Saturday, October 27, 2012

A Kiss [FTV] : Chapter 4, The Finale

CHAPTER 4
“Revenge Kiss”
THE FINALE
Is it? 

( Lee’s POV )

Party Time.

Kanina pa niya tinatawagan si Dara pero hindi nito sinasagot ang phone nito. Naiinis na siya. Sinubukan uli niyang tawagan ‘to pero hindi talaga nito sinasagot.



“Nasan ba ‘yon?!” inis na sambit niya. Sinabi naman niyang pupunta siya. Pero bakit hanggang ngayon wala pa din siya?!

Kinalabit siya ni Woon. “Lee, si Dara.” Itinuro nito si Dara.


Napatayo siya sa nadinig niya. At nilingon si Dara. Palapit na ito sa gawi nila. Seryoso ang mukha nito habang deretsong nakatingin sa kaniya. Kumunot ang noo niya. May problema ba?

At habang papalapit ito ay mas lalong kumunot ang noo niya dahil sa tingin nito sa kaniya. Bakit parang may iba sa kaniya ngayon? Except for the fact that she looked beautiful tonight.


Tatanungin na sana niya ito ng tuluyang makalapit ito sa kaniya. Pero hindi na niya nagawa ‘yon. Because Dara grab his collar. 



At sa pagkagulat niya, she kissed him right on his lips, right in front of his friends na halatang nagulat sa ginawa nito.


What the— (O_O)








( Dara’s POV )

Huminga muna siya ng malalim bago pumasok sa venue ng party ni Lee. Napatingin siya sa phone niyang kanina pa ring ng ring. Si Lee ang tumatawag. Sobrang late na niya. And she doesn’t care. Ito ang gusto niya, madaming makakakita sa gagawin niya.

“It’s party time, Dara.” Humakbang na siya papasok. Madami nang tao. Pamilyar ang ibang mukhang nakikita niya. Taas noong naglakad siya.



Hawak niya ang phone niya, na ramdam niyang nagba-vibrate. Nang mapadaan sa isang mesa ay basta na lamang niyang inuhulog ‘yon sa basong may lamang alak.

Hinanap ng mga mata niya si Lee. Nakita niya ito kasama ng mga kaibigan nito. Nakita niya itong napatayo at lumingon sa gawi niya. 



Deretso niya itong tiningnan ng magtama ang mga mata nila. Bahagyang kumunot ang noo nito. Marahil ay napansin nito ang kakaibang tingin niya dito.

CREDIT for this picture: letsplay2ne1.wordpress.com

Nang tuluyang makalapit, she immediately grab his collar. And kissed him right on his lips. Right in front of his friends, na mga nanlaki ang mata habang nakatingin sa kanila.

She closed her eyes. Five seconds. Just like what he did to her. Lee… bulong ng traydor niyang puso dahil sa paglalapat ng mga labi nila.

CREDIT for this picture: letsplay2ne1.wordpress.com

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Tiningnan niya si Woon na sa gilid lang nila. Sinenyasan niya ito. Napakamot ito ng ulo. “Patay ako nito.” wika nito. Binigay nito ang tseke na dapat ay kay Lee nito ibibigay, ayon sa usapan nila.


Lumayo na siya kay Lee. Iniharap niya dito ang tseke. At pinunit sa mismong harap ng mukha nito. At basta na lamang itinapon sa ere. Kumunot ang noo nito.


Napangisi siya ng makita ang mukha nitong puno ng pagtataka sa mga nangyayari habang nakatingin sa kaniya.

Kinuha niya ang singsing sa bulsa niya. Iyon ang singsing na binigay nito ng gabing pagpustahan siya nito at ni Woon. Itinaas niya ‘yon. Napatingin ito sa singsing. 


Napangisi siya ng dahan-dahang bitawan niya ‘yon.

CREDIT for this picture: letsplay2ne1.wordpress.com

Sa mismong tapat ng isang basong may alak. Saktong na-shoot ‘yon. Just what he did to her. Bayad ‘yon sa kinuha niyang halik dito.

Tiningnan niya si Lee. Takang-taka pa din ito sa mga nangyayari.

“Dara, anong…”


Nginitian niya lang ito.

At taas noong tinalikuran ito. Lahat ng bisita ay nasa kanilang dalawa ang mga atensyon. Nagbubulungan. At wala siyang pakialam.








( Lee’s POV )

“Anong…” Yun lang ang nasabi niya kay Dara. Nginitian lang siya nito bago siya talikuran. Wala ni isa mang salita itong sinabi tungkol sa ginawa nito. Para siyang estatwa sa kinatatayuan niya. Para siyang slow na hindi magets ang mga nangyari.


Anong nangyari?! What did she do?!

Napatingin siya sa tsekeng punit na nasa sahig at sa singsing na nasa baso. Mas lalong kumunot ang noo niya.

What was that all about? Teka, yung ginawa niya parang yung… Oo, tama, yung sa party! Alam ba niya ang naging pustahan namin ni Woon? At ginantihan niya ako? She gave me my own dose of medicine. That’s it! But how did she know? Nakalimutan ko na nga ang pustahang ‘yon.


Do’n lang siya napalingon kay Dara.

At naiinis siya! Dahil napahiya siya sa mismong party niya. Bakit, Dara?! Bakit!? Bakit ngayon pa kung kailan…?

“Pare, okay ka lang?” tanong sa kaniya ng isang kaibigan niya.


“I’m not!” gigil na sagot niya habang nakatingin kay Dara.

Gusto niyang sundan ito. Pero hindi naman niya maihakbang ang mga paa niya lalo na ng lumingon ito sa kaniya. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang galit. Na parang nagsasabing ‘Dapat lang sa’yo ‘yan.’


Parang tuod na lang siyang nakatayo sa kinatatayuan niya habang nakatingin sa papalayong si Dara. Hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin niya.








( Dara’s POV )


As she turned her back on Lee. Nawala ang ngiti niya. Bahagya niya itong nilingon. Kita niya ang inis sa mukha nito. Dahil napahiya ito sa mga tao.


Napahawak siya sa soda ring na ginawa niyang pendant sa kwintas niya. Hindi niya maitapon-tapon ‘yon. Dahil tuwing sinusubukan niyang itapon ‘yon, naalala niya ang araw na ‘yon no’ng concert kung san ramdam ng puso na nagpakatotoo sa harap niya si Lee, kahit kumokontra ang isip niya. Napabuntong-hininga siya.  

Kung naging totoo ka lang sana, Lee…

No, Dara! Stop it! Ayan ka na naman! saway niya sa sarili niya.


Binalik niya ang ngiti niya. Tama lang sa kaniya ‘yon, Dara. You just gave him his own dose of medicine. Para maranasanan niya kung paano ang pagtripan ng ibang tao.

Himakbang na siya palabas ng lugar na ‘yon. Palayo kay Lee. Palayo sa mga taong ito. Pero bago ‘yon. 

Nilingon niya pa ng isang beses si Lee. That’s my revenge kiss, Lee. Never forget that.


“Love is like a Cass, so if you keep shaking it you don’t know where it will splash.” – Dara

* * *

Sa mga taong mapaglaro sa pag-ibig, sige lang ituloy ninyo lang ‘yan. May karma din kayo. Because you will never know, ng dahil sa paglalaro ninyong ‘yan, kayo pa ang paglaruan ng tadhana. At pag dumating ang karma ninyo, puso ninyo ang tatamaan. Kaya ang payo ko, “ingat-ingat lang dahil ang karma, triple kung maningil. Hindi lang puso at isip mo ang magugulo, pati buhay mo…” – Aiesha


AieshaLeeNote: Finale na nga ba talaga? Hmm.. Parang hindi ata. Sa Mv ng Kiss, finale na talaga. Pero there is always a second chance right? Kaya may Epilogue pa. ^__^


Images in this chapter were screenshots and edited by Aiesha Lee. Please do not take without permission!
Some of it were not, credit under that photo/s were placed.





Disclaimer: This is a short story based on a music video. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic type is used if the line is from the lyrics of the song) No copyright infringement intended!!!
  
Meanwhile, the whole script/dialog is from the author's pure imagination.


4 comments:

  1. wala po kong twist na ginawa, abangan nyo na lng po yung EPILOGUE, salamat ng madae, muah ^____^

    ReplyDelete
  2. ~angel is luv~

    hindi na ako makapaghintay sa epilogue!!! walang twist? ano po mangyayari!!! waaaaaaaah!!!

    ReplyDelete
  3. awhh tapos nah!! this story is really made for pipol who likes to play games w/ anyone's heart.. hehe.. even if the story end up like this,super enjoy pa rin ako..

    mei Epilogue?? next UD na po pls..

    ReplyDelete
  4. buTi nMn mEi ePiLoguE pA,,, mbuTi nMan,,, sNa kHit guManti LnG c daRa mEi haPpy eNdiNg pariN s kNiLa,,, exciTed n aq s endiNg,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^