Saturday, October 27, 2012

Following Your Heart : Chapter 1


CHAPTER 1
( Shanea’s POV )


“The first time I saw you, I was walking down the street, saying dubadibidibidambididu. I stepped on a stone and you came after me. Saying dubadibidibidambididu. You looked good. You looked fine. Every—“


“Hoy pandak! Mali na nga yang lyrics mo ang pangit pa ng boses mo!”


“Saka, pede ba, wag ka na ding magsayaw, summer na summer papaulanin mo!”


Napahinto siya sa pagkanta with matching sayaw dahil sa dalawang epal na ‘yon. Ang dalawa niyang pinsang lalaki. Si kuya Harold at si Aeroll. Naka-motor ang mga ito.


“Hi Aeroll! Hi kuya Harold!” nakangiting bati niya sa mga ito. Lumapit siya sa mababang gate nila. “Anong ginagawa ninyo dito? Dinadalaw ninyo ba ko? Na-miss ninyo ba ko?”


“It’s KUYA Aeroll. Seventeen ka pa lang and I’m twenty. At bakit kay Harold, may kuya ka, bakit sakin wala, eh isang taon lang naman ang tanda niya sakin?”


“Gwapo daw kasi ako, insan.”


“Yeah, right. Mas gwapo ako sayo.”


“Mas madae akong naging girlfriends sayo.”


“Mas ako.”


Napangiti na lang siya sa pag-uusap ng mga ito. “Hep! Hep! Yan ba ang ipinunta ninyo dito? Akala ko naman na-miss ninyo ako.”


Sabay na napalingon ang dalawa sa kaniya at sabay ding sinabi, “Hindi ka namen na-miss.”


Napangiti lang siya. “Then what are you two doing here?”


“We just want to inform you pandak na uuwi na si Jed.” sagot ni Aeroll.


“Kailan?”


“Ngayon.”


“Kararating lang nila, uuwi agad?”


“O sige, bahala ka, sa America na ang deretso niya.” ngiting-ngiting wika ni kuya Harold.


Syempre hindi siya naniwala dito. Madalas siyang pagtripan ng mga ito, eh. Alam kasi ng mga ito ang pagsintang pururot niya kay Jed. Na hindi alam kung paano nalaman ng mga ito. Mga tsismoso nga kasi.


Sinakyan na lang niya ang sinabi ng mga ito. “Weh? Joke ba yan? Magpapaalam lang ako sa kaniya. Wait ninyo ko. Mag-stroll tayo. Isama natin si Jed.” Kasabay niyon ay deretso siyang pumasok ng bahay ng grandparents niya kung san siya tumutuloy kapag nagbabakasyon siya dito sa Romblon. Kinuha niya ang susi ng motor na regalo sa kaniya ng grandparents niya.


Pumunta siya sa kusina. “Lolo, lola, pupunta lang po ako kina Jed.”


“Ingat sa pagda-drive, apo.”


“Sige po.”sabay takbo palabas ng bahay.


Pagtingin niya sa gate, wala na ang dalawa niyang pinsan. Gumala na siguro ang mga ito sa iba pa nilang pinsan. Hindi man lang ako hinintay.


Katulad niya ay bakasyonista din ang dalawa. Do’n ito nag-is-stay sa bahay ng grandparents ng mga ito na grandparents din naman niya. Parents ng mga ama nito ang tinutukoy niya. Bunsong kapatid ng mga ama nito ang namayapa niyang ina. Mas pinili niyang dito mag-stay sa bahay ng magulang ng namayapa niyang ama. Oo. patay na ang parents niya. Bata pa lang siya ng mamatay ang mga ito. Kinupkop siya ng magulang ni Aeroll at tinuring na anak. Aeroll’s family lived in Bulacan, kaya sa Bulacan na siya lumaki. Sa Maynila naman nakatira ang pamilya ni Harold. Tuwing summer, nagbabakasyon sila dito sa Romblon.


Pinaandar na niya ang motor at tinahak ang daan papunta sa bahay nila Jed. Bakasyonista din ito. Taga dito si Jed sa Romblon noon, pero nung mag-highschool ito, tumira ang pamilya nito sa Bulacan. Sa same village sila nakatira. At doon niya din ito nakilala. O mas tamang sabihing napansin niya.


Malapit na siya sa bahay nina Jed nang matanaw niya itong palabas ng gate. Hindi siya nito nakita dahil sa kabilang direksyon ito dumaan. Mukhang pupunta ito sa tabing dagat.


Ipinarada niya ang motor sa tapat ng bahay nito. Mabilis siyang sumunod dito, pero hindi siya nagpahalata. Sampung hakbang na lang ang pagitan nila ng bigla itong magsalita.


“Shanea, I know it’s you.” hindi lumilingon wika nito.


Napangiti siya. “Ang galing mo talaga, Jed. Ganyan mo na ba ako kakilala? Kaya kahit nakatalikod ka, alam mong ako ‘to.” Binilisan niya ang lakad niya hanggang sa maapakan niya ang anino nito. Katulad ng nakagawian niya, hindi siya sumasabay dito. Nakasunod lang siya.


Hindi ito sumagot kaya kinulit niya ito. “Jed. Jed. Jed. Ang ganda talaga ng pangalan mo noh?”


Hindi pa din ito sumagot kaya dumaldal na lang siya.


“Uuwi na kami sa isang araw nila mamita sa Bulacan.” Mama ni Aeroll ang tinutukoy niya. Pinagsamang mama at tita ang mamita. “Eh kayo? Kailan kayo uuwi?”


Hindi ito sumagot kaya siya na ang sumagot sa sarili niyang tanong. “Oo nga pala, kakarating ninyo lang nung isang araw dito. Kami naman, dalawang linggo na. Kanda kasi naman, bakit nung isang araw lang kayo dumating? Yan tuloy hindi tayo nakapag-bonding.” Nang may maisip siya. “Aha! Alam ko na, punta tayo ng bayan, Jed. May singing contest ngayon do’n.”


“Ayoko.”


“Sa wakas, nagsalita ka din.” Yumuko siya at tiningnan ang anino nitong tinatapakan niya. “Tara, punta tayo sa bayan.” aya uli niya na tila hindi nadinig ang pag-ayaw nito. “Bili mo din ako ng biko, saka bibingka, saka—ouch!” Dahil sa anino nito siya nakatingin, hindi niya namalayang huminto ito. Nauntog tuloy siya sa likod nito.


Napahawak siya sa noo niya sabay tingala dito. Agad siyang napangiti ng makita ang mukha nito. Ang gwapo talaga niya kahit masungit ang dating ng fes niya. “Ang tigas naman ng likod mo, ang sakit no’n, ah.” reklamo niya.


Hinawakan nito ang noo niya. “Wala namang bukol.”


“Uyy…concern siya.” Tinusok pa niya ng daliri ang gilid nito. Napaigtad ito. Alam niyang malakas ang kiliti nito sa gilid nito.


“Shanea!” saway nito.


“Sabihin mo munang concern ka.”


“I’m not.” Iyon lang at tumalikod na ito.


“Sabi ko nga, as if naman na maging concern ka sakin.” bulong niya. Sumunod na siya dito.


“Shanea, hindi ka ba napapagod?” hindi lumilingon tanong nito.


“Saan? Sa paglalakad? Hindi naman. Exercise din ito, ah.”


“Hindi iyon.”


“Eh, saan?”


“Sa pagsunod sakin.”


Saglit siyang napahinto sa sinabi nito. Pero agad din siyang sumunod dito ng lumayo na ang anino nito. “Nakukulitan ka na sakin noh?”


“Punta tayo ng bayan.” sa halip ay sagot nito.


Namilog ang mga mata niya. “Talaga, Jed?” First time kasi nitong ayain siya ng date. I mean, nag aya sa kung saan. Madalas, ay hindi, mali, lagi palang siya ang nag-aaya ditong pumunta sa kung saan-saan. Minsan sumasama ito kapag hindi niya ito tinitigilan. Pero mas madalas, hindi ito sumasama.


Humarap ito sa kaniya. “Ayaw mo?”


“Gustong-gustong-gustong-gustong-guto-gutos.” Nabulol pa siya. “Basta madaming gusto. Tara na.” Hinila na niya ang kamay nito pabalik ng bahay.


“Hey! Lakarin na lang natin.”


“Yung motor ko nasa bahay ninyo, mag-motor na lang tayo.”


“Naka-motor ka?”


“Oo. Alangan namang lakarin ko lang simula samin hanggang dito noh. Ang layo kaya no’n. Hindi naman sa malayo, pero nakakatamad ding lakarin ‘yon.” Napaisip siya sa sinabi niya. Pag itong si Jed ang sinusundan niya, wala siyang pakialam kung ilang metro ang lalakarin niya.


“Hindi ka ba nadala?! Nasemplang ka na last summer diba?! ”


Nabitiwan niya ang kamay nito sa lakas ng boses nito. Tinakpan niya ang bibig nito. “Shhh..ang ingay mo, baka may makadinig at isumbong ako kina lolo. Baka bawiin nila yung motor sakin. Sayang yon noh. Edi wala na akong service kapag nandito ako. Ano yon, mamamasahe pa ako? Sayang din yung pamasahe ko. Magkano din ‘yon.”


Tinanggal nito ang kamay niya sa bibig nito. “Ang dami mong sinabi. Dapat nga sinumbong na lang kita. Ang tigas talaga ng ulo mo!” Ito lang kasi ang nakakaalam na nasemplang siya. Magkasama sila ng mangyari ‘yon.


“Eh, bakit hindi mo ako sinumbong?”


Kumunot ang noo nito. “Hindi lang ako sumbungero.” Inilahad nito ang palad nito. “Give me the keys. Ako ang magda-drive.”


Nginitian niya ito. “Ako na lang.”


“Ako ang mag-da-drive o mag-isa kang pupunta sa bayan?”


“Ikaw ang mag-da-drive at ililibre mo ako. Wala kasi akong dalang pera, eh. Baka magutom ako.”


“Ang takaw mo talaga. Don’t you know the word diet?”


Napatingin tuloy siya sa katawan niya. “Mataba ba ko?”


“Answer yourself. The keys, Shanea.”


Kinuha niya ang susi sa bulsa niya, pero bago niya ibigay ‘yon ay humirit pa siya. “May photo booth sa bayan, pa-picture tayo hah.”


Napabuntong-hininga ito. “Alright, nang matahimik ka na.”


“Yes!” Napatalon pa siya sa tuwa.


* * *




1 comment:

  1. grabe ang kulit nya!!! parang vander lang??hahaha.. ang cute nila.. hmmn.. masungit din pala tong si jed,pero infairness di nya ma resist ang charms ni shanea..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^