Saturday, October 27, 2012

Dreaming : Chapter 4

CHAPTER 4
Jen’s POV

Halos magkandarapa siya sa pagtakbo palapit sa elevator. Habang hawak ang cp niya at tinetext si Raine. Hindi tuloy niya napansin ang isang taong palabas ng elevator. Nagkabungguan tuloy sila. Nabitiwan niya ang phone niya at lumagpak sa sahig. Muntik pa siyang sumama sa paglagakpak ng phone niya kundi lang siya naalalayan ng taong bumangga sa kanya.


“Bya ne yo.”


Nang matigilan siya. Teka, nangyari na ‘to ah. Sa panaginip ko!


“Lee Min Ho!” gulat na sambit niya sabay tingala sa lalaking nakahawak sa beywang niya.


Isang matangkad na lalaki ang tumambad sa kaniya. Wala itong suot na shades. Wala itong mustache. Wala itong cap na suot. Pero may nunal ito sa ilalim ng kaliwang mata nito. At kilalang-kilala niya ang pagmumukha ng lalaking ito. Hindi ito si Lee Min Ho. Alam niyo ba kung sino ‘tong bumangga sakin?


Si Marrion. Siya ang first and last boyfriend ko. Ex na ngayon. One and a half year niyang naging boyfriend. Two months nang ex. At alam ninyo ba ang lagi naming pinag-aawayan? Si Lee Min Ho. Wala na daw kaming time sa isa’t isa. Busy na nga daw ako sa work ko, busy pa daw ako kay Lee Min Ho. Hanggang sa lumaki ang issue at naghiwalay kami. At naiinis ako. Alam niyo kung bakit? Dahil hanggang ngayon may nararamdaman pa din ako sa mokong na ‘to! At para mapagtakpan ‘yon, magsusungit ako katulad ng kadalasang ginagawa ko kapag nagkikita kami! Nakakainis naman kasi ito. Lagi akong binabara, katulad ngayon…


“Nothing change, huh? Baliw na baliw ka pa din sa koreanong ‘yon to the point na mapagkamalan mo pang ako siya.”


See? Sabi ko sa inyo, eh. If I know, nagseselos lang ‘to. Ayaw pa kasing aminin na gusto pa din ako. Hmp! Asaness naman ako na mahal pa din ako nito. Simula ng magbreak kami, lagi na lang itong inis kapag nakikita ako. Heller! Sa ganda kong ‘to! Pero nakakainis! Bakit ba kasi kumakabog pa din ang dibdib ko kapag nagkakalapit kami ng ganito?!


“So? Ano naman sa’yo? Bitiwan mo nga ako!”


Matagal bago siya nito bitiwan. Pinulot nito ang phone niya sa sahig at inabot sa kaniya.


“Wag kasing puro si Lee Min Ho ang iniisip mo, yan tuloy nakakabunggo ka ng ibang tao.”


“Ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo. Dyan ka na nga!” Tinalikuran na niya ito at pumasok sa elevator na kakabukas pa lang. Kaya nagulat siya ng sumunod ito sa loob. Agad nitong pinundot ang close button. Ang lagay, eh, silang dalawa lang ang nasa loob. Nagsumiksik siya sa gilid. At humalukipkip.


“What are you doing here? Sinusundan mo ba ako?”


“I’m the son of the owner of this hotel baka nakakalimutan mo.”


Oh! Bakit ko ba nakalimutan? Oo nga pala! Ang shunga ko naman!


“Fine! Eh, anong ginagawa mo dito sa elevator na ‘to?”


“Sumasakay.”


“Nothing change huh, favorite subject mo pa din ang Philosophy.”


Nagulat siya ng humakbang ito palapit sa kaniya. Napasandal tuloy siya sa dingding ng elevator. Itinukod nito ang dalawang kamay nito sa magkabilang gilid niya. Hindi tuloy siya makalayo dito.


Ngumiti ito. Ang ngiti nitong nagpa-inlove sa kaniya dito. “You want to know the truth, honey?”


“Hindi mo ako honey!”


“You are my honey.” may diing wika nito.


“Ano bang problema mo!?”


“Ikaw ang problema ko!” Nagulat na lang siya ng yakapin siya nito. “Naiinis ako sayo. Bakit hindi pa din kita makalimutan? Two months, Jen, and I can’t keep you away from my head, away from my heart. Dahil hanggang ngayon, I still love you. Ikaw pa din. Kaya panong hindi ako maiinis sa’yo!”


Napangiti siya. “Marrion…” Edi umamin ka din.


“Kaya gagawin ko ang lahat, mabawi lang uli kita kay Lee Min Ho. That’s a promise.”


“Hindi naman—” Pinutol ng halik ni Marrion ang sasabihin niya. Saktong pagbukas ng elevator ay humiwalay ito sa kaniya.


He cupped her face. “I miss you so much, honey.”


“Ooops! Mukhang naistorbo ko ata kayo.”


Sabay silang napalingon ni Marrion sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya. Si Rhaine! Agad siyang humiwalay kay Marrion at lumabas ng elevator. Sumunod ito sa kanya.


“Ikaw bhest, ah, wala kang nababanggit. Nagkabalikan na pala kayo ng honey mo.” tukso ni Rhaine sa kanya.


“Ano…hindi…kasi…” Ano ba yan! Bakit ba ako nauutal na ewan?  Nang maalala niya kung bakit siya nagmamadali kanina.


“I just—” hindi na natuloy ni Marrion ang sasabihin nito dahil sumingit agad siya.


“Bhest! Totoo ba? Hindi matutuloy ang event ngayon? Na-move ba ng date?” sunod-sunod niyang tanong. “Paano yan hindi ko na makikita si Lee Min Ho?”


“I’m just kidding, bhest, naniwala ka naman.” natatawang wika ni Rhaine.


“Bwisit ka!” Kinurot niya ito sa gilid nito. “Tara na! Excited ko na siyang makita ng personal!” Hinila na niya ito.


“Jen naman, si Marrion.” madiing bulong nito sa kaniya.


Napangiwi siya. “Shit!” Napalingon siya kay Marrion na ngayon ay nakakunot-noo na habang nakatingin sa kaniya.


“Mag-usap muna kayo. Sumunod ka na lang.” wika ni Rhaine bago humakbang palayo sa kanila.


Ano bang sasabihin ko sa kanya? Eh, mukhang pag sinabi kong saka na kami mag-usap after nitong event na ‘to baka hindi na ako kausapin ng lokong ‘to. Para naman kasing sira, buti sana kung simpleng mamamayang Pilipino lang si Lee Min Ho, pwede nya pang pagselosan. Eh, hindi eh. sikat na korean actor ang pinagseselosan nito. Ito yata ang dapat na ipasok sa mental, eh.


Si Lee Min Ho o si Marrion?


Ang pangarap kong si Lee Min Ho o ang iniibig ko pa ding si Marrion?


Ang malayong-kamay ko na si Lee Min Ho o ang abot-kamay kong si Marrion?


Matagal kong hinintay si Lee Min Ho, pero hindi naman no’n alam na nag-eexist ang magandang ako.


Two months lang akong nag-antay kay Marrion, heto, siya na mismo ang nagsabing he still loves me.


Once in a lifetime lang na makikita ko ng personal si Lee Min ho.


Pwede ko pang makita uli si Marrion. Pero what if ito na yung first at last chance na binigay ng tadhana para saming dalawa?


Sino sa kanilang dalawa?


Si Lee Min Ho o si Marrion?         


Hindi pa siya nakakapag-desisyon ng dahan-dahang lumapit sa kaniya si Marrion.


Hinila nito ang kamay niya. “Tara nga dito.”


The next she knew, yakap na siya nito. Napangiti siya. That moment, alam na niya ang tanong sa sagot niya. Ito ang pipiliin niya. Bakit? Simple lang, dahil mahal niya ito. At si Lee Min Ho, kahit baliw na baliw siya dito, siguro naman magbabalik pa ‘to dito sa Pilipinas. O kung hindi man, siya ang pupunta sa Korea. Wahehe.


“You don’t need to choose between us. Alam ko naman kung sino ang pipiliin mo.” wika ni Marrion. “Pero pagbibigyan kita ngayon. Baka kasi tuluyan ka nang madala sa mental pag hindi mo nakita ang Lee Min Ho mo.” Humiwalay ito sa kaniya.


Ikaw ang pinili ko! sigaw ng isip niya.


“Let’s go. Sasamahan na kita.” Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya papunta sa lugar ng venue.


“Sasama ka?”


“Of course. Baka maagaw ka pa sakin ni Lee Min Ho.”


Napangiti siya. “Ang sabihin mo nagseselos ka lang.”


Napasimangot ito. “Of course not. Sa gwapo kong ‘to.”


“Ikaw naman ang pinili ko, eh.” mahinang sambit niya.


“What?”


“Wala. Ang bingi mo kako. Tara na nga.” Siya na ang humila dito.


“Wag ka ngang atat. Hindi mawawala yun don noh!” inis na wila nito.


Napangisi siya. “Inis ka na nyan?”


“Hindi!” Hindi daw pero nakasimangot.


“Talaga?”


Huminto ito. “Hindi na pala ako sasama.”


“Bakit?”


“May gagawin pa ko.” Humakbang na ito paatras pero nanatiling nakaharap sa kaniya.


“May nakalimutan ka?”


Ngumiti ito. “Nan no rang pyong seng hal ke yo.”


( A/N : Nan no rang pyong seng hal ke yo – I miss you very much )


Oo sanay itong mag-korean. Dito nga siya nagpaturo ng ilang korean-g alam niya. Pero konti lang ang tinuro nito, mga simple words lang. Baka daw kasi pag natuto siya, puro si Lee Min Ho na lang daw ang kausapin niya. Sira ulo talaga!


Napangiti siya. “Me, too.”


Lumapad pang lalo ang ngiti nito. Napangiti ito. “Sa rang he, yo bo.”


( A/N : Sa rang he – I love you , Yo bo - Honey )


Mag-de-deny pa ba siya? “Na do sa rang he.” wika niya.


( A/N : Na do sa rang he – I love you too )


Humakbang uli ito pabalik sa kaniya. He cupped her face with his two hands. Dahan-dahang bumaba ang mukha nito sa mukha niya.


Teka! Parang nangyari na ‘to sa panaginip ko? O baka naman nananaginip na naman ako?
Inatras niya ang mukha niya. “Teka lang!”


“Bakit na naman?”


“Am I dreaming?”


“What?”


Siya na ang kusang humalik dito. Lihim siyang napangiti. I’m not dreaming.


















Iminulat niya ang mga mata niya. Napahawak siya sa labi niya at napangiti. Nanaginip pala ako. 



To be continue...


AieshaLeeNote: Coincident or what, nalaman ko lang last night na pupunta si LEE MIN HO dito for his new endorsement, Bench, haha, alam ninyo bang para akong si Jen ng malaman ko yon kaya nga natatawa ako, yung nangyari kay Jen, nangyari sakin, haha, except sa panaginip, haha, at sobrang excited na ko, dis november na yon and i hope na makapunta ko....
waaaaaaah! ^________^

2 comments:

  1. LEe miNhO pa riN aq,,, ayOko kEi maRriOn,,, tSsss,,,

    ReplyDelete
  2. haha.. i really like this story.. nakakakilig..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^