay lang!!!” sigawan ng mga babae sa paligid niya.


“Thanks. May gusto lang akong i-share kung okay lang sa inyo.”


“Okay na okay!!!”


“First time kong pumunta dito sa Pilipinas at masasabi kong inside and out, maganda ang Pilipinas. Lalo na yong mga taong nakasalamuha ko.” At habang sinasabi ang mga ‘yon ay nakatingin ito sa kaniya. Sa kaniya ba talaga? Pero sa kaniya talaga, eh. Ngumiti pa ito. Shit!! Makalaglag undies naman ang ngiti nito! Lord, please, ilayo niyo ko sa tukso at baka mapatakbo ako sa stage nito at yakapin ng mahigpit si Lee Min Ho.


“And there was one particular person na nakaagaw ng pansin ko.” pagpapatuloy ni Lee.


Hah? May nagustuhan siya dito? Eh, kakarating lang niya. Ano ba ‘yan! Sana ako na lang. Ako na lang!


The day na sana magkikita tayong lahat, umalis ako no’n. Gusto ko kasing mapag-isa. Yung tipong magagawa ko ang gusto ko. Gusto ko ding mag-experiment. Paano kaya kung hindi ganito ‘yong itsura ko? Magiging mabait pa din kaya sakin ang mga tao kung hindi si Lee Min Ho ang makikita nila kapag nakaharap nila ako? Kaya nag-get up ako, yung tipong walang makakakilala sakin at kung titingnan nila ako, weirdo ang magiging tingin nila sakin.”


Kumunot ang noo niya. Teka…bakit parang…


May kung anong inangat ito. Panyo? “At alam ninyo ba ang na-experience ko ng araw na ‘yon?”  


Natawa ito. “I can’t believe it. First time na may nagsungit sakin. Pero may reason naman siya, napagkamalan niya kasi akong stalker niya at nabangga ko siya, ng dalawang beses pa. First time na may sumigaw sakin. At ‘yon ay dahil takot na takot siya. First time na ako ang sumunod sa isang tao. Pero kahit ganon, pinagbibigyan niya ako sa mga gusto ko. Sa kabila ng itsura kong ewan, pinakisamahan niya pa din ako. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na kami ng tao dahil tirik ang buwan, nakasuot pa din ako ng shades. At kahit hindi niya ako lubusang kilala, as in pati pangalan namin hindi namin nasabi sa isa’t isa, pinagkatiwalaan niya ako.”


Napangiti ito. “Masaya pala. Yung feeling na pagkatiwalaan at pakisamahan ka ng isang tao, hindi dahil si Lee Min Ho ang nakikita nila sayo kundi ibang tao. Pero hindi pa din maiwasang ikumpara niya ako kay Lee Min Ho, I mean yung ako na nagpanggap kay Lee Min Ho. Sabi nga niya, die hard fan ko siya.”


Natutop niya ang bibig niya. “Oh my God!!!” Mahigpit niyang hinawakan ang braso ni Rhaine. “Bhest!! 


Ako yung tinutukoy niya!! Ako yon!!”


“What!? Panong magiging ikaw? Nananaginip ka na naman ng gising dyan!”


“Basta ako yon!!”


“I don’t know her name pero alam kong nandito siya. Gusto ko lang isoli yung panyo niya.”


Tumahimik ang paligid.


“Ako yon!!!!” malakas na sigaw niya. Napunta sa kaniya ang atensyon ng lahat.


“Oo, siya nga ‘yon.” nakangiting segunda ni Lee Min Ho.


The next she knew, nasa stage na siya at nakaharap kay Lee Min Ho.


“Kaya pala magkaboses kayo…kaya pala parehas kayo ng tawa…kaya pala…kasi ang lalaking weirdo na yon at ikaw ay iisa. Ang saya ko!! Ang sabi ko okay lang na makita ng malapitan, pero ngayon…ang lapit-lapit mo na sakin. Nananaginip lang ba ko?”


“Gusto mo ng proof?” nakangiting tanong nito.


Oh my God! Parang titiklop na yung tuhod ko. “O-oo.” Hindi mawala-wala ang ngiti niya.


Kaya nagulat na lang siya ng yakapin siya nito.


“I’m not dreaming…”


“You’re not.”


Pumikit siya. “Thank you. Thank you sa lahat-lahat. Thank you for being my inspiration sa lahat ng ginagawa ko. Kam sa hab ni da, Lee Min Ho.”


“Don’t worry. Hindi mo lang siya makikita ng malapitan, mayayakap mo pa siya. At mahahalikan.”


Napangiti siya ng maalala ang sinabi nito ng nasa Enchanted Kingdom pa sila. Totoo nga. Tinupad niya ang promise niya. Ang Lee Min Ho ko…


Nang mapadilat siya. Teka. Yung huli niyang sinabi…


“At mahahalikan.”


Hanggang sa maramdaman niyang lumayo sa kaniya si Lee Min Ho. He cupped her face with his two hands. 


At unti-unting bumaba ang mukha nito sa mukha niya.


Nanlaki ang mga mata niya.


Ganito oh --> O_O


Is he going to kiss me? In front of this people?


What am I gonna do?


Sa lips niya ba ko hahalikan?


Oo nga, sa lips nga!


Ilang inches na lang.


Nadidinig niya ang hiyawan ng mga tao.


“Oh my!!!”


“Hindi pwede!!”


“Wag Lee Min ho!!”


“Ako na lang!!”


“Don’t break my heart!!”


Iyon ang mga nadidinig niyang hiyawan ng mga tao.


Napangiti siya. Mamatay kayo sa inggit! Wahahahaha!


She didn’t close her eyes. Gusto niyang makita ang fes ni Lee Min Ho. Ang gwapo nitong mukha nito. Ang makalaglag na undies nitong ngiti. Ang tumatawa nitong mga mata.


“Nan neun ye pu da.” nakangiting sambit nito.


Napangiti siya. It means ‘you’re beautiful.’ And I’m beautiful. ^^


Onti na lang.


Malapit na.


Segundo na lang.


Maglalapat na ang mga labi nila.


Mahahalikan na niya ang idol niya.


At sa lips pa.


10..


9..


8..


7..


6..


5..


4..


3..















“Jen! Gising na!”


“Ano ba! Two seconds na lang, mahahalikan ko na siya! Inggit kasi kayo!”


“Mukhang nananaginip ka ata!”


“Anong nananaginip kayo dyan? Baka kayo.”


Isang malakas na tampal sa braso niya ang nagpamulat ng mga mata niya.


“Where is my Lee Min Ho?” agad niyang tanong dahil hindi niya nabungaran si Lee Min Ho sa harap 
niya.


“Sinasabi ko na nga ba.”


Napalingon siya sa mama niya at agad na napabalikwas ng bangon.


“Panaginip na naman ‘yon?” nanghihinayang niyang tanong. Oo. Na naman. Kasi madalas niyang mapanaginipan ito. Mga twice a week lang naman, haha.


“Oo, panaginip lang. Bumangon ka na dyan at aalis ka pa diba?”


Nanlalatang napahiga uli siya sa kama niya. “Mama naman…bakit nyo po ko ginising agad? Two seconds na lang, mahahalikan ko na si Lee Min Ho, eh.”


“Bahala ka na nga dyan. Managinip ka ng gising.” Tumingala ito sa kisame ng kwarto niya at napailing.


“Bakit ‘Ma? Narealize nyo na bang may gusto din kayo kay Lee Min Ho ko?” nangingiting tanong niya.


Tiningnan siya nito. “Bumangon ka na nga dyan. Gutom lang ‘yan.” Lumabas na ito ng kwarto niya. 


Tumitig siya sa kisame. Sa mga pictures ni Lee Min Ho.


“It’s only just a dream…hay…parang totoo talagang nangyari…sayang talaga. Si mama naman kasi, wrong timing, eh. Two seconds na lang, hindi pa ako pinagbigyan.” Niyakap niya ang unan niya at ipinikit ang mga mata. Inalala niya ang panaginip niya.


“Kaya pala medyo magulo ang panaginip ko. Kaya pala gabi agad ng pumunta ko sa enchanted, eh, umaga ako umalis sa bahay. Kaya pala takot ako sa heights, kaya pala sanay siyang magtagalog, kaya pala…dahil ang sabi nila, kabaligtaran ng panaginip ang nangyayari sa real world. At never mangyayaring mayayakap at mahahalikan ko si Lee Min Ho.”


Napangiti siya. “At least napanaginipan ko uli siya. At ang ganda ng panaginip ko. Sobrang ganda. Kinikilig ako, ayyiiiiih!” Impit siyang tumili sa unang yakap niya.


Matapos ang isang minutong pagtili ay tumitig uli siya sa kisame. Kinausap niya ang mga pictures ni Lee Min Ho.


“Hindi man kita nahalikan sa panaginip ko, at least nayakap naman kita. At ngayon may bonus pa dahil makikita na kita. Kaya kailangan ko ng bumangon dahil mag-mi-meet na tayo ng labidabs ko.”


Bumalikwas siya ng bangon nang biglang mag-ring ang phone niya. Si Rhaine ang tumatawag.


“Anyong haseyo!” masayang bati niya.


“Bhest, nakakainis!”


“Why? Bakit may nangyari ba?”


“Cancel ang ‘Meet with the Minoz Philippines.” malungkot na sagot ni Rhaine.


Napatayo siya sa ibabaw ng kama niya. “What!?!?”



To be continue...

[Disclaimer: Photo/s in this chapter were edited by Aiesha Lee. Credit goes to the owner/s of the original photo/s used.]

Love at Second Sight : Chapter 26  POSTED!
A Kiss [FTV] : Chapter 3 POSTED!



3 comments:

  1. fuSchiAnesS,,, aTey kiLig na kiLig n kaMi dtO,,, naKikitiLi kaMi sa kswEetaN ni LeE miNho,,, tapos
    TapOs
    TaPOs
    tApoS
    TApoS,,,


    WaAaaaAaaah,,, panaGiniP LnG pLa,,, mY goOdneSs,,, morE,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha, more two chapters nlng po ito .. short story lang sya eh,

      Delete
  2. gosh!! kala ko talaga ano na eh.. isang hibla na lang ng hair eh,ayun na sana.. hahaha..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^